10th
Isang linggo na ang store namin at masasabi namin na mababawi namin ang capital at doble pa.
"Ito yung definition ng matalino para sa karamihan, para sa magulang ninyo, sige isama ko na din mga magulang ko." Ang Gen Psych prof namin habang dini discuss ang isang klase ng intelligence: logical-mathematical.
"Dahil lang hindi kayo magaling sa academics, hindi ibig sabihin ay hindi na kayo matalino."
Tuloy tuloy ang paliwanag niya sa nine types of intelligence. May bago pa siyang topic na diniscuss sa amin.
Nang mag paalam ang prof chineck ko kung sino ang pupunta sa birthday namin ni Easy. At hindi pwede mawala si Lucas. Inaya ko si Easy na pumunta sa Nautical Science Building.
"Laya, dahan dahan naman." Pag re reklamo niya dahil tumatakbo kaming hila hila ko siya.
Napatigil pa kami ng maiwan ang isa niyang sapatos. Pumasok kami sa building, bubungad agad sayo ang dalawang elevator.
Bumukas ang elevator at nilabas nito sila Lucas na nag ku kutusan. Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni Easy. Lumingon kami ni Easy sa daanan, para mag mukhang napa daan lang.
"Bro, sila Laya," rinig kong sabi ng isa niyang kaibigan.
Lumingon na ulit kami ni Easy at kunwaring nagulat.
"Hi, hello!" Bati ko sa kanila, ngumiti at kumaway naman si Easy sa apat.
"Birthday niyo pala sa Friday? Advance happy birthday." Si Brent.
"Oo, invited nga kayo. Punta kayo ha."
"Basta party hindi kami mawawala," si Paul.
Lahat silang tatlo ay going si Lucas lang ang maybe.
"Ikaw Lucas? Hindi ka ba pupunta?" Tanong ko.
Napansin ko naman ang pag lapit ng tatlo kay Easy at nag usap na sila.
"Pupunta." Excited na sabi niya.
Tumawa ako. "Akala ko hindi, naka maybe yung sagot mo."
"Really? Pero pupunta ako. Ano bang gift gusto mo?"
"Gift?"Napaka espesyal ko talaga kay Lucas kaya tama ang naging desisyon ko na wag mag move on. Nararamdaman ko talaga may pag tingin siya sa akin.
"Yes, anything you want."
Pwedeng ikaw na lang?
"I love you with my all my hypothalamus," mahinang sabi ko at kumunot naman ang noo niya.
Para daw mag mukhang matalino sabihin daw ito sa taong mahal mo. Ang scam ng prof ko na yun, nag mukha akong tanga dito.
"You love hippopotamus?" Tumawa siya at napahawak sa batok. "Ang hirap naman ng gusto mo."
Naki tawa na lang din ako sa kanya. Ayos din pa lang hindi niya naintindihan ang totoong sinabi ko at inakala niyang gusto ko ng hippopotamus. Kung naintindihan niya baka gusto ko na magpa kain sa lupa.
"Sige tignan ko kung ano ang magagawa ko para magkaroon ka ng hippopotamus." Nag tawanan kami.
Hindi ko na siya nasagot kung ano talaga ang gusto ko dahil tinawag na ako ni Easy.
"Easy, anong gusto mong regalo sa birthday mo? Si Laya sabi niya she loves hippopotamus."
Tumingin sa akin si Easy at nag taas ng kilay. Easy knows I don't like hippopotamus, I don't like animals in general not to mention the insects.
"Something modesty and girly," sagot ni Easy sa kanya.
"Hippopotamus for Laya and modesty & girly for you, noted."
Nang maka layo na kami sa Nautical Science Building nag salita si Easy.
"Really? Hippopotamus? Well I think that is your first favorite animal."
"I don't think so. Hindi niya na intindihan ang hypothalamus."
Tumawa siya at bigla ulit nag seryoso. "I guessed sinabi mo ang sinabi ni Ma'am? Why are you so gullible when it comes to this kind of thing, Aglaea Desire?" Napa buntong hininga na lang siya.
"Wala rin naman ng kaso, because he didn't understand."
Pinarada ni Kuya Cesar ang sasakyan sa garage at kasunod naman ay ang sasakyan nila Daddy. Yumakap at humalik kami ni Easy sa kanila ni Mommy.
"How are my princesses?" Si Daddy habang akbay niya kami ni Easy.
"I am excited for our 17th birthday," sagot ko.
Puro friends lang ang invited sa Friday at may hiwalay na celebration ang birthday namin kasama ang pamilya at kamag-anak.
Nag palit kami ng pambahay ni Easy at sabay sabay kaming apat na kumain. Kahit hindi gutom dahil minsan lang kami kumpleto, sumasabay na din kami. Sa totoo lang 5 pm pa lang, usually 7 pm kami kuma kain ni Easy pag wala sila Mommy.
"Easy, how are you with Christian?" Si Daddy.
"We're fine," tipid niyang sagot na cino convince si Daddy na okay nga sila.
Well I guess not, pero these past few days hindi ko na sila nakikita magka video call. Ini isip ko dahil naging busy lang pero sa narinig kong tono niya kahit masaya ito, alam kong hindi. Sa lahat ng tao dito ako ang pinaka nakaka kilala sa kakambal ko. Mula pag gising at hanggang sa pag tulog mag kasama kami. Except sa CR na naliligo nag nu number one at number two.
Matapos kumain pumunta kami sa master's bedroom na kwarto nina Mommy and Daddy at binigay nila ang mga pasalubong sa amin.
Clothes such as Alice and Olivia, Ralph Lauren, Donna Karan. Shoes such as Dolce & Gabbana, Aquazzura. Bags such as Chloe, Beara Beara, Ecosusi, perfumes such as Givenchy, Ferragamo, Chanel, Jean Desprez. Make ups such as Besame, Dior, Elizabeth Arden, Shu Uemura. And many more.
Puro tops and bottoms ang akin at dresses naman kay Easy. Mas madaming dark colors ang nakuha ko at mas madami naman na light colors na nakuha si Easy.
"How are you with Christian?" I asked.
Andito na kami ngayon sa kwarto at nag a ayos ng make up and perfume. Dini dipose na namin ang mga makeup na hindi gusto ng skin namin at mga expired.
"To be honest, not fine. Ilang araw na kaming cool off."
"You want to share? You want some advice? Or you just want someone to listen to your story?"
Kinwento niya na nahihirapan na daw si Christian sa pagiging LDR nila, dahil busy na siya sa course naging busy pa dahil sa store, nawalan siya ng oras kay Christian.
Tumango lang ako at nag punta sa social media accounts ni Christian, pati ng friends niya and family.
Pag ako talaga may nakitang hindi ka aya aya at may ginawa siya para masaktan ang kakambal ko, susugurin ko siya sa Cagayan de Oro.
Nawala ang inis ko nang mag notif sa akin na may message si Lucas sa messenger
Lucas: Nabili ko na ang regalo mo,
Na received ko din ang picture na box na naka balot at naka ribbon.
Me: Wow, that was fast.
Pag compliment ko kahit na hindi naman na maaga kung bumili siya ngayon, dahil sa Friday na ang party.
Lucas: Sana magustuhan mo pag binuksan mo.
Me: It's the thought that counts, kahit ano pa yan basta galing sa mahal mo, galing sa kaibigan mo. Hindi mo din naman siguro ako bibigyan ng ayaw ko diba?
*********
10 May 2020
Happy Mother's Day to My One and Only Queen (Mama) and to all mother's out there.
Thank you for your time, have a good day! God bless.
Respectfully,
Sui generis
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro