Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2nd

HERAMIS, LUCAS DAUPHIN

Ang pangalan niya.

"Pinapanood mo din yan?" Tanong ko sa kanya ng magising ako, at nakitang may pinapanood siya sa kanyang iPad.

I really had no idea what he is watching. I just wanted to start a conversation.

He answered. "Yep, Peaky Blinders," he smiled and nag focus na ulit sa panonood.

Peaky Blinders, huh? Hindi naman ako mahilig sa history, napaka boring.

"Name's Laya. What's yours?" Tanong ko kahit alam ko na.

"Lucas."

"No way! That's my surname." Kunwari nagulat ako.

"Wow nice!" He chuckled.

Kinalabit ako ni Easy. "Yes?" I asked.

"What are you doing?"

"I'm just being friendly," sagot ko at tinaasan niya ako ng kilay.

"Kambal kayo?" Lucas asked me.

Is that a rhetorical question or nag ta tanong siya ng obvious? All right, Aglaea, kindness. Lalo na andito si crush dapat maganda ang image. Pinakilala ko si Easy kay Lucas at ipinakilala ko si Lucas kay Easy kahit alam na din niya ang pangalan.

Nag landing na ang eroplano sa Narita. Habang dumadaan kami sa jetbridge kinwento ko agad kay Easy ang totoo niyang pangalan.

"Sigurado akong hahanapin mo na agad pangalan niya sa social media."

Bukod sa Tokyo, nag punta din kami ng Sapporo at Osaka. Matapos ang nine days na trip namin galing Japan. Hinanap ko na ang pangalan niya sa social media.

Lucas Dauphin Heramis

Lucas Heramis

Luke Heramis

Luc Heramis

Lucas Dauphin

Lucas

Dauphin Heramis

Found it! Naka tuxedo siya sa kanyang display photo ang kanyang cover photo naman ay cruise na nasa karagatan. Hindi kita ang status niya, pumunta ako sa about at naka lagay doon siya ay single.

"He's single, may pag-asa ako."

"Paano kung may nililigawan?" Kahit kalian talaga panira siya.

"At least hindi pa sila."

Nag scroll ako sa timeline, para makita ang mga pinopost niya. Madalas ay puro memes. I didn't see any heartbroken post or being in love. Sunod ay mag punta ako sa pictures nag ha hanap pa ng mga info.

"Ingat ka, mamaya may ma reactan ka ng old photos niya."

Hindi naman ata siya dumaan sa awkward stage, ang gwapo niya kahit noon pero mas gwapo ngayon. Wala talaga ako nakitang nakakatawang mukha niya, kahit mga stolen. Apat sila magka kapatid na lalaki, mukhang magkaka sunod lang sila, pare parehas naman na gwapo, mas gwapo nga lang siya sa paningin ko.

Napatayo ako ng makita kung saan siya nag-a aral, family friend namin ang may ari ng school at Ninong namin ni Easy ang isa sa may ari.

"Easy, gusto mo lumipat ng school?"

"Why? Maganda naman school natin."

Mula nursery hanggang ngayon mag 2nd year college hindi kami nag bago ng school na pinapasukan. Binalita ko kay Daddy na gusto kong lumipat sa school ni Lucas.

"Mag si simula ka ulit sa pagiging first year college, hindi sila tuma tanggap ng transferee ang gusto nila freshman ang pag pasok mo," sagot niya sa akin.

Pinalipas ko ang mga araw, hindi ko na binibisita ang kanyang social media at onti onti na nawawalan ng pag-asa.

Si Easy may boyfriend ako wala. Paano naman ako? Baka hindi na ako makapaga asawa. Ayokong tumandang dalaga.

"You wait little girl on an empty stage, for fate to turn the light on."

Pag si simula ng kanta ng lalaki na gumaganap ng Rolf. Sound of Music ang pinangako ng parents namin na papanoorin.

"You are sixteen going on seventeen

Baby, it's time to think

Better beware, be canny, and careful."

"For incoming 2nd year college!" Sigaw namin ng mga barkada. Friday ngayon at sa Monday simula na ulit ng pasok.

First time ko uminom ng higit sa isang bote.

"Laya, let's go home."

Na realized ko habang wala pa akong boyfriend, mag walwal muna ako ng mag walwal. Hindi ko alam baka strict boyfriend pala si Lucas at hindi ko na ito magagawa.

"Dumating na si Kuya Cesar." Si Kuya Cesar ang family driver namin.

"Are you heartbroken?" Nag a alalang tanong ni Alexa habang inu ubos ko ang cocktail ng Margarita.

I am not heartbroken, I just realized something. Kukunin ko pa sana ang Painkiller, pero hinawakan agad ni Easy ang kamay ko. Nagulat na lang ako na may nag buhat sa akin na parang sako.

"Put me down!" pag piglas at padyak ko.

Hindi nag salita ang bumuhat sa akin. Naka sunod naman sa amin si Easy habang dala ang bag ko

Binaba ako sa tapat ng SUV namin at nakita kong si Ralph ang bumuhat sa akin. Pinag buksan kami ni Easy ng pinto ni Kuya Cesar.

"Thanks Ralph," paalam ni Easy bago sumakay.

Iba ang pakiramdam ko pero hindi naman ako nasusuka. Dumiretso ako sa banyo para maligo at mahimasmasan.

"How are you? Thank God hindi ka nag kalat."

"Actually, I am feeling normal," sagot ko.

"No hangover?"

Hindi masakit ang ulo ko, hindi ako nang hi hina. As in normal ang pakiramdam ko. "Wala."

Hinipo pa niya ang ulo, cheeks at leeg ko kung may sinat or lagnat ako. "Impossible, andami mong nainom kagabi. Halos ubusin mo na ang mga naka handa doon. Nang a agaw ka pa ng drinks namin."

Ako mang a agaw? I will never do that.

"Nag breakfast ka na?"

"Not yet, I am waiting for you."

Pinag serve ako ng tea ng kasambahay namin, "Para sa hangover mo."

"I don't have a hangover."

"Ganyan talaga ang mga kabataan laging nag pi pilit na malakas sila."

Bakit ayaw nila maniwala na okay lang ako? Lahat ba ng nalalasing nagkaka hangover? Paano ko tatanggihan ang tsaa? Hindi ako umi inom nito. Ang gusto ko sa umaga ay kape. Bago lang itong kasambahay namin, hindi pa niya kabisado ang mga ayaw at gusto namin.

"Ate, she doesn't like tea, akin na lang po yang tinimpla ninyo. Please give her a coffee."Easy is my hero.

"Thank you," I said to my twin.

Mas nakaka hangover ang coffee ayon sa nabasa ko.

Ngayon first day of school being 2nd year college ang gagawin ko is Operation Finding Inspiration. Tuma- tanggap naman ang school ng transferee, kaya siguradong may mga makikita akong bagong mukha at may mga freshman na month to a year lang ang tanda ko.

Narinig ko sa isa namin barkada na mas maganda mas matanda ang lalaki ng 6 years, if I am not mistaken dahil late mag mature ang mga isip nila. But, I refuse to believe that. May mga lalaking mas bata pero mas mature ang pag i isip sa babae.

Puro orientation and binigyan lang kami ng pointers para sa mga subject. Agad din kaming pinalabas ng mga prof namin.

"Ano guys? Gala tayo?" Pag a aya ni Zoey.

Mabuti pa nga dahil wala akong nakitang pwede gawin crush.

"Doon tayo sa tavern nila Kyle," suggestion ni Andrei.

"May pasok tayo bukas," pa alala ni Bridgit sa amin.

Sa hindi kami magka sundo kung saan kami pupunta, napag desisyunan namin na umuwi na lang kaming lahat.

Nag a advance study na kami ni Easy. Accounting ang kinukuha namin. Hindi ko naman talaga gusto ang course, hindi ko lang din alam kung ano gusto kong kunin, kaya gumaya na lang ako sa kakambal ko. Naniniwala din kasi ako na mas okay naka pag tapos ng pag-aaral. Hindi ko man gusto ang course ko at least makaka graduate ako ng four year course.

To be honest I hate school, I don't like studying, but I love learning. Kailangan mag-aral kahit ayaw lalo na kung may nagpapa aral. Ang edukasyon ang hindi madaling manakaw ng kahit na sino. At isa pa naka tira ako sa Pilipinas, hindi ako taga United States of America na pag nag drop out sa school ay magiging successful balang araw. May mga hindi din naman naka pag tapos na successful dito sa Pilipinas, nag sikap sila at nabiyayaan din ng swerte.

Kinabukasan ng uwian inaya ko si Easy na pumunta ng building ng Nautical Science, nag ba baka sakali may makitang crush at baka makita siya. Nakita ko sa facebook na nag-a aral siya ng Marine Transportation. Hindi naman impossible na baka lumipat siya sa school namin.

"Do you know anyone here? Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ng kakambal ko.

"Operation Finding Inspiration

Tinitignan at binabasa ko bawat bulletin board, nagha hanap ng mga Heramis na apelyido at ni no-note sa mobile phone ang mga buong pangalan. Maaaring kamag-anak sila ni Lucas.

"What are you looking ba?" Tanong ng kakambal ko.

Correction: who, not what.

Hindi ko na siya sinagot dahil tapos naman na ako, natignan ko na lahat ng mga bulletin boards dito sa building. Busy siya sa pakiki pag tawagan kay Christian, kaya siguro hindi niya napansin na natapos ko na ang ginagawa ko.

"Let's go home," pag-a aya ko.

Habang palabas ng building may narinig akong sumigaw ng "Lucas!"

Nag pa huli ako para kumpirmahin kung siyang Lucas nga ang hinahanap ko. Hindi naman din lumingon si Easy dahil alam niyang hindi naman kami kilala at wala kaming ka kilala dito sa building.

"Naiwan mo yung sextant mo," sabi sa kanya ng lalaking moreno.

And confirmed it's him, it's Lucas.

Tumakbo ako palabas ng building ng may ngiti sa aking isip. Lumalakas lalo ang kutob ko na itinadhana kami.

***********

07 April 2020

Thank you for your time. Have a great day! Keep safe and God bless.

Sincerely,

Sui generis

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro