Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9th

Umorder siya ng Red Velvet Cake, bumili naman ako ng ice cream ko. Makiki upo sana si Easy namin pero pinandilatan ko siya at wala siyang nagawa kundi maki pag kwentuhan kayla Zoey na kagrupo niya.

"Possible kayang makalimutan mo ako?" Bigla kong tanong.

"Bakit mo naman natanong yan?" 

"Wala naman, nag topic kami kanina sa Gen Psych about sa amnesia, memories."

"Pag minahal mo ang tao hinding hindi mo ito makakalimutan kahit mag mahal ka ng iba. They've always been a part of you."

"Mahal mo ko?" Pabulong kong sabi na may kasamang tawa.

"Oo naman, kaibigan kita," he chuckled. 

I will take that as a joke with the word kaibigan. Mas maganda naman daw mag simula ang relasyon sa pagiging platonic friends.

"Paano pag nagka amnesia ka? Diba yung iba hindi na nila maalala?"

"Amnesia? Napaka bihira mangyari ang amnesia sa totoong buhay. Wag ka mag alala."

I nodded and laughed. Napa saya ang kwentuhan namin hanggang sa nag excuse si Easy.

"Time for our next subject," tinuro niya ang kanyang wrist watch.

Tumayo ako at tumayo na din si Lucas. 

Kinabukasan 5 am pa lang nasa school na kami ni Easy dahil opening.

"Effective ba ang gayuma?" Tanong ko kay Alexa habang nag bu bukas siya ng box ng Sweet & Fit Stevia.

"I think so? Pero wag mo gawin yun, pag tumalab daw may kapalit na hindi maganda."

Nag banggit ako sa kanya ng simbahan na sa tabi may gayumang tinda. 

"Kung masama yun bakit may tinda sa labas ng simbahan?" 

"Baka ayaw paawat ng mga nag ti tinda or baka dasal muna sa pag hingi ng tawad bago gawin." Nagkibit balikat siya at ako ay tumango tango.

"What's this?" Tanong ko habang hawak ang paso na may halaman na parang nakita ko na pero hindi ako sigurado.

"Stevia. Tikman mo matamis, masarap."

Binunot ko ang leaf sa stem sabay sabing "He loves me," kinain ko ang halaman at matamis nga ito.

"He loves me not." Lagay ng leaf sa bowl.

"He loves me." Kain ulit

"He loves me not." Sa bowl muli

"He loves me."

Binilisan ko ang pag li libang ko hanggang sa.

"He loves me not?" Nang maubos ang huling leaf ng Stevia plant na hawak ko.

"Ito lagyan mo na ng icing ang cake." Si Alexa. Kinuha ko ang icing pen.

Saktong 8 am pinalitan na ang sign na closed to open. Unang unang pumasok ay si Lucas kasama ang tatlo niyang mga kaibigan.

"Good morning!" Masayang bati ko.

"Dahil ikaw ang first customer sa araw na ito. May libre kang..." Nilabas ko ang box na may carrot cake.

"Uy wow, thank you."

"Bakit kahapon walang ganyan?" Tanong ni Brent.

"Ngayon lang yan at bukas wala na din," sagot ko.

"Talaga? Bakit wala man lang pasabi?" Si Jason.

"Because it was a surprise."

"Surprise? Baka surprise mo lang kay Lucas yan." Si Paul na bumulong.

"Kung gusto niyo makihati na lang kayo sa kanya. Hindi man pang isang tao yang cake," katwiran ko.

"Wala naman talaga kayong ganyan," Si Jason.

"Wag kayong maingay," pinandilatan ko silang tatlo habang si Lucas busy na tumitingin ng mga paninda namin.

Ginawa ko ang carrot cake kagabi sa bahay. Nagpa tulong ako kay Ate Ann at tumulong din si Easy dahil gusto niya din matuto paano mag bake.

"Mahilig ba siya sa carrot cake?" Si Easy habang gumagawa kami.

"We will know that eventually."

"Paano mo naman ibibigay sa kanya ito?"

Oo nga noh. "Bahala na."


"Pag ba hindi ako bumili babawiin itong cake?" Si Lucas dahil wala na siyang mapili.

"Hindi naman, para sayo talaga yan." 

"Paano ba ako makaka bawi?" Nilagay niya ang kanyang dalawang braso sa ibabaw ng cake chiller at tumitig sa akin.

"Tulungan mo na lang kami na paramihin ang customer namin."

"Oo naman, ikaw pa."

Nag paalam na din sila. May pumasok sa store ng mga model looking na babae from HRM.

Hindi naman din ako nahalata ng mga iba pa namin kasama, yung iba nag pu punas ng table, yung iba busy sa cellphone at yung isa naman nag re check ng pag compute sa benta kahapon.

Matapos lumabas ng mga HRM wala ng bumili pero ng mag 10 biglang dumami ang mga tao sa store. 

"Ganito din ba kahapon?" Tanong ko sa babaeng ka grupo na naka duty din kahapon.

Umiling siya. Sinerved niya ang ice cream sa babae na naka uniform na pang Physical Therapy.  

"Sabi nila Lucas napaka sarap daw ng tinda ninyo." Ang lalaki na naka uniform na katulad sa kanya.

Umabot ang pila hanggang labas ng pinto ng store at hindi na matanaw kung sino ang nasa dulo.

Na panic kami ni Alexa ng wala ng barya, kaya pumunta pa ako sa likod para magpa palit sa petty cash namin.

Bumili pa daw ang crush ni Lucas balita sa akin ni Bridget habang kinukuha ang mga perang hawak ko.

"Ganito pala ang mag tinda, kawawa naman yung mga crew sa fast food na sinisigawan ng mga customer." Ang babaeng ka grupo.

"Wala pang lunch, pagod na ko." Reklamo ni Alexa. "Maka bili na nga lang ng tinda natin," dagdag niya at kumuha ng cupcake at nilagay ang bayad sa lalagyan. "Kuha na kayo, my treat." She said. 

Kumuha ako ng dalawang banana cupcake at nag thank you sa kanya. Pero ang isa ay binayaran ko. Pumunta ako sa kabila para ibigay kay Easy.

"Dami niyong benta," si Easy.

"Mamayang lunch sa inyo naman dadagsa ang mga tao," sabi ko.

Napalingon kami ng tumunog ang chime. Si Lucas na dumiretso sa store namin. 

"How do I look?" Tanong ko sa kanya.

"Maganda," sagot niya.

Ngumiti ako para itanong kung may dumi ba sa ipin ko dahil kakain ko lang ng banana cupcake.

"Clean."

Nag paalam na ako sa kanya at bumalik na sa store namin. "Ano ubos na yung carrot cake?"

"Hindi, ipapatago ko nga." Di ko napansin na dala niya pala ang box.

 "Ayoko i share sa kanila favorite ko kasi yan," sabay abot niya.

Alam ko yun ang favorite flavor niya pag dating sa cake, kaya ayun ang ginawa ko.

"Damot!" Pang asar ni Alexa na tinawanan na lang ni Lucas.

"Si Laya ang nag bake niyan," dagdag pa niya at pa simple ko siyang kinurot sa tagiliran.

Lucas only chuckled.

*********

05 May 2020

Good evening, thank you for your time. Keep safe and God bless.

Respectfully,

Sui generis





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro