Kabanata 22
"DO you really need to aim these guns at me?" Enigma crossed her legs while leaning back on the chair she was sitting. Five people were pointing a gun in her head while she was talking with Engineer Pandora.
Nasa third floor sila ng mansiyon. Pumasok sila sa isang kuwarto kung saan nahahati ito sa dalawang parte na pinapagitnaan ng soundproof wall. Ang isang parte na may kama ay doon dinala si Nero. Habang sila naman ni Engineer Pandora ay nasa kanang bahagi.
Inabot ni Engineer Pandora ang kape na nasa pagitan nilang dalawa. "Who knows? You may have something up in your sleeve." And sipped his coffee.
"What can be hidden in a t-shirt's sleeve?" She shrugged after the replying the metaphor methaporically. Seeing his annoying face was enough reason for her to keep being sarcastic. Hindi niya masikmura na kadugo ito ni Nero. Ang nakakabuwisit nitong mukha ay ama ng lalaking kanina pa laman ng isip niya.
Sinulyapan niya si Nero sa kabila na binabantayan ng limang tao. Ang isa ay ginagamot ang sugat nito. Pilit na nagpumiglas si Nero subalit wala itong nagawa dahil nalalamangan ang lakas nito sa limang lalaki.
"Seeing that you escaped from the laboratory after taking several toxins, I bet there is something special in you."
"Ha!" Peke naman siyang tumawa at winaksi ang kaniyang bangs. "Matagal na akong special. Ano bang gusto mo at bakit mo pa ako gustong kausapin?"
Engineer Pandora brought her here because he said he needed to talk to her about something. Her assumption was a proposal. After she had discovered and gathered evidences, he would likely want to get those proofs back. Siyempre, ayaw nitong madiskubre ang tinatago sa publiko dahil paniguradong matatapos na ang masasayang araw kapag nailabas ang lahat ng baho nito.
"I assume that you already have evidences about my businesses."
"So what if I have? You're going to kill me?" Ngumisi siya. Nilabas niya ang kaniyang cellphone at winagayway. "All of the evidences are here."
Ngumiti naman ang bachelor sa kaniya ngunit napansin niya ang paghigpit sa hawak nito sa baso. He was mad and she felt it. She could smell his desire to get the phone away from her.
"No. I don't want to kill you. If I do that, I will likely be suspected by your agency if you'll not be able to return." Binaba nito sa lamesa ang table. "So, I want to propose something to you."
Isang madilim na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. She was right.
"And what could that be?"
"You will give me that phone in exchange for your freedom."
She raised her eyebrow. "Iyon lang? It doesn't sound convincing to me." Hinagis-hagis niya sa kamay ang cellphone. "Do you think I will exchange my loyalty for the sake of my freedom?"
"I'm still not done." Muling ngumiti si Engineer Pandora dahilan para muling tumaas ang kaniyang kilay. "I know something you really want."
Isang lalaki ang pumasok sa kuwarto. May dala itong limang brief case at pinatong sa lamesa. Nawala ang mapaglaro niyang ngiti nang buksan ito ni Engineer Pandora.
Bumungad sa harapan niya ang libo-libong pera na naka-bundle. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone ng tinulak nito papalapit sa kaniya ang mga brief case.
"This is one billion. I can give this all to you if you will give me that phone and you report back to your agency that Engineer Pandora has nothing to do with illegal production and trading."
Hindi siya sumagot. Nanatili ang mga mata niya sa sandamakmak na pera.
One billion. Kapag tinanggap niya ito, matutupad na ang pangarap niyang maging bilyonaryo. She could not say no to this.
Magsasalita na sana siya ngunit may biglang sumagi sa isipan niya. Ang mga report ng mga agents na nauna sa kaniya. Pare-pareho lang ang laman.
"Don't tell me, ganito rin ang ginawa mo sa ibang mga agent?"
"No one can say no when it comes to money." He crossed his legs. "One billion, Enigma. One billion kapalit ng pananahimik mo at lubayan mo na rin kami ng anak ko."
Napakurap siya sa huli nitong sinabi. Sinulyapan niya si Nero na nakatingin din sa kanila. Hindi nito maririnig ang kanilang pinag-usapan dahil sa soundproof na pader. Sumagi sa kaniyang isipan ang deal nilang dalawa.
"You will not going to hurt him, won't you?"
"It's none of your business. I will punish him the way I want it to."
"What a terrible father. Mabuti naman at hindi ka dinadalaw ng konsensya matapos mong pinatay ang asawa mo?"
Ang bachelor naman ang natigilan. Napakurap ito at umiwas ng tingin. "Huwag mong ilihis ang usapan. Will you accept it or not?"
Muling natahimik si Enigma. Kumuha siya ng isang bundle. Hindi magkamayaw ang puso niya sa tuwa sa tuwing maiisip niya pa lang ang dami ng mga mabibili niya kapag tinanggap niya ito. Wala siyang ibang inisip sa buong buhay niya kundi magkaroon ng sandamakmak na pera. Pera na kayang bilhin lahat ng gusto niya.
Life or money? Justice or money? Those options didn't even weight how heavy money was for her. Kaya niyang iwan lahat kung pera ang magiging kapalit.
Sinarado niya ang brief case.
A smile crept over her lips. "I guess, I am just as terrible as you." Hinagis niya ang cellphone kay Engineer Pandora na mabilis naman nitong sinalo. "You have bought my silence."
"You made a great choice," sagot ni Engineer Pandora at lumawak pa ang ngiti nito.
Tumayo na siya at binitbit ang limang brief case.
"Let's not see each other again," she said and went away.
---
NAGPUPUMIGLAS si Nero upang makawala sa lalaking nakahawak sa kaniyang mga braso. Gusto niyang makaalis dito. Gusto niyang puntahan si Enigma na nasa kabilang parte ng soundproof glass wall.
Hindi niya marinig ang usapan ng dalawa.
"Ah!" Napadaing siya at napunta ang atensyon sa kaniyang paa na ginagamot na.
An anaesthesia was injected to prevent him from feeling the pain of removing the spear.
"What is this?" Kinuha ng lalaking nakahawak sa kaniyang kaliwang braso ang dalawang toy gun na nasa kaniyang bulsa.
Inilapag nito sa drawer na katabi lang ng kama.
Napapikit na lang si Nero habang nag-iisip kung paano siya makakatakas dito o kung magagawa nga ba niyang makatakas. He wasn't only worried for himself but also for Enigma. Hawak ng kaniyang ama ang babae. Knowing his father, he would not hesitate to kill her just like what he did to his mother.
He didn't want to witness death again. Ayaw na niyang may mawala pa sa kaniya. But what could he do? Although he taught himself to learn martial arts, he could not fight like how Enigma can.
"Let go." He gritted his teeth while clenching his fists. Buong puwersa niyang winaksi ang braso dahilan para bumagsak siya. Nahulog din siya sa kama.
Dali-dali siyang gumapang subalit nahuli naman kaagad siya. Muli siyang binagsak ng mga lalaki sa kama. Hindi pa rin siya tumigil at pilit na kumakawala. Namuo na ang pawis sa kaniyang noo, namula na rin ang kaniyang mukha. Ang ugat sa kaniyang leeg dulot ng kaniyang lakas ay bumabakat.
Pero kahit anong gawin niya, hindi niya magawang pantayan ang lakas ng limang lalaking may hawak sa kaniya.
Damn. He was helpless. He was still damn helpless like three years ago. He still couldn't do anything. His mom was shot before his eyes because he couldn't save her.
Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata niya. Nilingon niya ang direksyon ni Enigma at ng ama na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin. Kita niya si Enigma na pinakita ang cellphone sa ama. Ang cellphone nitong naglalaman ng iba't ibang ebidensya.
Ilang saglit pa may pumasok na isang lalaki. May hawak itong limang brief case at nilapag sa lamesa.
Napako ang tingin ni Nero nang makitang pera ang laman nito. Sinulyapan niya si Enigma at natigilan din ito, titig na titig sa perang hinain sa harapan.
She was offered with money.
Biglang sumagi sa isipan niya ang mga ikinuwento ni Enigma sa kaniya, kung bakit gustong-gusto nito ang pera. Naalala niya rin ang mga araw na wala itong bukambibig na iba bukod sa magkaroon ng milyon-milyong salapi.
"No . . ." Kaagad siyang umiling sa naisip.
Even if Enigma wanted money, she would not exchange him for that. She would not forget her job and their deal.
We're going to put Dad in jail, right, En?
Kumabog nang mabilis ang kaniyang puso nang sulyapan siya ni Enigma. Hindi siya mapakali lalo na't kaagad nitong iniwas ang tingin sa kaniya. Binalik nito ang tingin sa pera at hinawakan ang isang bundle.
"En . . . no." He wanted to reach her but all these men holding him wouldn't let him.
"En!" He shouted her name but the soundproof wall between them prevented his voice from reaching the woman.
He froze when Enigma gave the cellphone to his father. Sinara nito ang nakabukas na brief case at binitbit ang lima. Tumayo na ito at mukhang aalis na.
"En! Enigma!" Isa-isang nagpatakan ang luha sa mga mata niya nang magsimulang maglakad si Enigma palabas ng kuwarto.
kahit alam niyang hindi siya nito maririnig, ilang beses niyang pa ring sinigaw ang pangalan ng babae.
Pero hindi na ito nilingon pa ang kaniyang direksyon.
Nalugmok ang puso niya nang tuluyan na itong mawala sa kaniyang paningin.
She left. She left him in exchange for money.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro