Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5th

Pini pilit namin si Mommy na payagan kami na umattend ng Halloween party sa tavern nila Kyle.

"Mommy, hindi naman kami mag co costume ng nakaka takot," sabi ko.

"Kahit na. Makiki celebrate pa din kayo."

Ayaw ni Mommy kaming papuntahin dahil masama daw ito, cini celebrate daw namin ang mga bad spirit. We never attended to a Halloween party. Yung school namin hindi din sila nag plano.  Ngayon lang sana kami makaka punta sa pag invite ni Kyle sa amin.

"Laya, magpa massage na lang kaya tayo?"

"Tapos hindi niyo ako isasama? Sa harap ko pa talaga naisip yang pag massage." Si Mommy.

Knowing Mommy she always wants to get pampered and madaling mag tampo.

"Mommy, ang bilis mo naman po mag tampo. I will call pa po, don't worry kasama ka po." Pagpapa kalma sa kanya ni Easy.

Nasa gitna si Mommy habang mina massage kami.

"Mommy?" Ako.

"Hmm?"

"Lumi lipas na ang taon. May nag bago ba? I mean nag iba na ba ang rules niyo ni Daddy pag dating sa lalaki?"

"May nan li ligaw ulit sayo?"

"Soon."

"What soon?" Hindi ko siya sinagot.

Akala ko pinabayaan na niya.

"Lindsay Isabella, what is she talking about?"

"Mom, why me? You know Laya is a naughty girl, niloloko ka lang niyan."

Sa amin dalawa ni Easy I am the naughty one and she is the nice one. Ako yung happy go lucky while Easy is serious, always thinking about the consequences.

Napaka swerte ko na may kapatid ako na Lindsay Isabella Lucas, she was never a tattletale. Gusto niyang ako mismo ang umamin or mag sabi ng kusa ko.

Nasa bewang ko na ang mga kamay ng masahista ng may naramdaman akong tumama sa ulo ko, it was a towel.

"Oy" Muntik pa ako mapa tayo sa pagkaka dapa.

"What soon are you talking about? Don't tell me." She knows me na yung mga manliligaw ko before na naging boyfriend ko ay hindi ko naman talaga mahal.

"I was just joking. Mommy, we're here to relax."

"Relax? Aglaea Desire, pina pasakit mo ang ulo ko."

"I told you we're here to relax. And talking about boys is relaxing for me." Pangangatwiran ko ulit at muli may tumama na naman sa aking ulo.

"Laya, wag ka ng sumagot. Hindi yan papatalo si Mommy."

"Dapat lang. Kaming mga magulang hindi niyo kami dapat sina sagot, matuto kayong rumespeto."

"Yes Mom, please calm down." Sabi ko at nilagay na ang mukha sa butas

Na relax ako pagka tapos. Naniniwala na din ako sa karma dahil sa nainis ko si Mommy kanina ako naman ang na i inis ngayon.

Nag sent si Bridget ng picture sa gc namin mag ka-kaibigan. Blurred ito at medio madilim, pero kita na kung sino at anong ginagawa, nag sa salita ang babae na parang naka tawa at siya ay naka tawa din.

Bridget: The boy is Lucas, I don't know who is the girl.

Joseph: Mukhang hindi sa school natin nag-a aral.

Kyle: Ngayon ko lang nakita ang babae dito sa tavern

Me: Baka friends lang.

"Move on na, may iba siyang gusto," ang kapatid ko.

"Are you sure about that? Is that picture enough para masabi na may iba siyang gusto?"

"No. However, yung hindi niya pagka gusto sayo ay enough sign na para mag move on ka."

"You don't dictate my feelings."


Pagka tapos ng undas at balik school for 2nd semester, nag level up ang pag imbestiga ko kay Lucas.

Bumili si Daddy ng bagong SUV para sa amin ng nalaman niyang kasama kami ni Easy sa Dean's Lister. Wala pa ang awarding pero nakita na namin pagka release ng grades. Binenta ang lumang SUV namin.

"Ma'am, sino po ina antay natin?"

Sakto naman ang pag alis din ng black SUV na ang nag da drive ay si Lucas.

"Follow that SUV," sinabi ko din sa kanya ang plate number.

"Why I am here? Di ko alam kung bakit sumasama ako sa mga kabaliwan mo."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Easy, kailangan ko tulungan si Kuya Cesar if ever na mawala niya si Lucas.

"Lagot ka pag nahalata ka niyan."

Sinagot ko na siya. "Hindi naman siya may ari nitong daan, it's a public property kaya kahit tayo pwedeng dumaan."

Nawala namin siya ni Kuya Cesar at nakita ulit namin sa pangalawang kanto.

Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng buffet restaurant. May kasama na siyang babae na lumabas galing sa shotgun seat.

Palingon lingon ang babae kaya nakuha sa video ang mukha ninya. Sinend ko sa gc namin ang video para ma kumpirma kung ayun nga ang babae na kakwentuhan niya sa tavern nila Kyle.

Alexa: That's not the girl.

Zoey: Lucas is a playboy

"Hindi daw yun ang babae. I think that girl is only a friend or a cousin."

"Paano naman yung sa tavern?"

"Ano naman masama kung may ka kwentuhan ibang babae? Single naman siya."

Ilan beses namin siyang sinu sundan pauwi hindi naman lagi. Hindi din naman namin siya laging sinusundan, tuwing pwede lang at yun na ang huli naming nakita na may kasama siyang babae.

Tinignan ko lahat ng pictures niya maski pictures ng kamag-anak niya sa social media. May mga bagong post pero never lumitaw ang babaeng nakita namin na kasama niya sa buffet restaurant.


"Kyle, can you describe the look of the girl na ka kwentuhan niya sa tavern?"

"No need. Dahil andoon siya last Friday, nakuhanan ko ng litrato. Hindi ko na send, na lasing ako at nakalimutan ko din."

Pinakita niya sa akin ang babaeng may mahabang buhok, chinita, matangos ang ilong at may maliit na labi.

"Was Lucas there too?"

"No, never saw him again in our tavern after the Halloween party."

"Therefore, I conclude that's not his girlfriend. This calls for a celebration! Libre ko ulit ang drinks ninyo."

Nag hiyawan ang mga lalaki pati ang mga babae kong kaibigan, maliban kay Easy at Ralph.

Nag suot ako ng white spaghetti strap v neckline, black high waisted fitted pants, red leather jacket, black close shoes with heels. Si Easy naman ay naka white spaghetti strap round neck  dress, black leather jacket and white gladiator sandals with heels.

Halo halo ang nilagay sa table namin, may cocktails, whiskey, wine and beer.

"Laya, you have to come out!"

Si Zoey na agad ang bungad pag dating. Hinila niya ako mula sa pagkaka upo at dinala sa labas. May tinuro siya gamit ang kanyang nguso.

"It's your Lucas."

May kasama siyang tatlong lalaki, nasa counter sila at mukhang umu order. Tumakbo ako pabalik ng lounge.

"Chelsea, can I talk to your boyfriend? Because I need to talk to him." Tumango siya at ngumiti sa akin.

Hindi naman umalis si Kyle sa tabi ni Chelsea, I only interrupted their conversation.

"Kyle, ayain mo si Lucas or sige pati mga friends niya. Kunwari nagulat ka na andito sila, ayain mo, sabihin mo mas tahimik dito. " Pag hingi ko ng favor sa kanya.

"Tinanggihan niya ako dati."

"Iba na ngayon, baka nahihiya pa siya that time. And you're the heir of this tavern, alam mo kung saan ang best place at dito yun sa private lounge na ito. Makukuha mo ang loob niya this time, sinasabi ko sayo." 

"Please," dagdag ko pa.

Tumayo siya "Wait Babe," paalam niya kay Chelsea.

Nag lagay ako ng whiskey sa aking baso, bago tumira sa billiard. Dalawa kami ni Andrei na nag la laro.

"Guys, may bago tayong recruit!" Rinig kong bumukas ang pinto.

"Si Lucas, Brent, Paul, and Jason."

"Guys, ito girlfriend ko si Chelsea. Ito naman si Joseph, Ralph, Zoey, Bridget, Alexa, Andrei, and the Lucas Twins Easy and Laya."

Umusog naman ang mga kaibigan ko para maka upo silang apat. Sa gilid umupo si Lucas at may space sa tabi niya at doon ako umupo.

"Guys, baka magalit ang girlfriends ninyo. Alam ba nilang andito kayo?" Si Alexa. For I know hinuhuli niya din si Lucas para sa akin kung single nga ba talaga ito.

"Si Paul lang naman may girlfriend sa amin," sagot ni Lucas.

"Nililigawan?" Si Alexa ulit ang nag tanong.

"Basta ako wala di ko lang alam sa dalawa," sagot ulit ni Lucas.

"Lucas, ano pang hindi mo na i inom? Ipapa try namin sayo," sabi ko.

Yun ang simula ng pagka kaibigan namin, kasama na din silang apat sa barkada.

******

09 April 2020

Thank you for your time again. Keep safe, God bless and good night!

Sincerely,

Sui generis

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro