Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

NERO was left inside his room after he ordered her maid to get him fresh and powdered milk. Napangiti siya habang naiisip ang naiinis na mukha ng kaniyang maid. Umupo na siya sa kama para kumain.

Nilaklak niya muna ang tatlong baso ng gatas bago nagsimulang kumain.

While he was eating, he couldn't forget what happened last night. He was sure that he locked the door before sleeping. He couldn't be fooled by her words because he had proof.

Nilagay niya ang kutsara sa tray at inabot ang tablet. Binuksan niya iyon at pumunta sa gallery. Puno iyon ng mga picture sa bawat parte ng kaniyang kuwarto. Kung ano ang ginawa niya sa mga gamit, kung ano ang mga postura nito ay araw-araw niyang kinunan. May picture din siyang kinuha kagabi bago matulog.

His hand locking the door. And another picture with the key.

Napahigpit ang hawak niya sa tablet habang iniisip ang babae. Simula pa lang, iba na ang kutob niya kay Enisha. The moment he saw her, he knew she had good reflexes after she saved his lunch. She was also able to avoid his attack, though not completely.

Sumunod pa ang mga pagdududa niya lalo na't nagagawa nitong iwasan ang mga patibong niya. Nalilito pa rin siya kung sinuwerte lang ba ang babae dahil may mga pagkakataong natatamaan naman ito.

Kadalasan sa mga maid niya, wala pang isang araw, umaalis na kaagad, pero si Enisha, hanggang ngayon ay nananatili pa rin.

She was suspicious.

She's beautiful too.

Kaagad siyang napailing dahil sa naisip.

Why am I distracted with her so early in the morning?

Nilagay na niya ang tablet sa tabi at muling kumain. Muli siyang nag-ensayo sa kaniyang kuwarto na palagi naman niyang ginagawa araw-araw. He turned on his tablet and watched a video of a martial artist. Mabilis niya itong kinabisa at ginaya ang galawan ng lalaki sa video.

With his every move, he was too careful that the wind couldn't even sense he was moving. Swift and fast, his blows and posture were immaculate. He had been doing this after his father transferred him in Butuan.

He gritted his teeth as he remembered that day.

Tinagnan niya ang oras sa tablet at malapit nang mag-10 A.M. He took a shower to remove the sweat from his body. Kaagad niyang tinignan ang katawan sa salamin.

Napalunok siya at napaiwas ng tingin nang maalala ang komento ni Enisha sa kaniyang katawan.

Not again. Stop thinking about her.

Lumabas na siya sa bathroom at napatigil sa dingding na natatakpan ng kurtina. Winaksi niya iyon at sumalubong sa kaniya ang isang kahon na may mga numerong naka-ungkat.

A passcode.

Sa kabila ng pader na ito ay isang kuwarto na walang nakakaalam bukod sa kaniya.

Nagbihis na siya at muling humilata sa kaniyang kama. Wala siyang ginawang iba bukod sa pagkakalikot ng kaniyang tablet. Nilingon niya ang mga laruang nakakalat sa sahig.

Ang mga laruang importante sa kaniya.

Kaagad siyang umiling nang may sumagi sa isipan niyang alaala. Nagtalukbong siya ng kumot habang pilit itong inaalis sa isipan.

Dumating ang hapon at nababagot na si Nero kakahintay kay Enisha. Alas singko na pero hindi pa rin dumadating ang babae. Another maid delivered him food earlier, but he refused to eat it unless it was Enisha who would feed him.

What's taking her so long?

Sumandal siya sa headboard ng kama habang nagrereklamo na ang kaniyang tiyan. He closed his eyes as he thought of another prank to greet the woman when she returned.

Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Paggising niya, alas siyete na ng gabi. Napatingin siya sa pintuan pero wala pa rin ang kaniyang maid.

Napabangon siya dahil bigla siyang kinabahan, pumasok sa isipan niya ang ginawa kanina.

Was that too childish? Was she fed up already? Did she . . . left me?

Napailing naman siya. Why was he thinking of such questions? So what if she left? Hindi na bago sa kaniya ang iwanan siya ng mga maids.

Muli na lang siyang humiga at sinubsob ang mukha sa unan. Huminga siya nang malalim, sinisiguradong may maririnig siya sa kaniyang paghinga.

Masiyadong tahimik ang paligid. Walang nag-iingay. He didn't like it. Pakiramdam niya'y nalulunod siya. Na parang walang nakakakita sa kaniya. Nag-iisa siya.

He closed his eyes and tried to sleep again but his mind was already playing the memories he yearned to forget. Napalunok siya habang pilit itong inaalis. Ayaw na niyang maalala pa 'yon.

Ayaw niya ng tahimik. Gusto niyang may mag-ingay. Gusto niyang ibalik ang isipan niya sa mga ingay sa paligid.

Pero wala siyang naririnig na iba bukod sa mga sigaw sa kaniyang isipan.

Napalunok siya habang unti-unting nararamdaman ang panginginig ng mga kamay.

"En . . ." He tried to utter the name of his maid, but that was the only thing he could say.

He wanted her to return. He wanted to hear her voice. He wanted to see her.

Muli niyang sinulyapan ang pinto pero wala pa rin. Napasabunot siya sa kaniyang ulo at napapaisip kung ano ang puwede niyang gawin para tanggalin ang gumugulo sa isipan niya. Nagsisimula nang mamuo ang pawis sa kaniyang noo habang ang puso ay bumibilis na rin sa pagtibok.

Inabot niya ang tablet sa kaniyang tabi at magpapatugtog na sana ng musika ngunit may bigla na lang kumalabog sa labas ng kaniyang kuwarto.

Kaagad siyang napabangon. Inabot niya ang Swiss Knife sa kaniyang drawer bago nagtungo sa pinto at dahan-dahan itong binuksan.

Nakapatay ang mga ilaw kaya napalunok siya.

It was too early for everyone to sleep. He wondered why it wasn't turned on.

Muli siyang nakaramdam ng kalabog kaya napalingon siya sa direksyon ng kusina. Maingat ngunit mabilis ang mga yabag niya na naglakad papunta roon. Hinigpitan niya ang hawak sa Swiss Knife upang ihanda ang kamao kung sakali mang may hindi magandang bagay ang susunggab sa kaniya.

Sumandal siya sa pader na nagbubuklod sa kusina. He let out a heavy breath while sliding the large blade of the Swiss Knife.

Handa na siyang lumabas subalit nakaramdam siya ng presensya mula sa kaniyang likuran. Nahigit niya ang hininga bago lumingon at tinuon ang Swiss Knife sa taong nasa likuran niya.

"Nero!" Napatigil siya nang makilala ang boses.

Enisha!

Muntikan na niyang masaksak ang babae. Kaunti na lang at mababaon na sa leeg nito ang malaking blade ng Swiss Knife.

"Ba't nakatago ka rito? At saka, ano 'to?" Winaksi nito ang malaking blade na nakatuon. "Are you trying to kill me?"

Binababa niya ang Swiss Knife. Napahinga siya nang malalim nang maaninag ang mukha ng babae kahit na madilim.

She didn't left me.

Naglakad ito papunta sa kusina kaya bigla siyang nataranta at hinila ang babae papalapit sa kaniya. Napasubsob ito sa kaniyang dibdib dahil sa lakas ng pagkakahila niya.

"Bakit?" Nakaangat ang mukha nitong tanong sa kaniya. Napalunok si Nero nang maamoy niya ang hininga nito.

Bahagya niyang tinulak ang babae.

There's someone inside the mansion! He wanted to tell her that but he couldn't say a word.

Nag-akmang maglakad ito ulit kaya muli niya itong pinigilan. Lumingon ito sa kaniya kaya umiling siya nang paulit-ulit upang iparating sa babae na hindi magandang paraan ang pagpasok sa kusina.

"What is wrong with you?" sagot lang nito sa kaniya at inalis ang kamay niyang nakahawak.

Tumibok nang mabilis ang puso niya nang muli itong maglakad papunta sa kusina. Hihilahin na niya ito ulit pero nagsalita ang babae.

"There is nothing here."

Natigilan naman siya.

Napasunod din siya at pumunta sa likuran ng babae. Tiningnan niya ang kabuohan ng kusina at wala ngang kakaibang nangyayari.

Binuksan ng babae ang ilaw at doon lang siya napahinga nang maluwag nang maaninag nang mabuti ang mapayapang kusina. Tiningnan niya si Enisha na may dalang malaking supot at isang toy bike. Mukhang ito na yata ang pinabili niya kanina.

Nilapitan niya ang babae na nilalagay na ang mga pinamili sa refrigerator.

Bakit ngayon ka lang? He wanted to ask that but his broken voice wouldn't let him, so, he just stared at her until he caught her attention.

As their eyes met, he couldn't look away. The lines in her double eyelid made her looked like as if she was pulling him in.

Naalala niya kung gaano kalambot ang pisngi nito. He wanted to touch those cheeks again. Gusto niya ring maramdam ang maputi nitong buhok sa espasyo ng kaniyang mga daliri.

Ngumiti sa kaniya si Enisha. "Ang ganda ko, right?"

Yes.

But instead of nodding, he just rolled her eyes. Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng isang fresh milk na pinasok lang ni Enisha ngayon.

Hinila niya ang babae at dinala ito papasok sa kaniyang kuwarto.

Sumandal siya sa headboard ng kama habang nakaupo naman ang babae sa dulo ng kama.

"Bakit?" taka nitong tanong.

Tinungga niya muna ang fresh milk bago nagsulat sa kaniyang tablet.

'Bakit ngayon ka lang?'

"Ay, malamang. Ikaw ba naman toy bike ang gawing sasakyan?" sarkastiko nitong sagot sa kaniya.

Gusto niyang ngumiti sa sinabi nito pero pinili niyang irapan ang babae. Muli siyang nagsulat.

'Stay here for a while and talk. Keep on talking until I fall asleep.'

Humiga na siya sa kama at kinumutan ang sarili hanggang sa balikat.

"Kahit ano?"

Tumango siya. Anything as long as he would not be enveloped by silence again.

"Okay po."

Pinikit na niya ang mga mata ngunit mabilis ding napakunot ang noo nang marinig ang mga sinasabi ni Enisha.

"Gusto ko ng pera. Iyong maraming-marami. Iyong tipong babagyuhin ako ng pera. Did you know? Every night I dreamed of becoming a billionaire with luxuries everywhere. Money here, money over there."

Napabukas ang kaniyang mga mata at nakita si Enisha na umaktong may pinapaypay na pera sa kamay.

"Tapos wala akong gagawin at tutunganga na lang araw-araw tapos mismong pera na ang lalapit sa akin. Ah, shit! Ang sarap sa buhay kapag gano'n. 'Pag ako yumaman, Nero, sasampalin talaga kita ng pera! Huwag kang magalit, ah? Pera naman 'yon. Kahit ako, buong puso akong magpapasampal. Not just wholeheartedly but including my sexy body."

He bit his lower lip as it formed a smile. Once again, he closed his eyes. He listened to her about how she loved to be slapped by money until he fell asleep.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro