Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata - 1

KABANATA  1



Ramdam ni Tria ang paggapang ng malamig na sensasyon sa kanyang katawan. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa takot niyang makita siya ni Alvin o dahil takot siyang mabasa rin nito ang nabasa ng boss niya sa kanyang mga mata: na siya ay nahihirapan pa rin.

At ayaw niyang makita iyon ng lalaki.

Sandaling ipinikit niya ang kanyang mga mata. Isang parte niya ay gustung-gustong makita ito at makausap. Sabik na muling maramdaman ang presensiya nito. Umaasam na maaayos ang masakit na nakaraan.

Ngunit kahawig at kasintangkad lang pala ng ex niya ang kanyang namamasdan.

Nanikip ang dibdib ni Tria. Bakit hanggang sa airport ay nakikita pa rin kita?!

Mabilis na uminit ang sulok ng mga mata niya. Gusto niyang umiyak doon mismo sa gitna ng maraming tao. Gusto niyang ipagsigawan sa ex na napakasakit at sobrang unfair ng ginawa nito sa kanya. Siya na inalagaan nang husto ang relasyon nila pero siya ang nasaktan at naging kawawa sa huli. Oo, nangungulila pa rin siya rito. Hinahanap-hanap pa rin niya ito.

Humugot siya ng malalim na hininga. Ang isang parte niya na lumalaban at gustong lumimot ay nanaig. Pinilit niyang hindi magpadala sa emosyon. Determinado na mag-move on.

"He's not worth your love and commitment," pakonsuwelo niya sa sarili.

Pagdating sa waiting area, pumili siya ng upuan na may power outlets sa tabi. She reached for her tab charger, found a vacant socket, and went to plug it in. Bigla, may bumungad. Nasa aktong magsasaksak din. When she looked up, medyo lumaki nang kaunti ang mga mata niya.

It's him! hiyaw ng utak ni Tria. Ang lalaki sa escalator.

Umangat din ng tingin ang lalaki.

Those eyes! sambit muli ng utak niya nang magtama ang mga tingin nila. Hindi niya akalain na gano'n pala ka-attractive ang mga mata nito sa malapitan.

Medyo umarko ang mga kilay ng lalaki matapos ang dalawang segundong pagtitig sa kanya. Namukhaan yata siya nito?

His gaze is still penetrating. Katulad kanina nang nag-selfie siya. Then his lips curved into a slight smile. "Go ahead. Do'n na lang ako sa kabila," he said, and left.

I knew it, Pinoy nga! Negosyante kaya siya? Turista? Malamang ay OFW rin?

Nailing si Tria. It's not her business to be this inquisitive. They don't know each other and she intends that they will remain that way.

Normal lang naman na ma-attract sa oppsite sex, 'di ba? kumbinsi niya sa kanyang sarili. Lalo na kung totoong guwapo naman talaga 'to.

Nagsuot siya ng earphones at nanood na lang ng online TV series sa tab. Libre naman ang wifi. Nagsuot na rin siya ng jacket. Malamig ang paligid lalo pa't Oktubre na at nalalapit na ang winter sa Qatar. Madali siyang lamigin kahit pa may temperature controller sa buong terminal. She leaned back on the seat and tried to dismiss her curiosity for the man. Though she realized that he effectively made her forget Alvin for a while.


~~~


"This is the pre-boarding announcement," wika ng babae sa PA system, "for flight QR 788 bound for Manila..."

Ibinalik ni Tria ang earphones sa magkabilaang tainga at hininaan ang volume. Itinuloy niya ang panonood sa tab. Alam niyang pauunahin muna ng mga gate agents ang mga priority passengers na may business class ticket; mga bata at matatanda. Ngunit ang ilan na may economy class ticket ay hindi makahintay at nagsitayuan na. Siya ay nanatiling nakaupo lang. There's no rush and she's taking her time. Kumbaga, hinahayaan na lamang niya ang tadhana at panahon sa kung ano ang plano ng mga ito sa buhay niya. For the truth is, once she reached Manila, she isn't sure where to go next. She doesn't have a fixed destination. Aimless and no plans.

"Well," wika ng kung sino na napadaan sa harap ni Tria, "we meet again."

Napaangat siya ng tingin at—Si escalator guy ulit!

A slight smile played at one corner of his mouth bago siya nilampasan nito. Halatang na-amused na naman sa kanya. Ngunit saan? Sa naging reaksiyon ba niya? Lalo na sa pagba-blush niya?

She quickly bent her head. Strands of her hair cascaded over her cheeks which is what she needed to cover her blushing. Kunwari ay bumalik siya sa panonood. She is determined on her earlier intentions na hindi maging mausisa. It will be dangerous. It will get her in trouble. Not that the man will pay her more attention or will be interested in her. It's just that she doesn't want to get involve and risk her still shattered feelings. Not now. And maybe never again.

Pero sa gilid ng kanyang mata, nakita niyang tuluy-tuloy si escalator guy sa gate na kasalukuyang in-a-assist muna ang mga may business class ticket.

After a while, Tria is finally at the gate desk and handed over her boarding pass. The attendant smiled and said, "You've been upgraded to business class," and gave her a new pass.

"Really..?" Mangha siya. She can't believe her luck! "Thank you," aniya na napangiti nang todo.

Inside the cabin, at the front rows, she noticed only three passengers. Marahil ay maraming no-shows. Puwede ring mababa lang talaga ang bilang ng mga nagpa-booked sa premium seats. Or, over-booked ang economy cabin kaya pumili sila ng ilang pasahero at ini-upgrade.

She proceeded to store her backpack in the overhead compartment. Mas lalong lumuwang ang pagkakangiti niya nang mapaupo na. Bukod kasi sa classy ay malapad at komportable ang upuan. Alam niya na mamaya sa ere ay magiging classy rin ang mga choices sa pagkain.

Sumilip siya sa tabing bintana ng eroplano at napabuntonghininga. Who would have thought na ganito ang mangyayari sa umpisa ng bakasyon ko?

Ever since she stepped in the airport, things happened suddenly and unexpectedly. Katulad na lang ng pag-upgrade ng upuan niya, o kanina nang nagkainteres siya kay escalator guy. At 'yong pagba-blush niya! Hindi na niya 'yon nararanasan. Nakakapanibago. Hindi siya sanay sa gano'n. 'Yong wala siyang kontrol sa nagaganap. 'Yong hindi niya alam ang mga posibleng mangyayari sa buhay niya. But her British friend gave her an idea this morning to quit fighting fate and let go. Her life with Alvin was built with plans and anticipations. But look where it got her? Bad breakup. So, she thought, why not try the opposite and go where life takes her?

Naghanap siya ng panonooring pelikula sa harapang touch screen monitor. Maya-maya, binati siya ng katabing pasahero. Kauupo lamang nito at mukhang na-upgrade rin. Pilipina ito ngunit nakasuot ng dirty blue Arabian style clothing: loose dress with long sleeves.

Gumanti rin siya rito ng ngiti at nagpakilala. Nauwi sila sa kaunting kuwentuhan. Tria learned that Cathy Jimenez is a domestic helper—and actually pregnant.

"Ilang buwan na?" Sabay tingin ni Tria sa tiyan nito.

"Six months."

Tumango siya. She heard that airlines accept passengers with pregnancies even after twenty-four weeks, requiring a doctor's certification. Subalit kanina pa niya napupuna na hindi ito mapakali. "Okay ka lang ba?"

"O-oo... Nahihirapan lang ako huminga dahil dito sa suot kong girdle."

"Ha?" Napatda si Tria.

Alanganing napangiwi si Cathy. "'Di alam ng mga amo ko na buntis ako. Kaya kailangan kong umuwi. Hiniwalayan ko na kasi boyfriend ko. Kaya bago pa nila mahalata, sinabi kong may emergency sa 'min at kailangan kong umuwi agad. Alam mo naman na bawal ang ganitong kalagayan sa Middle East."

Sandaling hindi makasagot si Tria. Inisa-isa muna niya ang mga impormasyong biglang sumambulat sa kanya. Kaya pala ganoon ang suot nito. Kaya rin pala ito uneasy.

"Alam mo, kahit ako hindi ko malalamang buntis ka kung hindi mo pa sinabi," aniya sa malumanay na boses. Nakikita niya kasing malalim ang pag-aalala nito. Napakabata pa naman nitong tingnan. "Hindi ko ma-imagine kung papaano ka nakalusot sa security check at passport control sa immigration kanina."

"Dahil siguro payat ako... saka dahil dito sa girdle...." sagot ni Cathy. "M-medyo nahihilo na nga ako, e."

"Tanggalin mo na kaya 'yang girdle. Wala nang papansin sa 'yo rito."

Cathy then unbuckled her seat belt. Wala pa namang announcement na magta-taxi o magte-take off na ang eroplano. And when she took it off, relief was visible on her face.

Hours had passed by. Just as Tria thought that Cathy will turn out fine and everything is going smoothly, Cathy came back from the toilet with a very worried expression.

Naupo muna ito bago sinabing, "Dinudugo yata ako..."    

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro