Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7th

Kinamayan ng mga kaibigan ko si Christian at agad pina bottoms up.

"Wag niyong lasingin yan." Pagba banta ni Easy.

Alam na nila na dapat ako ang katabi ni Lucas kaya laging may space sa tabi niya. Katabi ko din si Bridget.

"You don't like Christian. Do you?" Bridget whispered at me.

I didn't answer her.  But, I will never say to my twin na 'hiwalayan mo na yan' or to her boyfriend na hiwalayan niya si Easy. What I meant is: for me no one is good enough for her, you want a chap that is perfect for your twin, so that she won't get hurt someday. But, let's go to reality that no one is perfect and you will get hurt especially when you love. And I think ganon din si Easy sa mga naging boyfriend ko.

"Guys, man li libre ako. Anong gusto niyo?" si Christian.

Sumagot lang sila ng, "kahit ano", "ikaw bahala" at ipinakita ni Kyle ang menu. Samantalang ako sinabi ko talaga anong gusto ko.

"I want a Sweet Stout."

Tumingin silang lahat sa akin na para bang may sinabi akong masama.

"All right, ilang bote?"

"One, thank you."

"One bottle of Sweet Stout for Laya. Kayo guys wala ba talagang specific?" Tinignan niya ang mga barkada namin isa isa.

Ganon muli ang sinagot nila. Nag order na lang siya ng different kinds of cocktails and different kinds of beer.

"Lucas, yung crush mo sa Criminology andoon sa baba." Pag ba balita ni Jason galing sa labas.

Parang gusto kong umorder ulit ng isa pang Sweet Stout lalo na nang lumabas si Lucas para silipin ito.

"Sis, may crush siyang iba, mag move on ka na," agad na sabi ni Easy sa akin ng mawala si Lucas.

"Crush niya lang yun, hindi naman natin alam kung may crush sa kanya pabalik," sagot ko.

Lumabas ako para tignan ang sinasabi nilang tao.

"Laya," sumunod naman sa akin si Alexa.

Hindi naman ako bumaba, dumudungaw lang.

Dahil nasa baba at naka talikod ang alam ko lang maikli ang straight na itim na buhok. May mga nakita na akong short hair na kagaya nitong babae mula sa Criminology

Pasimpleng pini picturan ni Brent ang dalawa habang nag u usap. Scripted.

"Kyle, paki sabi gusto ko ng isa pang bote ng Sweet Stout and ako na ang magbabayad," sabi ko pagka balik sa private lounge.

"Guys, thank you sa time pero uuwi na kami, see you sa school." Si Easy mabilis na sinabi at hinila na ako palabas.

"Huh? Akala ko ba 2 am pa tayo uuwi? Mag 12 am pa lang." Si Christian habang naka sunod.

"Bago pag mag lasing itong kakambal ko dahil sa nalaman niya at hindi ito nagkaka hangover kahit malasing kaya nilalayo ko na sa temptation," paliwanag ng kambal ko sa kanya.

Mabilis akong bumitaw kay Easy at mabilis din lumapit kayla Lucas para mag paalam sa kanya, pati na din ipaalam ng hindi man verbal sa babae na ako ang nauna kay Lucas.

Nauna muna ako mag paalam kina Jason, Paul, at Brent bago pumunta kay Lucas.

"Lucas, mauna na kami. Nag aaya na si Easy."

Tumingin agad ako sa babae, she smiled with shyness nag kunwari akong hindi napansin yun at tumingin ulit kay Lucas nang mag salita.

"Ingat, see you sa school."

Nakaka bitin naman ang sinabi niya pero at least may ingat, he cares for me and he loves me.

Parang crush lang naman ni Lucas yun dahil maganda. Well, maganda din naman ako malakas pa ang appeal. Ang isang lamang ko is mag kaibigan kami, mas kilala namin ang isa't isa.

Days passed, naka uwi na din ng CDeO si Christian. While me is busy investigating that girl, tinitignan bakit sa dami dami ng magaganda ayun pa ang naging crush niya, pwede naman ako. Mas safe ang magiging trabaho ko kaysa sa crush niya, baka maaga pa siyang ma biyuda. May nalaman ako na mas na de depress pag namatayan ang asawa kaysa sa namatayan ng anak.


Nasa cavana kami ng mga kagrupo ko para isipin ang pwede naman i business para ngayon 2nd sem. Hindi kami naging magka grupo ni Easy pero kasama ko si Alexa, Joseph at Andrei.

Sinuggest namin ni Bridget ang clothing line pero walang nag agree.

"Okay naman ang suggestion ninyo, kaso lang ang target customer natin ay ang mga estudyante," sabi ng leader.

"What about food? Pang lunch." Isa namin ka grupo.

"Ganon na ang isang grupo," sagot ko.

"Mag dessert na lang tayo. Filipinos have sweet tooth," I suggested.

"Pwede naman kaso ang gusto ni Ma'am ay healthy. Okay lang din yun ang kaso lang kapag sumobra at maging diabetic sila."

"Kasalanan pa ba natin kung hindi nla mapigilan ang pagkain ng matatamis? Well anyhow, if you guys want sweet foods pwede natin ito gamitan ng Stevia." Si Alexa.

"Stevia? Ano yun?" Tanong ni Joseph.

"Sugar substitute. Yun ang mga nilalagay sa dessert na no sugar added at matamis pa din. Zero calories, zero cholesterol and pwede pa sa diabetic, makaka tikim ulit sila ng matamis. Healthy pa and sabi sa reviews pwede din daw gamot sa tooth decay."

"Diba ang ibang diabetic need nila ng sugar?" ka grupo namin.

"Yes. Pero meron din naman na hindi pwede mag sugar sa lagay nila."

"All right, who's in favour of dessert business?" Tanong ng leader sabay taas ng kanyang kanang kamay. Lahat kami ay nag taas at ayun na ang ipo propose namin.

Pag dating sa bahay, nag palit lang ng pambahay ay nag search na ako tungkol sa Stevia. Nalaman kong meron farm sa may Bocaue, Bulacan.

Nag search din ako ng desserts, hindi pang benta kundi pang regalo kay Lucas. A way to man's heart is through his stomach.

"Love theme ang business ninyo?" Si Easy ng makita na nag se search ako ng "how to make a heart shaped cake".

"No. This is for Lucas."

"Aglaea, tigil tigilan mo yan hindi maganda sa babae ang ganyan."

"Hindi nga niya kasi kaya."

"Anong hindi kaya? Kinausap nga niya ang crush niya. Tanggapin mo na hindi ka niya gusto."

"Hindi pa sila, may pag-asa pa ako. Ang iba naman kaya nag gi girlfriend para lang sa experience hindi pang seryosohan. Ang mahalaga ako ang huli at sineryoso."

"Bahala ka na nga, malaki ka na. Wag ka lalapit sa akin pag umiyak ka."


Dumating ang araw ng report at approved naman ang prof namin sa magiging business namin. Andito kami ngayon sa grocery para bumili ng ingredients.

Nilagay niya ang ilang mga kahon ng Sweet & Fit Stevia sa cart na tulak tulak ni Joseph.

"Next is cocoa powder," si Bridget habang binabasa ang nasa listahan.

Habang nagla lakad at hinahanap ang cocoa powder napa tigil ako ng napansin sa kabila si Lucas na may kasamang ibang babae, nasagasaan pa ako ng cart na tulak ni Joseph.

"Sorry. Bakit ka ba kasi tumigil?"

"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?"

"Kaya pala," si Joseph ng makita ang tinitignan ko.

Hinila ko si Alexa at sinabi kay Andrei na may titignan lang kami at hanapin na nila ang iba pang ingredients at tatawagan na lang namin sila para mahanap ulit.

"Ibang babae na naman?" Si Alexa ng nakita sila Lucas.

Highlighted ang buhok ng babaeng ito, masasabi ko din na mas matangkad ako. Ang babae naka halata na may sumusunod sa kanila at si Lucas wala pa din kamalay malay.

May sinabi ang babae kay Lucas kaya tumingin siya sa banda namin, nag kunwari kaming tinitignan ang detergent.

*******

02 May 2020

Thank you for your time, have a nice day! Keep safe and God bless.

Respectfully,

Sui generis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro