17th
Sinundo ni Joseph ang mga kaibigan namin gamit ang van ng pamilya niya.
"Pupunta ba si Lucas?" Tanong ni Ralph.
"Tinanong ko siya kahapon, hindi pa din daw siya sigurado."
"Baka i su surprise ka," sabat ni Alexa.
"Alexa, isa ka pa. Kaya umaasa yan kapatid ko. Don't give her false hope."
May kanya kanya kaming clothes rack para alam namin kung kanino dapat mapunta ang bayad.
"Lucas, kanina ka pa hinihintay ni Laya." Bati ni Andrei habang nag la lagay ako ng mga damit sa clothes rack ko.
"Akala ko hindi ako makakapunta."
"Yihee, andyan na yung crush mo." Sinundot ni Zoey ang tagiliran ko.
"Stop," pero tuloy pa din siya.
"Hello Laya, Hello Zoey."
"Shhh!" Pag tigil ko kay Zoey at lumingon kay Lucas.
"Hi Lucas." Magka sabay na sabi namin ni Zoey.
"Nasaan na ang mga ibebenta mo?" Tanong ko.
"Pumunta lang ako dito para tumulong. Malakas kayo sa akin."
Tumalikod na siya at pumunta kay Kyle. Si Zoey naman ay nag paalam na kukunin ang iba pang preloved items sa van ni Joseph.
Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko ng itinuloy ko ang pag-aayos ng preloved items ko.
"Did you hear what he just said?" Ang kapatid ko.
"Were you eavesdropping?" Kunot noong taong ko sa kanya.
"Ang sabi niya, 'malakas kayo sa akin.' Ibig sabihin tayo. Hindi niya sinabing 'malakas ka sa akin.' Hindi ikaw lang. Baka isipin mo na naman may special treatment siya sayo."
"Opo Ate."
Pumunta ako sa table na may cash box at tinabihan si Bridget. Nakita kong tumakbo si Lucas para salubungin si Zoey na may dalang mga damit.
"Dapat nagpa sama ka," rinig kong sabi ni Lucas habang palapit sila.
"Kaya ko naman."
"Hindi na nga makita mukha mo sa dami mong dala," tawa ni Lucas.
Mabait si Lucas. Yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko. Pwede naman ako mag selos kasi may nararamdaman ako sa kanya. Hindi ko lang pwede ipakita dahil hindi kami. Sa ngayon.
"Lucas, pwede pa help? Ayaw kasi ako tulungan ng mga lalaki dito."
"Sabi namin teka lang, atat ka naman," pag de depensa ni Andrei.
"Oo nga. Ikaw na nga lang humihingi ng pabor ikaw pa nag re reklamo," pag sa sang ayon naman ni Joseph.
Alexa scoffed at them.
Naki tawa lang si Lucas sa kanila. "All right, ano ba ipapatulong mo?"
Nag punta sila sa van ni Joseph.
Malakas ang kutob ko wala siyang gusto sa mga babaeng kaibigan ko, sadyang mabait lang talaga siya.
Kada may bumibili ng preloved items namin sino sold namin agad sa online.
"Good afternoon po," bati ni Lucas habang tumitingin ang matandang magandang babae sa mga binibenta namin.
Ang alam ko malalaki na ang mga anak niya at may mga apo na din siya.
"Good afternoon, hijo."
"Ano pong gusto niyo? Gusto niyo bang damit, bag o sapatos?" Pinakita ni Lucas ang mga ito sa kanya.
"Ito Ma'am, bagay ito sayo." Alok niya ng Hermes na preloved ni Bridget.
"Hijo, alam kong gwapo ka. Hindi mo na kailangan magpa cute sa akin." She raised her eyebrows. "I am already in my 50s. Masyadong pambata yang pink." Tawa ng babae.
"Ganon po ba? Akala ko po kasi nasa 30s lang kayo."
Mukha nga nasa 30s lang ang babae dahil siguro nagpa botox siya. Nalaman ko ng nag taas siya ng dalawang kilay pero hindi lumabas ang kanyang forehead lines.
"Sugar mommy ata ang hanap ni Lucas," bulong sa akin ni Kyle.
"Ginagawa niya yun para maka benta," counter attack ko.
"Original Panerai watch, para po sa asawa ninyo." Alok pa ni Lucas sa babae.
Lumapit sa kanila si Joseph. dahil siya ang nag be benta nito.
Pag may nag bayad sa online ng mga bini benta namin. Itinatago na namin agad para hindi na makita ng mga pupunta dito.
Puro si Lucas ang taga bati at taga alok ng customers. Apat sa items ko ang nabenta niya.
Binibigyan ko ng share si Lucas dahil siya talaga itong nag effort para maka benta kami. Hindi naman talaga namin plano mag bigay ng share noong una sa kanya, dahil nga wala naman siya bini benta at siya pa itong nakaka kuha ng customers namin. He deserved a reward.
Hinawakan niya ang mga kamay ko ng dalawang kamay niya. "No need for this Laya. I am gladly to help." Binitawan na niya ang mga kamay ko.
"Thank you, Lucas."
Binalik ko na sa cash box ang pera. Dito matutulog ang mga kaibigan namin maliban na lang kay Lucas. Babalik na lang daw siya bukas para maka tulong ulit sa pag be benta. Kung wala silang lakad ng pamilya niya.
Inaya pa namin siya kumain pero tumanggi na siya at sinabing paboritong ulam niya ang niluto sa kanila.
"Ang galing mag benta ni Lucas. Pero hindi ko pa din siya gusto para sa kapatid ko." Si Easy habang pinag se servan ng pagkain.
"Bakit naman?" Tanong ni Andrei
"Parang hindi niyo kilala si Laya. Kulang na lang ayain niya magpa kasal."
"Don't worry, Easy. Sugar Mommy ang gusto ni Lucas," tawa ni Kyle.
"Hindi kaya!" Ako. "Marketing Strategy ang tawag doon."
"Bakit sa mga dalaga hindi siya ganon?" Tanong ni Kyle.
"Kasi ang bilis naman nila maka pili. Alam nila agad ang gusto nilang bilhin," sagot ko naman.
"Laya, gusto mo ba i push namin si Lucas na ligawan ka? Ikukukwento namin lahat ng mga mabubuting ginawa mo. Positive traits mo sasabihin namin sa kanya." Si Alexa.
"As the older twin I won't grant the permission," Sagot agad ni Easy.
"I was asking Laya."
"Mas okay pa din ang natural, kaysa yung bini build up dahil parang napilitan lang," sagot naman ni Bridget.
"Hindi namin sila ibu build up. Iku kwento lang namin si Laya sa kanya," depensa ni Zoey.
"Ganon din yun. At saka kilala naman ni Lucas si Laya. Pag mu mukha mo pang desperada itong kakambal ko. Sa pagiging halata ng kapatid ko sigurado ako maging si Lucas alam na may gusto sa kanya si Laya. Iisipin pa ni Lucas na idea yun ng kakambal ko."
"Tama. At baka mas lalo pa mawalan ng pag-asa si Laya."si Ralph bago sumubo ng pagkain.
*****
05 April 2021
Second update for today, yay! Thank you for your time. :) God bless.
Sincerely,
Sui generis
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro