Kabanata 5
NAPATAAS ang kilay ni Enigma nang sumalubong sa kaniya ang masasamang tingin ni Nero. Nakakalat na ulit ang mga laruang niligpit niya pero himala yata at wala itong patibong ngayong araw.
Nakapagtataka kaya maingat pa rin siyang pumasok sa kuwarto nito at dahan-dahang inilagay ang tray ng pagkain sa kama.
"Good morning po," bati niya sabay ngiti.
Lalayo na sana siya pero hinawakan nito ang kaniyang pulso para pigilan siya. Kinuha nito ang tablet nagsulat.
'Why are your eyes a little tired today?'
Nagulat naman siya sa tanong nito.
"Concern ka po ba sa 'kin, sir?" nakangiti niyang tanong at ngumiti nang kay tamis-tamis kay Nero.
Attracted talaga 'to sa akin. Nararamdaman ko na.
"Nako, sir. Kahit type po kita, huwag po kayong magkakagusto sa akin." You will not like it when you find out who I am.
Isa pa, ang ama nito ay sangkot sa mga illegal na gawain at malaki ang posibilidad na kasali rin ang anak. Pero sa mga araw na nananatili siya rito, bukod sa pagiging maobserbahin nito, wala siyang makitang ibang ginagawa ni Nero. Nasa loob lang ito ng kuwarto palagi.
Umirap ito sa kaniya.
'Just answer my question.'
"Hindi ba inutusan mo 'kong dalhan ka ng pagkain kagabi? Pagbalik ko tulog ka na. Lalabas na rin dapat ako agad but you were having a nightmare. You are even crying." Nakapamaywang siya habang sinasabi ang mga kataga. "Pinahid ko lang naman ang mga luha mo pero bigla mo 'kong hinawakan at hindi binitawan kaya hindi rin agad ako nakaalis. 2 A.M na yata bago mo pa ako bitawan kaya wala akong tulog ngayon."
Napaiwas naman kaagad ng tingin si Nero matapos marinig ang kaniyang sinabi. Napayuko ito at nag-umpisa nang kumain. Namumula ang tainga ng lalaki kaya bahagyang natawa si Enigma.
He's being shy now, huh?
Tumalikod na siya at maglalakad na sana papunta sa pintuan pero may lumipad na namang stylus pen sa kaniyang ulo. Inis niya itong pinulot bago lumingon sa lalaking bumato sa kaniya.
"Yes po?"
Tinapik nito ang kama kaya lumapit siya ro'n at umupo sa tabi ng lalaki.
Muli itong nagsulat.
'I want to go to the mall.'
Enigma remembered the last time she asked him about going to the mall. Kailangan pa pala umabot ng ilang araw bago ito magdesisyong lumabas.
"Nagbago po yata ang isip niyo? What made you change your mind?"
'Huwag kang magtanong, white lady. I just want to. Get dressed. You will be coming with me.'
Tinago niya na lang sa ngiti ang inis bago tumayo. "Okay po."
'What's your name?'
Natigilan si Enigma sa pagtayo at nakangangang tinignan ang nakasulat sa tablet. Really? Sa ilang araw niyang nanatili rito hindi pa siya kilala ni Nero?
Well, hindi rin naman siya nakapagpakilala.
"I'm Enisha, sir." Enisha was the name she was currently carrying as a concealing identity.
'Drop the sir. Nero will do.'
Muling napataas ang kaniyang kilay. Ano kayang nangyari dito at parang mabait ngayong araw ang lalaki? Nakakalibot. Dapat pala palagi na lang itong magkaroon ng masamang panaginip kasi parang bumabait.
"Okay, Nero."
Lumabas na siya ng kuwarto at kagaya nga ng sinabi nito ay nagbihis siya. Binuksan niya ang kaniyang bag at tinignan ang dala-dala niyang mga damit. Sa kailaliman nito naroroon ang mga kagamitang ginagamit niya palagi bilang agent.
Things that were harmless, but deadly when used.
Simple at murang mga damit lang ang dinala niya upang matawag talaga siyang galing sa pamilyang mahirap. Even her documents were faked but became useless after she was suddenly pulled inside the mansion. Hanggang ngayon, ni hindi man lang nag-atubiling tignan ng head maid ang kaniyang mga document.
Kinuha niya ang white fitted dress at 'yon ang sinuot. She braided her hair to look more extra presentable. Kahit na nayayamot talaga siyang magsuot ng mumurahing mga damit, wala siyang choice kundi ang tiisin na lang ito.
"Oh, well, I'm still beautiful," komento niya habang nakatingin sa salaming nakasabit sa kanilang basement.
She touched her stomach to make it sure that her thin belt full of needles were safe and not noticeable.
Napangiti siya dahil hulmang-hulma ang pakurba niyang katawan dahil sa hapit na dress. She winked at herself before going out and went back to Nero's room.
Kakatok na sana siya pero nagbukas ito at iniluwa ro'n ang lalaking naka-all black. Black pants, black shoes at black polo na naka-unbotton ang dalawang button sa itaas kaya kitang-kita ang toned nitong dibdib.
He was pretty yet handsome.
"Your name really suits you, I guess."
Nero meant black. He was the total representation of his name.
Nero laid his eyes on her and looked at her from head to toe. Umikot naman siya upang lalo nitong makita ang kagandahan niya.
"Ang ganda ko, right?"
Inirapan lang siya nito bilang sagot. Dala-dala nito ang tablet at saka naglakad na palabas. Sumunod naman kaagad siya. Naamoy niya ang pabango nitong matapang habang nakasunod siya. The scent that she definitely like. Gusto niya ang matatapang ang amoy. Lalaking-lalaki.
Nagtungo sila sa garahe kung saan naroroon ang kotse.
'You drive.'
"Hindi ka ba marunong?"
'I know but I don't want to.'
"Okay po."
Inabot nito sa kaniya ang car key. Pumasok na ito sa loob at siya naman sa driver's seat. She was ready to start the car but she halted. The corner of her lips twitched when she realized something.
A maid who came from a poor family would never know how to drive a car.
Nilingon niya si Nero at nakatingin din ito sa kaniya, naghihintay na i-start ang kotse.
Was he trying to test her again? Tsk.
Huminga muna nang malalim si Enigma upang makapag-isip kung ano ang gagawin. Damn. She was careless back there. She couldn't believe she let it slipped. It would be a dumb move for her to back down and think of excuses. A dumb yet somehow an effective move.
Guess she had no choice.
"Ah, Nero . . ." Mag-iisip na sana siya ng palusot pero may panibagong ideya na pumasok sa kaniyang isip.
Palihim siyang napangisi. She changed her mind. Pinili na lang niyang i-start ang kotse at saka nagmaneho.
The man had been eyeing at her since day one, so she wondered what this man was trying to achieve? Was he cautious because of his father's illegal businesses? Or was it just in his nature to be observant? Taking the risk, Enigma expected for an answer from either of the questions.
Let's use this as a bait, shall we?
Tahimik lang silang dalawa habang nagda-drive siya. Natural dahil hindi naman nakapagsasalita ang kausap niya. Sinusulyapan niya ito sa kaniyang tabi bawat minuto upang tignan ang kalagayan ng lalaki. Akala niya namamalikmata lang siya kanina subalit mukhang tama nga ang kaniyang nakita na nanginginig ang mga kamay nito.
"Hindi ka ba sanay lumabas?" tanong niya habang ang tingin ay nasa daanan. Nakikita na niya ang overpass sa unahan, nangangahulugang malapit na sila sa mall. Kaunti pa at makakarating na sila.
Pansin niya namang nagsulat ito sa tablet. Madalian niya itong nilingon nang hinarap ito ng lalaki.
'I don't like the people.'
"Ayaw mo naman pala. Ba't ka nagyayang lumabas?"
Nakarating na sila at papasok na sila sa parking lot ng mall. Naghahanap siya ngayon ng slot.
'Kasi gusto ko lang.'
Napangiwi naman siya. Ang ewan din talaga minsan kausap ang lalaking ito. Gusto lang daw lumabas pero takot naman pa lang makipaghalubilo.
Nang makapag-park na siya, nauna siyang lumabas. Pinagbuksan niya si Nero ng pinto.
"Let's go," saad niya pero nanatili lang na nakatayo si Nero habang nakatingin sa matayog na building ng mall. Iniwan nito ang tablet at stylus pen sa loob.
Walang tigil pa rin ang panginging ng mga kamay nito kaya napabuntonghininga siya. Hinawakan niya ang kamay nito dahilan para magulat naman ang lalaki. She filled the spaces between their fingers and gently pressed it.
Napatingin ang lalaki sa kamay nilang nakahawak bago tumingin sa kaniyang mga mata. His dark orbs were in shock.
Is this his first time holding a lady's hand?
Ngumiti naman siya. "Let's go, Nero. Huwag kang matakot, kasama mo naman ako." At hinila na papasok ang lalaki sa mall.
Naglakad na sila sa loob. Dumudutdot sa kaniya si Nero upang iwasan ang mga taong makakasalubong nila. Walang tigil ang paglinga-linga nito sa paligid na animo'y conscious na conscious.
"Calm down." Pinisil niya ang kamay nito kaya napatingin ang lalaki sa kaniya.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya.
Nagkibit-balikat naman ito, hindi rin alam kung saang store sila papasok. He pointed at her, telling her to decide where would they go.
"May dala ka bang pera?"
May kinuha ito sa bulsa at inabot sa kaniya. Nagningning ang mga mata niya nang makita kung ano 'yon.
A black card.
Mabilis niya itong kinuha. "Iba talaga 'pag mayaman."
Bigla niya tuloy na-miss ang mga black cards
niya na ilang araw na niyang hindi nahahawakan.
"Ako ba magde-decide kung anong bibilhin?"
Tumango naman ito.
"Okay!" Abot-tainga ang kaniyang mga ngiti habang nakaturo sa men's clothes. "Magsho-shopping tayo ng mga damit mo."
Kinaladkad na niya si Nero papasok ng store. Lahat ng natipuhan niyang damit na paniguradong bagay kay Nero ay agad niyang kinuha nang hindi na tinitignan ang presyo.
"I want this! This! This! And oh, ito pa!" Inabot niya ang isang hoodie na kulay itim at hinagis sa bundok-bundok na damit na hawak ng sales lady.
Hawak pa rin ng isang kamay niya si Nero na nakasunod lang din sa kaniya. Isang dark blue plain t-shirt ang nahagip ng kaniyang mata kaya kinuha niya iyon at tinapat sa katawan ni Nero.
"Okay. Bagay. Ito pa." At hinagis niya sa sales lady.
Pagkatapos nilang magbayad, nagtungo naman sila sa men's shoes. Hindi na niya mabilang kung ilang sapatos ang kaniyang binili. Hindi pa siya nakuntento at nagtungo na naman siya sa mga accessories. Binila niya lahat ng gusto niyang bilhin kahit mapuno pa ang kaniyang mga kamay ng mga bags na naglalaman ng kanilang mga binili.
Ah. It was the best feeling to spend money without worrying the price. Pakiramdam niya'y nawala lahat ng stress niya sa loob ng mansiyon matapos siyang makapagwaldas ng madaming pera ngayon.
Nakasunod si Nero sa kaniya at tinulungan din siya nitong dalhin ang ibang bags dahil puno na ang kaniyang mga kamay at braso. Binitawan na rin niya ang lalaki kanina pa dahil kumalma na ito at hindi na nanginginig pa.
"Nagugutom ka na ba, Nero? Gusto mong kumain muna tayo?" Nilingon niya ito. Natigilan siya nang makita niya itong nakangiti.
For the first time, she saw his smile different from those she used to see. There was no hint of teasing but just a smile of . . . pure genuine.
Kaagad ding nawala ang ngiti nito nang makita siyang nakatingin. Napaiwas ito at mabilis na tinuro ang isang restaurant.
Pumasok naman sila ro'n. In-order niya lahat ng mga recommendations ng waiter habang si Nero naman ay nakaupo sa harapan niya at pinagmamasdan lang siya.
"Ang ganda ko, 'no?" nakangiti niyang saad sa lalaki matapos umalis ang waiter. Naghihintay na lang sila sa kanilang pagkain. Napalibutan ang kanilang table ng mga pinamili niya.
Tinuro naman ni Nero ang kaniyang damit kaya napayuko siya.
"Bakit?"
Tinapik nito ang black card na hawak niya bilang sagot.
"You want me to buy my own dresses?!" Napalakas pa ang boses niya dahil sa tuwa.
Tumango naman ang lalaki.
"Wow! Nero, ang bait mo nga talaga ngayong araw." Impressed, she let out a slow clap while looking at the man. "Hinding-hindi ako hihindi sa offer mo. Iwawaldas ko talaga 'tong pera mo," dagdag niya pa sabay halakhak.
Nakarinig naman siya nang mahinang tawa mula sa direksyon ng lalaki kaya natahimik siya. Pinagmasdan niya ang nakayukong si Nero habang nakatakip ang likod ng palad nito sa labi.
Did he just laugh with a sound? But he's mute.
O baka may problema lang sa tainga niya?
Dumating na ang kanilang pagkain kaya nagsimula na rin siyang kumain. Pagkatapos ay muli silang nagtungo sa mga stores pero sa pagkakataong ito ay sa pambabae naman. Kagaya kanina, binili niya lahat ng natipuhan niya. From dresses, croptops, pants, make-ups, accessories to shoes and heels, she bought it all.
Malapit nang maggabi nang mapagpasyahan nilang umuwi. Napuno ang trunk at back seat ng kotse sa kanilang pinamili.
"Wait. Cr lang ako," paalam niya kay Nero na nasa loob na ng sasakyan.
Muli siyang pumasok sa mall at pumunta ng comfort room. Tinignan niya muna ang sarili sa salamin bago napagpasyahang lumabas na at bumalik sa parking lot.
Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob. She was ready to wear the seatbelt until she realized the seat beside the driver's seat was empty.
"Nero?" Nilingon niya ang back seat pero mga pinamili lang nila ang nandoon.
Kaagad siyang lumabas upang hanapin ang lalaki. Lumabas siya ng parking lot hanggang sa nakarating siya likuran ng mall. Mababale na ang kaniyang leeg sa kakalinga pero walang Nero ang nagpakita.
Where is he?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro