Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

"NERO, sabi ni manang dadalaw raw ulit papa mo rito," Enigma said as she sat on the sofa of his room. Abala siyang mamili ng damit na nakalatag sa sahig.

Lumapit naman si Nero sa kaniya at tinabihan siya. Kagagaling lang nito mag-ensayo at wala itong suot na damit pang-itaas. Pawisan din ang buo nitong katawan.

Nagsulat ito sa tablet at hinarap sa kaniya.

'What for?'

"Babiyahe na raw ito papuntang Manila kaya bago siya umalis, he wants to see his beloved son slash cousin." Binalik niya ang tingin sa tatlong dress. "Anyway, what do you think will look more good to me?"

Tatlong dress ang nakalatag. Dalawang fitted dress. Ang isa ay tube na kulay itim at ang isa ay kulay red na backless. Habang ang isa naman ay isang kulay pink na off-shoulder with an a-line skirt. Ang mga damit na ito ay galing sa binili nila no'ng nagpunta sila ng mall.

'None looks good on you.'

Inirapan naman niya ito dahil sa naging sagot. "Anong none? Lahat 'yan maganda sa akin. Ang tinanong ko, ano sa tatlo ang pinakabagay sa maganda kong katawan?"

'They're too revealing.'

"Mas revealing mas maganda." Kinuha ni Enigma ang red backless dress. "I think this will look the best on me. That Alex Alcado will surely going to be head over heels for me." Sabay tawa niya.

'Is that really necessary?'

"Of course! The easiest way to get the womanizer is to act like the woman he wanted. Base sa nakuha kong impormasyon, mahilig siya sa mga babaeng malakas ang appeal at sexy." Winaksi niya ang kaniyang bangs. "At perfect na perfect ako ro'n." Tumayo siya. Hawak niya sa isang kamay ang backless dress habang ang isa naman ay nasa kaniyang baywang. She posed and feel herself as if she is the prettiest of all.

But her feels easily deminished when she saw how Nero rolled his eyes and acted as if he was about to vomit.

One of her lips twitched in annoyance.

Ayaw pa talaga nitong umamin. Halata naman na gusto siya ng lalaki. Halatang-halata na gandang-ganda rin ito sa kaniya. At confident siya ro'n dahil palagi niya itong napapansin na tumitingin sa kaniya. Akala nito siguro na hindi obvious pero malakas ang kutob ni Enigma at hindi siya puwedeng magkamali.

Gusto siya ni Nero. Iyon ang sabi ng kaniyang isip.

Muli siyang umupo sa tabi nito at sinablay sa sandalan ng sofa ang backless dress. Inabot niya ang dalawa na nasa sahig at tinupi ito.

"Oh? Nakatitig ka na naman sa 'kin," saad niya at sinulyapan si Nero.

Nero's face flushed and immediately looked away.

Pinaningkitan niya naman ito. "Alam mo, hindi naman masama kung aamin ka, e. Type mo 'ko, 'di ba?"

Tinignan naman siya nito mula ulo hanggang paa bago nagsulat.

'White lady na mamamatay-tao. Hindi kita gusto.'

"Anong mamamatay-tao? Kailan mo 'ko nakitang pumatay ng tao?"

'You almost killed me. You also told me you killed a person who tried to assassinate me.'

"Almost is not counted as a kill. And I did that to save you, kiddo." Turo niya sa pagmumukha nito. Nero's wide shoulder caught Enigma's attention. She was tempted to touch his well-crafted clavicle. Napunta ang tingin niya sa baba kung saan exposed na exposed ang abs ng lalaki.

"Ang ganda talaga ng katawan mo," komento niya at umusog nang kaunti palayo sa lalaki upang mapagmasdan nang maayos ang hubog ng katawan nito. "Perfect na perfect."

Kaagad na kumunot ang noo ni Nero. Kinuha nito ang tinupi niyang dress at binato sa kaniyang pagmumukha.

"P-pervert!"

"Anong pervert? I was complimenting you!" Inis niyang inalis ang damit na dumikit sa kaniyang mukha.

Tumayo si Nero at mabilis na naglakad papunta sa bathroom. Bago pa ito tuluyang makaalis, napansin ni Enigma ang pamumula ng tainga nito, pati na ang leeg at likuran.

Napatawa siya.

Gusto talaga ako no'n.

Dumating ang kinabukasan at dumalaw ulit si Engineer Pandora. Muli silang kumain ni Nero sa hapag habang siya naman ay nakabuntot lang din sa lalaki. Bukod sa ayaw siyang paalisin ni Nero, gusto niya ring makiusisa sa alitan na namamagitan sa mag-ama.

"How are you? You look kinda great today," saad ni Engineer Pandora.

Hindi sumagot si Nero at nagtuluy-tuloy lang sa pagkain. Si Engineer Pandora lang ang nagsasalita. Minsan kinakausap siya ng bachelor kaya sinasabayan niya rin ito.

"It's unusual to see Nero with a maid. Mapili kasi ang pinsan kong ito kaya walang nakatatagal. I wonder how did you get to his side?" tanong ni Engineer Pandora sa kaniya.

"Ay, kailangan ko po kasi ng pera kaya kahit kung ano-ano nang kalokohan ang ginagawa ng pinsan niyo sa akin ay okay lang po sa akin," sagot niya at tumawa nang mahina.

Ngumiti rin si Engineer Pandora. "I think I need to raise your salary. You're a good one. I hope sa susunod, ikaw pa rin ang makita kong kasama ni Nero pagbalik ko rito."

"Siyempre po." Ngiti niya rin pero sa pagkakataong 'to, totoo ang ngiti na pinakita niya. Sabihan ba naman siyang tataasan ang suweldo niya, siyempre matutuwa talaga siya. Pera na 'yon, e.

Natapos nang kumain ang dalawa at nagpaalam na si Engineer Pandora. Lumapit ito sa nakatayong si Nero at binigyan ito ng isang yakap.

"See you soon," saad nito.

Nakatayo lang si Nero at hindi niyakap pabalik ang ama. May binulong si Engineer Pandora kay Nero dahilan para mapakuyom ang mga kamao nito. Dumutdot nang kaunti si Enigma sa likuran ni Nero para makinig pero huli na dahil humiwalay na ang bachelor.

Tsk. Wala tuloy siyang narinig.

Umalis na ang bachelor.

Bumalik na rin si Nero sa loob ng kuwarto habang siya ay niligpit ang pinagkainan ng dalawa. Pagkatapos niyang maghugas ng pinggan ay kaagad siyang pumunta sa kuwarto ng lalaki.

"What did your father say?" salubong niya.

Nakahiga ang lalaki sa kama habang kinakalikot ang tablet nito.

"Hoy, ano sabi?" Umupo siya sa gilid ng kama at tinusok ang tagiliran nito pero hindi siya pinansin ng lalaki.

Sinilip naman niya ang ginagawa nito at napangiwi nang makitang naglalaro pala ito ng game. Abala itong hiwain ang mga prutas na dadaan sa screen.

"Para ka talagang bata." Inabot niya ang brown na stufftoy na katabi palagi ng lalaki.

Napatingin naman si Nero sa kaniya pero binalik ulit sa tablet.

Wala naman siyang ibang gagawin kaya humilata na lang din siya katabi ng lalaki. Malaki naman ang kama nito. Humiga siya sa tabi nito at ginawang unan ang stuff toy na hawak.

Pinisil-pisil niya ang malambot na paa ng stuff toy hanggang sa makatulog siya. She dreamed once again of becoming a billionaire. Pinipilahan siya ng isang daang maid habang binabalandara sa harapan niya ang mga pinakamasarap na mga pagkain at high quality na mga accessories, bags, dresses and shoes.

Ah, shit. Ayaw na niyang gumising.

Pero dahil sa isang mabigat na bagay na lumapat sa kaniyang mukha, naudlot ang kaniyang paniginip.

Napamulat siya at inis na tinanggal ang braso ng lalaki na nakapatong sa kaniyang pisngi. Nakatulog din pala ito sa kaniyang tabi. Babangon na sana siya nang mapansin ang kumot sa kaniyang katawan.

"Tsk." Napailing na lang siya at binigay ang kumot sa lalaki. She pinched his cheek while staring at the man. A little smile formed across her lips as she touched his soft, black curvy hair.

Enigma immediately removed her hand when she felt again an unusual beating inside her heart.

Buwisit.

Gumalaw ang kamay ng lalaki at hinawakan ang kaniyang pulso. Hindi na siya nagulat pa nang magising ito.

"Why . . ." Namamaos pa ang boses nito. Nakahiga pa rin habang ang inaantok nitong mga mata ay nakatingin sa kaniya.

"Anong why?"

"T-touch . . . hair."

"Wala lang. Gusto ko lang hawakan ang buhok mo," sagot naman niya at inalis ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso.

Bumababa na siya sa kama. Humikab muna siya bago naglakad palayo. Napabalik siya sa direksyon ng lalaki nang bigla siyang may maalala.

"Oh, right." Binuksan niya ang unang kahon ng drawer at kinuha ro'n ang nilagay niyang toy gun na may dry picric acid. "I'll leave this to you."

Tinanggap naman iyon ng lalaki kahit na nagtataka ang mukha nito.

"Listen, Nero. The bullet can lead to an explosion, so I want you to keep it, and only use it if its necessary because it is very destructive. Do not shoot someone at near distance, and make sure that you are lots of meters away from the target, okay?"

Tumango naman ito.

"Good. Bring that tomorrow in the resort just in case." Muli na siyang naglakad palabas.

Kinabukasan, maaga siyang nagising. Pinasok niya sa isang maliit na bag ang fitted backless dress niya, nagdala rin siya ng make-up at kung ano pang kakailanganin niya mamaya. Dapat lang magandang-maganda siya mamaya sa resort.

Paglabas niya sa basement, nakita niya na rin si Nero na naghihintay sa kaniya.

"Are you ready?" she said as they walked to the garage.

Nang makapasok na sila sa kotse saka lang sumagot sa kaniya si Nero.

'What should I do?'

"Just like what we have agreed. You slide a chat with Alex Alcado to get his attention, and allow me to do the rest." She smirked and drove to the Pandora's Hotel and Resort.

They had talked about this the other day. For her to get noticed by Alex Alcado, she would use Nero's connection. He was labeled as the cousin of the bachelor, after all, so it would be easier to lure Alex Alcado out.

Nagsulat muli si Nero sa tablet nito.

'What exactly the type of seduction are you going to do with him?'

"Sasampalin ko siya ng kagandahan ko," biro niya sabay tawa.

Hindi naman siya sinagot ni Nero. Sinulyapan niya ito at nakatingin lang ang mga mata nito sa labas ng bintana. Napataas ang kilay ni Enigma nang mapansing umigting ang panga ng lalaki.

"Don't be jealous now," she said.

They were almost at the crossed section. She stopped the car when she saw the red light. Malapit na silang makarating sa resort. Another kilometer and they would reach their destination.

Inirapan naman siya ni Nero dahil sa kaniyang sinabi.

'Who's jealous?'

"Obviously, you."

'In your dreams.'

"I only dream of becoming a billionaire." Mahina siyang tumawa. "Bakit hindi mo na lang kasi aminin? Tsk. Tsk. Ang dali lang naman sabihin no'n."

"What . . . s-saying?"

"That you like me." She winked at him and flipped her hair.

Napangiwi naman ito at muli siyang inirapan.

'Why would I like a perverted and a killer white lady? You're not my type.'

"I'm not your type?" Umakto siyang nagulat sa sinabi nito.

Nero wrote 'yes' in all capital with three exclamation marks.

"Aw, that's sad." She saw the green light so she started driving the car forward. "Type pa naman kita."

She first glanced at Nero before focusing her attention to the road. One corner of her lips raised when she saw how he panicked, and looked outside the window. His ears were turning red. He was caught off guard by what she said.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro