3rd
"Laya, need pa mag meeting ng student council, pag nag agree lahat a antayin pa ang confirmation from the office of school's president."
Nakiki usap ako sa kay Bridget na magpa party sa tavern ni Kyle since she's a member of student council. Welcoming Party para sa mga transferee and freshmen.
"And sa tavern nila Kyle? Siguro ibahin mo venue mas may chance na pumayag ang school lalo na Catholic school ito," pag su suggest niya.
"Hindi lang naman liquor ang bini benta doon."
"I know. Ang point ko is alam na may tindang liquor doon."
"Bridget, please."
"May plano ka noh?" She knows me well. "Now, tell me kung ano yang nasa isip mo at bakit mo ako pinipilit."
"I have a crush," I whispered.
"Who? Yung gwapong transferee sa block natin?"
"No. Sa tingin mo mag re request pa ako ng party. Anyhow, his name is Lucas Dauphin Heramis and he is taking Marine Transportation."
"Laya, saan mo ba kinukuha yan confidence mo sa pag fi first move?" She smiled.
"Uh-well,"I really don't know, basta I am just like this.
"I will do my best. Pero yung sinabi ko sayo."
"Thank you!"
Nag hiwalay na kami ng lumapit ulit siya sa akin.
"Your 2nd option is kaibiganin ni Kyle si Lucas at imbitahin sa tavern, by the way."
"Great idea! And I think that will be my first option," I said.
Bakit hindi ko yun naisip? Kyle is very friendly.
Kinabukasan kinausap ko agad si Kyle.
"Sorry Laya. Kailan lang lumabas pagiging selosa ni Chelsea."
"Duh, lalaki naman yung ka kaibiganin mo."
Hindi siya naka sagot
"Ano bang ginawa mo at pinag du dudahan ka? Don't tell me pati sa aming mga girls na kaibigan mo pinag dudu dahan niya kami?"
"I don't think so. After kong malaman na selosa siya, doon niya lang kinwento yung ginawa ng ex niya."
"Why don't you ask her permission?"
"Sige. Sino ba yan gusto mong kaibiganin ko?"
"His name is Lucas Dauphin Heramis and madalas mo siyang makita sa Nautical Science building."
"Do you have his picture? Paki airdrop sa akin."
"Ako pa?" Kilala ko na nga pamilya niya, pero amo hindi nila kilala. Picture pa kaya wala ako?
Pinasa ko sa kanya ang picture ni Lucas.
"Sige balitaan kita." Hinawakan niya ang balikat ko at umalis na.
When its weekend nag-aaral din kami ni Easy, kapag nakaka ramdam na ng antok, it's either we take a nap or I am visiting Lucas' social media accounts and siya naman tamang quality time kay Christian.
"You're always visiting his timeline, hindi mo naman ina add." Umupo siya sa kama ko at naki tingin sa gina gawa ko.
"Antayin muna natin na medyo dumami ang mutual friends niya. "
Pinakita sa akin ni Bridget ang letter para ibigay sa school president. I waited for few days for the response and it was rejected. Kyle tried to invite Lucas; but he got rejected.
"Mukhang good boy yang Lucas mo. Inaya ko maski mga kaibigan niya pero siya lang ayaw sumama."
"Thanks Kyle. I guessed I will think another idea."
"Bakit ba ayaw mo kay Ralph?"
"I only see him as a friend." Ralph is also a pretty boy, boyfriend material.
Ayoko may maging boyfriend sa barkada. I don't know what the future holds, ayoko magka ilangan dahil parehas ng grupong sinasamahan, at ayoko maaira ang samahan.
"May balak ba mag pari yung Lucas mo, Laya?" Tanong ni Alexa.
Andito kami ulit sa tavern nila Kyle, para i try ang sina sabi niyang nakaka talino ang pag inom ng liquor habang nag re review para sa darating na long quiz namin sa Marketing.
"Walang girlfriend, wala akong nababalitaan na may nililigawan." Dagdag ni Alexa.
"Baka naman study first," pag ta tanggol ni Joseph
"Study first? Isang babae nga lang hindi niyo kaya, yung wala pa kaya?" sabay inom ni Zoey sa beermug na hawak niya.
"Hindi lahat ng lalaki mahilig mambabae at hindi lahat ng babae faithful," pag de depensa ni Andrei.
"Baka mapunta pa kung saan yang usapan. Andito tayo para mag review," pa alala ni Easy.
"For Marketing long quiz!" Sigaw ni Kyle at tinaas namin ang aming beer mugs.
Pumasa kami sa lahat sa long quiz, in fact few mistakes lang and may mga naka perfect sa amin. Hindi ko alam kung maniniwala ba talaga ako kay Kyle. Before namin ginawa ang pag re review na may kisamang pag inom ng liquor nag re review na kami ni Easy. And for our friends na nag sabi na first time nila mag-aral nung time na yun for the long quiz, baka niloloko lang kami.
After prelim examination, lahat naman ng subjects na ipasa namin ni Easy. Na add ko na din si Lucas sa kanyang social media.
"He waved!" Yugyog ko kay Easy.
I asked the obvious question na kung sa school din ba namin siya nag a aral kahit ilan months ko ng alam. May mapag usapan lang.
"He just waved and you started a conversation?" biglang sabi ng kakambal ko.
"You know not all men are brave enough na lumapit sa crush nila or sa mga babae. Kung ikaw bilang babae kaya mo naman, like ako kaya ko, bakit hindi ko gawin?" Katwiran ko.
Him: Oo, lumipat ako, 3rd year college na. Ikaw?"
"Nag reply siya sa akin."
"Don't fall too fast," paalala sa akin ng kakambal ko.
"Yes, Ate." I answered.
Lumabas si Easy ng aming kwarto at sinagot ko naman si Lucas. Madami dami kaming napag usapan na akala niya hindi ko pa alam, pero matagal ko ng alam.
Nag ta type ako ng 'do you have a girlfriend?' ng pinindot ni Easy ang backspace bago ko pa ma i send.
"Don't ask him that mahahalata niyang may gusto ka sa kanya. Magaling ka naman mag stalk diba? Even yung may private accounts nalalaman mo ang kaganapan sa buhay nila. Instead type this..."
Bye, mag a aral na muna ako.
Finollow ko na din siya sa IG and Twitter and finollow back din naman ako. Mas nalaman ko ang tungkol sa kanya and wala pa din lumilitaw na balita na may nililigawan siya or may girlfriend.
"Dare," sabi ko sa mga kaibigan ko habang nag s spin the bottle.
Business week ngayon kaya walang klase. Meron booths and funfair. May talent show na nagaganap sa oras na ito at nag sa salita ang emcee sa stage, I guessed she was from Marketing.
"Kunin mo yung microphone sa babae at isigaw mo na crush si Lucas, isigaw mo ng buong pangalan." Pag dare sa akin ni Joseph.
Tatayo na sana ako ng pigilan ako ng kakambal ko.
"Joseph, baka naman mapahiya si Laya?"
"Crush lang naman."
"Kahit na. Paano kung seloso ang girlfriend?"
"Wala naman siyang girlfriend," sagot ko.
"What if hindi niya pino post sa social media? Or may nililigawan?" Hindi din siya papa awat.
"Easy, walang masama sa crush. Mas may chance na magalit ang girlfriend sa babaeng nagkaka crush sa boyfriend niya if tinatago ito." Zoey said to her.
"Mayroon girlfriend na ayaw may nag ka crush sa boyfriend nila," sabi naman ni Bridget kay Zoey.
"Ako nga pina takbo niyo sa 2nd floor ng tavern nila Kyle na walang saplot na kahit ano." Paalala sa amin ni Joseph.
We never see his naked body, ang mga boys lang tumingin kung ginawa nga ba niya. Wala naman kumalat na pictures dahil binalaan ni Ralph ang strangers na galing siya sa pamilya na may matataas na posisyon sa gobyerno.
"Si Andrei lang ang nag dare sa iyo," pag tama ni Bridget.
"At saka..." Tumingin tingin si Joseph sa paligid "Wala naman si Lucas dito."
Tama siya. 9 minutes pa bago matapos ang klase niya sa isang subject. I also know his sched.
"Ang laki nitong venue, paano ka nakaka siguro?" Tanong ni Easy
"Paano kung marinig siya sa kabilang building?" Tanong naman ni Bridget.
"Pwede naman natin i deny kung may mag turo sa kanya," sagot ni Kyle sa kanila.
Tumayo na ako, naglakad papuntang stage, umakyat at inagaw ang mic sa emcee nagulat naman ata siya sa ginawa ko, nagulat din ang mga manonood. Umi iling si Easy kasama si Bridget, si Ralph tahimik lang na pinapanood ako, habang ang mga ibang lalaki kong kaibigan at si Zoey at Alexa ay chini cheer ako.
Kahit papaano nahihiya akong gawin ito, pumikit ako bago sabihin ang dare. "Crush kita, Lucas Dauphin Heramis!"
*******
08 April 2020
Thank you for your time, have a great day. Keep safe and God bless.
Sincerely,
Sui generis
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro