Panimula
THREE hundred thousand or a minimum of thirty million per year?
Of course, she would choose the latter.
Kakalabas lang ni Enigma sa laboratory matapos niyang gumawa ng technical report buong magdamag. Pinasok niya ang dalawang kamay sa magkabilang pocket ng kanyang lab gown habang pababa ng hagdan.
Being a chemist is fucking tiring.
Dalawang araw nang hindi siya nakakatulog dahil sa kanyang duties. Pakiramdam niya nga bahay na niya ang laboratory dahil buong araw at gabi siyang nananatili roon.
"Good morning, Doc."
"I'm not a doctor," sagot niya sa guard na nakabantay sa gate bago siya lumabas.
Tumawid siya ng kalsada at kaagad ding napatakip sa kanyang ilong nang malanghap ang mabahong amoy ng usok.
Fucking gases.
Enigma wished to suck those gases from the vehicle into the nostrils of the drivers. Carbon emissions had been increasing as the year goes. Irresponsible usage and disposal of materials, and abuse of using limiting resources were still going on despite the spread of information on how to use them properly.
The world had been rapildy changing thanks to the anthropogenic activities.
"Dagdag na naman sa pasanin sa mundo. Wala namang mga silbi," bulong niya.
Pero ano bang pakialam niya? She only had a little compassion about the Earth. She was working not to provide solutions but only for the sake of money. Ginagawa niya lang kung anong inuutos sa kanya kung may suweldo.
"Manang, isang sigarilyo nga po." Dumungaw siya sa tindahan habang inaalis ang bangs na tumatakip sa kanyang mata.
Matapos siyang bigyan nito ay nagbayad na kaagad siya. Umupo siya sa upuang nasa labas lang din ng tindahan habang pinapanood ang mga sasakyan sa daan.
Nasa gilid lang siya ng kalsada habang naninigarilyo. Iniisip niya pa lang ang suweldo na matatanggap niya ngayong linggo ay gusto na niyang maglupasay.
Masyadong maliit.
"Kailan ba ako yayaman nito?"
At bakit nga ba pinili niyang maging chemist? Well, way before she got into college, she took the course because the job of being a chemist was in demand. She was too naive that she didn't even consider the years she needed to endure before she could graduate. She failed to realize that the in demand job years ago might not stay as in demand after she'd graduate.
Biglang nag-ring ang cellphone sa kanyang bulsa kaya kinuha niya iyon at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hekate, have you--"
"Yeah. Ipapasa ko na lang," she replied and ended the call.
It's her co-worker and senior. He was asking about the technical report that she had just finished. Palagi siyang minamadali nito sa kanyang gagawin na kahit break time, binubwisit pa rin siya.
Makita niya lang ang lokong 'yon, ihahambalos niya talaga sa pagmumukha nito ang report.
Bumalik na siya loob ng laboratory. She finalized everything that she needed to finalize, did a double-checking and fixed every equipment before she decided to leave the laboratory.
Dinaan niya muna sa office ang report bago tuluyang umuwi sa condominium niya na dalawang araw na niyang hindi nakikita.
She went into the parking lot to fetch her baby, Cadillac Escalade.
She wanted to buy another one but her fucking salary wouldn't let her. Nakakainis! Kailan niya ba mabibili lahat ng gusto niya?
She was on the way home and she needed to travel thirty minutes to arrive at her condo. Gusto na niyang matulog dahil bumibigat na ang talukap sa mga mata niya. Nag-amba siyang bibilisan ang kanyang pagda-drive nang mapansin ang isang lalaking tumatakbo palabas ng isang malaking gate. Para itong hinahabol. Bakas sa mukha nito ang takot habang dali-daling tumawid ng kalsada.
Muntik na niya itong masagasaan nang dumaan ito sa harapan niya kaya bigla siyang napapreno.
Napamura siya at sinundan ito ng tingin pero patuloy lang sa pagtakbo ang lalaki. Ni hindi man lang nito inintindi na muntik na itong masagasaan.
Napailing na lang din siya at nagpatuloy na sa pagda-drive. Pero bago siya tuluyang nag-drive ulit ay pinasadahan niya muna ng tingin mula sa kanyang tinted window ang malaking gate na may malaking mansiyon sa loob.
I want to have that kind of house. Even bigger than that.
Nang makarating, p-in-ark niya na sa parking lot ang sasakyan at naglakad na paakyat sa kanyang condo. Nasa ikaapat na palapag pa ito.
"Tsk." Napairap na naman si Enigma nang makaramdam na may sumusunod sa kanya.
Noong nakaraang linggo pa ito. Matapos niyang manuntok ng isang lalaki sa mall nang mahuli niya itong magnakaw, may umaaligid na agad sa kanya kinabukasan. Mula sa kanyang condo hanggang sa kanyang workplace. Nagtataka siya kung ito bang sumusunod sa kanya ay ang magnanakaw dahil dinala na naman ito sa presinto no'ng araw na iyon.
Baka nakatakas.
Inis siyang lumingon sa likuran habang dala-dala ang kanyang backpack na sinukbit niya lang sa isang braso.
"If you're a stalker, state your purpose immediately. Nauubos na pasensya ko sa'yo." She scratched her forehead in annoyance. "Kung may kailangan ka sa akin, say it. And just to inform you, I don't accept favor without money. Understood?"
Naghintay siya ng isang saglit baka sakaling magpakita ito pero hindi.
"Hindi ka talaga lalabas?" nababagot niyang sabi.
Tumalikod na lang siya at nagsimula nang maglakad paalis. Antok na antok na siya at wala siyang planong sayangin ang kanyang oras sa taong kailangan pang suyuin nang sobra bago magpakita.
"Pabebe. Akala mo kung sinong pa-hard to get," bulong niya habang binubuksan ang pinto ng kanyang condominium.
Finally. Nakauwi na rin siya.
Kaagad niyang binalibag ang backpack sa sahig at humilata sa kanyang sofa na binili niya sa halagang 5,000 dollar online. There's no way she would sit in a cheap sofa. Hell no.
She groaned as she felt the softness of the foam. Hinihila siya nito patulog. Hindi na niya pinigilan pa ang sarili at nagpaalipin sa pagod at antok.
She was in the middle of dreaming of being a billionaire when her phone in her pocket suddenly rang. Napabalikwas siya sa inis at mabilis itong inabot.
Hindi na niya tinignan pa ang caller dahil ang kanyang senior lang naman ang mahilig na tumawag sa kanya.
"Ano na naman?!" inis niyang sigaw habang pinapahid ang natuyong laway sa gilid ng kanyang labi. "I have done my report. What do you want now? The nerve of you to keep on calling and assigning me dozen of works as if you could pay me a million!"
"I could give you more than that."
Natigilan si Enigma sa nagsalita sa kabilang linya. Malalim na malalim ang boses nito. Ibang-iba sa bugnutin niyang senior na parang may menopausal.
"Stalker?" walang gana niyang tanong.
Kung hindi ang kanyang senior ang tumawag, malaki ang kutob niya na ang caller ay ang umaaligid sa kanya.
"I don't think you could give me more than that. Nagnakaw ka nga sa mall, e," sagot niya. Baka may galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero nakakalito lang dahil sa pagkakaalala niya, hindi naman ganito ang boses ng lalaking sinuntok niya no'ng nakaraan.
The guy he punched was around 20s, but the one she was talking to sounded like he was already in his 30s.
"I'm not a thief nor a stalker. I am here to offer you a proposal."
"What kind?"
"A proposal to quit your job and work under us. You, Enigma Hekate, 24, a chemist, has the potential to be one of our best asset."
"Asset, you say..." sagot niya at umayos ng upo. "What are you trying to offer?"
"Let me hear your answer first and we'll go into furthermore details."
She was starting to get suspicious with the caller. "Alam mo kung magpa-prank ka rin naman din, doon ka sa uto-uto."
"This is not a prank. I was the one following you recently to observe you. I know every information about you, Chemist Hekate," pag-amin nito.
She smirked. "And you said you're not a stalker? Aren't your narrative a little bit shaky?"
"My work involves gathering data about the people. I am not a stalker, I mainly do it because of my job. And to ease your doubt, check your bank account."
Sinunod naman ni Enigma ang sinabi nito at halos lumawa ang mga mata niya nang makita ang numero na nakasulat sa screen ng kanyang phone.
50 million. May lamang fifty million ang kanyang account! Even if she would combine all her wage since last year, it couln't even compete the digits she had in her screen.
"Still doubting?"
"No. You're a legit one," mabilis niyang sagot.
"You can have more than that, if you will join us."
Nagdiwang ang kanyang tainga.
Napangiti naman siya. The nerve of this guy to bribe her with the most very thing she wanted, of course, she would gladly take it.
"Just to make sure, you didn't get this money in a dirty way, did you?"
"No. They are from the government."
"That job . . . will it cost me my life?"
"There is a high possibility."
She crossed her legs while leaning on the sofa. "Intriguing."
"Your answer?"
Money or life? One corner of her lips raised as she weighed the two options. They're not even of the same value to her. The first one would always be her top priority.
"I guess I'm willing to quit my profession."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro