CHAPTER 8
CRAZY
“I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry,” he kept saying sorry.
Lumandas ang luha ko. Hindi ko maigalaw ang kamay upang suklian ang yakap niya. Nanginginig ako. Hindi tumatakbo ang isip ko. Namanhid ang buo kong katawan.
“O-Okay lang ako,” nauutal kong tugon.
Naramdaman ko ang pag-iling niya. Mahigpit ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin. Para bang sa paraang iyon ay gusto niyang maramdaman ko ang pagsisisi niya.
Pero hindi. Hindi niya kailangang magsisi. Wala siyang kasalanan at hindi niya naman kontrolado iyon. Kaya mali 'tong nararamdaman ko. Mali na natatakot ako sa kaniya. I know him. Alam kong hindi niya ako sasaktan kaya bakit ako natatakot?
Mariin akong napapikit at sinisi ang sarili. Imbes na tulungan siya ay nagagawa ko pang matakot.
“I'm okay, love.” In a more steady voice, I said.
Kumawala ako sa kaniya. Halos hindi niya pa ako bitawan.
My eyes roamed the room. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang makita ang mga kalat. May mga basag ding kristal at parang dinaanan iyon ng bagyo.
It took me minutes before I finally get to look at him. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin, may pagsisisi sa mga mata. Malambing akong ngumiti sa kaniya para iparating na okay lang ako. Saka ko siya tinignan nang buo.
“We should treat your wound,” wika ko nang mamataan ang dumurugong kamay niya.
Kinuha ko ang medicine kit at nang bumalik ay pinaupo siya sa kama. Hinugasan ko ang sugat niya sa nanginginig na mga kamay.
“You're afraid of me. . . .” mahina niyang usal.
Natigilan ako at saglit na napatulala. Ramdam kong para akong maiiyak pero maagap ko iyong pinigilan.
Hindi puwede.
Binawi niya ang kamay sa akin. Nataranta agad ako at mabilis na inagapan ang galaw niya, pero mabilis niyang iniwas ang kamay.
My heart ached.
“Haid—”
Hindi ko naituloy dahil nag-iwas siya ng tingin. Napakagat ako sa labi at mabilis na pinunasan ang pisngi nang lumuha.
“Love, I'm not. . . .” mahina, halos hindi sigurado ang boses ko.
And I wanted to slap myself for that.
Bakit ba nararamdaman ko 'to?! Nakakainis na nakakaramdam ako ng takot kahit hindi dapat!
Sinubukan ko muling hawakan ang kamay niya upang maipagpatuloy ang paggamot niyon pero binabawi niya ito.
“Love . . .” Halos manghina ako.
Kung iiwasan niya ako dahil iniisip niyang natatakot ako sa kaniya, hindi ko ata kaya iyon. Hindi ko naman sinasadya. Nagulat lang ako.
“I'm sorry.” His voice sounded so regretful.
Muli ko na namang napagalitan ang sarili sa isipan. I hate it that he feels like he needs to apologize. Hindi kailangan iyon. Wala siyang kasalan.
“It's okay. I'm not scared.” Pinalambing ko ang boses upang makumbinsi siya.
Mahigpit niya akong niyakap. Hindi ko tuloy naagapan ang pagkahulog ng medicine kit na nasa kandungan ko dahil sa bigla. Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon at mahigpit na sinuklian ang yakap niya saka ako pumikit.
I should get myself together.
“It's okay. I'm okay,” I assured him sweetly.
“I don't know why I went out of control,” he answered, sounding helpless. Ramdam ko ang frustration niya.
Nanikip ang dibdib ko dahil doon. Yes, I could easily say that I fully understand him but I know I don't. If I am in his place, then maybe I will.
“It's fine, love. We'll work it out, hmm?”
“What if—”
“Shh. Hush now. We'll be okay,” putol ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot at isiniksik lamang ang sarili sa leeg ko. I let him as I run my fingers through his shoulders. Hinintay kong pareho kaming kumalma bago ipinagpatuloy ang paggamot sa sugat niya. Hindi naman malaki at malalim iyon ngunit may kahabaan kaya medyo natagalan.
Nang matapos ay saka ako nagsimulang magligpit. Gusto niyang tumulong pero hindi ako pumayag. Maraming bubog ang nagkalat sa sahig at baka masugatan pa siya kaya minabuti kong mag-isang linisin ang mga iyon. Pinababa ko na lang siya at pinanood ng TV upang may mapagkaabalahan.
He became more careful after that. Paminsan-minsan pa nga ay halos ayaw niyang lumapit sa akin. Kung lalapit naman ay halos ayaw nang umalis sa tabi ko. Gusto niyang laging nakayakap. Bumalik din ang pagiging tahimik niya. Para bang may kinakatakutan siyang mangyari palagi. Naging kalkulado ang mga galaw niya. Minsan ay halos iwasan niya ako.
Mabigat sa pakiramdam iyon. Alam kong hindi siya komportable. Ayaw kong maramdaman niya na kailangan niyang umiwas dahil baka masaktan niya ako o matakot niya ako.
Alam kong iniisip niya na anumang oras ay puwede siyang mawala sa sarili at magwala. Natatakot siya at hindi ko gusto iyon. Hindi niya kailangang matakot. I'm here to help him, to be with him. No matter how it gets, I will never abandon him.
Days passed and he was the same. Sa mga araw na nagdaan, ilang beses na siyang inatake. Hindi naman malala iyon at kung makita niya ako o marinig ang pagtawag ko ay kumakalma siya. Pero nababahala pa rin ako.
Hindi ko alam kung bakit inaatake na naman siya. Nasa tamang oras naman ang pag-inom niya ng gamot. At sinisigurado ko ring wala akong mababanggit na maaaring kumalabit sa trauma niya. I made sure not to mention their business or his mom.
Palala nang palala ang mga atake habang tumatagal. Pilit kong tinatagan ang loob ko. Ilang beses ko nang naisip na turukan siya ng pampakalma pero hindi ko magawa. Ayokong makita ulit siyang nanghihina dahil doon.
Hindi ko rin sinasabi kay Rell ang kalagayan niya dahil alam ko na agad ang mangyayari. Alam kong kukunin niya si Haiden sa puder ko kapag nalaman niya at ibabalik sa ospital. Ayokong mangyari 'yon.
I don't want Haiden to feel alone inside that cold room again. I don't want him to feel suffocated and constrained. At kaya ko rin naman siyang alagaan dito. Hindi ko hahayaang sila pa ang mag-alaga sa kaniya gayong kaya ko naman.
Laking pasalamat ko nga na sa tuwing bumibisita si Rell dito ay nagkakataong hindi inaatake si Haiden. Minsan, sa takot ko na baka bigla siyang magwala habang nandito si Rell ay hindi ko siya pinapababa.
Nakakapagod. I had countless of sleepless nights because I was afraid that he might go wild while I'm asleep. Nangyari na iyon isang beses. Naalimpungatan ako no'n nang marinig ang kalampag sa loob ng banyo. Doon siya nagwala at pahirapan pa ang pagpasok ko dahil naka-lock ang pinto. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung naramdaman niya bang aatakehin siya kaya siya nagkulong doon?
Hindi rin nakakatulong sa pagod ko ang pangungulit ni Mommy. Araw-araw siyang tumatawag at sa tuwing hindi ko sasagutin ay maghahanap siya ng ibang paraan para makausap ako. Pati si Zyhr ay kinukulit niyang tawagan ako sa tuwing hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.
She's pressuring me about work and every time I tell her that I'm dealing with something more important, she'll think I'm just being rebellious. Iniisip niya ring ang dahilan kung bakit bumalik ako rito ay si Haiden, at siyempre, upang hindi humaba ang usapan ay pinabubulaanan ko iyon.
“Good morning,” I greeted in a raspy voice when I woke up. Naabutan ko si Haiden sa tabi ko na nakatunghay sa akin.
Tumango siya bago nag-iwas ng tingin. Saka siya bumangon at tahimik na pumasok sa banyo.
I sighed silently. Umiiwas na naman siya. Palagi na lang ganito. Halos hindi niya ako kausapin.
Napagdesisyonan kong bumangon na lang din para ihanda ang almusal naming dalawa. Hindi nagtagal si Rell nang dumaan kaya napanatag ako nang bumaba si Haiden.
Tahimik siya. Ni hindi niya ako magawang tignan sa mga mata. Nilalampasan niya lang ako na parang hangin.
“Are we good?” tanong ko nang lampasan niya ako. Hindi ko naitago ang pait sa boses. Hindi na ako makatiis na dinadaan-daanan niya lang ako.
Tumigil siya ngunit hindi lumingon. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang nagbabadyang luha.
“Why are you avoiding me, love?” Masakit na itanong iyon.
“I don't want to hurt you,” mahina at malamig na bulong niya bago umalis.
Napayuko ako at napaiyak.
I'm not. Hindi niya naman ako nasasaktan. Bakit kailangan niyang umiwas? Bakit kailangan niyang lumayo sa 'kin na parang wala lang ako?
Mabilis kong inayos ang sarili nang bumalik siya. Akala ko'y ako ang pinunta niya pero natigilan ako nang muli niya akong nilampasan. Dumiretso siya sa refrigerator para kumuha ng ice cream. Pagkatapos ay muli siyang umalis patungo sa sala.
I sighed.
Inayos ko ang sarili at tahimik na niligpit ang lamesa. Nasa kalagitnaan ako no'n nang marinig ang katok sa pinto. Naglakad ako upang buksan iyon. Nadaanan ko pa sa sala si Haiden na nanonood ng palabas sa TV.
Binuksan ko ang pintuan na sana pala ay hindi ko na lang ginawa dahil natigilan agad ako nang makita kung sino ang naghihintay.
“Mom,” gulat kong usal. Napakurap-kurap ako. “What are you doing here?” Bakas ang pagkataranta sa boses ko.
Why is she here?!
“I thought I should knock some senses on you. Open up,” demanda niya sa malamig na boses.
Hindi ko binitawan ang pinto. Hindi puwedeng makita niya si Haiden sa loob.
Tinaasan niya ako ng kilay. “I came all the way here from Singapore and you're not letting me in?”
I breathed. “Saan ka tumutuloy, Mom?” I asked, instead.
“I am staying here, of course. What? Do you expect me to book a hotel?”
Naalarma agad ako. Hindi puwedeng dito siya tumira! Hindi ko na nga matanggap na nandito siya tapos ay dito pa siya titira?
“Let me in,” she commanded.
“Mom, I think it's better if we talk outside. Give me a minute, I'll take my keys,” nagmamadali kong tutol.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata. “Are you hiding something?”
Kinabahan ako sa tanong niyang 'yon.
Umiling ako. “No. Of course, not.”
“Move, Farah,” she warned.
Mas hinigpitan ko ang pagkakapit sa pinto. She rolled her eyes when she noticed.
Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. She forced her way in by gripping my hand so tight. Nabitawan ko tuloy ang pinto dahil doon kaya nagka-tiyansa siya para itulak iyon upang bumukas.
Hindi nakatakas sa mga mata ko ang madramang paglaki ng mga mata niya nang makita ang loob. She unbelievably turned to me with slightly open mouth.
“Jesus Christ, Farah Elisse! I knew it! I knew you're with this guy!” she spatted in disbelief. “Nababaliw ka na ba? Have you forgotten what he did to you? Kaya ba hindi ka pa rin naghahanap ng trabaho dahil busy ka sa lalaking ito?!”
Nagtiim-bagang ako. Nilingon ko si Haiden na nakaupo sa sofa, nakatingin na rin sa amin. Walang reaksiyon sa mukha niya, kahit pagtataka ay wala.
Hindi niya dapat nakikita 'to. Wala dapat si Mommy rito! And her words . . . her tone was so insulting!
“Mom, let's talk outside,” I said, trying to be patient as much as I could.
“No, you have to wake up, Farah Elisse! Are you insane?!”
Napapikit ako sa inis.
“Can you stop?” Mariin kong balik. “If you came here to talk, then let's talk outside. Don't involve him into this.”
“Oh my God, have you lost your mind?!” she hysterically fired back.
My jaw clenched. “Please, leave, Mom. If you can't talk outside, then I can't talk to you.”
“You're unbelievable!” Her eyes even went wide.
“Please, leave,” ulit ko sa mas kalmadong boses.
“You're trading me with that son of a—”
Pareho kaming natigilan nang may bagay na lumipad patungo sa amin. Muntik nang matamaan si Mommy ng isang glass trophy na nabasag agad at nagkalat sa sahig.
Naestatwa ako at napalunok.
No. He can't have an attack now. . . .
Mabagal ang naging paglingon ko at halos mapaupo nang makitang sobrang sama ng tingin niya kay Mommy. Parang galit na galit siya at anumang oras ay puwede niya itong sugurin.
I swallowed the lump on my throat as his eyes turned menacing.
“H-Haiden . . .” sa nanginging na boses ay tinawag ko ang pangalan niya. But it was futile. Parang wala siyang narinig.
“How dare you!”
Natauhan ako sa sigaw ni Mommy at agad siyang hinawakan nang akma niyang susugurin si Haiden. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Sumabay ang pagwawala ni Haiden na nagsimula na sa paghahagis ng kung anong mahawakan niya.
“Mom, please go!”
“What? No, you're coming with me!” pagpupumilit ni Mommy.
Isang babasaging bagay na naman ang lumipad sa direksiyon namin. Pinangharang ko ang kamay nang mabasag iyon at agad kong naramdaman ang hapdi sa bandang braso at gilid ng pulsuhan ko.
Saglit akong napapikit dahil sa sakit. Nang magmulat ay nakitang nagugulat na nakatingin si Mommy kay Haiden. Parang hindi siya makapaniwala sa nakita. Nang makabawi naman ay agad niya akong hinatak.
“Let's go! That guy's crazy!”
“He's not!” I spatted angrily. “Just go!” sigaw ko bago siya tinulak palabas ng pintuan at sinarado iyon.
Hinarap ko si Haiden at agad na namungay ang mga mata nang makitang umiiyak ito at sinasabunutan ang sarili. Ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko at sa braso ko ay lumalandas na ang dugo na galing sa may kalalimang sugat. Batid kong may nakabaon pang bubog doon.
“Love, it's okay. . . .” Unti-unti akong lumapit upang makalma siya.
May luha sa mga mata niya akong tinignan. Bumaba ang mga mata niya sa kamay ko at nanatili roon ng ilang sandali. Sa huli'y tumakbo siya paakyat sa kuwarto. Nagulat ako at mabilis na sumunod. Ngunit bago ko pa man maabot ang pinto ay naisara niya na iyon at nai-lock.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro