Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

FIVE months had passed. Engineer Pandora had been put to jail while Enigma, after receiving her rewards, continued to accept more missions. Sa loob limang buwan, nakatapos siya ng sampung misyon.

"Ah, gorgeous as always." Tingin ni Enigma sa rearview mirror ng kaniyang kotse at winaksi ang kaniyang bangs.

She colored her hair black this time. Inayos niya rin ang belt na nakakapit sa ilalim ng kaniyang damit bago nagsimulang mag-drive pauwi sa kaniyang mansiyon.

Kakatapos niya lang sa isang blue card mission at nais niyang magpahinga.

Pagkarating niya, kaagad siyang sinalubong ng kaniyang mga maids. Kinuha ang dala niyang bag at hinanda ang bath tub.

"Where's Nero?" tanong niya.

"Sir Nero went to the clinic today for his final therapy," sagot ng kaniyang maid.

After they arrested the bachelor, the agency provided Nero's therapy.

Tumango lang siya at pumasok na sa bathroom. Tinanggal niya ang nakatapis na tuwalya at nilubog ang sarili sa bath tub. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya.

Humihikab siyang umahon sa bath tub. Tinapos na niya ang pagligo at kaagad na nagbihis. Lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa kusina ngunit pagdating niya sa salas ay bigla na lang nawalan ng ilaw.

Hindi muna siya gumalaw at hinayaan ang mga matang maka-adjust sa dilim.

"Yaya!" tawag niya pero walang sumagot.

Bumuntonghininga na lang siya at muli nang naglakad papuntang kusina. Napatid ang kaniyang paa sa parang nylon dahilan para mawala siya sa balanse at muntik nang matumba.

"Yaya!" sigaw niya. One corner of her lips twitched in annoyance. "Sinong baliw ang naglagay ng nylon dito sa salas!"

Kinapa-kapa niya ang sahig hanggang sa mahawakan ito. Marahas niya itong hinila dahilan para mapigtas ang nylon sa kung saan man ito nakakapit. Maglalakad na sana siya ulit subalit may bigla siyang naramdamang gumalaw sa ibabaw niya.

Kasabay ng pag-angat ng kaniyang tingin ang pagbangga rin ng isang malambot na bagay sa kaniyang mukha. Napapikit siya dahil sa powder na dumikit. Sumuot ang iilang powder sa kaniyang ilong kaya napabahing siya.

What the fuck?

Kinuyom niya ang kaniyang kamao nang mapagtanto kung sino ang may gawa nito.

"Nero!" inis niyang sigaw sa pangalan ng lalaki.

Muling bumukas ang ilaw at sumalubong sa kaniya ang isa niyang maid na dali-daling tumatakbo papunta sa kaniya. Bumakat ang ugat sa kaniyang noo dahil sa inis nang bumungad sa harapan niya ang powder puff na itinali sa nylon na nakasabit sa chandelier.  Ang pagputol na nagawa niya kanina ang naging dahilan upang masampal sa kaniyang mukha ang powder puff.

"May problema po ba, ma'am?"

"Didn't I tell you na sitahin mo si Nero kapag may gagawin na namang kalokohan? Tignan mo mukha ko!" Tinuro niya ang kaniyang mukha.

"Ginawa ko naman po, ma'am. Hindi ko lang po yata napansin na may ginawa na pala siyang ganito." Turo nito sa powder puff.

Napairap lang siya at tumalikod na.

Lintek na Nero 'yon. Humanda 'yon sa akin.

Padabog siyang nagtungo sa kusina para uminom ng tubig nang bigla na namang mawala ang ilaw.

"Ano ba!" Sinasagad yata siya ng araw na ito. Umuwi siya para mag-relax tapos ito pa ang mangyayari. Kapag nagpatuloy 'to baka bigla niyang makalimutan na agent siya at tugisin niya ang nagmamay-ari ng mga kompanya ng kuryente.

Bumukas ulit ang ilaw. Mabilis niyang kinuha ang baso at eksaktong pag-abot niya sa pitsel ay nawala itong muli.

Fuck. Pinaglalaruan yata ako.

Hindi pa siya nakakakurap, nagbukas ulit ito. Isang kamay ang humawak sa kaniyang braso dahilan para mapaigtad siya sa gulat at nilingon ang likuran.

Napaigtad din ang lalaki sa kaniyang likuran at bahagya siya nitong sinapak sa braso dahil sa gulat.

"Why would you suddenly turn around? You almost give me a heart attack," saad ni Nero habang nakahawak sa dibdib. Napatingin ito sa kaniyang mukha na puno ng powder. "Pfft. Idagdag mo pa mukha mo. Para ka na talagang white lady."

"Manahimik ka! E, kung suntukin ko 'yang mukha mo?" Binitawan niya ang baso at kinuyom ang kamao sa harapan nito.

Tsk. Kahit ngayon, hindi pa rin talaga niya matunugan ang lalaki.

"Peace!" natatawa nitong sabi at pinagpagpag ang powder na nakakapit sa kaniyang mukha.

"Ikaw rin ang nagpatay-sindi sa ilaw, 'no?"

"Hindi, ah!"

Napasingkit ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang kunyari'y gulat nitong mukha. Sa ilang buwan niya itong kasama, alam na niya kung nagsisinungaling ito o hindi.

"I just arrived, you know," dagdag pa nito at bahagyang kinurot ang kaniyang pisngi.

"Nagsisinungaling ka pa, ah." Kinurot niya ang tagiliran nito kaya kaagad na napalayo ang lalaki sa kaniya habang natatawa pa rin.

"I'm not."

"You are!" Tinuro niya ang lababo na may lamang sampung baso. Lahat ay may bahid ng gatas na kakainom lang. "Nakasampu ka na nga, e."

Tumawa ito nang malakas, ibig sabihin, ito nga ang may pakana sa lahat. Napailing na lang siya at tumalikod na ulit para lagyan ang kaniyang baso ng tubig para uminom.

Simula nang maging maayos na ang speech nito, hindi inakala ni Enigma na sobrang daldal pala ni Nero. Bukod pa roon, dumoble rin ang kakulitan ng lalaki at maya't maya siyang sinusurpresa sa bawat maisipan nitong pranks.

Well, at least, he's happy.

"Are you mad?" He hugged him from the back. Siniksik nito ang mukha sa kaniyang leeg.

"Nah." Tinungga na niya ang tubig habang ang isang kamay ay nakalapat sa malambot nitong buhok. "How's your dad?"

Isang buwan na ang lumipas matapos mapagpasyahan ni Nero na bisitahin ang ama sa kulungan. Hindi man ito araw-araw na bumibisita pero hindi nito nakakalimutang puntahan ang ama kahit isang beses man lang sa isang linggo.

"He said he wants to cook for me," he whispered while kissing her neck. "And he also said he will never approve you as his daughter-in-law."

"Pfft." Napahalakhak siya sa sinabi nito. Napapalakpak pa siya. "Laki talaga ng galit ni Engineer Pandora sa akin."

He chuckled. "You ended his businesses, after all."

Liningon niya ang lalaki at pinulupot ang mga braso sa leeg nito. "Deserve naman niya 'yon."

Pinagmasdan niya ang itim na itim nitong mga mata na nakatitig din sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at bahagyang pinisil. Biglang binaba ng lalaki ang tingin nito papunta sa kaniyang mga labi kaya napangisi siya.

"Gusto mo na naman akong halikan."

"I can't?" Imbes na maasar ay inilapit nito ang mukha sa kaniya. Magkadikit na ang tungki ng kanilang ilong.

"You can."

Pagkatapos niya iyong sabihin ay ninakawan siya nito ng halik sa labi. "I missed you."

"Me too."

Ngumiti naman si Nero at hinalikan ang tungki ng kaniyang ilong. "By the way, your hair color suits you." Ang pisngi naman niya ang hinalikan nito.

Before she could speak, he already claimed her lips again. Kaagad niyang tinugon ang halik nito.

"Lahat naman bagay sa akin," she said in between their kisses. "Pati ikaw."

Napatawa naman si Nero. "Whatever." And he kissed her again.

Diniin pa nito ang halik at hinigpitan ang pagkakayap sa kaniya. She was playing with his hair as he continued to evade her mouth. Napakunot ang kaniyang noo nang may pinasok itong capsule sa kaniyang bibig. Dahan-dahan itong natunaw habang tuloy pa rin sa paghalik si Nero sa kaniya.

Napamura si Enigma nang unti-unti niyang maramdaman ang anghang sa kaniyang bibig. Ramdam din niya ang pagngisi ng lalaki.

"It's chili powder in a capsule. I made it." Humiwalay ito. "I did great, didn't I?"

One corner of her lips twitched in annoyance.

"Nero!" Bago pa niya mahila ang buhok ng lalaki dahil sa inis ay kumaripas na ito ng takbo palayo sa kaniya habang tumatawa. Kaagad niya itong hinabol.

"I swear, I'm going to fucking kill you someday!"

"I love you!"

The End.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro