16th
Ibebenta namin ang mga damit na isa o dalawang beses lang namin nasuot dahil hindi na kasya. Ang mga hindi na kasya na maraming beses namin na isuot i do donate namin.
"Good morrow!" Easy
"Good afternoon!" Ako
"Good evening! Wherever you are, We are the Lucas' twins." Sabay na sabi namin dalawa.
"Name's Lindsay Isabella Lucas."
"My name is Aglaea Desire Lucas."
"Woah! Wait, lets cut." Lumapit si Easy sa camera na nasa tripod para ihinto ang pag re record ng video.
"I think that was okay," I said.
"Aha! Maybe that's the reason bakit patay na patay ka kay Lucas, because of your name. Let's do it again." Lumapit muli siya sa camera.
"From the top?"
"No. Doon na sa pagpapakilala natin individually. Nasabi naman na natin last name natin kaya yung given names na lang." I nodded.
"Name's Lindsay Isabella."
"My name is Aglaea Desire."
Tumingin agad sa akin si Easy ng may naisip na naman siya. "Baka naman hindi de-zire ang basa sa 2nd given name mo. Maybe it's de-si-ree."
Umismid ako at ako na ang lumapit sa camera para i stop ang pag re record.
"Ang sabi ni Mommy at Daddy yung Aglaea lang naman daw maling na po pronounce na name ko."
"Pag tumawag sila, I am going to ask them."
I shrugged "I think it's better we just use our nicknames. Mas kilala tayo ng tao as Easy and Laya."
"All right."
Pinindot ko muli para mag record. Naka ilan takes din kami para sa pagpapaliwanag kung saan nabili ang mga damit, sapatos, ang original price at kung magkano namin balak ibenta. At dahil na din pag natatwa kami.
Pinost namin sa YouTube at sa social media na magbe benta kami next weekend. Sa online sinimulan na namin ang pag be benta.
"Sana madaming maka kita, hindi pa naman tayo vlogger." Si Easy habang pino post sa isang online store ang preloved items na ibebenta.
"Lucas, shared our post!" I shrieked.
We asked our friends to share or repost our posts. And of course I am the one did ask Lucas.
I sent him a reply to his IG story of he repost to say thank you.
"Lucas twins, can I go to your house on Saturday?" Zoey asked habang ina antay namin ang prof na malapit na mag 30 minutes at wala pa din.
Nag la labas na si Alexa ng yellow pad at nag sulat. May assignment ba? Auditory learner naman ako, pero wala ako matandaan na sinabing may assignment ang sino man prof sa amin.
"I want to help. At saka pwede maki benta din? Hehe!"
"Okay lang," Easy said and smiled genuinely at her.
"Pumunta na lang kaya tayong tatlo sa bahay nila Laya. Tulungan natin sila mag benta din." Si Ralph.
Nag agree ako. "Or kung may preloved items din kayo na gusto niyong ibenta, ibenta natin sa weekend."
"Guys, wala si Sir! 30 minutes na." Si Alexa habang winawagayway ang yellow paper niyang may pangalan na.
Attendance pala, medio kinabahan ako doon.
Kinuha ko kay Alexa ang yellow paper at andoon na ang mga pangalan namin, pipirma na lang.
Matapos namin pumirma mag ba barkada, binigay ni Andrei na huling pumirma sa amin ang yellow pad sa ka block namin at lumabas na kami.
Maganda ang panahon ngayon kaya naisipan namin libutin ang school premises. Napadpad kami sa Nautical Science Building.
"Pasok tayo Laya?" Kilig na tanong ni Zoey sa akin.
Bago pa ako maka sagot, hinila na ako ni Easy. Hihindi naman din ako dahil mamaya pa ang pasok ni Lucas.
Napunta din kami sa Serenitea ng school at bumili ng tig i isang milktea. Kumawit ako sa braso ni Laya ng maka labas kami sa store.
"Guys, nag message si Ms. Loraine na hindi siya makaka pasok sa subject natin." Balita ni Bridget.
After ng subject namin na ito na hindi pinasukan ng prof namin ay susundan ng break time at pagkatapos ng break time ay ang subject namin kay Ms. Loraine.
"Mahabang break time ito. Labas tayo ng school." Si Kyle.
Naisipan namin mag karaoke sa mall. Dahil si Kyle ang nag-aya SUV niya ang gagamitin namin.
Nang malabas ni Kyle ang kanyang SUV sa pagkaka park ay dumating naman ang sasakyan ni Lucas.
"Kyle, that's Lucas' SUV."
Bumisina si Kyle at binaba ang bintana sa driver's seat. Ibaba ko na sana ang bintana sa side ko pero pinigilan na naman ako ng kakambal ko.
"Bro," bati ni Kyle sa kanya ng maibaba ni Lucas ang bintana niya.
"Wala na kayong klase?"
"Meron mamaya, mahabang break time lang kaya mamasyal muna."
"Ingat kayo."
"Lucas, sa Saturday pupunta kami kayla Laya tutulungan namin sila mag benta. Baka gusto mo tumulong?"
Ibinaba ko na ang bintana sa side ko. "Oo nga Lucas pwede ka din mag benta ng preloved items mo."
"Sige titignan ko pa." He smiled at nagpaalam na kami.
Tumayo ako at hinampas si Kyle sa magkabilang balikat. "Aray, gago! mababanga tayo." Reklamo niya ng nabitawan niya sandali ang manibela.
"Sorry. Thank you, Kyle."
"Hindi ka naman sure kung pupunta talaga si Lucas," ang kapatid ko.
"Bitter ka lang." Umirap ako.
"I am not bitter. Para ka kasing desperada diyan."
Nag pintig ang mga tainga ko sa sinabi niya. "What did you just call me?"
"Walang a awat ha walang a awat." si Andrei. "Never ko pa kayo nakita mag sabunutan at sampalan. Ito na kaya yun?"
"Andrei, para kang tanga." Si Zoey na kalmado at inirapan siya.
Madalas ang away namin mag kambal hanggang sigawan lang. We already have our catfights and most likely when it's only the two of us. We never said sorry to each other after the fight, suddenly we're okay and best friends again. We just said sorry if our parents or guardians told us to do so.
"Easy, ako naman ang nag aya kay Lucas."
"Ikaw nga nag aya. Pero syempre alam naman natin na ang may final say ako o si Laya."
"Lucas twins, that's enough." Si Alexa at naki pag palit ng pwesto kay Easy.
"Easy, grabe naman din kasi yung sinabi mo kay Laya. At Laya ayaw ka lang masaktan ni Easy kaya niya nasabi yun." Sabi ni Bridget sa amin.
Wala kaming kibuan ni Easy hanggang makarating sa mall. Pinauna kami nina Zoey at Easy sa karaoke booth dahil bibili pa daw sila ng French Macarons.
"Inom tayo?" Si Joseph.
"Baka ma expel tayo naka uniform tayo," si Bridget.
Umorder kami ng finger foods at dumating na din sila Easy. Umupo sa tabi ko si Easy at siniko ako.
"You want?" Alok niya.
"Thank you." Dumukot ako sa lalagyan.
Naunang kumanta si Ralph. - Have It All by Jason Mraz.
https://youtu.be/6d2aWjgNiy0
Kumuha ako ng Lumpia para sa amin ni Easy.
"Well, here's to the hearts that you're gonna break. Here's to the lives that you're gonna change. Here's to the infinite possible ways to love you, I want you to have it. Here's to the good times we're gonna have..." Sabay namin sa pag kanta ni Ralph.
"Sino susunod?" Tanong ni Ralph.
Nag taas ako ng kamay at kinuha ang mic sa kanya.
"Dedicated to?" Tanong ni Alexa.
Inilayo ko ang mic sa bibig ko. "Lucas Dauphin Heramis."
I Want To Hold Your Hand - Soundtrack from Across the Universe.
https://youtu.be/vVbKK5QIJGs
Nag hiyawan sila at kasabay ang palakpakan. Si Easy naka ngiti habang umi iling at pumapalakpak din.
*****
5 April 2021
Thank you for your time. Have a good day! God bless and keep safe.
Sincerely,
Sui generis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro