Kabanata 18
NAPADAING si Nero nang makatanggap ng sipa sa mukha. Bumangga ang kaniyang ulo sa semento. Nasa loob siya ng kaniyang kuwarto habang nakatali ang mga kamay at paa. Kita niya sa kaniyang kama ang nakahigang si Alex na hanggang ngayon hindi pa rin nakakagalaw.
It was the head maid who stole Alex earlier. The head maid whom he taught was harmless.
But he was mistaken.
He glared at the woman standing in front of him. Nakatutok pa rin ang baril nito sa kaniya.
"Anong ginawa mo kay Alex, hmm? May antidote ka ba para d'yan?" tanong nito at tinuro si Alex.
Hindi siya sumagot dahil bukod sa hindi siya nakakapagsalita nang tuwid, hindi niya rin alam ang sagot.
Umiling naman ang babae. "Your father will be displeased after knowing this."
Napalaki ang kaniyang mga mata matapos 'yong marinig. The woman was working under his father, and he didn't even notice. For three years, she was with her, but not once he suspected her. Damn. He had been watched since the beginning.
"Diyan ka muna. Tawagan ko lang ang ama mo." Tumalikod na ang babae at naglakad palabas ng kuwarto.
Sila na lang ni Alex ang naiwan. Napapikit siya dahil sa inis. Nagsisimula na rin siyang mataranta kaya huminga muna siya nang malalim. He needed to think of ways to get out of here.
Inikot niya ang tingin sa kuwarto. Nahigip ng kaniyang mga mata ang tablet niya na nasa ibabaw ng drawer. Kinuha iyon kanina ni Manang Peli sa kaniya.
Biglang sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Enigma.
He rolled on the ground many times until he finally reached the drawer. Ilang beses pa siyang napailing upang tanggalin ang kaniyang pagkahilo. Tinulak niya ang drawer gamit ang mga nakataling paa dahilan para matumba ito.
Lumikha ito ng ingay.
Kaagad siyang gumulong papalapit sa tablet bago pa makabalik ang head maid. With his toes, he pressed the side of the tablet to turn it on. Nadulas pa ito sa kaniyang mga paa kaya muli na naman siyang lumapit at pinindot ang on button sa gilid. Namuo ang pawis sa kaniyang noo habang hirap na hirap na sw-in-ip ang screen ng tablet at pindutin ang app ng contacts.
Naririnig na niya ang mga yabag ng mga paa. Pabalik na si Manang Peli sa kaniyang kuwarto.
Damn. Hurry.
Sinulyapan niya ang tablet at hinanap ang pangalan ni Enigma. Nang makita ito, kaagad niyang pinindot ang call button.
The tablet made its first ring when the door opened. Nilingon niya ang babae na salubong ang mga tingin sa kaniya. May hawak itong cellphone sa kamay at dali-daling naglakad papalapit sa kaniya.
Bumagsak ang kaniyang mga balikat nang kinuha nito ang tablet at pinatay ang tawag. Muli siyang nakatanggap ng isang sipa sa mukha. Umikot ang kaniyang paningin, ramdam niya rin ang pagtulo ng dugo sa kaniyang ilong.
"Calling someone, huh?" Tinignan nito ang kaniyang tablet. "Enigma? So, you are teaming up with that agent?"
Muling napalaki ang mga mata niya.
She knew?
Ngumisi ang babae dahilan para lumubo ang kaba na nararamdaman sa puso. "But unfortunately, she will not be able to help you. Hindi na siya makalalabas pa sa laboratory."
What?
Pilit siyang nagpumiglas, sinusubukang alisin ang nakatali sa kamay at paa. He wanted to grab the woman's neck, and tell her to get back what she said. Hindi niya makakayang tanggapin kapag may nangyari masama kay Enigma.
Tumawa ang babae sa harapan niya at nagtipa sa cellphone. Ilang saglit pa, sumagot ang tinawagan nito.
"Sir, it was confirmed. Your son is teaming with an agent named Enigma," saad nito. "Siya ang personal maid ni Sir Nero."
Tumindig ang balahibo niya sa katawan nang marinig ang boses ng ama dahil naka-loud speaker ang phone. Sinadya ng babae upang marinig niya.
"From what agency is that woman?"
"I haven't found out, sir. But the documents she brought as her identity was totally fake. She is Enigma Hekate alias Lady Rogue."
"Hmm. I see. Have you taken care of her?"
"Yes, sir. The workers have caught her, and now preparing to burry her body."
Namuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata pagkatapos iyong marinig. Hindi na magkamayaw ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok. Ang mga butil ng pawis sa kaniyang noo ay mas dumoble pa.
Hindi. Hindi totoo ang sinasabi ng babae.
"All right. May I talk to my son?"
Nilapat ng babae ang cellphone sa kaniyang tainga. "Hello, Nero."
He gritted his teeth. Damn you! You killer!
He heard a sigh coming from his father. "If only you listen and didn't do anything, you won't have to experience this. You won't have to experience another loss. If only you behaved yourself, you won't have to experience again the pain you felt from your mother."
Nabato si Nero matapos banggitin ng ama ang kaniyang ina. Isa-isang pumasok sa kaniyang isipan ang imahe ng ina. Ang mga ngiti nito sa mga oras masaya pa sila hanggang sa oras na tuluyan na itong hindi na nagising. Hanggang sa oras na tinapos ng ama ang buhay nito.
No. No. No.
Pinikit niya ang mga mata at pilit na inaalis sa isipan ang tunog ng baril na tumapos sa buhay ng kaniyang ina. Hindi ito ang tamang oras para mawala siya sa kaniyang sarili. Hindi. Hindi siya magpapadala sa mga alaala.
Pero huli na dahil nanginig na ang buo niyang katawan. Hindi niya na rin pa maayos ang kaniyang paghinga. Natatakot siya. Takot na takot siya.
"Show him the picture, Peli," said his father.
Pinakita naman ng head maid ang isang litrato sa cellphone nito. Isang litrato na halatang kakakuha lang. Tuluyang nagbagsakan ang mga luha niya nang makita ang duguang si Enigma. Her white hair was painted with her own blood. Nababalutan ng mga pasa ang mukha nito. Nakapikit ang mga mata ng babae. Wala itong malay.
"E-en . . ." Umiling siya. Ilang beses siyang napailing dahil hindi niya iyon kayang tanggapin.
That isn't true. En is fine. She's fine. She will come back.
"She's almost dead," her father chuckled on the line. "And it is all your fault, Nero. Remember, it is your fault why that woman is not breathing anymore. Oh, and one more thing, I'll be coming back to the mansion to see you again."
His father ended the call.
The woman left him staring on the ground, frozen, and face soaked in sweat and tears.
---
HINDI na mabilang ni Enigma kung ilang beses niyang minura ang senior sa kaniyang isipan. Nakakadena ang kamay niya sa isang pader, sa isang bakanteng room ng laboratory.
After she was injected with a sleeping serum, she was brought her. Hindi talaga siya nakatulog at nagpanggap lang dahil hindi na naman umeepekto sa kaniya ang mga ganoong kemikal.
Hindi siya pumalag at maghasik ng gulo dahil hindi niya pa kabisado ang lugar. Mahihirapan siya lalo na't maraming kagamitan sa laboratory ang flammable. May mga bomba pa. If she chose to fight them, a great chaos would suffice. There was a possibility that those flammable chemicals, and Nitrobombs might blow. Hindi lang siya at ang workers ang mapupuruhan, pati na ang mga guests na namamalagi sa ibang floor ng hotel.
"You think you can fool us?" Lester said while waving her phone in front of her. Hawak din nito ang kaniyang fingerboard at toy gun. "There's no way Engineer Pandora will let someone enter on the way he only knew how to unlock it. And if he'll send a newcomer, they need to be introduced first to the heads which is me and Ethan."
Muli siya nitong sinipa sa mukha. Puno na ng galos at pasa ang maganda niyang mukha. Mahigit isang araw na siyang nakatali rito at binubugbog ng kaniyang senior.
"Women like you are always up to something." Ngumisi ito. "I didn't expect you have turned into something that will do justice in the shadows. Wow, Enigma, you impressed me. I didn't know you have such a kind heart."
She rolled her eyes. "Kind heart, my ass. I will fucking kill you once I get away from these chains, remember that."
"That is not what a good agent should say." He looked at her, amused. Tinignan nito ang fingerboard at toy gun. "I have been curious, what is this for? I didn't know you fancy toys now."
"You will likely gonna fancy that toy too, if you try to shot the toy gun in your face," she replied while a smile crept over her face.
Bumukas ang pinto kaya napalingon siya kay Ethan na pumasok. May hawak itong injection.
"She's still alive?" kunot-noo niyong tanong habang nakatingin sa kaniya.
Humalakhak naman siya. "I don't die, mister maliit."
From the hours that she had been confined her, Ethan had been injecting Botulinum toxin to kill her. A toxin that was so deadly that just a small dose, it could end the life of the affected.
But not her.
Her body had long been condition to take severe poisons and toxins and that included Botulinum toxin. Kahit gaano pa karami ang i-inject sa kaniyang katawan, hinding-hindi siya mamamatay.
"She's just probably acting tough. Look at her face, she would likely gonna die soon. It's impossible for a human to withstand so many doses," Lester said.
Lumapit naman sa kaniya si Ethan at tuturukan na sana nang biglang umilaw ang screen ng kaniyang phone. Napatingin si Ethan kay Lester na hawak-hawak ang phone.
"Huh? Why is this suddenly turned on? Eh? Nawala?" The phone turned off again.
Mabilis na nagsalubong ang kaniyang kilay nang maintindihan ang pag-on ng screen. The latest person she gave her number was Nero. Something must have happened.
Tsk. Mukhang kailangan na niyang umalis dito. Gusto niya muna sanang manatili rito upang maghanap ng tamang tiyempo upang makakuha ng isang sample ng Nitrobomb. Hihintayin niya rin ang pagdating ni Seven upang ibigay ang sample subalit hindi na yata siya makakahintay pa.
She needed to go back to the mansion.
Ethan injected the Botulinum toxin in her neck. Malakas siyang sumigaw upang ipakita na nasaktan siya sa pagtusok.
"Y-you'll regret t-this . . ." She pretended to be weak. Kinurap-kurap niya ang mga mata hanggang sa tuluyang pinikit at mawalan ng malay.
She held her breath to keep herself from breathing.
Lumipas ang ilang minuto bago may kamay na tumapik sa kaniyang pisngi. Sunod ay isang malakas na sampal. Nanatili siyang nakapikit at hinayaan ang katawan niyang magpatianod sa direksyon ng sampal nito.
"Mukhang patay na yata."
"Is she not breathing?"
"No."
"Good. Let's burry her and tell Engineer Pandora that we have already got rid of her."
Inalis na nito ang mga kadena sa kaniyang kamay. Kinarga siya ng dalawa palabas. Hindi niya alam kung saan pero hinayaan niya lang ang sarili na buhatin ng dalawa habang pinipigilan pa rin ang hininga.
Halas 15 minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya humihinga. Bigla siyang binitawan ng dalawa at muntik na siyang mapasigaw dahil sa tigas ng lupa na binagsakan niya.
She heard a sound of shovel crashing against the ground. Their preparing her grave.
May humawak sa kaniyang pulso para hilahin siya sana pero napatigil.
"Wait. What is this? Why is her pulse beating?" Lester asked, confused.
Bago pa ito mapagtantong buhay siya, minulat na niya ang mga mata at sinipa ang panga nito.
Mabilis siyang bumangon.
"What--" Hindi niya pinatapos si Ethan at sinuntok ang sikmura nito. She held his head and didn't hesitate to twist it, breaking his neck.
"I told you, I don't die," saad niya sa Ethan na nakahilata ngayon sa mabatong lupa at hindi na humihinga.
Nilingon niya si Lester na ngayo'y hawak-hawak ang panga. Ngumisi siya at sinugod ang lalaki. Mariin niyang kinuyom ang kamao at buong puwersa na sinuntok sa mukha. Lahat ng inis niya sa lalaki ay binigay niya sa kaniyang kamao.
Napaupo ito sa lupa at takot na tinignan siya. "Papaanong--"
Kinuha niya sa bulsa ng lab coat nito ang kaniyang toy gun. Madilim siyang ngumiti. Hinila niya ang kuwelyo nito upang itayo ang lalaki.
"What are these toys for, you ask?" Pinasok niya ang bunganga ng baril sa bibig ng lalaki. "You should've tried pulling the trigger earlier when you still got the chance, so that you will know how deady this toy gun can be."
Hindi ito makasagot subalit bakas ang kaba sa mukha nito. Umiling ito nang ilang beses, pinaparating na huwag iputok ang toy gun.
"It's too late to beg, senior. You have already reached the deepest part of my patience." A tiny laugh let out from her mouth. "Now, face death."
She pulled the trigger, making the chemicals traveled inside the mouth of her senior. Binitawan niya ang lalaki at pinanood itong dahan-dahang mawalan ng buhay.
Inikot niya ang tingin sa paligid and he was outside the hotel, to the bottom and darkest part where the garbages were thrown.
Nang tuluyan nang mawalan ng buhay ang kaniyang senior, kinuha niya roon ang cellphone at kaniyang fingerboard. Kaagad siyang umalis.
She needed to go back to the mansion.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro