Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter 2

"AND? What report did you bring?" Enigma asked after entering the car. Inabot niya kay Nero ang binili niyang mga damit.

Seven crossed his leg while fixing his necktie. Nakaupo ito katabi ni Nero. May inabot itong mga papeles sa kaniya. "The group behind this plan of abduction of Haybara's only daughter is the Pyton Corporation. The rival company of Haybara."

Hindi naman sumagot si Enigma at tinuon ang pansin sa mga impormasyong nakaungkat sa papeles.

So, this is just about rivalry, huh?

The Pyton corporation always came in second in terms of sales. Kahit isang beses hindi pa nila nalalamangan ang Haybara Company. Sa pagkakaalam niya, may magaganap na launching ng bagong branch ang Haybara kung saan naroroon din ang branch ng Pyton Corporation.

"Can you give me records of their branches?" Enigma asked.

Tumango naman si Seven at may kinalikot sa kaniyang phone. May tinawagan ito. Maya't maya, nakatanggap siya ng isang notification sa kaniyang phone. Kaagad niyang binuksan ang file na binigay at napangisi siya nang makita ang date ng bawat launching ng dalawang kompanya.

She was right. The intervals of their launching were not that distant. Ilang araw lang na nauuna ang Pyton Corporation pero kaagad ding sumusunod ang Haybara Company. She could've assume that it was just a coincidence, but the location and the times it happened, it was obvious that the Haybara Company was purposely competing with Pyton Corporation.

At ngayong may bago na namang i-la-launch ang Haybara sa kalapit na branch ng Pyton na kaka-launch lang no'ng nakaraang linggo, ito na ang naging hudyat para mapuno ang may-ari ng Pyton. Kaya siguro nais nilang gawin ang abduction upang ipabatid sa Haybara na hindi na nila nito nagugustuhan. It may just served as a warning. Or maybe it could be something more dangerous.

Bukod pa roon, may iba pang napansin si Enigma.

"They really hired people from Impel organization, huh?" saad niya at binalik ang papeles kay Seven matapos niya itong kabisahin.

The Impel organization was one of the notorious organizations leading the underground transactions across the world. Habang binabasa niya ang papeles kanina, isang taong nagngangalang Edgar ang nakakuha sa atensyon niya.

He looked like someone she had killed not too long ago.

Seven nodded. "The Pyton paid them big."

"And? What about the one who chased us and blew my windshield?"

Sasagot na sana ito pero biglang sumingit si Nero. "En, I'll go out for a while, I'll just buy some food. Nagugutom na ako."

"What? Dito ka lang. Ako na bibili mamaya." Hinawakan niya ang braso nito upang pigilang makalabas. Mahirap na baka may biglang dumating at puntiryahin si Nero.

"But I'm already starving." He pouted.

"I have food," nakangiting sabi ni Seven. Lumabas ito ng kotse at pumunta sa katabing sasakyan. May kinuha ito sa loob at pagbalik, may bitbit na itong dalawang mansanas at isang styrobox. "You can have this, kiddo."

"Thanks, sir." Kaagad na tinanggap ni Nero ang binigay.

Tumango naman si Seven at binalik ang tingin sa kaniya. He squinted his eyes at her and shook his head. "Gosh, Rogue, you're not taking care of your boyfriend well."

"That's true," sagot pa ni Nero habang ngumunguya ng fried chicken. Nilingon nito si Seven habang nakaturo ang kamay nitong may hawak ng fried chicken sa kaniya. "Do you know what she did this morning, sir? She just left me while I'm still upset."

Tsk. Nagsumbong pa talaga.

Umakto namang nagulat si Seven sa sinabi ni Nero. Muli siya nitong tinignan pero sa pagkakataong ito, puno na ng pagkadismaya ang seryoso nitong pagmumukha. Umiling ito ulit and patted Nero's shoulder. "It must have been hard for you, kid."

One corner of her lips twitched in annoyance.

"So? Who's the culprit behind the shooting earlier?" inis niyang sabi at binago ang usapan. Lalo pa siyang nainis dahil sa mga mukha nito na para bang aping-api, e siya nga itong pinagtutulungan nila.

Hindi niya alam kung paano naging close ang dalawa. Basta umuwi na lang siya isang araw galing sa misyon na naabutan ang dalawang sobrang close na.

Tumikhim naman si Seven. "I can only take a guess. The culprit behind the shooting could be the Impel organization itself."

Kumunot ang kaniyang noo. She remained silent as Seven continued to speak.

"There had been a breach in the information system of ACA, and they had just noticed it yesterday."

"What?!" sigaw niya. "And no one informed me yesterday?!"

"Commander X said he informed you."

"He didn't!" inis niyang sigaw. Kumuha siya ng isang fried wings sa styrobox na hawak ni Nero bago padabog na sumandal sa driver's seat.

Mabilis niyang inubos ang pagkaing hawak habang minumura na si Commander X sa isipan. Papaanong nakalimutan nito? Tsk.

Kapag siguro gurang na ang isang tao, nakakalimot na talaga. Buwisit!

"Don't worry, Rogue. The ACA already found out who was behind the breach. He was on the list I gave you."

Enigma immediately recalled what she just read. Isang pangalan ang lumabas sa kaniyang isipan na may kaakibit na deskripsiyon.

Codious Peter Hernan, 27

A computer specialist and software engineer
Mastermind of the nationwide breach happened last December that ended up sabotaging the opening of a charity organization.

"Hmm. I see." She squinted her eyes while chewing. "You're going to take care of him then."

"No. We will going to take care of him. Today."

Kaagad naman siyang napalingon kay Seven. Pati si Nero ay napalingon din.

"I thought my business is to take care of Haybara's daughter? Why are you sending me for another mission?"

Siniko namam ni Nero si Seven. "Can you at least stop giving En a mission for a while, sir? It is also your fault why she couldn't spend time with me."

Napakamot naman si Seven at tinignan si Nero. "Blame the ACA, kiddo," he said and turned to look at her. "And it won't take much of your time, Rogue, dahil ngayon mo ito kukumpletuhin kasama ako."

Napataas ang kaniyang kilay. Pinagmasdan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Ngayon niya lang napansin ang pormal nitong damit. Nakasuot ito ng black tuxedo at trouser at may nakasabit pang black sunglasses sa pocket ng itim din nitong polo. Para itong isang bodyguard.

"Don't tell me . . . " Napabuntonghininga si Enigma nang mapagtanto kung bakit ganoon ang suot ng lalaki.

"Yep! I will also be guarding the Haybara's daughter." Tinaas nito ang papeles. "And then we will annihilate the people on this list. This is the task Commander X added to your mission. But don't worry, even if we fail extinguishing them, you can still have your reward as long as Belle is safe."

She sighed again. "Whatever."

Hindi na siya pumalag pa at pinokus na lang ang tingin sa labas. Pinagmasdan niya ang mga batang pumapasok sa loob ng academy. May iba ring palabas na at sinundo na ng kanilang mga magulang.

"Why are some kids going home already?" taka niyang tanong. Umaga pa lang kasi kaya nakapagtataka na pauwi na ang iba.

"This academy opens at four in the morning. Those who have four A.M. classes are taking special classes in advanced subjects. Ang makakapasok lang doon ay ang mga mayayamang pamilya na may kakayahang magbayad ng malaking halaga," paliwanag ni Seven.

"Like what classes?" tanong ni Nero na naiintriga rin.

"Subjects in college. Kapag nakapasa sila sa kanilang special classes, hindi na nila kailangan pang mag-aral ng apat na taon para makakuha ng bachelor's degree paglaki nila. Isang taon o kaunti pa ang kailangan lang nila upang makapagtapos. This is the privileged of this academy."

"And Belle is one of it?"

"Yes."

Napahilamos si Enigma sa kaniyang mukha. Mamamangha sana siya sa impormasyong nalaman niya subalit naunahan na siya ng inis dahil hindi nabanggit ang impormasyong ito sa file na binigay ng secretary ni Commander X sa kaniya. "Ano na bang nangyayari sa ACA? Lintek na 'yan!"

"Commander X has not been in himself lately and is always busy. But anyway, Belle is in her special class right now. It's almost 8:30 A.M., so we just have to wait for her outside."

Ang akala pa naman ni Enigma ay hihintayin nilang makarating si Belle at sila mismo ang maghahatid nito papasok sa loob at hanggang sa pag-uwi ng babae. Pero nasa loob na pala ito. At ihahatid na nila ito pauwi.

Ilang minuto ang lumipas at nag-abang lang sila sa labas. Sinilip ni Enigma ang oras sa kaniyang relos. It was 8:35. Saktong pag-angat ng kaniyang tingin, nakita na niya si Belle na naglalakad palabas. May suot itong brown na berette hat, brown skirt at brown long-sleeve. Ito ang uniporme ng academy.

"Dito ka lang," bilin niya kay Nero bago tuluyang lumabas. Sumunod naman kaagad sa kaniya si Seven.

Sabay nilang tinungo ang direksyon ng pitong-taong gulang na si Belle. Singkit ang mga mata nito at may maputing balat. Mukhang masayahin ang bata dahil nakangiti itong naglalakad.

"Hello, little miss," bati ni Seven nang makarating sa harapan ng babae.

Napaangat naman ang tingin Belle. Napanganga ito nang makita sila. "Whoa! A pretty woman and a handsome man!"

Napangiti naman si Enigma sa sinabi nito. "May isang libo ka sa akin."

"Oh, you don't have to. I got more than that, Ate." Belle giggled. "Are you two my bodyguards? Daddy said I will have new guards that will accompany me home today."

"Yes, miss. I am Seven. And this is Rogue," pakilala ni Seven sa kaniya.

"Hi, Mister Seven. Are you single?" Belle asked and fixed her eyes on Seven. Kaunti na lang at kikinang na ang mga mata nitong nakatitig sa lalaki.

"Huh?" Sabay silang napa-huh ni Seven dahil hindi nila inaasahan ang tanong nito.

"If you are, then you will be my boyfriend for today." Tinanggal nito ang bag at inabot kay Seven. Matapos kunin ni Seven ang bag ay tinaas ni Belle ang dalawa niyang kamay. "Carry me, too."

Bahagya namang natawa si Seven at binuhat si Belle. "All right, little one."

Nagsimula nang maglakas ang dalawa patungo sa kanilang kotse habang si Enigma naman ay nakasunod lang. Pinagmasdan niya ang mukha ni Seven na nakangiti pa ring nakatingin kay Belle. Pansin niya sa mga mata nito ang lungkot kaya napailing na lang siya.

Tsk. He never moved on.

Belle might had reminded him of his child.

"Let's use your car, Sev," sabi niya at naunang maglakad sa kanilang dalawa.

Nang makarating sa kanilang sasakyan, binuksan niya ang Porsche. "Nero, dito ka."

Lumabas naman si Nero at sumakay sa katabing kotse. Naglakad papalapit si Enigma sa driver's seat. "I'll drive," saad niya kay Seven at mabilis naman nitong hinagis sa kaniya ang car key.

Pumasok na siya sa driver's seat. Pumasok na rin sa back seat ang dalawa.

"Whoa! Another handsome man!" tuwang-tuwang saad ni Belle at napapalakpak pa nang makita si Nero na nakaupo sa katabing upuan niya.

"Are you single too? If yes, be my boyfriend too!" dagdag nito habang titig na titig kay Nero.

"Tsk. Bata ka pa pero adik ka na sa pogi," komento niya.

"Eh? What are you saying, Ate? Mom said all girls love handsome men. Ikaw po ba hindi?"

"Your mom loves handsome men too?" She started the engine.

"Yes! She even had so many posters of pretty male singers. You know K-pop idols, Ate? Mom likes them!" Mahina itong tumawa. "Minsan nga po nagseselos na si Daddy sa kanila."

She just let out a snort and started driving toward the Haybara's residence. Handa na siyang lumiko sa kaliwang daan ng cross section pero biglang nagsalita si Belle.

"Let's go to the mall first, Ate. I want to go shopping. You know I am already stressed with my studies so I want to relax for a moment, okay po, Ate?"

"Wow! Stress ka na?" Sinulyapan niya ang labing-pitong taong bata sa kaniyang likuran.

"Of course, Ate! Even though I'm matalino, I get stressed too. Bakit kasi they enrolled me in special classes, e. Hindi naman ako nagmamadali sa future ko. Hmp!" She crossed her arms and pouted. "And you know what's the hardest part? Wala man lang handsome men from my classmates. Argh! It's so boring!"

Natawa naman siya, si Seven at Nero sa huli nitong sinabi.

Lintek na batang 'to. Iyon pa talaga ang naunang problemahin.

"Then tell your parents to give you a handsome classmate," saad niya at binilisan nang kaunti ang kanilanh takbo. Napunta ang tingin niya sa side mirror.

May nakasunod sa kanilang puting kotse.

Hindi siya sigurado kung nakasunod nga ba dahil baka magkatulad lang sila ng rota. Inobserbahan niya muna ito.

Imbes na dumiretso lang ay lumiko siya sa kaliwang kanto. Sinusubukan niyang alamin kung susunod ba ito sa kanila.

"Ate, this not the way to Papa's mall. We're going back to the academy again," saad ni Belle sa kaniya.

Hindi muna siya sumagot at muling tumingin sa side mirror. Napasingkit ang kaniyang mga mata nang nakasunod pa rin ang puting kotse sa kanilang likuran.

She looked at the rearview mirror and Seven was also looking at her. Nakatunog na rin ito.

They were being followed.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro