Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12th

Nagising ako sa pag yugyog sa akin ni Easy. One week na ang naka lipas mula ng 17th birthday party namin sa tavern at ngayon Sabado na.

"It's Saturday!" Pag re reklamo ko.

Wala naman kaming lakad ngayon para gisingin niya ako. 10 na din ng umaga pero nag puyat ako sa pag mo movie marathon ng Barbie movies kaya natulog lang ako pasikat na ang araw.

"Diba pupunta kayo ni Lucas sa zoo ngayon? Nasa baba na siya." 

Nasa baba si Lucas? At pupunta kami ng zoo? Wala naman akong natandaan na inaya ko siya mag zoo or inaya niya ako mag zoo.

"Kailan niya sinabing pupunta kaming zoo?" Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa powder room namin.

"Anong siya ang nag sabi? Ikaw ang nag aya." Napa tigil ako sa pag hi hilamos. Ako mag a aya pumunta ng zoo? Bakit ako pupunta sa lugar na hindi naman ako sabik.

"Kailan?" Dahil buong week wala naman kaming napag usapan ni Lucas na pupunta kami ng zoo.

"Last Friday, noong party natin bago tayo umuwi. Maka please at nguso ka pa nga sa kanya habang yakap siya para lang mapapayag mong samahan ka niya mag zoo ngayon Saturday. And you even texted him pag dating natin sa bahay. Akala ko naman alam mo kasi nitong linggo sobrang saya mo para kang excited."

Ang sayang na naramdaman ko sa buong week dahil sa bracelet at sa kahulugan na nabasa ko sa internet.

Hindi ko na din napansin na may text pala ako kay Lucas about sa zoo dahil natabunan na ng mga bumati ng Happy Birthday.

"Sige na maligo ka na, ako na lang mag ha hanap ng isusuot mo." 

Niyakap ko si Easy kahit hindi siya sang ayon sa ginagawa ko, gusto niya pa din ako maging masaya. "Thank you!"

Mas mabilis ang naging pag ligo sa usual na aking pag ligo. Nakita ko naman sa kama ang isang khaki half button manggas na jumpsuit na may apat na bulsa, dalawa sa may bandang dibdib at dalawa sa gilid sa bandang baba ng balakang.

Bino blower ko ang aking buhok at kinuha na din niya ang kanyang pang blower para tulungan ako.

Ako na ang nag makeup sa aking sarili, sinuggest pa ni Easy na mag pink lipstick ako pero tinanggihan ko iyon at nag suot ng wine red lipstick. Gumamit ako ng mas mamahaling pabango na gusto kong amoy na madalas ko lang gamitin sa okasyon. Sinabit ko ang black leather backpack sa aking likod bago bumaba.

"Good morning," sabi ko habang bumaba sa hagdan.

"Mukhang nakalimutan mo ata na may lakad tayo," naka ngiting sabi niya pero parang hindi naman talaga siya totoong masaya. 

Hindi nga ba? Or na i isip ko lang. Nag paalam na ako kay Easy at sinabi niya sa akin na may tatlong sandwiches siyang nilagay sa bag ko. Natuwa ako at niyakap siya.

"Baka gutumin ka pero mag la lunch na din naman baka kumain na din kayo sa resto or fast food."

Kinuha ko ang brown flat open sandals na may strap. Nauna si Lucas sa kanyang sasakyan at pinag buksan niya ako sa kanyang SUV.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya nang mag simula niya paandarin.

"May baon akong sandwich dito. Gusto mo?"

"Mamaya na lang mahirap para sa akin kumain habang nag ma maneho."

"Subuan kita," diretshahan kong sabi.

Umiling pa siya na parang nahihiya. "Wag ka na mahiya, tayong dalawa lang naman."

Sa huli sumuko na siya, dalawang sandwiches ang hawak ko isa para sa kanya at isa para sa akin.

Binuksan niya ang kanyang radio at magpapa tugtog ang radio station ng Carol of the bells.

https://youtu.be/J0uGnm3dGvc

Malapit na ang pasko kaya mas tuma traffic na. 

"Kung may oras pa tayo mamaya gusto mo bang pumunta ng Ayala Triangle? May Fesitival Lights sila mamaya."

"Why not?" Sagot ko. Nakarating na din ako doon last year, kaming dalawa ni Easy. Iba ang theme last year at iba ang theme ngayon.

"Buti pumayag kang samahan ako," sabi ko.

"Lahat ng pag aaya sa akin ng mga mahal ko sa buhay, mga kaibigan ko kadalasan ay hindi ko na tinatanggihan dahil pag tungtong ko ng barko matagal ulit bago ko kayo maka sama."

"Neigh neigh," sabi ko habang andito kami sa harap ng kulungan ng kabayo.

Sumagot din ang kabayo sa pag gamit ng neigh. Paano kaya kung naiintindihan natin ang sinasabi nila? Minsan naisip ko dahil sa mga napapanood ko nagkaka intindihan ang mga hayop pero para sa ating mga tao ay hindi natin ito maintindihan. Paano kung may isang tunog tayo para sa mga hayop?

"Roar!" Sabi ko.

Nagulat ako ng lumapit sa harang ang leon at sandaling nag wala. Hinawakan ni Lucas ang palapulsahan ko at umalis kami doon.

"Ano bang ginagawa mo?" Tawa niya. "Kanina pa ako natatawa sayo."

"Kinakausap ang mga hayop," sagot ko sa kanya.

"Tara punta tayo sa favorite animal mo." Hawak pa din niya ang wrist ko.

Tumigil kami sa may dalawang hippopotami, na magka tabi at sabay na kumakain ng damo.

"Sa tingin mo mag asawa ang dalawang yan or kambal?" Tanong ko.

"Hindi ko din alam," sagot niya. "May lahi ba kayong kambal?"

Nakilala na namin ang mga kamag-anak namin sa mother side at father side hanggang third cousins kilala namin pero wala kaming nakitang kambal bukod sa amin, maging sa first generations

Inalis ko ang tingin ko sa dalawang hippopotami at tumingin sa kanya.

 "Wala. Easy and I are identical twins. Fraternal twins lang naman daw ang namamana."

"Hindi kayo fraternal? All this time akala ko fraternal kayo dahil madali kayong ma distinguish."

Ayan ang akala ng marami hangga't di nila nalalaman na identical kami. "Noong bata kami malilito ka pa, dahil parehas lang kami ng katawan at kung hindi ka pa matandain sa parte ng mukha malilito ka dahil ang pagkaka iba lang namin noon ni Easy ay kulot ang dulo ng kanyang buhok, sa akin naman ay diretso, kung naka updo ang palatandaan medyo mas makapal ang kilay niya sa akin. Maski mga magulang namin litong lito."

Mas madali na kaming ma distinguish ngayon dahil sa aming magka ibang katawan.

"Nagka taon ba na parehas na lalaki ang gusto ninyo?"

Umiling ako. "Madalas kung sino gusto niya ay ayoko naman, at kung sino naman ang gusto ko madalas ay ayaw niya."

Quarter to 4 ng makaramdam kami ng gutom, mag la lunch pa lang kami. Nag take out na lang kami sa KFC dahil sabi niya, kumain na lang kami sa trunk ng kanyang SUV

"Gravy?" Alok niya sa extrang gravy matapos gawin sabaw ang KFC.

Mas gusto kong hinihigop ang gravy kaysa sa sinasabaw ito sa kanin.

"Kwentuhan mo naman ako tungkol sa pamilya mo," sabi ko matapos namin kumain.

"Karamihan sa kamag-anak namin, kapitan ng barko, piloto or engineer."

Marami pa kaming napag kwentuhan. He is also the first grand child sa kanyang mother side at first grand son sa father side, may apat na babaeng nauna sa kanya sa mag pi pinsan.

"Let's go?" Tumango ako at sumakay na kami sa kanyang sasakyan.

Traffic papuntang Ayala Triangle, madilim na din ang kalangitan. Hindi ko na napigilan ang pag pikit ko kahit nag ku kwento si Lucas.

Nagising na lang ako ng nasa parking lot na kami. Agad ko kinuha ang compact mirror ko para tignan ang sarili ko. Maayos naman ang mukha ko, hindi nga lang ang buhok. Binaba ko ang sun visor mirror at sinuklay ang diretso kong buhok, tinali ko na din ito sa high ponytail bago lumabas.

Madami dami ng tao pero hindi pa nag si simula ang show.

"Gusto mo din bang manood ang Festival Light Show dito?" Tanong ko.

"Okay lang. Para kasing nakaka bitin kung zoo at fast food lang pupuntahan natin kaya inaya kita dito. Alam ko kasi mahilig ka sa mga ilaw sa gabi."

"Dahil ba madalas akong nasa tavern?" Pag taas ko ng kilay.

"Parang ganon na nga," tawa niya sabay akbay sa akin.

Nag simula na ang tugtog at pag labas ng mga iba ibang kulay.

"Kung gusto mo ulit pumunta dito pwede mo ulit akong ayain," sabi niya.

******

27 May 2020

May pa lang sa mundo natin pero ber na sa kwento kaya nilagyan ko ng Christmas song. In fact nagpapa tugtog na talaga ako ng Christmas song habang ECQ pa. 

Thank you for your time. Keep safe and God bless.

Sincerely,

Sui generis





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro