Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

SMILE

He started screaming and pulling his hair. Dahil sa gulat ay hindi ko napigilan ang pagdausdos ng dalawang ice cream paalis sa mga kamay ko. Sa taranta ko pa'y wala sa sarili akong napaatras at naapakan ang mga bubog sa sahig.

Napasigaw ako sa sakit nang bumaon ang mga iyon sa paa ko. Dahil sa sigaw ko ay natigilan sa pagwawala si Haiden at napatingin sa akin. Tila natauhan siya nang makita ang lagay ko. Mabilis siyang lumapit ngunit hindi malaman kung saan ako hahawakan.

"I-I'm sorry." His voice was full of remorse. Hindi rin mapirme ang mga mata niya na nagpabalik-balik sa akin at sa paa kong dumurugo.

"Farah . . ." Parang maiiyak na siya nang sinubukang humakbang palapit.

Mula sa paa ay umangat ang mga mata ko sa kaniya. Namungay ang mga mata ko nang makitang namuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Hey, I'm okay," I gently said.

Umiling siya't humakbang pa paatras nang subukan kong lumapit. Nanikip ang dibdib ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagsisisi. At hindi ko gusto iyon. Hindi naman siya ang dahilan kung bakit nasugatan ako. Kung hindi sana ako umatras ay hindi mangyayari iyon.

"Haiden, I'm fine," ulit ko sa masuyo pa ring boses. "I'm good, love." At saka ako humakbang para mahawakan ang pisngi niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Saglit lang, gagamutin ko lang 'to tapos kukuha ulit ako ng ice cream," sabi ko bago pa-ika na naglakad.

Kinuha ko ang first-aid kit sa cabinet at umupo sa sofa. Sinimulan ko agad ang pagbunot ng mga bubog at sa tuwing gagawin ko iyon ay napapangiwi ako sa sakit at hapdi. Pagkatapos naman ay hinugasan ko muna iyon bago nilagyan ng gamot.

Sa buong oras na ginagawa ko iyon ay nasa malayong parte lamang si Haiden na nakatayo at tila natatakot sa paglapit. Noong tumayo pa nga ako at naglakad patungo sa kaniya ay umatras pa siya. Mahigpit pa na magkahawak ang mga kamay niya.

Kahit pa-ika-ika sa paglalakad ay ngumiti ako upang maibsan ang kaniyang pag-aalala.

"Umupo ka muna sa sofa, kukuha lang ako ng ice cream," saad ko bago siya nilampasan.

Kumuha ulit ako ng ice cream. Habang binubuksan ang ref ay napatigil ako, napayuko at napabuntonghininga.

Why is he having random attacks? Is he having flashbacks? Is he triggered by something? If yes, then what is it?

Napabuntonghininga ako nang madaanan ang mga bubog sa sahig nang pabalik. Kailangan kong iligpit ang mga iyon bago pa may masugatan ulit. Kaya lang ay hindi ko naman siya puwedeng iwan na lang basta, lalo ngayong mukhang iniiwasan niya pa yata ako.

Tahimik siyang nakaupo nang makabalik ako. Nakadikit ang dalawang tuhod niya at todo siksik siya sa gilid nang umupo ako sa kabilang parte.

"Here," saka abot ko ng cookies and cream na ice cream pero hindi niya iyon tinanggap. Bagkos ay umusog pa siya sa pinakagilid ng sofa, mas malayo sa akin.

I sighed.

"Ayaw mo na ba ng ice cream?" mahinang tanong ko.

Pagilid siyang tumingin sa akin. Agad iyong dumapo sa paa kong may bandage at pagkatapos ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin saka pinaglaruan ang mga daliri.

Muli akong napabuntonghininga.

"Haiden, okay lang ako," I assured him once more. "It's not your fault, really," dagdag ko pa.

Hindi niya ako pinansin pero batid kong nakikinig siya.

"Natutunaw na 'yong ice cream. Ayaw mo ba talaga?" Nilungkutan ko ang boses at epektebo naman iyon dahil agad siyang bumaling sa akin.

I pouted. "Ayaw mo?" tila nagtatampo kong dagdag.

Tinignan niya ang hawak ko. Matagal iyon at nagtiyaga naman ako sa paghihintay. At nang gumalaw nga siya palapit ay hindi ko napigilan ang ngumiti.

Inabot niya ang ice cream saka iyon sinimulang kainin. Tahimik lang siya at kalkulado pa ang mga galaw.

"Come here," I sweetly urged and pulled him for a warm embrace.

Tinugunan niya iyon ng isang mahigpit na yakap. Isiniksik niya pa ang ulo sa aking leeg na para bang itinatago ang mukha. I could feel all his emotions with that one tight hug.

"I'm sorry . . ." Parang batang napagalitan at malapit nang umiyak ang boses niya.

Napangiti ako.

I can't resist his sweetness.

I caressed his hair softly, gracing it from its roots to its ends before I responded.

"All fine, love."

The day ended just like that. He remained clingy until he fell asleep and I watched him before I get my own rest.

I felt like that day was very tiring for the both of us. Pero natutuwa ako dahil sa mabilis niyang pagbawi nang makilala at makita ang kalagayan ko. It felt like he really cared for me, like he wanted me no harm. You know, that he's still trying his best not to hurt me given his situation.

Dumating ang umaga at nauna na naman akong magising sa kaniya. Inuna kong ayusin ang sarili bago bumaba para maghanda ng almusal at mag-init ng tubig para sa kape namin ni Rell. Sakto ngang nakapuwesto na si Haiden sa sofa at nanonood ng pambatang palabas ay kumatok si Rell kaya agad kong pinagbuksan.

"Did something happen?" agad niyang usisa nang mapansin ang paa ko.

"Ah, that. May nabitawan lang akong baso tapos naapakan ko 'yong bubog," I lied. I know I did. It's just that, I felt the surge that I needed to.

Ayaw kong sabihin kay Rell dahil baka isipin niyang walang progress na nangyayari kay Haiden dito. Which what I was actually confused with. Hindi ko nga lang pinagtutuonan ng pansin dahil hindi naman umabot sa puntong talagang sinaktan ako ni Haiden o naging sobrang bayolente niya. I can still handle his attacks. And I know I'll always do my best to handle it.

"Gano'n ba?"

"Yeah," I plainly replied while preparing our coffee.

"Kumusta naman siya?" pag-iiba niya ng usapan.

Tinapunan ko ng tingin si Haiden sa sofa. Nakatoon lang naman sa telebisyon ang mga mata niya at ni hindi nga kami tinatapunan ng tingin.

"Okay naman. Gano'n pa rin. At napapadalas na rin pala 'yong pagtawag niya sa pangalan ko."

"Really?" He sounded happy about it.

Tumango lang ako. Hindi ko masabayan ang kasiyahan niya para doon.

"Then, that's good. I see this is what he have been waiting for all this time."

"What do you mean?" kunot-noo kong tanong.

"I mean, for more than a year that he had been in the facility, he didn't have any improvements. He always resorts to violence, especially if he was attended by someone not familiar to him- the reason why we locked his room. I didn't know he was just waiting for this. For you, probably."

Natahimik ako. I should be flattered but it feels wrong to be. I should feel glad, but no. I know something that Rell clearly don't. Kung iyon nga sana ang sitwasyon, siguro ay nagtatalon na ang puso ko sa tuwa. Pero may kung anong nagsasabi sa akin na hindi ganoon 'yon. Kahit kalmado siya, kahit nakikila niya ako, may isa pa ring mali. May isa pa ring lapse. 'Yon ay ang katotohanang nagwawala pa rin siya.

Hindi ko alam kung bakit. Noong mga unang araw na dinala ko siya rito, walang problema. Pero ngayon, nagkakaroon na siya ng mga atake. Tama naman ang pag-inom niya ng gamot. Hindi naman siya nagrereklamo kapag pinapainom ko siya.

Did I make the wrong choice of getting him out? Dapat ba ay hindi ko siya inuwi? Dapat ba ay hinayaan ko na lang silang mag-alaga sa kaniya?

No. Kailanman ay hindi ko susukuan ang pag-aalaga sa kaniya. Hinding-hindi ko pagsisisihan. After everything I accused him of? This is the least I could do to pay for my guilt. And I know I could take care of him better that they can.

"I'm glad you came home for him, Farah," nakangiting dagdag ni Rell, dahilan para mas lalong lumalim ang konsensya na nararamdaman ko.

I didn't come home for him. Maybe, yes, but it wasn't initially for his welfare. I planned to make him realize the pain he caused me. Or maybe ruin him. Ah, no. I will never go to the extent of destroying him. But yes, it was not for his good why I came home. And that's one thing that escalates my guilt.

Nagpaalam na rin agad si Rell dahil may trabaho pa siya. Naiwan ulit kami ni Haiden na buong araw lang atang nakatunganga sa mga palabas sa telebisyon. Ang magandang nangyari lang sa araw na iyon ay hindi ulit siya nagwala.

Kahit sa mga sumunod na araw ay hindi na naulit pa ang pagwawala niya. Napapansin ko rin na madalas na siyang magsalita at makipag-usap sa akin. Kadalasan, tungkol sa walang kwentang bagay, pero ikinatutuwa ko pa rin.

One weird day, I woke up with him staring lovingly at me. It was like the first time hinting a glimpse of his old self. At iyon din ata ang unang pagkakataon na nauna siyang gumising sa akin.

His eyes were full of love and longing. And opposite to his always distracted eyes, they now look clear and certain as they stare at me. He looked unusually normal. Like he's not going through something. Like he's not battling demons inside his head.

Dahil sa pagkabigla sa ganoong bungad ay hindi agad ako nakapagsalita. Nanlaki lang ang mga mata ko at nagsimulang uminit ang mga pisngi habang nakatunghay siya sa akin. Hindi ko magawang gumalaw sa pagkakahiga.

"I want to see you smile," he uttered slowly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro