Kabanata 2
"MAAYONG buntag, Rogue," bati ng isang agent sa kaniya.
Kahapon lang siya dumating sa Butuan City at tumatambay siya ngayon sa quarter ng ACA na nandito rin sa Butuan.
"Required bang magbisaya pati rito sa quarter?" pabiro niyang sagot habang nakahilata sa sofa at abalang nagta-type sa kaniyang laptop.
She was busy memorizing every information he could get from the bachelor. His properties, businesses and even the people linked to his name.
Inabot niya ang map ng buong Butuan na nasa sahig at kinabisa rin ito. Mas mabuti nang alam na niya agad ang mga pasikot-sikot para puwede na siyang magtanim ng kanyang mga eksperimento.
Her alarm from her phone rang, signaling her that thirty minutes had already passed. Sinara na niya ang laptop, kinumpol pabilog ang mapa at parang bola ng basketball na tinira sa basurahan na ilang metro ang layo sa harapan niya.
She was ready. Her knowledge was all set. Pati na ang kaniyang kasuotan na kahit ayaw niya talagang magsuot ng mumurahin at simpleng puti na t-shirt at mahabang saya, kailangan niya itong gawin para sa kanyang pagkukubli.
"Oh well, maganda naman ako."
Sinukbit na niya ang kaniyang bag na may laman ng mga kakailanganin niyang gamit at lumabas na ng quarter na ikinubli sa isang kindergarten.
"Ang ganda mo po, Ate," saad pa ng bata nang dumaan siya sa harapan nito.
Napatigil naman siya sa paglalakad. Kinuha ang wallet sa kaniyang bulsa at humigit ng isang libo.
"At dahil honest ka, ito ang para sa 'yo."
Tuluyan na siyang lumabas pagkatapos bigyan ang bata ng isang libo. Naghintay siya ng tricycle na masasakyan papunta sa mansiyon ng mga Pandora.
Ang akala niya'y mabilis siyang makakasakay dahil wala namang masyadong pasahero pero madalang pa lang dumaan ang mga sasakyan dito.
Napairap siya habang nababagot na kakahintay. Ayaw niya pa naman na pinaghihintay siya. She could ride her car but that woud mess up her disguise. Her role in this mission was a breadwinner from a poor family who are in dire need of money so she needed to apply for a job to make ends meet.
And according to her research, the Pandora's mansion had been hiring workers, particularly a maid. Kapag may nakapasok sa trabaho, sinasara ang hiring pero agad din namang ulit na nagbubukas. Ano ang dahilan? Aalamin niya pa.
Nang makakita ng tricycle si Enigma, mabilis pa sa umaga niya itong pinara.
"Asa ta, Ma'am?" (Saan po kayo, Ma'am?)
"Sa Bobon rako, Kuya." (Sa Bobon lang ako, Kuya.) She spoke the language as if it was her mother tongue.
The ACA agents had been taught to speak different dialects and languages in order to converse globally.
Tumango naman ang driver kaya pumasok na siya sa loob. Umupo siya sa harap, katabi ng driver.
"Mag-unsa diay kas mga Pandora, Ma'am? Mag-apply kag trabaho?" (Ano po bang gagawin niyo sa Pandora, Ma'am? Mag-a-apply po kayo ng trabaho?) tanong ng driver na 'di niya pa masyadong marinig dahil sa ingay ng makina ng tricycle.
Idagdag pa ang mabatong daanan kaya aalog-alog ang sinasakyan niya.
Ilang beses na napura si Enigma. Nakakabwisit. This was what Enigma hated the most as an agent. To disguise herself as a low-class human being.
She never wanted nor dreamed to be poor. Ayaw niya ng ganitong buhay. Gusto niya na bumabaha palagi ang bulsa niya ng pera at punong-puno ng mga luxuries ang paligid niya.
"Oo, 'ya. Kailangan jud nako ug kuwarta para sa akong pamilya," (Oo, Kuya. Nangangailangan talaga ako ng pera para sa pamilya ko.) she replied.
"Mao, Ma'am? Sa ako rabang nasayran dihaa, Ma'am, kay maldito daw kaayo nagpuyo diha." (Talaga, Ma'am? Sa pagkakaalam ko pa naman, Ma'am, masungit ang mga nakatira d'yan.)
Tumaas naman ang kaniyang kilay at nilingon ang driver. This is a very good opportunity to get more information.
"Maldito? Kinsa, 'ya? Si Engineer Pandora?" (Masungit? Sino, Kuya? Si Engineer Pandora?)
Umiling ang driver. "Panagsa raman muanha si Sir Pandora diha. Ang nagpuyo diha kay iya man daw ng ig-agaw." (Madalang lang pumunta si Sir Pandora sa mansiyon. Ang nakatira daw r'yan ay pinsan niya.)
Napatango naman siya ng ilang beses. Magsasalita na sana siya pero sinapawan siya ng driver.
"Pero ayaw ug saba ani, Ma'am, ha? Daghay nag-ingon na basin dili jud to siya ig-agaw ni Sir Pandora. Basin iya daw tong anak, gitago lang daw." (Pero huwag po kayong maingay, Ma'am, ha? Maraming nagsasabi na baka hindi raw pinsan ni Sir Pandora ang nakatira. Baka anak niya talaga 'yon, tinago lang daw.)
"Oh?" Umakyat ang isang bahagi ng kaniyang labi. "Ngano man?" (Bakit naman?)
"Panagsa ra daw mugawas ang laki so gamay ra jud ang nakakita sa iya. Pero ang mga nakakita kay ana sila, kanawong jud daw kaayo ni Sir Pandora." (Minsan lang lumabas ang lalaki kaya kaunti lang ang nakakakita. Ang sabi no'ng mga nakakita ay kamukhang-kamukha raw talaga ni Sir Pandora.)
"Mao, Kuya?" (Talaga, Kuya?) she acted like she was really shocked with the information.
"Pero mao lagi sad, grabe pod daw kamaldito maong walay maid na magdugay. Parehas lagi daw ug nawong kay Sir pero wala niliwat ang batasan na buotan sa laki." (Pero 'yon nga, sobrang sungit naman daw kaya walang nagtatagal na maid. Kamukha nga ni Sir Pandora pero iyong ugaling mabait hindi namana.)
Tumawa ang driver kaya sinabayan naman niya iyon. Lumiko sila sa isang intersection kung saan may semento na kaya tuloy-tuloy na ang kanilang takbo at hindi na umaalog pa.
"Unya, 'ya. asa naman 'tong mga katabang na nihawa na?" (Tapos, Kuya, nasaan na ang mga maids na umalis?)
"Halos tanan sa ila kay nanglakaw naman diris Butuan, Ma'am. Basin dako kaayo ug bayad ang mga Pandora maong makaadto na silag lagyo na lugar." (Halos lahat sa kanila ay wala na rito sa Butuan, Ma'am. Baka malaki ang bayad ng mga Pandora kaya nakakapunta na sila sa malalayong lugar.)
"Hmm. Intriguing."
"Unsa, Ma'am?" (Ano 'yon, Ma'am?)
"Wala man, 'ya," (Wala naman, Kuya.) sagot niya sabay ngiti.
Tumingin siya sa unahan at malapit na silang dumating. Base sa mapa na kinabisa niya, isang liko pa ay makakarating na sila sa Bobon, isang baranggay dati pero binili ng mga Pandora ang lupa kaya naging private property na ito ngayon. Nandoon din sa loob ang mansiyon.
Tumigil sila sa isang higante at kulay pulang gate. Nagbayad muna si Enigma bago tuluyang bumaba. Of course, she prepared coins. It would be rare for a poor woman like her to carry thousand of papers made out of money.
"Naa ra, 'ya." (Ito po, Kuya.) Bigay niya sa barya.
"Salamat, Ma'am." Sinulyapan siya ng driver. "Sure jud ka, Ma'am na mag-apply kag trabaho diha? Dili man halata sa imong nawong na kabalo manrabaho," (Sure ka talaga, Ma'am na mag-a-apply ka ng trabaho? Hindi halata sa mukha niyo na marunong kayong magtrabaho.) dagdag pa nito.
"Aysus. Kasayud man ko na guwapa ko, Kuya," (Aysus. Alam ko naman na maganda talaga ako, Kuya.) sagot niya naman bago tuluyang naglakad papalapit sa higanteng gate.
I finally arrived.
Pinaikot niya ang tingin sa buong lugar at sobrang linis, halatang naka-maintenance. Walang kahit na isang basura ang makikita sa paligid.
"Ano pong kailangan nila?" Lumabas sa guard house ang isang lalaking may kalakihan ang katawan.
Her eyebrow moved a little upwad. He spoke tagalog?
"Tagalog ka po, Kuya?" she asked and lowered her head, acting shy.
"Opo, Miss, pero nakakaintindi naman ako ng bisaya. Puwede mo akong kausapin kung saan ka komportable."
"Magtatagalog na lang po ako, Kuya, total kami namang mga bisaya ang always nag-a-adjust." She smiled, awkward as possible. She tried to make her movements small and fidget. "Mag-a-apply po sana ako bilang maid dito. Narinig ko po kasi na hiring pala kayo--"
"Sige, tanggap ka na."
"Ha?" Mabilis siyang natigilan at muntikan na niyang makalimutan ang imaheng pino-portray niya. "Agad-agad po, Kuya? Wala nang tingin-tingin sa bio-data? Diretso na akong sasabak?"
Tumango ang guard at hinila siya papalapit ng gate. May maliit na pinto roon at binuksan iyon ng guard, tinulak siya nito papasok bago sinara itong muli.
"Diretso ka lang," sabi pa nito bago isara ang maliit na pinto.
Napairap siya matapos siyang tratuhin ng ganoon.
Ang pangit-pangit ng treatment. Hindi na siya magtataka kung bakit ang daming umalis na mga katulong dito.
She was already in a bad mood. Buti na lang maganda ang ambiense ng buong lugar kaya kahit papaano ay kumalma siya.
Habang naglalakad siya sa daan, parati siyang sumisinghap sa mangha. Kunyari ay unang beses niya pa lang makakita ng mga halaman na naka-trim at nakahilira sa gilid ng daan na para bang guide ito papunta sa mansiyon. Inoobserbahan niya ang field sa magkabilang side habang nililibang ang sarili sa mga nakahilirang bulaklak.
Their security were not tight at all, huh?
Napatingin siya sa unahan kung saan may bundok. Sa ibabaw noon nakatuntong ang mansiyon. Ang mansiyon na may hawig sa mansiyong nakita niya tatlong taon na ang nakakalipas.
Halos benteng minuto rin siya na naglakad bago tuluyang makatuntong sa harap ng pintuan ng mansiyon.
"Punyeta, wala man lang sumundo sa akin," bulong niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa bag.
Magdo-door bell na sana siya pero bigla itong bumukas at may kamay roon na hinila siya papasok.
"Bilis, hija! Oras na para magtanghalian si Sir," saad ng maid na kumakaladkad sa kaniya.
"Teka lang po--"
Hindi siya nakapalag nang lumiko sila sa isang pasilyo, bumaba ng hagdan hanggang sa makarating ng basement kung saan dito yata nag-s-stay ang mga maids.
Binitawan siya nito at may hinalungkat sa cabinet. Pagkatapos ay lumingon ito sa kaniya at hinagis ang isang maid na uniporme.
"Isuot mo 'yan, bilis. Ilagay mo ang bag mo rito." Turo nito sa kama na nasa baba. It was a double deck bed. Mukhang ang maid na kasama niya ngayon ang nag-o-occupy sa ibabaw.
Mabilis niya namang sinunod ang sinabi nito at hindi muna nagtanong. Paano siya magtatanong kung ang mukha ng maid ay pawisan at para bang kabadong-kabado ito?
"Nawa'y mahaba ang pasensya mo," sabi nito at muli siya nitong hinila palabas matapos siyang magbihis. Habang hila-hila siya ng maid ay tuloy rin ito sa pagsasalita. "Ang trabaho mo lang ay nakapokus kay Sir Nero, lahat ng iuutos niya ay kailangang mong gawin, okay? Medyo mahirap talagang pakisamahan si Sir pero sana kayanin mo, hija."
"Matagal ka na pong nagtra-trabaho rito?"
"Oo." Dumating na sila sa kusina. At may mga maids din doon na hinahanda na ang pagkain ng kanilang amo.
"Ba't 'di na lang po ikaw ang mag-alaga kay Sir Nero? Mukhang kabisado mo naman po siya."
Kinuha nito ang tray na nakalapag sa lamesa at binigay sa kaniya. "Ako na ang nakatuka sa buong mansiyon, mamamatay ako kapag kasali pa si Sir Nero sa aalagaan ko."
Nauna itong maglakad sa kaniya palabas kaya sumunod naman kaagad siya. Umakyat sila papunta sa second floor ng mansiyon. Naglakad pa sila sa isang hallway na may pagkamadilim dahil nakapatay ang mga ilaw hanggang sa makarating sila sa pinakadulo.
Nakaharap silang dalawa ngayon sa isang pinto.
"Tandaan mo ang sinabi ko sa'yo," dagdag ng maid. Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat. "Nawa'y makatagal ka kahit isang araw man lang." Aalis na sana ito pero muli siya nitong nilingon. "Muntik ko nang makalimutang sabihin. Hindi nakakapagsalita si Sir Nero pero nakakarinig naman siya kaya puwede mo pa rin siyang kausapin kahit hindi ka maalam sa sign language." At tuluyan na siya nitong iniwan bago pa siya makapagtanong ng bakit.
Doon lang siya nakahinga nang malalim matapos siyang iwang mag-isa. Parang nasa karera siya kani-kanina lang. Hindi pa nagsi-sink in sa utak niya na nasa loob na agad siya ng mansiyon, nakadamit pang-maid at nagse-serve na ng pagkain sa kaniyang amo.
She cleared her throat first before knocking. After her first knock, a heavy thing landed on the other side of the door, causing her to raised her eyebrow.
Was that a sign to open the door?
She knocked again, and the same thing happened so she decided to open it.
Binuksan niya ang pinto na may ngiti sa labi. "Good afternoon po, Si--" Hindi niya natapos ang sasabihin at mabilis na pinilig ang ulo niya nang may kutsilyong rumaragasa papunta sa kaniyang direksyon.
Nadaplisan ang kaniyang iniingatang pisngi. Hindi pa siya nakakagalaw sa kaniyang kinatatayuan nang may naramdaman siyang mahuhulog sa kaniyang ibabaw. As quick as she could, she extended her hand to prevent the food from getting soaked in the milk showering her entire body.
"What the hell . . ." bulong niya at napahilamos.
Sumalubong sa kanyang bisyon ang lalaking nakaupo sa sofa at nakatingin sa kaniya, nakangisi habang naka-thumbs up pa ang isang kamay. Ang itim at maalon nitong buhok ang unang nakapansin ng kanyang tingin. May hawak itong tablet at stylus pen.
May sinusulat ito.
Ilang saglit pa, hinarap nito ang tablet. May mensaheng nakaukit doon.
'Congratulations! You saved my lunch from getting wasted!'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro