Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter 1

wintertelle's note: Hello! As promised, ito na ang special chapter. This is composed of five chapters. Nawa'y ma-enjoy niyo ang little mission ni Enigma at Nero, featuring the third wheels, Seven and Belle. Happy reading!

"EN, sige na kasi." Kanina pa nakayakap si Nero kay Enigma at ayaw siya nitong bitiwan.

"Bukas pa ako aalis kaya puwede ba." Inalis niya ang pagkakayakap nito at nilingon ang lalaki. Nakahiga silang dalawa sa kama. Hinila ni Enigma ang kumot at tinakpan ang katawan ng lalaki.

It was still too early in the morning. She didn't want to be tempted.

"Iiwan mo na naman ako, e." Nakasimangot nitong sabi at muli siyang niyakap. Siniksik nito ang mukha sa kaniyang leeg.

Sasabak na naman siya bukas sa kaniyang panibagong misyon. Kakauwi niya lang no'ng isang linggo at plano niya sanang magpahinga ngayong buwan subalit tinawagan siya ni Commander X para sa isang urgent mission.

May natanggap ang ACA na tip na may mangyayaring abduction sa unica hija ng Haybara family, ang pamilya na nagmamay-ari ng limampung mall sa bansa. At magaganap ang abduction bukas. Dahil siya ang nasa malapit at wala rin siyang iba pang misyon, siya ang inatasang bantayan at iuwing ligtas si Belle, ang unica hija ng Haybara, sa kanilang residence.

"It won't take much time. Bukas lang, Nero," sagot niya habang pinaglalaruan ang tainga nito.

"Isama mo na lang ako."

"Hindi nga puwede."

"Why not?" He groaned and bit her neck.

Mabilis niya itong tinulak at sinamaan ng tingin. "Masakit iyon, ah!"

"Let me come with you," pamimilit nito.

Umupo siya sa pagkakahiga at pinagkrus ang mga braso. "Hindi nga puwede! Don't make me repeat myself again. My mission is dangerous. Paano kapag may nangyari sa 'yong hindi maganda?"

"You can protect me, anyway." Ngumiti naman ito nang pagkatamis-tamis sa kaniya.

Ginantihan niya lang ito ng irap. As if magpapadala siya sa nakakaakit nitong ngiti. "No. I can't handle two person at once."

Her priority was to escort Belle to safety. Kapag may isa pa siyang kailangang protektahan, mahahati ang atensyon niya. Baka magkandaletse-letse ang lahat at pumalya siya pa siya. At isa pa, hindi niya pa nasasama si Nero kahit isang beses sa mga misyon niya.

"Babalik naman ako agad. It won't take a day," dagdag niya pa. Bababa na sana siya sa kama pero napatigil nang magsalita si Nero.

"But you promised me! Sabi mo hindi ka tatanggap ng misyon ngayong buwan. You promised to spend all of your time with me."

Nilingon niya si Nero. Nakasimangot pa rin ito, halatang nagtatampo sa kaniya. Yakap-yakap nito ang brown stuff toy habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Hindi kompleto ang buwan niya nang wala siyang gagawing misyon at may pagkakataon ding mahaba pa ang ginugugol niyang oras sa misyon kaysa kay Nero. Kakauwi niya lang no'ng nakaraang araw at ito na naman siya, sasabak ulit sa misyon.

Napabuntonghininga siya. "I know and I'm sorry. I can't say no to this because it's urgent. The ACA needs me."

"I need you too. I still miss you."

"I won't take long. I promise."

Nero didn't respond. Sa pagkakataong ito, ito naman ang umirap at tinalikuran siya.

"Nero--"

"That is what you always say. I guess you don't even miss me."

"What? That's not true. I--"

"Don't talk to me anymore. Go leave with your mission."

Napakamot si Enigma sa kaniyang ulo.

He's really sulking.

Yayakapin na sana niya ito nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kaagad niyang binuksan ang drawer katabi ng kama at kinuha ito. The screen of her modified cellphone turned red.

An emergency from ACA. A sign that she needed to do her mission now.

"Nero, I'm sorry. I have to go." Kaagad niyang nilagay sa bulsa ang phone at nagsimula nang magprepara. Kinuha niya ang kaniyang bagong toy guns na no'ng isang buwan niya pa lang m-in-odify at nilagay sa isang bag.

"What?!" Napabalikwas naman si Nero. "But you--"

"I'm sorry. I'll make it up to you." Hindi niya ito pinatapos at hinalikan ang labi ng lalaki. Mabilis siyang lumabas ng kuwarto habang bitbit ang bag.

Nagtungo siya sa parking lot at sinakyan ang kaniyang sport car. Pinaharurot niya ito papunta sa Lyrisia Academy kung saan naroroon si Belle. The abductors might had started moving before the appointed time.

"Argh, hindi pa pala ako nakapagsusuklay," reklamo niya at inis na winaksi ang ilang hiblang tumatakip sa kaniyang mukha.

"Iyan talaga ang una mong proproblemahin imbes na suyuin ako?"

Mabilis pa sa alas-kuwatrong napapreno si Enigma nang marinig ang boses ni Nero. Muntik nang masubsob ang kaniyang mukha pati na rin ang lalaking nakasakay sa backseat. She turned in disbelief, and she almost cursed when he found Nero seating while glaring at her.

"Be careful when you drive! I almost hit my head, you know!" Turo nito sa ibabaw ng seat.

"How? When? Huh?" Hindi niya alam kung anong tanong ang uunahin niya dahil hindi siya makapaniwalang nasa loob ng sasakyan niya si Nero. Nakahiga lang naman ito sa kama pero bakit kasama na niya ito ngayon?

"Did you follow me?"

Tumango ito.

"That fast?"

He nodded again. "I was following you behind."

"Fuck." Her lips twitched in annoyance. Palagi talaga siyang naiisahan pagdating sa presensya nitong hindi niya matunugan. Idagdag na rin ang pagmamadali niya kanina kaya lalong hindi niya naramdaman ang lalaki.

"You should at least wear a T-shirt," komento niya habang nakatingin sa upper body nitong walang damit.

Magsasalita na sana siya ulit pero napunta ang tingin niya sa rear windshield. May nagmomotorsiklo papalapit sa kanila. Hindi niya maanig ang mukha nito dahil naka-helmet. Bigla itong humugot ng baril at tinutok sa kanila.

"Yuko!" Sabay silang yumuko ni Nero.

Kasabay ng kanilang pagyuko ang pagkabasag din ng windshield. Kaagad niyang pinaharurot ang sasakyan bago pa muling paulanan sila ng bala ng nakasunod sa kanila.

"Who's that?" tanong ni Nero. Nakatakip ang mga kamay nito sa tainga habang sumisilip sa basag na windshield.

"Get down!" sita niya at pinalakasan pa ang kanilang takbo. Tumingin siya sa side mirror upang makita ang nakamotorsiklo. Ang akala niya'y susundan sila nito pero nag-U turn ito papunta sa kabilang lane.

What the fuck is that?

Binalik niya ang tingin sa kalsada at binagalan ang pagtakbo nang makarating sa highway. Marami na ang sasakyan at baka sakaling maaksidente sila kapag pinagpatuloy niya pa ang takbo nilang lumampas na sa 100 kilometer per hour.

Sa katunayan, wala naman talaga siyang paki kahit nasa highway pa sila. Kung siya lang mag-isa, hindi niya babagalan ang pagmamaneho. Pero dahil kasama niya si Nero, kailangan niyang maging maingat. Ngayon lang din siya kinabahan nang sobra dahil sa nangyari kanina. It wasn't new to her. She was used to have someone shooting rifles at her, but in this case, she was with Nero. Wala siyang ibang naisip kanina kundi ang kaligtasan nito.

Huminga siya nang malalim dahil hanggang ngayon hindi pa rin kumakalma ang kabang nararamdaman niya.

Tumingin siya sa rearview mirror upang makita ang lalaki. Abala itong kalikutin ang kaniyang bag. Nakangiti ang mukha nitong pinaglalaruan ang kaniyang toy gun na para bang hindi nito muntik nang makita si kamatayan kanina.

She sighed again. "Mukhang nasobrahan yata therapy mo," bulong niya pa at lumiko sa isang kanto.

Simula no'ng matapos ang lahat ng session ni Nero, parang hindi na rin ito marunong matakot.

Nakita na niya ang Lyrisian Academy. Pinarada niya sa harap ng isang clothing store ang kaniyang Porsche. Saktong-sakto rin ang spot na ito dahil nagagawa niyang tignan ang bawat batang pumapasok sa academy. Hihintayin niya ang pagdating ni Belle. At kung sakali mang may hindi magandang mangyari, madali siyang makakagawa ng aksyon.

"Nero, hand me the phone."

"This one or this one?" saad nito at pinakita sa kaniya ang dalawa niyang cellphone--the modified phone she used for her mission and a normal phone that carried all her accounts.

Tinuro niya ang normal phone na mabilis namang inabot ni Nero sa kaniya. Kaagad niyang d-in-ial ang number ni Commander X.

Isang ring pa lang at kaagad itong sumagot.

"Someone just shot us. Who the fuck is that?"  Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.

"Seven is on the way. He will explain everything to you. I'm actually in a hurry, so I need to go."

"What? Wait--" Bago pa niya matapos ang sasabihin, binaba na ni Commander X ang call.

Her lips twitched in annoyance and handed the phone back to Nero.

Damn commander. How the hell could he act like what I said is not an urgent case? Argh!

Ito ang unang pagkakataon na may humabol sa kaniya na papunta pa lang siya sa kaniyang misyon. It was always peaceful every time she depart and goes to her mission because no one knew, except Nero and the ACA, that she was an agent. Kapag nagsisimula na siyang umaksyon doon lang siya nahaharap sa mga peligro kaya nagtataka siya kung bakit may humabol sa kanila ngayon. Was it a coincidence or was that guy in the motorcycle purposely trying to kill them? Did that guy in the motorcycle knew she was an agent?

But how? Lahat ng mga kalabang nakaharap niya ay hinatid na niya sa kabilang buhay kaya hindi niya maintindihan kung bakit nangyari iyong kanina.

Did I leave a remnant?

Nilingon niya si Nero. "Dito ka lang. I'll buy some clothes."

Tumango lang ito bilang sagot habang hawak sa kamay ang Electro-toy gun. A weapon she deviced while copying the mechanism of a stun gun.

Lumabas na siya at pumasok sa clothing store. Bumili siya ng damit para kay Nero at para din sa kaniya. Nagbihis na siya sa loob ng store bago lumabas. Nakita niya si Nero sa loob na may kausap ng lalaking at may kotse na ring nakaparada sa likuran ng kaniyang Porsche.

It was Seven.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro