Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18th

"Next time ulit ha," pag hingi ko ng pabor kay Lucas ng matapos mabenta laat ng preloved items namin.

"Basta hindi pa ako tumutungtong sa barko."


Tuwing Valentine's Day binibigyan kaming girls ng guy friends namin na tig i isang mahabang stem na pink rose. Bouquet naman ang binibigay nila para sa kanilang special person.

Ngayon gaming mga babae bumili ng mga bulaklak para ipamigay sa mga lalaki na kahit hindi namin kilala.

Naka tanggap ako ng mini bouquet kay Ralph. Alam ko hanggang ngayon gusto pa din niya ako. Bilang kaibigan niya nasasaktan din ako kasi hindi ko mabalik ang feelings sa kanya.

I gave Ralph a white Daisy.

Binigyan namin ang mga prof namin lalaki, security guard, janitor, crew sa canteen, block mates, o kahit sinong makita namin na lalaki.

"Next subject na natin," - si Alexa.

"Saan ka?" Tanong ni Easy.

"Library?" 

"Basta text me kung saan ka mapapadpad."

Pinadala nila sa akin ang isang basket at iilan na lang din ang laman nito. 

May isang subject na hindi ko muna kinuha dahil ayoko ang prof, sa next sem naman mag re retire na yung prof. Kaya ito ako nasa library nanonood ng Outlander.

May biglang sumulpot na violet rose sa mukha ko. Hindi ko naramdaman na tumabi siya sa akin dahil sa suot kong AirPods. Kinuha ko ang bulaklak na may mahabang stem, the flowers are real but it was painted with violet as I said.

"Happy Valentine's Day!" - Bati ni Lucas.

May card din na naka tali sa stem at binasa ko ito. 'You deserved to be love even at your worst.'

"Thank you. Did you write this?" Ang ganda ng kanyang penmanship hindi pang babae pero maayos.

He nodded. 

Nakita ko ang tatlo na namimigay ng mga bulaklak, and may cards din na naka tali sa stem. Siguro ito ang way nilang magka kaibigan kapag may gusto silang babae.

"I have something for you too."

Kinuha ko ang one stem ng yellow peony at ibinigay sa kanya. Random ang mga bulaklak na binibigay namin pero sa ngayon nakita ko ito ang pinaka maayos kaya ito ang binigay ko sa kanya.

"Happy Valentine's Day, din."

"Wow first time ko maka tanggap ng bulaklak. Akala ko makaka tanggap lang ako dito pag namatay na ko. Pero malalaman ko pa ba yun?"

We laughed at his joke. "That was also our reason bakit namin naisipan mamigay ng bulaklak sa mga lalaki."

"Among bulaklak ito?"

"That's a peony. My favorite flower."

"Ayaw mo ng rose?" Pag taas ng kilay niya.

"I now like violet rose."

Nag paalam na din siya para umattend ng kanyang klase.

Matapos ang isang episode saktong pag dating nila Easy. Pinakita ko agad sa kanila ang bulaklak  na bigay ni Lucas sa akin.

"Lucas gave this to me," I proudly said.

"Sis, don't celebrate early."

"Why?"

"Nabigyan din kami, namimigay silang apat ng roses iba ibang color. I got blue from Brent and it says 'You don't love them everyday and they don't love you everyday, and that's okay.'

"Si Brent naman pala nag bigay sayo."

"Kanina sa classroom namigay sila, may ibang nabigyan si Lucas."

"Violet din?"

"Orange lang napansin ko, but maybe."

"Maganda naman sinabi niya sa card." Binasa ko sa kanila ang naka sulat.

"Pang general yang sinabi niya."

"Baka mapunta na naman yan sa away, habang break time pa ipamigay na natin mga bulaklak para maka kain na din tayo." - sabay tayt ni Bridget at kuha ng basket.

Sumunod kami sa kanya.

May dalawang batang babae at lalaki na uma akyat papuntang 5th floor at magka holding hands. 

"Uy sila na, holding hands," Pang a asar ni Joseph sa kanila.

Binigay ni Bridget ang bulaklak sa batang lalaki. Para maging fair din sa batang babae binigyan na din niye ito ng bulaklak.

"What's your name kids?" Tanong ni Ralph.

"Patrick"

"Freya"

"Where are you going? Why are you here?" Tanong ni Alexa.

"Sabi po nila may mumu sa 9th floor. Titignan namin kung totoo."

"Maka kita talaga kayo pag nahulog kayo," si Andrei.

"Sabi sabi lang nila yun, sige na balik na kayo sa building niyo baka mapano pa kayo dito," Pag kumbinsi ni Easy sa kanila.

Sinamahan naman sila pababa ng hagdan, naka hawak silang dalawa kay Ralph.

"Kuya, pwede mo ba kami ihatid hanggang classroom?" Tanong ng batang babae.

Hinatid namin sila hanggang classroom. Nalaman namin na grade 2 na sila. Balak sana namin bigyan ang mga kaklase nila pero hindi ito sapat at baka magkaroon ng away. 

Mga nakita namin na parents, guardian, service na mga lalaki ibinigay na namin.

Nakaka taba ng puso na malita yung tuwa nila, lalo na ang mga lalaki dahil ngayon lang daw sila naka tanggap. Kundi graduation o kasama sa entourage ng kasal.

"I love you guys," sabi ko at inaya sila mag group hug.

 "Kadiri,"- kumento ni Kyle.

"Dinamay mo pa kami si Ralph naman talaga gusto mo yakapin." si Joseph pero naki group hug din naman.

Gusto kong kumontra sa sinabi niya pero mas mabuting manahimik dahil kaibigan ko si Ralph ayoko din masaktan siya ng todo.

"We love you too, Laya." - si Alexa na sobra kung kumawit sa leeg ko.

"I am gonna pretend you are all Lucas."

"Buset," - si Zoey at isa isa silang lumayo sa akin.

"Chariz lang. I love you guys," pero nauna na sila mag lakad sa akin.

Ngayon gabi may pa concert ang school pero pinili namin hindi umattend magka kaibigan. Napag plano namin na last year pa mag ce celebrate kami ng Valentine's Day sa house ni Alexa kung hindi pa siya magkaka boyfriend.

Didiretso na kami sa kanyang bahay naka civilian din naman kami dahil pumayag ang school na mag wash day kami. 

Hindi kami umi inom ng naka uniform dahil nasa handbook namin na bawal umiwom, manigarilyo o mag two piece sa beach or swimming pool, dahil kung hindi namin sinunod ma e expel kami.

Kaya hindi namin fini friend ang prof namin sa FB at hindi namin nilalagay kung saan school kami nag a aral.

Naka white statement shirt, khaki cigarette pants, and Chanel sneakers ang suot ko. Naka lugay din ang buhok ko, binabalak ko na pagupitan ito. Easy is wearing white lace shirt, blue cigarette pants, Chanel black and beige doll shoes.

Pina diresto kami ni Alexa sa patio nila na may swimming pool para ilagay ang mga gamit namin. Nagpa sama si Alexa sa playroom para kumuha ng boardgames and card games.

Nag labas siya ng chips, liquor and tig i pisang shot glass sa amin. Kasabay naman ay ang pag tawag ni Zoey sa boys. Nag palit ako sa changing room ng swimsuit.

Naka maroon halter one piece swimsuit ako, si Easy ay naka emerald green square neckline one piece. Naka two piece naman ang dalawa si Alexa ay nag palit lang ng pambahay.

"Mga hindi sumasagot," - reklamo niya.

"Patawag mo kay Laya si Ralph sasagot yan." - si Easy sabay tingin sa akin.

"I don't want him to give a reason to hold on to."

Nag laro muna kami ng What do you Meme habang ina antay ang boys habang pinapakinggan ang Pano ni Zack Tabudlo.

https://youtu.be/82D_Cd9PvlU



"Pano naman ako? Nahulog na sayo. Binitawan mo lang ba talaga ako?" - Kanta ko.

May nag doorbell kaya tumayo si Alexa.

"Grabe hindi kami inantay," pag re reklamo ni Andrei. Hindi ata niya napansin sealed pa ang mga bote.

"What took you so long?" Easy asked.

"Sabihin niyo lang kung may mga girlfriend na kayo ulit," sabi ko.

"Laya, si Ralph lang naman talaga pina paringgan mo. Wag ka mag alala loyal sayo ito. Tumitingin sa iba pero sayo pa din na u uwi." si Andrei.

"Bakit nga ang tagal niyo?" Tanong ni Bridget.

"Ayaw umandar ng sasakyan ni Joseph. Nag tren kami. Si Kyle at Chelsea binigyan ng condom sa station pag baba namin ng tren.

Agad sinita ni Kyle si Andrei sa sinabi. 

"Binati sila kami hindi pinansin," reklamo ni Joseph.

Nag tawanan kami. Sinabi namin na mura lang naman ng condom bakit ang sama ng loob Nina na hindi nabigyan.

Inuman, laro, swimming, kantahan ang ginawa namin. Naka dalawang bote na ako and I decided to chat Lucas. Gusto ko sa messenger para sure ako kung na seen niya or hindi pa.

Me: I love you, Lucas.

Bigla akong kinabahan ng nakitang sineen niya, mabilis ko inoff ang phone ko and mabilis ko din binuksan ulit at may message na galing sa kanya.

Lucas: Haha! I love you too.

I knew it! He likes me too. 

Lucas is typing...

Ito na ba? Mag po propose na ba siya para maging girlfriend ako?

*****

6 February 2021.

Ang tagal bago ko na update ito. Thank you for your time. Have a great day ahead! God bless.

Sincerely,

Sui generis

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro