13th
Isa na naman magandang araw para sa akin. Mamasyal kami ulit ni Lucas ng kaming dalawa lang at pupunta kami ng museum.
https://youtu.be/mnxupEXxrTI
"Mmm, so this is love. So this is what makes life divine..." - kanta ko habang lumalabas ng walk in closet namin.
"Akala ko ba hihiram ka ng dress sa akin?" - Tanong ni Easy ng makita niyang suot ko ang damit ko. Naka black 3/4 puff sleeves and square neckline top ako at midnight blue jeans. Hinigh ponytail ko ang aking buhok at nag suot ng diamonds cuff earring sa right ear ko.
"I changed my mind. Anyhow, ayaw mo sumama sa amin?"
"Akala ko ba gusto mo kayong dalawa lang?" Pag iling niya.
Totoo ang kanyang sinabi. However, I am just trying to be polite and deep down I was hoping she will decline my invitation
"At ginamit mo pa mga kaibigan natin." Pag irap niya.
Another truth
"Pumayag naman kaya sila." pag da dahilan ko.
Naki usap ako na kunwari na kaming mga mag ba barkada ay pupunta ng museum para hindi halata kay Lucas na gusto ko ulit siya maka sama. Nakiusap ako sa kanila na kunwari bigla sila nag back out. Napaki usapan ko din ang mga kaibigan niya at pumayag naman sila.
GC
Alexa: Sorry hindi ako makaka sama. Pinag ba bantay ako ng pamangkin ng Ate ko.
Kyle: Ako din, bigla kasi ako inaya ni Chelsea.
Aglaea (Me): Hala ang daya, nauna kami. Joke, enjoy!
Lindsay: Weh?
Na seenzoned ni Lucas ang conversation, hindi nga lang siya nag react.
"Good luck sa iyo paano mo malulusutan na hindi na sasama yung iba." Easy crossed her arms.
"Si Paul na ang bahala."
Para hindi mahalata sinabi ko magkita kita na lang kami mismo sa museum. Si Kuya Ceasar ang nag hatid sa akin.
Nauna ako ang dumating sa mismong harap ng museum. Andito na din si Lucas nag ha hanap lang ng parking.
"Susunduin po ba kita?" Tanong niya bago ako bumaba.
"I am going to update you."
Hindi umalis si Kuya Caesar hangga't hindi dumadating si Lucas.
"Easy, nag back out sila Brent," bati niya sa akin.
"Nag back out din yung iba," sabi ko naman sa kanya.
"Tara," sabi niya at naunang umakyat papunta sa entrance.
Pag dating sa pila pinauna niya ako. Andito kami ngayon sa National Museum of Anthropology.
"Tayo naman mag picture," sabi ko. Puro kasi ako ang pinipicturan niya.
Kinuha ko ang cellphone niya at nag selfie kami. Ilan shots sa cellphone niya, at ilan shots sa cellphone ko sa magkaka ibang background.
"Picturan na kita para may solo ka," I insist.
"Hindi na, okay lang."
"Sige na para may remembrance ka."
"May remembrance na ako." Sabay pakita niya ng pictures namin sa mobile phone niya.
"Iba pa din yung solo," pag pupumilit ko sa kanya.
Wala na siyang sinabi at tinalikuran na lang ako at nag lakad.
Sunod kami pumunta sa National Museum of Fine Arts at huli ang National Museum of History.
Supper time kami natapos ni Lucas sa pamamasyal.
"Susunduin ka ba?" Tanong niya.
Hindi ako agad naka sagot dahil sa loob ko gusto ko ihatid niya ako sa bahay at kung hindi niya ako mai ha hatid sigurado naman susunduin ako ni Kuya Ceasar.
"Huh?" Ang tanging sagot ko kahit narinig ko naman ng malinaw ang tanong niya.
"Sabihin mo sa driver ninyo, ihahatid na lang kita sa inyo," sabi ni Lucas at bumaling na sa mobile phone niya.
Napa Sign of the Cross ako at nag thank you sa Diyos at sinabing mag si simba na ako tuwing Sunday.
"On the way na daw siya," kunwaring dahilan ko.
Gusto daw ng mga lalaki is yung na cha challenge sila, wag daw agad bibigay kaya ito pakipot muna.
"Sabihin mo bumalik na lang siya sa inyo."
"All right, I am going to text him."
Imbes na ang text ko ay bumalik siya, sinabi kong ihahatid na lang ako ni Lucas.
Kuya Ceasar
K po, ingat.
Sumakay ako sa shotgun seat ng sasakyan ni Lucas at not to mentioned siya naman sa driver's seat.
"Are you hungry? Pwede tayo mag drive thru."
Nag banggit ako ng isang fast food at doon kami nag drive thru. Nag order ako ng extra para kay Easy and for our helpers.
"Ayaw mo ng rice?" Tanong niya.
"Hindi na mas madaling kumain ng burger. Baka madumihan pa itong kotse mo."
"Wag mo isipin yun, ang dali dali magpa carwash."
Umorder na lang din ako ng may rice at chicken.
"Thank you," magka sabay na sabi namin sa crew.
Ako ay kumakain ng chicken at rice samantala siya ay kumakain ng burger habang nag da drive.
I am not a messy eater pero mas nag da dahan pa din ako para hindi madumihan ang sasakyan ni Lucas.
Matapos kong kumain at habang umi inom ng iced tea, hinanap ko sa plastic ang resibo. Cinompute ko ang akin pati ang pasalubong ko. Ipinatong ko ang iced tea sa cup holder at nilabas ang wallet para kumuha ng pera.
"Bayad ko," inaabot ko kay Lucas ang exact amount.
"Sagot ko na yun,"
"Nakakahiya naman sa iyo, sinamahan mo na nga ako kanina." Kunwari may utang na loob.
"Ako naman nag aya mag drive thru," sagot niya.
"Ako naman nag suggest ng fast food," sagot ko naman.
"I agreed with that fast food."
"Hindi kami tinuruan ng parents namin magpa libre," pag da dahilan ko and deep inside ayaw ko naman talaga bayaran.
"Hindi ka naman nagpapa libre, nililibre kita. Ganito na lang bawi ka na lang sa akin next time." Lumingon siya sa akin at ngumiti at mabilis din bumaling sa kalsada.
Next time? Magka kasama ulit kami next time. Thank God talaga.
"Sige next time, ako naman man libre ng pagkain."
"I am counting on that."
"Saan mo ba gusto kumain? Ano ba hilig mo?"
"I am not a picky eater and hindi mo naman ako kailangan dalhin sa mamahalin restaurant." He winked at me.
That's good news dahil picky eater ako balak ko lang siya dalhin sa kainan na may pagkain na kinakain ko.
*********
31 March 2021
Sobrang tagal ko hindi naka pag update. Thank you for understanding. ECQ na naman dito sa amin dahil tumataas ang nagpa positive sa covid. Anyhow, keep safe and pray. God speed. Thank you for your time and have a good day!
Sincerely,
Sui generis
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro