Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6th

"Ngayon ang dating ni Christian galing Cagayan de Oro," pag ba balita ni Easy habang nag be-breakfast kami.

Sa one year nilang pagiging nobyo at nobya ngayon lang sila magki kita in the flesh.

"Ikaw ba susundo?" Tanong ni Daddy.

"Yes, kasama ko po si Laya."

"What time will he arrive?" Mommy asked.

"11:55 am po ang ETA."

"Sumabay na lang kayo sa service mamaya." Pag presenta ni Mommy. Naki usap siya sa kasambahay na tawagin si Kuya Cesar.

"Mamaya sasabay sa amin ang kambal papuntang airport. Dalhin mo ang SUV nila para pag balik may sasakyan sila."

"Okey po, Ma'am."

"Thank you."


Binaba muna kami ng service nina Mommy at Daddy sa arrival. Kumiss at yumakap kami ni Easy sa mga magulang namin, hindi ulit namin alam kung kailan sila makaka balik ng Pilipinas.

"Easy, pag nag video call tayo dapat andoon si Christian, kakausapin ko ulit siya." Si Daddy.

Umalis na ang van para ihatid naman sila Mommy sa departure area sa kabilang terminal. Pumasok kami ni Easy sa terminal 3.

11:00 am ng dumating kami. 11:15 am hindi pa nag la landing ang eroplano ni Christian.

"Ano kaya nangyari doon? Hindi naman late ang pag alis ng eroplanong sakay nila sa Lagundingan."

After almost one hour of waiting. Nakita na namin na tulak niya ang cart na may mga baggage niya.

"Nagka air traffic, pababa na yung eroplano bigla ulit tumaas."

"Buti hindi ka napunta sa Clark." Si Easy.

"Christian, si Laya my twin sister." Pagpapa kilala ulit sa akin ng kakambal ko kahit kilala naman na namin ang isa't isa.

Iba na pala pag sinampal ka ng katotohanan. Noong nag v VC sila supporta ko naman sila. Pero ngayon na kumpirmang mag nobyo nga sila, hindi ko matanggap na may boyfriend si Easy. Not because of envy, for this reason I feel like no one is good enough for my twin.

I shook that thought. "Hi, kamusta?" Nag shake hands kaming dalawa.

"Christian, do you drink?" Tanong ko.

"Saan ba ang inuman?"

"Laya, not tonight. Hindi muna ako sasama sa barkada natin, gusto ko ng quality time kay Christian. Bukas na lang kami, sagot ko naman."

"Ako na libre ko na kayo. Ilan ba kayo?" Pag prisenta ni Christian.

"14 kasama ka na doon," sagot ko.

Sa bahay namin mag i stay si Christian, doon siya sa guest room matutulog. Hindi sila sumama sa akin sa tavern. Lahat kami andito sa private lounge ng tavern except kay Easy.

"Dapat dinala na ni Easy yung boyfriend niya dito," pag kumento ni Joseph.

"Baka may ginagawa na ang dalawang yun," tawa ni Andrei sa naisip at naki tawa naman ang mga kaibigan ko.

Knowing them hindi ko napigilan sagutin sila.

"Hindi ganon si Easy!" Natigilan sila sa sinabi ko.

Binato ko ang dart arrow sa dart board. Kahit na i isip ko din ang sinasabi ng mga kaibigan namin na pwede mangyari sa kanya. Ayoko pa din napag usapan nila ang kakambal ko sa ganoong bagay.

Isang baso lang ng vodka ang ininom ko. Wala si Easy kaya dapat nasa wisyo ako.

"Guys, mauna na ako," sabi ko sa kanila at binigyan sila ng tig i isang Italian cheek kiss.

"Lucas, baka pwede mong ihatid si Easy?" Si Andrei. "Wala yung kakambal niya."

"It's okay, andyan naman na ang driver namin ng kapatid ko."

"Hindi sige na samahan na kita pauwi sa inyo para may kasama ka." Tumayo si Lucas at lumapit sa akin.

"Paano yung sasakyan mo?"

"Mag g grab na lang ako pabalik dito." Tumango ako at tuluyan ng umalis.

Mabuti na lang talaga hindi ako masyadong uminom, kung hindi baka hindi ko siya naka usap ng one on one. Marami pa siyang hindi alam tungkol sa akin.

"Ayaw mo din ba mag piloto katulad ng magulang mo?"

"Dati ginusto ko yun noong bata, kaso madami na din akong napuntahan na ibang bansa. Ikaw bakit nga pala nag marine transportation?"

"Para maging kapitan ng barko katulad ni Daddy."

"Panganay ka ba?" Ito ang hindi ko sigurado, hindi ko ma pin point sino mas matanda o mas bata sa kanilang apat, para lang sila magkaka edad.

"Oo, apat kami purong lalaki."

"Hindi nagkaroon ng babae?"

"Hindi, apat lang din ang gusto ng mga magulang namin, kung hindi magkakaroon ng babae ayos lang naman daw. Masaya ba may ka kambal?" Sa parte ko oo.

"Oo naman para kang may best friends for life."

Matagal ko ng gusting tanungin sa kanya ito at mukha naman okay na kasi close na kami.

"Ilan na naging girlfriend mo?"

"Isa pa lang noong high school pero puppy love lang yun."

"Ngayon wala ka bang balak mag girlfriend?"

LORD, even I doubt your existence. Please sana ako.

"Study first muna ako at training kasi sa barko ay 9 months. Gusto ko kasi sa babae yung mature, maintindihin. I mean hindi madali ang LDR kailangan ng buong pag ti tiwala."

Napa isip ako sa sinabi niya, may mga ganon naman akong traits. Mas makulit nga lang ako.


Pina upo ko sa sofa si Lucas habang hini hintay ang Grab na binook niya.

"Juice, tea, water?" Pag alok ko.

"Tubig na lang."

Tinawag ko ang kasambahay para mabigyan ng tubig si Lucas. 10:44 pm pa lang pero mukhang tulog na si Easy. Nilagay ng kasambahay ang isang baso ng tubig na may kasamang coaster sa center table.

"Arriving na siya," tumayo si Lucas at hinatid ko siya hanggang sa may gate namin.

Inantay ko munang ma pick up siya ng Grab bago ako pumasok ulit ng bahay. Kumuha ng baso at tubig sa ref bago umakyat.

Kama ni Easy ang malapit sa pinto, ang akin naman ay malapit sa bintana. Pagka pasok ko nakita kong naka talukbong siya at wala akong naririnig na ingay, tulog na siguro siya bukas ko na lang kakamustahin.

Naligo ako at nag palit ng pyjamas. Tinext ko din si Lucas para mag thank you, naka balik naman daw siya ng tavern.

Mga 12 am na ako natulog dahil pina tuyo ko pa ang buhok ko. Dumating ang kinabukasan at may inuman na naman mamaya.

"Kamusta?" I asked pagka gising ko.

Natulog akong good mood kaya ito ako gumi gising ng good mood.

"Nag Netflix kami ni Christian and aga kong inantok."

"Akala ko a abutan ko pa kayong gising."

"Tara brunch na tayo."

Lumabas kami ng aming kwarto at bumaba. Nakita namin si Christian na nasa kusina tinutulungan ang kasambahay

"Nag lu luto na kami ng lunch ni Ate Ann," si Christian referring to our maid.

"Kumain ka na?" Tanong ni Easy.

"Hindi pa, nauna lang ako sa inyo onti na magising."


Binilin ni Easy kay Christian na gustong siyang maka video call nila Daddy. Nasa Australia sila ngayon. Sinabi lang ni Daddy na wag niyang sa saktan si Easy. Nag re ready na kami para sa pag punta sa tavern. This time ang magka parehas ay si Easy at Christian, na i iba ang kulay ng suot ko sa kanila.

I thought kami ni Easy ang twins?

"I don't like you for my sister," diretshan kong sinabi kay Christian bago ako pumunta ng sa sasakyan.

******

10 April 2020

Thank you for your time! Good mornight. Keep safe and God bless.

Sincerely,

Sui generis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro