Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14th

Another day another reason to thank the LORD. Totoo nga talaga siya. Una hindi ako naniniwala, ang mga naniniwala sa kanya pinapabayaan ko lang. Dati naman din nag da dasal ako hindi lang lagi, may doubt din sa akin na totoo siya tuwing nag da dasal ako sa kanya. 

"Mommy, Daddy?" Kakababa ko lang mula sa 2nd floor ng kwarto namin ni Easy.

I had no idea na makaka uwi pala sila ng Pilipinas ngayon.

"Kailan pa kayo dumating?" 

"Ngayon lang," turo ni Mommy sa bagahe nila na hindi pa na a akyat.

"May lakad ka?" Tanong ni Daddy

"I am going to church."

"Sasama ka sa amin?" Si Mommy at niyakap ako. "Matagal kong ipinag dasal ito." 

"Sa iba po ako mag si simba," sagot ko.

"Bakit hindi ka sa amin sumama?" Tanong ni Easy at nag taas ng kilay sa akin.

"Ayoko yung pari doon," pag da dahilan ko kahit na hindi ko naman talaga na alam kung sino ang pari.

"Ilan taon ka na hindi nag si simba at iba na ang pari nag mi misa."

"Sa iba gusto ko mag simba at Catholic din naman yun."

"Saan bang simbahan yan?" Tanong ni Daddy.

Sinabi ko ang pangalan ng simbahan na pinag si simbahan nila Lucas. Paano ko nalaman? May isang beses nakita kong may family picture siya sa simbahan na iyon. Tinanong ko ang isa niyang kaibigan kung saan simbahan iyon.

"Why don't we go there?" Si Mommy.

"Mommy, titignan ko muna kung okay yung temperature ng simbahan, kung okay ba yung pari. Baka mas malala siya sa pari na sinasabi ko."

Easy made a face. 

"Hija, hindi tayo nag si simba para sa pari, nag si simba tayo para sa Diyos," sabi ng Nanay ko.

Magkaibang city ang pag si simbahan namin. Ang pupuntahan nila Easy ay ang malapit dito sa amin sa kung nasaan lang din ang city namin. Madalas sa chapel ng subdivision nag si simba si Easy, pag andito ang parents namin mas gusto nila sa malaking simbahan.

"Aglaea Desire, stop what you're doing." Si Easy habang palabas kami ng pinto ng bahay. Nau una sa amin sina Mommy at Daddy.

Kinausap ni Daddy si Kuya Caesar para sabihin ihatid ako sa simbahan.

"Anong masama sa pag si simba?"

"Hindi mo naman talaga intention na mag simba, gusto mo lang mag simba dahil doon nag si simba si Lucas."

"Gusto ko magpa salamat sa Diyos," sagot ko.

"Pasalamat? Yung dahilan mo hindi lulusot sa akin. Pwede ka magpa salamat sa kanya kahit nasa kwarto mo lang ikaw."

Hindi ko na siya sinagot at sumakay na lang. Pinauna kami nila Daddy sa pag labas sa garahe.

Dumating kami sa simbahan marami ng tao sa loob. Inaya ko si Kuya Ceasar na pumasok sa loob. Tumanggi siya at sinabing dito na lang siya sa labas ng SUV para mabantayan ang sasakyan at maka pag simba din. 

Isa na lang ang bakante sa loob, sa pinaka dulo na upuan. At ang bakanteng iyon alam ko kung sinong lalaki ang katabi.

Umupo ako sa left side ni Lucas. Hindi ko siya binati dahil para kunwari surprise at nag u usap sila ng pamilya niya.

"All rise," the priest said.

Nag simula ang misa at kantahan, tamang kwento si Father at wala naman akong natandaan dahil sa pagka antok ko. Hindi ko na napigilan at hindi ko sinasadya na bumagsak ang ulo sa balikat niya.

"Miss, tayo daw." Si Lucas habang ginigising ako.

Miss? Hindi niya pa din nahahalata na ako ito, si Laya? Wala ba siyang balak lingunin yung side ko?

Tinakpan ko ang bibig ko para humikab, nilakihan ko din ang mata ko para maging alerto.

 Nawala ang inis ko na mag  a Ama Namin. Hindi niya ako tinignan pero ipinatong niya ang kamay niya na sa kamay kong naka taas. Muli ay nagpa salamat ako sa Diyos.

Hindi ko kabisado ang kanta kaya kung ano ano nai isip ko. Ramdam ko ang ugat sa kanyang kamay. Isa lang ibig sabihin nito siya ay masipag. Pag nagka pamilya kami hindi kami mag hi hirap, magiging may kaya ang pamilya namin. I want four children, two sets of twins na parehas boy and girl.

Matapos ang kanta nag kunwari ako nag pi pisil ng ilong para ma amoy ang kamay ko. Ang bango, ang manly, amoy mayaman din. Parang ayaw ko na hugasan ang kaliwang kamay ko. 

"Peace be with you," people said in chorus.

Lumingon sa akin si Lucas at sabay kami nag peace be with you sa isa't isa. He offered his hand and I shook it.

"Laya, ikaw pala yan?" Ngiti niya.

"Oh my hala," kunwaring gulat ko.

"Nasaan mga kasama mo?" 

"Ako lang. Nag si simba ang family ko sa city namin. Hindi ko gusto ang misa doon kaya ito andito ako."

Ipinakilala ako ni Lucas sa pamilya niya. Mukhang mabait ang Mommy niya at ang Daddy niya. 

"Ang gandang bata." Bati ng Mommy niya sa akin. "You can call me Tita Scarlett."

May ibang pag tingin ang sumunod na kapatid ni Lucas sa akin. There is no lust in his eyes, halata lang na interesado siya sa akin. Noong natapos ang misa hindi ko na naka usap si Lucas dahil kung ano ano na tinanong niya sa akin.

"Gabriel, kay Kuya mo yan." Pang a asar ng Daddy nila sa kanya.

"Not gonna happen," sagot ni Gabriel.

At tayong dalawa ay hindi naman din mangyayari.

Nag paalam na ako din ako sa kanila. Inaya pa ako ng Mommy ni Lucas na sumama sa kanila para kumain ng lunch. Tumanggi ako at sinabi ito lang paalam ko at minsan lang din andyan ang parents ko kaya minsan lang kami kumpleto sa kainan.

"Kamusta ang misa? Ano natutunan mo?" Salubong sa akin ni Easy pagka tapak ko ko sa main entrance ng bahay namin.

Umakyat ako para mag palit at sumunod siya. 

"Mission accomplished ba?" Tanong niya pagka pasok sa kwarto namin.

"Yes," I smiled at her at pumasok sa walk in closet namin para mag palit ng disenteng pambahay.

"Inaya nga nila ako sumabay ng lunch sa kanila. At boto sila sa akin," sabi ko ng mas malakas, dahil andoon siya naka silip sa bintana.

"Si Lucas hindi ka naman gusto."

Lumabas na ako ng walk in closet at umupo sa vanity para mag suklay. "He likes me, ayaw niya lang aminin sa sarili niya."

"Laya, ito na naman tayo," sinapo niya ang kanyang noo.

"And I think God is making ways dahil kami ang tinadhana niya."

"Dinamay mo pa si God sa kaharutan mo. Sana hindi ka parusahan sa pinag ga gawa mo." Lumabas na siya at naiwan ako.

******

31 March 2021

I am so happy na naka pangalawang update ko ito ngayon. Ingat lagi and follow the protocols to avoid covid. God bless. Thank you and good night!

Sincerely,

Sui generis

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro