Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

FIREFLIES

Napakurap ako. “W-What?”

“I want you to smile,” he repeated.

My lips parted. Ilang sandali akong natulala sa kaniyang mukha bago tuluyang napangiti.

“What's going on?” I softly questioned while touching his hair.

He smiled and shook his head, as if satisfied.

I giggled. “Then why are you suddenly acting sweet?”

He blushed. “H-Hindi ba puwede?”

“What, no!” I immediately hissed. “I mean, no good mornings first? Nakakagulat naman kasi 'yong bungad mo,” nangingiti kong dagdag.

“Good morning,” he shyly muttered before hiding his face on my neck.

Napatawa ako. “Aww, my love's shy,” I teased.

Mas lalo niyang siniksik ang mukha sa aking leeg kaya mas natawa ako dala na rin sa kiliti niyon. Matapos ang ilang saglit ay katahimikan na ang naghari sa aming silid bago siya nagsalita.

“Can you always smile for me?” mahina niyang pakiusap.

I bit my lower lip to hide a smile. “I'll always smile for you, love.”

I felt him smile on my neck. Gumalaw ang braso niya payakap sa akin at hinayaan ko siya kahit na dapat ay naghahanda na ako ng almusal. We stayed like that for almost ten minutes.

I could smell his intoxicating scent. He's so close, I felt like my heart would explode. Banayad ang paghinga niya at malapit ko nang isipin na nakatulog siya kung hindi lang gumagalaw ang braso niya para ayusin ang pagkaka-akap sa akin.

He keeps surprising me with his gestures. Noong isang araw, pumitas siya ng bulaklak malapit sa gate. Kinabahan pa ako no'n dahil hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero nang makabalik siya at inilahad sa akin ang bulaklak ay agad na natunaw ang pag-aalala ko.

“Let's prepare breakfast,” bulong ko sa kaniya.

Mabagal siyang bumangon, tamad ang mga galaw na bumaba sa kama. Saka niya ako hinintay at sabay kaming bumaba papuntang kusina.

Tahimik lamang siyang nakaupo habang pinapanood akong magluto. Hindi tulad ng nakasanayan niyang pagtunganga sa mga pambatang palabas, ako naman ngayon ang nakahiligan niyang panoorin.

I was trying not to be anxious the whole time, but I just can't help it. Nanunuot ang titig niya na akala mo'y binubusisi niya ang kalooban ko. Halos hindi rin siya kumurap na parang mawawala ako kung kukurap siya.

Upang mawala ang pagkailang ay mabilis ko na lang na tinapos ang niluluto at agad na hinanda ang lamesa.

“Do you want see the fireflies?” tanong ko habang kumakain kami.

“Fireflies?”

I nodded. “I saw some at the backyard last night.”

“'Yong umiilaw?”

I stopped and stared at him, not sure what he meant. “Yeah. That one.”

“Okay.”

Napangiti ako sa pagsang-ayon niyang iyon.

Rell visited that day, too. Ganoon pa rin naman ang sadya niya: magtanong sa kalagayan ni Haiden. May mga dala rin siyang gamit na pinabili ko. Hindi rin siya nagtagal at nang makitang walang problema kay Haiden ay nagpaalam na.

I don't know when will Haiden fully recover. Sa mga nangyayari ngayon, mukha namang malaki ang improvements niya. Malaking hakbang na iyon at siguradong lalaki pa kung magpapatuloy na ganito.

I enjoy taking care of him. He's not precisely the same as his old self but I still love this version of him. He was mature then. Yes, he was clingy, but he was mature, and calculated. Today, I could only see his clingy side, and that's still perfectly fine. We still have a long way to go. And we have the future all for us. I'll make sure we'll fill it with happy memories together.

Gabi nga no'ng araw ring iyon ay pinanood namin ang mga alitaptap sa isang puno sa bakuran. They lit the whole tree up, giving it life. Pinapalibutan nila ito at napakaganda nilang panoorin. Para silang mga nagkalat na bituin sa langit, kumikinang upang akitin ang madla.

Sinulyapan ko ang kasama at nakita siyang nakatingala rin sa mga maliliwanag na insekto. Pareho kaming may suot na diyaket dahil malamig ang simoy ng hangin.

Nililipad ang iilang hibla ng kaniyang itim na buhok. Bumabanaag sa kaniyang mga mata ang dilaw na mga ilaw. Parang kumikinang iyong tignan. Hindi ko maiwasang mamangha. Hanggang sa muling namutawi sa alaala ang pinagdaanan naming dalawa.

I got teary-eyed in an instant.

We've been through a lot, that's for certain. I had been through a lot myself, and I'm sure he had, or still is.

Gulong-gulo ako kung bakit nga ba umabot kami sa ganito gayong pag-alis ko ay wala kaming naging problema. And as much as I want to hear his side, his condition just won't allow me. Wala akong ibang magagawa kung hindi ang maghintay dahil walang ibang makakapagpaliwanag sa akin kung hindi siya lang.

I've been aching for his truth. And hopefully, his truth is approaching sooner.

“What happened to us, Haiden?” I emotionally asked. Mahina lang sana iyon ngunit mukhang narinig niya.

Nilingon niya ako, nagtataka ang mga mata, mukhang naguguluhan. I had to force a smile to hide the overflowing emotions.

I don't want to appear weak in front of him. I have to be his strength. Ako lang ang maaaring kapitan niya ngayon.

“Yellow lights suit your eyes,” nakangiti kong usal.

Kumunot nang bahagya ang kaniyang noo. Naestatwa ako nang humakbang siya palapit at may hinawing kung ano sa aking pisngi. Sa sobrang gaan ng palad niya ay halos hindi ko naramdaman.

“I told you to always smile, not to cry,” aniyang ikinabigla ko.

Wala sa sarili akong napahawak sa mga pisngi at agad napansing basa ang mga iyon, indikasyon na kumawala nga ang luha ko. My lips parted. I was about to speak when my phone intruded.

Kinuha ko iyon at nakita ang caller ID ni Mommy. Agad akong napabuntonghininga bago iyon pinatay.

I have been avoiding her for days now. I don't respond to her texts and I don't answer her calls, too. I don't want to talk to her. Ayaw ko lang na guluhin niya ang isip ko. Ayaw kong marinig na naman ulit ang mga patutsada niya.

Gusto kong mag-pukos kay Haiden. Kung hindi niya ako maintindihan na gusto ko rito magtrabaho, kung hindi niya ako magawang pagbigyan, ako na mismo ang iiwas. If I keep entertaining her, it would just be the same topic every time. Hindi siya titigil hangga't hindi nasusunod ang gusto niya.

Ibabalik ko na sana sa bulsa ang cellphone nang makatanggap ng mensahe mula sa kaniya.

From: Mom
Answer my calls, Farah!

It says.

I heaved out a sigh and pocketed my phone. Saka ko lang naalala na kaharap ko nga pala si Haiden.

“Uh, sorry about that,” naiilang kong ani.

Hindi siya sumagot kaya tumahimik na lang din ako. Bumalik ako sa panonood ng mga alitaptap at ganoon din ang ginawa niya.

Nagmukhang Christmas tree ang puno dahil sa mga alitaptap na nagsilbing Christmas lights. Sobrang dami nila at kahit walang ilaw ay sapat na sila upang maaninag ang paligid.

I sighed when the peaceful silence was too much to bear. Hinarap ko ang kasama at nang mapansin ay agad niya naman akong tinapunan ng tingin.

“I didn't know I was crying,” I started.

I got no response.

“Are you upset?” I carefully asked.

He shook his head slowly. Napabuga ako ng hininga.

“I'm sorry,” I gently said and pulled him for a hug.

Mabilis niyang tinugunan ang yakap ko. At kahit hindi kailangan ay naramdaman ko ang kaligtasan sa loob ng mga mainit na braso niya.

The crickets sang, the fireflies soared, and we remained embracing each other. God knows how comforting that was. It was like we were sent back to the past. Nakapahinga ang ulo ko sa kaniyang dibdib habang pareho kaming tahimik. Lumipas nang lumipas ang oras hanggang sa manuot na ang lamig sa aming katawan.

“Shall we go back?” pabulong kong tanong. Ramdam ko na rin ang kaunting antok.

Gumalaw ang kamay niya at hinigpitan pa ang pagkakapulupot nito sa akin.

“Are you cold?” he asked, instead.

“Medyo,” nagpapakatotoong sagot ko.

“Okay. Let's get inside,” aniya bago ako hinatak papasok.

Dumiretso na kami sa kuwarto at agad na hinubad ang mga suot na diyaket. Pagkatapos ay sabay kaming sumampa sa kama at mabilis siyang lumapit upang yakapin ako.

I closed my eyes, filled my ears with silence, feeling our harmonious breaths. Hindi pa ako tuluyang nakatulog at nakapikit lang ang mga mata, handang magpalamon sa antok anumang oras.

“Farah,” he softly called.

“Yeah?” malambing kong tugon habang nakapikit pa rin.

He breathed on my neck. It was suave. As though he's at peace, or in his favorite resting place.

“Don't give up on me.” Halos pabulong na iyon.

Napamulat ako at napatulala sa kisame nang ilang saglit. Nang lingunin ko siya sa tabi ko ay banayad na ang paghinga niya at payapa na ang mukha. Natutulog na siya.

Namungay ang mga mata ko. Maingat kong hinaplos ang malambot na buhok niya at napatitig sa kisame.

“I will never give up on you.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro