Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

NAGISING si Nero sa mainit na bagay sa kaniyang pisngi. Dinutdot niya pa ang sarili at niyakap nang mahigpit ang babae. He doesn't to get up yet. He wanted to pretend asleep and be enveloped with her warmth.

The sweet scent coming from her made him touch his lips on the corners of her neck.

"Smelling my pheromones, huh?"

He flinched when he heard her. Kaagad siyang napabitaw at bumangon. Nilingon niya ang babae at nakangiti ito sa kaniya nang nakakaloko.

Damn. I thought she was still asleep.

The memory of what happened last night flashed his mind, and if only he could shoot himself, he already did. Why did he even do that? It was too stupid of him to be shadowed by emotion. Now, Enigma won't stop grinning at him.

"Sabihin mo na lang kasi na gusto mo ako. Ang dali-dali lang no'n sabihin, e. Pakipot ka pa."

He rolled his eyes. She would probably not stop pushing the agenda of him liking her.

"Whatever."

Bababa na sana siya sa kama nang biglang hilahin ni Enigma ang kaniyang braso. Muli siyang napahiga. Napalunok siya nang muntikan nang magtama ang kanilang mga labi.

"Are you going back to our room?" tanong nito. Ramdam niya ang hininga nito sa kaniyang bibig.

People tend to have a bad smell when after waking up, but why couldn't he smell anything from her?

Tumango naman siya at nagbalak na babangon ulit pero ayaw siyang bitawan ni Enigma. Niyakap siya nito dahilan para mapasubsob ang kaniyang mukha sa leeg nito. Napamura siya sa isipan nang paglaruan nito ang kaniyang buhok. Hindi magkamayaw ang kaniyang puso habang nararamdaman ang mga braso nitong nakapulupot sa kaniyang batok.

What the fuck? What the fuck is she trying to do?

"En." Sinubukan niya ulit na lumayo pero mas hinigpitan lang ni Enigma ang pagkakayakap sa kaniya.

Napapikit na lang siya. He gave up and rested his head. He liked it, anyway.

"We're going to see the facility later," bulong ni Enigma sa kaniya.

He just let out a groan to affirm her words and hugged her back. There business here wasn't finished. They needed to get to the facility to obtain evidence before bringing Alex in the mansion.

Speaking of the womanizer, Nero couldn't forget last night. Naaasar siya sa tuwing naiisip kung paano nito tignan si Enigma. He was too near, too touchy, and too annoying. Lalo pa siyang nainis dahil sinabasayan ito ni Enigma. Kahit alam niyang parte lang 'yon ng plano, hindi niya kayang may kasama itong ibang lalaki.

They even kissed, and that pissed him the most.

"En."

"Oh?"

"You . . . d-didn't . . ." Napairap siya dahil sa pagsasalita niya. Ni hindi man lang niya magawang makatapos ng isang pangungusap. Hindi sumusunod ang kaniyang dila sa gusto niyang sabihin.

Humiwalay siya sa yakap at tinignan ang babae. Naghihintay ito sa kaniyang sasabihin.

He touched her soft lips with his thumb.

"Do you want to kiss me, again?" Ngumiti ito. "Nako, Nero. Gustong-gusto mo talaga ako, ah."

Kaagad na kumunot ang kaniyang noo.

Why is this woman so full of herself?

Diniinan niya ang pagkakalapat dahilan para bumaon ang kaniyang kuko sa labi nito. Kaagad itong napasigaw at iwinaksi ang kaniyang kamay.

"Ano na naman problema mo?!" She glared at him.

That is for kissing Alex!

He wanted to say that but he didn't have his tablet right now. Naiwan ito sa kanilang kuwarto.

"You." Tinuro niya si Enigma. "Alex . . . k-kiss."

"Wow! Hanggang ngayon nagseselos ka pa rin? Matapos mong kagat-kagatin labi ko kagabi, nagseselos ka pa rin?"

Napaiwas naman siya ng tingin. Unti-unti niyang naramdaman ang panginginit ng kaniyang tainga matapos iyong sabihin ni Enigma.

"Not . . . jealous," mahina niyang sabi.

"Ah, kaya pala puro ka mine kagabi. Kaya pala nakayakap ka sa akin habang natutulog," sarkastiko nitong sabi habang nakahawak sa mga labi. Pinipisil nito ang kaniyang tinusok kanina. "Ang sakit, ah. Tinupak na naman 'yang utak mo."

Napatitig siya sa mga labi nito. Somehow, he felt bad hurting them. He wanted to touch them again, not with his hand, but with his lips.

"Oh? Nakatitig ka na naman. Bumaba ka na nga. Magdala ka pala ng damit ko pagbalik mo rito, ah?" 

Hindi niya pinakinggan si Enigma at inalis ang kamay nito. Pinikit niya ang mga mata at nilapat ang mga labi sa babae.

Bahagya pang natigilan si Enigma pero tinugon naman nito ang kaniyang halik. He pressed his body on hers and deepen the kiss. He felt her lips forming into a smile, the same thing she did last night. Does she like what he was doing? Does she want him to do it more often?

As he kissed her, Nero couldn't stop thinking what Enigma felt towards him. Enigma always teased him about his feelings, but what about hers?

"Fuck you both!"

Napatigil sila sa kanilang ginagawa nang marinig ang boses ni Alex. Napahiwalay siya at napatingin sa kaliwa kung saan naroroon ang drawer. Katabi no'n, nandoon si Alex Alcado.

"Looks like he's awake," saad ni Enigma. Bumangon ito kaya napaalis din siya sa ibabaw ng babae. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. "Go back to our room. Get your tablet." Nilapit nito ang mukha sa kaniya. "And don't forget to bring me some clothes." At hinalikan nito ang kaniyang mga labi. Tutugon na sana siya pero mabilis na humiwalay ang babae at bumaba na ng kama.

"Go now," sabi nito nang hindi siya gumalaw.

Tinitigan niya si Enigma at tinuro si Alex.

Mabilis namang naunawaan nito ang nais niyang ipahiwatig.

"We will not do anything. Jeez. Hindi ko siya type. Ew. I would never gonna kiss him again. That was so disgusting, honestly," sagot ni Enigma dahilan para mapangiti siya.

So she didn't enjoy it. Good.

Tumayo na siya sa kama at naglakad na palabas. Pinasadahan niya si Alex Alcado na nakahiga sa sahig at hindi makagalaw. Galit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

"Why are doing this to me?" nangangalaiting saad nito.

Ngumisi naman siya bilang sagot.

En doesn't like you, asshole.

Lumabas na siya ng kuwarto. He was happily walking to his room knowing that Enigma didn't like Alex's kisses. He couldn't be more happier after hearing her said it was disgusting.

---

AFTER Nero went out, Enigma walked to the direction of Alex. Kinuha niya ang wallet nito pati na ang cellphone. Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis habang winawagayway sa harapan ang mga gamit ng lalaki.

"Akin na muna 'to, ah?"

"Who are you? Anong balak niyong gawin ni Nero?" tanong nito. Nagagawa na nitong makapagsalita pero hindi pa rin nakagagalaw.

Hindi niya sinagot ang tanong at tinapakan ang leeg nito. Kinalikot niya ang wallet. Nagningning ang kaniyang mga mata nang makita ang daming pera.

"Wow. Mayaman. Na-miss ko rin tuloy mga wallet ko." Ginawa niya munang parang pamaypay ang pera nitong gawa sa papel bago binalik sa wallet. Sunod niyang kinalikot ang cellphone nito.

Napangiwi siya ng may passcode.

"Anong passcode mo?"

"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo?"

"Edi huwag." Hinagis niya ang cellphone sa kama. Hinila niya ang kuwelyo ng damit nito upang ibangon ang lalaki sa pagkakahiga at isandal sa pader. "Ano pa lang mga explosives ang ginagawa niyo?"

Napalaki ang mga mata nito. "W-what are you talking about?"

"Nitroglycerin? Gunpowder? TNT?" saad niya at mariing hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki. "But whatever that is . . . I'll make sure to put you behind bars together with that damn bachelor."

"Sino ka ba talaga?!" singhal nito.

"Oh, chill. Makasigaw ka naman. Ako lang 'to. Si Enisha na mukhang pera." Bumalik na siya sa kama. Kinuhanan niya ng letrato si Alex pati na ang cellphone at wallet nito gamit ang cellphone niyang kahit isang beses hindi nag-o-on ang screen.

Hinintay niya si Nero na makarating. Naligo muna siya at nang may kumatok sa pinto, bahagya niya itong binuksan at inabot ang damit na dinala ng lalaki.

"So, where is this facility?" tanong niya nang makalabas. Kinuha niya ang belt niya na nasa kama, at muling tinurukan ng karayom si Alex upang hindi makapagsalita.

Nagsulat si Nero sa tablet.

'Let's go to the back of the hotel.'

Lumabas na silang dalawa at iniwan si Alex sa loob. Bumababa sila mula sa fifth floor at nagtungo sa likod ng hotel. Isang malaking pool ang sumalubong sa kanila, sa gilid ng pool ay may tatlong cottages.

"So? Nasaan ang facility rito?"

Hinila naman siya papalapit ni Nero sa pool at tinuro ang tubig.

"Under?" Napairap siya. "Kailangan ko pa pa lang mag-swimming."

Umiling naman si Nero. Binigay nito ang tablet sa kaniya. Nagtataka siyang tinignan ang lalaki habang tinutupi ang dulo ng manggas nito. Lumuhod ito at nilubog ang kamay sa pool. May kung ano itong pinindot sa gilid.

A switch?

Tumayo na si Nero.

Naghintay naman siya kung may mangyayari sa pool pero wala.

"What did you do?" taka niyang tanong.

Tinuro naman ni Nero ang 10th floor ng hotel, ang pinakamataas na floor. Kinuha nito ang tablet at nagsulat.

'I just unlocked the door holding the facility. Nandoon sa top floor ang pagawaan. It's a laboratory. The workers have other ways to get inside the lab but since we are an outsider we will be using what Dad always use to get inside the lab.'

"Okay. Will they not be notified?"

'Not until we will push the door open.'

Mabilis silang naglakad papasok at pumasok ng elevator.

Habang paakyat sila, napansin niya ang panginginig ng mga kamay ni Nero. He must be nervous. Thinking that the existence of the facility made his mother faced death must be horrifying for him.

'The top floor is the same as the other floor. The difference is that the guests are actually workers from the laboratory.' Nero wrote.

A ting sound from the elevator signaling them that they had arrived. Hinawakan niya ang kamay ni Nero at sabay silang lumabas. Sinulyapan ni Enigma ang mga CCTV na nakapaskil sa daanan habang naglalakad sila.

Wala silang nakasalubong kahit isang guest. Dumiretso lang sila sa paglalakad at nang makarating sa dulo, hinila siya ni Nero sa kanan upang lumiko. Tumigil sila sa harapan ng isang kuwarto.

"Inside of this is the facility?"

Tumango si Nero.

"Hmm." Pinagmasdan ni Enigma ang pinto. "Let's go back for now." Nilabas niya ang kaniyang cellphone at kinuhanan ng litrato ang pinto. Hinila niya si Nero paalis at muli silang sumakay ng elevator.

'Why are we going back?'

"I don't want to commit a suicide," saad niya at binalik sa bulsa ang cellphone. "Especially, you're with me. I just want to see the exact location of the lab."

'When are we going to invade it, then?'

Nilingon niya si Nero. "Not 'we'. I am going alone. You will not be with me."

"What?" gulat nitong saad. Aangal na sana ito pero inunahan niya.

"Listen. I want you to take Alex in the mansion, and wait for me there." Nang makarating sila sa fifth floor, kaagad nilang tinungo ang kuwarto ni Alex.

'How am I going to take him out?'

Binuksan ni Enigma ang drawer at may alak doon. Binuksan niya iyon at sinabuyan ang bibig ni Alex.

"Carry him on your back. If someone interrupts, tell them you're taking him home. The employees knew you as Engineer Pandora's cousin, so they will not likely gonna be cautious to you." Tinanggal niya sa tiyan ang belt niya at binigay kay Nero. "Do not hold the needles with your bare hand. Use gloves. Inject him every 24 hours."

"And . . . you?" Puno ng pag-aalala ang mga mata nitong tiningnan siya.

"Magpapaiwan ako rito. Don't worry, susunod naman ako. After I deal with the laboratory."

'Will you be okay?'

She patted his head. "Of course. See you later."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro