Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

STRANGER

"Puwede bang dumaan ka muna ng mga damit para sa kaniya? Wala na kasi siyang maisuot dito, e. Hindi ko rin siya maiwan para bumili," pakiusap ko sa telepono.

"Sige. Dadaan ako bago dumiretso riyan."

"Salamat, Rell."

Pangalawang linggo na ngayon at wala pa ring nagbago kay Haiden. Maliban sa nagiging mas kalmado na siya at maaari nang maiwan nang may katagalan ay wala nang iba pang pagbabago sa kaniya. But that was impressive already. One step at a time and I'm sure we'll get there.

Mula sa pintuan ay pinagmasdan ko siyang nakatunganga sa nakabukas na TV. Pambatang palabas ang naroon pero hindi ko magawang mailipat dahil naroon ang buong atensiyon niya.

Napangiti ako. Kung magiging ganito lang din ay hindi na ako magrereklamo. I find him cute. Ang puting t-shirt niya ay may kalakihan sa ngayo'y bumabalik niya nang kakisigan.

The velvet couch looked so small with him on it. He looked as though he was made to rule everything around him with his exuding aura.

Mabagal akong lumapit at umupo sa tabi niya. May distansiya sa pagitan namin at kahit naroon na ako ay hindi pa rin nawala ang mga mata niya sa palabas.

Napanguso ako ngunit hindi rin nagawang magreklamo.

We had nothing but peace since the past days. Sabay kami laging natutulog at nakakatuwang lagi niya akong niyayakap na tila ba komportable siya sa ganoon. Hindi pa rin naman niya kayang gawin lahat nang mag-isa kaya ako pa rin ang nagpapakain at nagpapaligo sa kaniya.

Malapit na ako sa pakiramdam na talagang bumabalik ang sigla niya. Kaya lang, sa tuwing nakikita ko siyang tulala at malalim ang pagkakabalisa ay napapabalik ako sa kung ano talaga ang sitwasyon. Every time I see him with alert eyes, my chest would begin tighten.

Alam kong magiging mahirap at matagal na proseso ito. People with PTSD need understanding and patience. And dealing with them needs a person to be ready of what it may bring. Consequences that I'm willing to dance with. Kaya kong magtiis para lang gumaling siya. At para na rin makabalik siya.

Isang marahang katok ang gumising sa pag-iisip ko. Mabilis akong lumapit upang pagbuksan si Rell at tinulungan siya sa mga dala. Hindi niya na ako nabati pa dahil kay Haiden agad napunta ang kaniyang atensiyon. Batid kong nagmamadali siya base na rin sa kaniyang mga galaw.

"Any improvements?" he asked right after he handed me the paper bags.

Umiling ako. "Still the same."

He nodded. "He looks calm."

Sinundan ko ang tingin niya.

"Naaaliw ata sa palabas," nangingiti kong sagot.

I felt like it was an achievement on my part. Ang malamang kalmado siya at nanonood lamang ay bagay na nakakataba ng puso. I felt like I contributed to it. A lot.

"Gusto mo bang mag-kape muna?" alok ko kay Rell matapos niyang siyasatin ang mga gamot sa drawer.

"Sure."

Pumasok kami sa kusina at ipinagtempla ko siya ng kape. Pagkatapos ay magkaharap kaming naupo na napapanggitnaan lamang ng lamesa.

I waited for him to speak about Haiden like he daily do.

"He's improving. But it bothers me that he's still not talking," simula niya.

"Is that a bad thing?" I asked wearily.

"Well, we're not sure. But it might mean that he doesn't recognize you or he's confused. Or maybe not comfortable."

"I know he recognizes me. He hugs me every time, Rell," I answered, feeling a bit offended that that was his findings.

"Yeah, sure. But did he ever call you by your name?"

Saglit akong natigilan dahil doon.

He didn't. Not even once after I got him out.

I shifted uncomfortably on my seat.

Bumuntonghininga ang katapat ko bago sumandal sa upuan. His eyes were telling me that he got it right.

"I'm happy that he has improvements, Farah. But I must remind you not to feel too ecstatic about it. Not until he's fully healed."

Nag-iwas ako ng tingin at tumango. Sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya nagpaalam muna akong lalabas saglit.

"Mom," I answered.

"Darling, did you find a job?"

Kumunot agad ang noo ko.

"Nah. Not yet."

"See, I've been telling you. You should apply here, instead."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi para mapigilan ang namumuong inis.

I thought she called to ask how I am. Bakit nga ba hindi ko naalalang wala siyang pakialam sa ibang bagay kung hindi ang pabalikin ako sa Singapore at huwag nang paalisin doon?

"A lot of companies are running for you, my dear. Why would you let this opportunity pass and exchange it to some cheap companies there?" Masakit sa tenga ang napakaarte niyang boses.

My jaw clenched. I am so done with her having a say about almost everything in my life. Isa rin ito sa dahilan kung bakit mas gusto kong dumito sa Pilipinas.

"Dito ako magta-trabaho, Mom. May inaasikaso lang ako ngayon," I replied with a firm voice.

"Ugh, think ab-"

"I've got something to do, I'll call you later." I immediately dismissed before she could say more.

I heaved out a sigh before I returned inside. Naabutan ko si Rell na nakatayo na rin at mukhang hinihintay na lang din ata ang pagbalik ko. Sukbit niya na ang kaniyang bag at nasa loob ng bulsa ng pantalon ang kaniyang kanang kamay.

"I'll go ahaed. Mukhang tapos na rin siya sa pinapanood," aniyang tinapunan pa ng tingin ang sala.

Tumango ako at nagpasalamat sa kaniya saka siya hinatid sa pintuan. Nalingunan ko ngang end credits na ang nasa TV.

"Ring me if you need anything," he reminded.

I smiled thankfully. "Okay."

Matapos maisara ang pinto ay nilingon ko si Haiden na ganoon pa rin ang posisyon. Nagtagal ang tingin ko sa nakaupo niyang imahe. Sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Rell na kaya baka hindi niya tinatawag ang pangalan ko ay hindi niya ako nakikilala o naguguluhan siya.

Ayaw ko mang paniwalaan ngunit hindi ko maipagkakailang posible nga iyon. Ayaw ko lang talagang tanggapin dahil ramdam ko sa mga hawak niya na parang kilalang-kilala niya ako. Rell could have been mistaken, too. Isa pa'y hinuha niya lang naman iyon at hindi siya sigurado.

Lumapit ako sa sofa at umupo sa tabi ni Haiden. Mabilis siyang lumapit upang yumakap sa akin saka ikinubli ang mukha sa gilid ng aking leeg. Ang simpleng galaw na iyon ang bumura sa kaninang pangamba ko.

Niyakap ko siya pabalik. Hinaplos ko rin ang malambot at itim na itim niyang buhok.

"Do you miss me?" I softly asked while my eyes were on the TV.

He profusely nodded. Napangiti ako dahil doon.

"I miss you too, love."

Days went by peacefully and I was beyond contented. Masaya ako na kahit minsan ay hindi siya naging bayolente at kahit wala mang gaanong pagbabago ay wala akong reklamo roon.

He became more comfortable with me. And more clingy. Kaya lang, mayroong mga pagkakataon na parang hindi niya ako nakikilala base sa malalamig na titig niya. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba iyon o totoo. Pero sa pagtatapos ng bawat araw, pinipili ko na lang na kalimutan iyon.

Isang umaga ay nagising ako nang mahulog sa kama. Napangiwi ako nang agad maramdaman ang sakit sa puwet na tumama sa konkretong sahig. Batid kong hindi ako nahulog nang aksidente lang dahil naramdaman kong parang may kung anong sumipa sa akin paalis sa kama.

Hindi pa man ako lubusang nakakabawi sa sakit ay napamulat na ako nang marinig ang isang tila galit na pagtangis. To my utmost surprise, I saw Haiden pulling his hair. He looked lost and in panic.

Kumabog ang dibdib ko, hindi alam kung ano ang gagawin. For a few minutes, I only stood there, unable to move. Para bang nag-malfunction ang utak ko bigla. My reflexes didn't know what to exactly do. Nagsimula ring manginig ang mga kamay ko nang subukang humakbang.

"Love. . ." My voice was shaky when I spoke.

Napaigtad ako nang hawiin niya ang mga nakapatong sa bedside table. Nahulog ang mga gamit doon at naglikha ng nakabibinging ingay na siyang naging dahilan upang matauhan ako nang lubusan.

Nagmadali ako sa paglapit sa kaniya ngunit agad ding napako nang balingan niya ako.

His eyes were empty, accusing, and blazing. It was like as if he was staring at a stranger! Nanlamig ako dahil doon.

"Don't come near me!" he shouted, so loud, I fear it waked the neighbors up.

Napalunok ako.

"Please, calm down. . . ."

"Don't f*cking touch me!" He shoved my hands when I tried to touch him.

"I killed mom. I f*cking killed mom!"

Natigilan ako sa mga lumabas sa labi niya. Natulala ako ng ilang sandali sa kaniya na nagwawala bago ko matagumpay na nahatak sa reyalidad ang sarili.

He's delusional. Natataranta siya at nagwawala. Nagsasabi rin siya ng mga bagay na sigurado akong tinutulak ng isip niya sa kaniya.

"Haiden, love, it's Farah. . ." I did my very best to make my voice sound as soft and as calm as I could possible do.

Parang wala siyang narinig. Pinaggugulo niya ang mga gamit sa sahig at pinagbabato ang mga iyon sa kung saan. He kept saying that he killed his mom. Maybe his mind's implying that he was the reason to her death.

Sumikip ang dibdib ko.

Sigurado akong sobrang hirap nito sa kaniya. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ni Tita. I could only imagine how torturing it feels.

"Hush, love. No one's gonna hurt you. I'm here. Farah's here, love." Sinubukan kong muli at ngayon ay narinig niya na iyon.

Tumigil siya sa pagwawala at tinitigan ako. Naguguluhan ang mga mata niya at may luhang namuo sa mga gilid niyon.

Tumulo ang luha ko nang mapagtantong kumalma siya. Pagkatapos ay inabot ko ang pisngi niya at hinaplos iyon.

"Sshh. It's Farah, Haiden. . . ."

"Farah . . . ?" mahina ang kaniyang naging tugon.

Masuyo akong tumango. At mariin na lang akong napapikit nang humagulgol siya't mahigpit akong niyakap.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro