Kabanata 6
PAULIT-ULIT na tinatawag ni Enigma ang pangalan ng lalaki habang inaakyat ang pang-apat na palapag ng mall. Napuntahan na niya lahat ng store sa mga naunang palapag pero hindi pa rin niya makita ang lalaki.
Inis niyang winaksi ang kaniyang bangs at bumaba na. Lumabas ulit siya at inikot ang ang labas ng mall.
Madilim na ang labas, halatang ilang oras na siyang nagpaikot-ikot.
"Where is he?" nayayamot niyang sabi.
Pabalik na siya sa parking lot nang may biglang humawak sa kaniyang balikat. Kaagad niya itong nilingon dahil hindi niya naramdaman ang pagdating nito.
Nakita niya ang gulat na mukha ni Nero sa biglaan niyang paglingon. Bahagya siya nitong sinapak sa braso dahil sa gulat.
"Where were you?" malakas ang boses niyang pagkasabi. Salubong ang kaniyang mga kilay habang pinagmamasdan ang lalaki.
Sinilip niya ang likuran nito upang tignan ang direksyon kung saan nanggaling ang lalaki.
Tinuro naman nito ang mall.
"Nasa loob ka lang?" Hindi makapaniwalang saad niya.
He nodded.
Umirap naman siya. "Bakit ka lumabas nang wala ako? Nilibot ko na ang buong mall pero hindi kita nakita."
Hinila niya ang lalaki papunta ng kotse habang patuloy pa rin sa panenermon.
"Paano kung nawala ka, ha? Hindi ka pa naman sanay makipaghalubilo. At saka wala akong ibang contact sa 'yo kaya sa susunod, huwag ka basta-bastang umalis nang walang paalam, okay?" Pinagbuksan niya ito ng pinto. Pagkatapos siya naman ang pumasok sa driver's seat.
'Sinundan lang naman kita. Ang tagal mo kasi.'
Sulat nito matapos makapagsulat sa tablet.
"Anong matagal? Ni hindi nga ako umabot ng ten minutes." Pinaandar na niya ang kotse.
'Were you worried?'
"Yes!"
Nero's face flushed after she said the word. Hindi na ito muling nagsulat pa at tinuon na lang ang tingin sa bintana.
Habang nagda-drive, tuloy pa rin siya sa pagsasalita. Nayayamot siya rito dahil bigla-bigla na lang nawawala. Baka siya pa malintikan ng mga maid kapag naiwala niya si Nero. Bukod pa ro'n, 'di rin niya maintindihan kung bakit kabadong-kabado siya.
Sinulyapan niya si Nero at nakasandal ang ulo nito sa tinted window. Nakatulog na sa kakasermon niya.
Bumuntonghininga na lang siya.
Saka niya lang ginising ang lalaki nang makarating na sila sa mansiyon. Hinatid niya ito papunta sa kuwarto nito.
"Magpahinga ka na," sabi niya at tumalikod na.
Hinawakan ni Nero ang kaniyang braso kaya napalingon siya.
Nagsulat ito sa tablet at hinarap sa kaniya.
'How old are you?'
Napataas ang kaniyang kilay. "Two years older than you, kiddo. I'm 27," sabi niya sabay hikab. Napagod siya sa kakapasyal nila kanina.
Kumunot naman ang noo nito.
'I'm not a kid!'
She just chuckled and reached for his hair. She was only going to pat his head yet ended up rubbing it into a mess because it was too soft and fluffy.
"I'm going to prepare your dinner," sabi niya bago tumalikod at tuluyan nang umalis.
A little smile formed across her lips as she saw his cheeks blushed. Pero mabilis ding nawala iyon nang maalala niya ang direksyon kung saan lumabas ang lalaki kanina.
Matapos niyang maghanda ng hapunan, hinintay niyang lumalim ang gabi hanggang sa makatulog na ang lahat.
She changed her outfit into a fitted black pants and jacket. Nagsuot din siya ng gloves at black long wig upang takpan ang kaniyang kamay at buhok. She sprinkled her body with a new smell of perfume and wore a new color of contact lenses.
Nag-unat muna siya habang pinapanood sa kaniyang isipan na parang telenobela ang mental escape way na ginawa niya.
Lumabas na siya ng basement habang iniiwasan ang mga CCTV. Napadaan siya sa kuwarto ng lalaki kaya huminto muna siya saglit at hinawakan ang pintuan. Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa mapunta sa katabing pader nito na gawa sa semento. The space of the wall was huge that it felt like there was something hidden on the other side.
Lumabas na siya at nasa likuran siya ng mansion. Napangisi si Enigma habang tinitignan ang hugis nito. The mansion was shaped like a rectangle. Akala niya'y magiging flat ang isang side nito dahil wala namang kuwarto sa katabi ng kuwarto ni Nero pero . . . the wall beside Nero's room wasn't just a flat wall. Maumbok ito na para bang isa ring kuwarto subalit walang kahit anong bintana at tanging pader lang.
First assumption: a room
Second assumption: a failed construction part of a mansion.
But Mister Pandora was a known civil engineer, there was no way he messed up this part and just decided to close it.
Inabot niya ang phone na nasa bulsa ng jackiet. The screen didn't bother to turn on as she got a picture of the questionable part of the mansion.
Bumaba na siya sa hill kung saan nakatayo ang mansion. Nang makarating sa gate, sinilip niya muna ang guard. Mahimbing itong natutulog. May static CCTV rin na nakapaskil sa kanang poste ng gate kaya dahan-dahan siyang umakyat sa likuran nito.
Nang makababa, tumakbo na siya palabas. Nakalayo na siya sa Pandora's residence bago niya nilabas ang isang laruan na nasa kaniyang bulsa.
A fingerboard. One of her harmless yet useful equipment.
She clicked on the button located under the board. Binitawan niya ito at kasabay nang paglapat nito sa lupa, ang paglaki rin ng fingerboard. Naging isa itong skateboard. A skateboard powered by a battery.
Napangisi siya at sinakyan ito. Thanks to her knowledge and the agency's money, she was funded with the right materials to invent a device like this one.
Nagtungo siya sa mall na pinuntahan nila kanina gamit ang skateboard pero hindi siya pumasok. Dinaanan niya lang ito at sinundan ang kaniyang mga what ifs sa direksyon na posibleng pinanggalingan ni Nero.
Imposibleng sinundan siya nito sa loob dahil nasa gilid ng mall ang pinanggalingan nito.
Nagpunta siya roon kung saan mayroon din isa pang entrace sa mall, pero hindi siya roon nakatingin kundi sa matayog na pader na naghihiwalay sa lot ng mall at ang katabi nitong building.
Muli siyang bumalik sa gilid ng kalsada at tinungo ang kabilang building.
Kaagad na napataas ang kaniyang kilay.
A columbarium.
Why did the name of building wasn't included in the map she memorised?
---
BUMALIK na si Enigma sa loob ng mansiyon. Nagbihis na siya at matutulog na sana pero napagpasyahan niyang pumasok sa kuwarto ng lalaki. She unlocked the door with a hairpin, sat on the sofa and just stared at the sleeping man.
What did he do in a columbarium? Did he visit a loved one that had passed away? Why did he not tell her to come? Why did he lie?
As she marked those questions unanswered inside her head, she was starting to get more cautious and cautious each time. Bukod sa pagkakalap ng ebidensya sa mga illegal na gawain ng ama, mukhang kailangan niya rin pagtuunan pa ng pansin ang lalaki.
Sa tuwing gising ito, pakiramdam niya'y palaging may nagmamatyag sa kaniya. Kaduda-duda rin ang mga galawan nito na hindi man lang niya magawang matunugan.
Naglakad siya papalapit sa lalaking mahimbing na natutulog. She was almost reaching his forehead when Nero suddenly grabbed her hand. Akala niya'y nananaginip na naman ang lalaki pero nagulat siya nang magising ito.
Bumangon ito sa kama habang hawak-hawak pa rin ang pulso niya.
"Nero," bulong niya sa pangalan nito.
Binitiwan siya ng lalaki at inabot ang tablet. Salubong ang mga kilay nito.
'What are you doing here?'
"I was just checking on you."
'Why?'
"Baka kasi binabangungot ka na naman."
Tinitigan siya nito. Hindi mapakali si Enigma dahil sa madilim nitong mga tingin. Ilang saglit pa bago magsulat ulit ang lalaki.
'How did you get in?'
"By the door, of course."
'But I locked it.'
Napalunok naman siya. She composed her body before answering. "You didn't. Kailan ka ba natutong mag-lock ng pinto? Nakasarado lang, hindi naka-lock."
Tumaas ang kilay nito at ilang segundo bago tuluyang umirap sa kaniya. Binalik nito ang tablet sa drawer at muli nang humiga. He gestured his hand to signal her to get out of the room.
"Okay po. Good night."
Tumalikod na siya at lumabas. Muntikan na siya ro'n. Mukhang naniwala naman ito sa kaniyang sinabi.
Nang makabalik siya sa basement, pinagmamasdan niya ang mga nakuhang picture, kasama na ang columbarium.
First assumption: a relative
Second assumption: a family
One corner of her lips curled up as she realized something.
Come to think of it, Nero was an illegitimate son of the bachelor. His father was still labeled as a man who had never been married nor had a family because no one knew the existence of his child and the mother of his child.
Hindi nailabas si Nero sa public pati na ang ina nito at hindi rin niya nakita kahit isang beses ang ina ni Nero sa mansiyon.
Kung wala rito, nasaan ito tinago ng bachelor? Kung hindi man tinago, baka dinespatya na kung saan kahit kailan hindi na muling makikita pa ang babae.
At ang lugar na iyon ay posibleng ang pinagmamasdan niya ngayon sa kaniyang cellphone.
But she may just be overthinking. If she was dead, maybe she just died in a natural death or a disease.
Naunang magising si Enigma sa lahat ng maid. It was still four in the morning. Naghain na siya ng umagahan para sa kaniyang amo.
She also prepared three glasses of milk. She sprinkled a powder in it before mixing the milk.
Nagtungo na siya ng kuwarto at saka kumatok. Nang may kumalabog ay pinihit na niya pabukas ang pinto.
"Good morning, Nero," bati niya sabay ngiti.
Naglakad siya patungo sa kama ng nakabusangot na lalaki. Ano kaya problema nito? Kahapon lang ang bait, pero ngayon singdilim pa sa pangalan nito ang mga tinging binibigay.
Kahit na inilapag na niya ang tray sa kama, napako pa rin ang mga mata nito sa kaniya.
"May problema ba?" tanong niya. "Galit ka pa rin ba kasi pumasok ako sa kuwarto mo nang walang paalam?"
Inirapan siya nito. Bumaba ito sa kama at nilapitan siya. Bigla nitong hinawakan ang kaniyang pisngi dahilan para matigilan siya. He was touching the scar he left on her cheek when they first met.
May gusto talaga 'to sa akin. Sigurado na ako.
Magsasalita na sana siya pero bigla na lang diniinan ni Nero ang kuko nito sa peklat niya kaya napasigaw siya sa sakit. Umatras siya at iwinaksi ang kamay nito.
"Fu--" Muntikan na niyang mamura si Nero buti na lang at napigilan niya ang sarili.
Huminga siya nang malalim at ikinubli sa isang ngiti ang inis. Bumalik na ang amo niyang may saltik sa ulo.
"Bakit mo po 'yon ginawa?" she tried to sound calm but his smirking lips made her want to strangle the man into death.
How dare he do that to her beautiful face? Ang mukhang milyon-milyon ang gastos niya sa mga products na nilalagay ay tinusok lang ng lalaki? Hindi niya pa nga nalalagyan ng ointment ang peklat na ginawa nito dahil nandito pa siya sa mansiyon kaya wala siyang karapatang tusukin ang pisngi niya!
For the satisfaction of my annoyance, I swear, I am going to torture you someday.
Tumalikod ang lalaki sa kaniya at kinuha ang tablet. Pagharap nito, may nakasulat na.
'Go to the mall and get me ten pieces of fresh milk and powdered milk.'
"Marami pa namang naka-stock sa kusina."
'I don't care, go now.'
The world knew how hard she was holding herself not to roll her eyes in front of the man.
Binuksan niya ang palad. "Pahiram ng car key."
Umiling naman si Nero kaya napakunot ang kaniyang noo. Sinundan niya ang kamay nitong nakaturo sa kanang bahagi. Isang toy bike ang naka-park sa ibabang parte ng dingding.
Napabalik ang tingin niya kay Nero na nagsusulat nang maunawaan niya ang nais nitong ipahiwatig.
"Are you stupid?!" Hindi na niya napigilan pa ang sarili na mapasigaw.
He wanted her to ride the toy bike to the mall.
Pinaningkitan siya nito.
'Watch your mouth or I'll fire you.'
She clenched her fist to prevent herself from raising her middle finger at Nero's face.
"Sorry po. Nagulat lang." Her lips twitched in annoyance. "Sana nagbibiro ka lang. Paano naman ako makakapunta ng mall habang nakasakay sa laruan na 'yan?"
'Not my problem. It's your fault for barging in my room last night without even knocking. Now, face your punishment. I expect you to be back at 12 in the afternoon, okay, white lady?'
Fuck you, you crazy ass man! Fuck you! And fuck you!
Ngumiti lang siya at 'di na sumagot pa. Kaagad siyang naglakad at kinuha ang toy bike bago lumabas ng pinto. Kahit na gusto niyang ibalibag ang pinto, pinili niya pa rin itong isara nang marahan.
Tinaas niya ang kaniyang middle finger sa harapan ng pinto bago tuluyang umalis.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro