Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8th

"Psst, hoy ikaw." Nilingon ko ang kumalabit sa akin.

"Sinusundan niyo ba kami?" Aba napaka tapang naman nitong si babaita.

"Ikaw ba may ari ng grocery? At hindi kami pwede dito?" Sagot ko sa kanya.

"Jessa, tama na yan." Si Lucas ng sasagutin at mukhang sasabunutan pa ako ng babae.

"Girlfriend mo, Lucas?" Tanong ni Alexa

"Family friend. May lalaki ba kayong kasama para taga buhat ng igo grocery ninyo?" 

"Kasama namin sina at Andrei at Joseph," sagot ni Alexa sa kanya.

"Nasaan sila?" Tanong ulit ni Lucas.

Concern ang crush ko sa akin.

"Actually, hinahanap na nga namin." Sagot ko dahil nahuli na kami.

"Samahan namin kayo na hanapin sila," pag presinta ni Lucas

Tumingin ako sa babae at nginitian siya. Akala mo kung sino di naman pala girlfriend.

"Lucas, may mga mata naman ang mga yan, kumpleto pa ang mga kamay at paa." 

Hindi siya pinansin ni Lucas, sumabay siya sa amin at walang ibang nagawa si Jessa kung hindi ang sumunod.

"Mukhang may gusto sayo yun," bulong ko.

"Thank you na lang pero may iba akong gusto."

Tatanungin ko sana kung sino nang maalala ang sinabi ni Easy at ng mga kaibigan. Alam ko naman na din ang sagot. May nabasa ako na pag nararamdaman mo daw na may gusto sayo ang tao ay totoo daw ang pakiramdam na ito.

"Kanina pa namin kayo hinahanap," agad kong sabi ng makita na namin ang dalawa para hindi maka halata si Lucas.

"Saan ba kasi kayo nag punta?" Si Andrei.

Sinagot siya ni Alexa at nilingon ko si Lucas. Sandali kong sinulyupan si Jessa na naka tirik ang mata at naka tingala. Wag sana siya maihipan ng masamang hangin.

"Thank you sa pag sama sa amin. Mag o open ang store namin next week, kaya andito kami para bumili ng ingredients. Bili ka ha, sama mo na din sila Paul."

"Oo naman bibili ako, malakas ka sa akin." 

Mabuti na lang napigilan ko ang pag ngiti ko.

"Ano bang tinda ninyo?" 

"Sweet foods pero Stevia ang gamit."

"Maganda yang naisip ninyo, healthy din."


Pag dating sa bahay nakita ko si Easy na kumakain ng merienda. Nakita ko ang kinakain niya at agad pumunta sa kusina para kumain din ng Spaghetti. Wala si Ate Ann sa kusina kaya ako na lang nag sandok.

"Nakita namin si Lucas sa grocery," masayang balita ko sa aking kakambal ng tumabi ako sa kanya.

"Pero nakaka inis talaga yung kasama niyang babae hindi naman niya girlfriend," pag re reklamo ko at sumubo na ng Spaghetti.

"Tingin ko talaga meant to be kami, pini prepare kami na lagi magkita, mag sama at sa pang habang buhay," sabi ko ng maka lunok

"Baka sinasabi sayo ng tadhana na hindi talaga kayo para sa isa't isa." Natigilan ako sa pag subo ng Spaghetti sa sinabi ni Easy.

"Paano mo naman nasabi?"

"May kasama siyang babae sabi mo."

"And so?" I frowned at her. Hindi naman niya girlfriend, duh!"

"Ilan beses mo na siyang nakitang may kasamang babae? Hindi ka niya crush. Signs point to mag move on ka na."

"Hindi lahat ng tao alam ang tungkol sa sarili nila, maybe he's confused hindi niya alam na gusto na niya pala ako. Or baka hindi pa ito ang time para maging kami. Besides I'm just 16 and he's 18. Kakasuhan nga naman siya pag pumatol siya sa minor."

"Pag pinag patuloy mo ang ganyang pag i isip baka hindi mo na talaga makita ang para sa iyo."

"I already found him."

Hindi na siya sa sumagot pa pero narinig ko ang bulong niya na, "ang kakambal ko ay na dimunyu na naman."


Pinayagan kami mag civilian since opening ng store basta pang disente ang damit. I'm wearing a grey floral long sleeves blouse with collar, black pants and nude ballet shoes. Kinulot ko ang dulo ng ang aking buhok. While Easy is wearing a grey floral long sleeves dress with collar until her knee and nude ballet shoes like mine. Pinonytail niya ang kanyang buhok at nagpa lagay din siya ng fringe na chin length and nasa magkabilang gilid lang, wala sa gitna, in short curtain bangs.

Hiyawan at palakpakan ang bumalot ng nag ribbon cutting. Binless ni Father ang stores namin. Hindi ako naka assign ngayong araw pero babalik balik ako dito hanggang sa mag sara ang store. Ang ganda ganda ng ayos ko dapat makita ako ng crush ko.

"Laya, let's go." Easy offered her hand and I grabbed it.

"Guys, una na kami good luck sa pag tinda," sabi ko at pumunta na kami sa klase namin.

Ni request namin ni Easy sa mga taga gawa ng sched na ipag sabay kami para hindi na din mahirapan si Kuya Cesar sa pag hatid at sundo sa amin.


"Where are the others?" Tanong ng prof namin sa Gen Psych.

"Nasa store po," sagot namin.

"All right hindi pala ako pwede magpa quiz ngayon."

Hindi ka po pwede magpa quiz hanggang matapos ang 2nd sem since hindi kami laging kumpleto.

"Is anyone here got into an accident? Most likely that bumped their head?"

Lahat kami nag taas ng kamay, nauntog ako. Natawa yung prof namin and we have no idea why she's laughing.

"Hindi yung nauntog lang tapos okay na ng mabilisan, as in accident na muntik na mag 50 50 ang buhay."

"Diba pag nauntog delikado pa din." Ang katabi kong lalaki.

"I know right?"

Binaba namin ang aming mga kamay, at may apat na naiwan.

"Now, the four of you did you get amnesia?" Our prof asked and they all shook their heads.

"Everyone, do you think have amnesia?"

Well I think so, I forgot what am I thinking or happened few seconds ago. Some of us nodded and some of us just doesn't have an idea.

"Yes we have. And it's call infantile or childhood amnesia. Except if you have Hyperthymesia, but it doesn't mean tama lahat ng na a alala mo."

"Memories are full of errors!" Our Gen Psych prof said as she quoted.

"Kaya wag kayo maniwala sa mga kwento kwento. Now yung madalas mapanood sa TV na may amnesia na hindi maalala ang kanilang nakaraan, is what you call?...."

Nag taas ng kamay ang katabi ko at tinawag siya.

"Reterograde." He proudly answered.

"How about the amnesia that can't make new memories?"

"Anterograde." It's him again.

May mga sinabi pa siya tungkol sa topic hanggang sa lumabas sa powerpoint niya ang word na 'Nine Types of Intelligence.' She checked her wrist watch.

"We'll discuss this next meeting."

Matapos ang isa pa namin na subject, pumunta na kami ni Easy sa store. 

"Nag punta na ba siya?" Tanong ko kay Andrei.

Siya ang naka duty ngayon sa amin magkaka kaibigan na magkaka grupo para sa subject na ito.

"Speaking of." Nguso niya sa likod ko.

"Kamusta?" He greeted me.

"Anong gusto mo? Meron kaming ice cream, cookies, cake," ako habang pinapakita sa kanya ang menu.

"You can also dine here."

"Oo ba basta sabayan mo ako." 

Nilingon ko ang kapatid ko na nakikipag usap kay Andrei, nag taas siya ng isang kilay, kinindatan ko naman siya.

***** 

03 May 2020

Thank you for your time. Keep safe and God bless. Good night!

Respectfully,

Sui generis





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro