Chapter 8
"Kailan mo ako i-uuwi?" tanong ni Zehra.
"Hindi ko alam, kapag gusto na kitang i-uwi siguro," walang kwentang sagot niya.
Napairap si Zehra. "Alam mo, minsan wala kang kwentang kausap!" aniya. "Umalis ka na nga, nakakasira ka ng araw!"
Nanliit ang mata ni Lash, "aalis talaga ako! May kikitain ako sa bayan, ano. Huwag kang maglibot ng mag-isa dito sa isla, madagit ka pa ng iba."sabi niya at tanging bulong na lamang ang huling salita.
Tinapunan niya ng mapanuring tingin si Lash at nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang dibdib. "Sino naman ang kikitain mo?" iwas-tingin na tanong niya. "Oh, never mind!" peke siyang ngumiti sa binata.
"Bakit sasama ka?" patutyang tanong ni Lash. May naglalarong eksena sa utak nito kaya napangisi siya. "Mas mabuting dito ka na lang para hindi kami ma-istorbo ng kasama ko..." saad niya.
Humalukipkip si Zehra at tinalikuran ang binata bago nagsalita. "H-Hindi... hindi naman," bakas ang pinaghalong emosyon sa tinig niya. "K-Kayo na lang, masira ko lang ang lakad niyo." saad niya at nagmartsa papasok sa kaniyang silid.
Jealous, huh? He thought in mind.
Nagpipigil naman ng tawa si Lash sa inaasta ng dalaga sa kaniya. Araw ng lunes ngayon, kailangan niyang magtungo sa bayan dahil kailangan niyang kuhanin ang mga pina-deliver niya sa mga kaibigan.
Naglakad na siya paalis, naghintay ng masasakyan nang may maramdaman siyang kakaiba sa kaniyang paligid. Agad na kumunot ang kaniyang noo at kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa.
Ida-dial na sana niya ang numero ni Hunter ngunit nakita niyang tumatawag ito sa kaniya. Agad niyang sinagot ang tawag mula kay Hunter.
"I know already, Escalante..." putol niya sa sasabihin ng kasamahan.
"I'm watching your woman from afar and nothing suspicious naman," sagot ni Hunter. "Magtungo ka na sa bayan, tatlumpong minuto lang ang ibibigay ko sa iyo. May nakabuntot sa iyo at ayon kay Donovan, hindi 'yan tauhan ni Icarus." imporma ng kasama.
"Roger that, man."
Pinatay na niya ang tawag at nakatanggap naman siya ng mensahe mula ulit kay Hunter.
From: Agent X
- Beware close combat, Agent Lash. They are after your woman.
Mukhang alam na niya ang mangyayari kaya inihanda na niya ang kaniyang sarili. Nakiramdam siya sa kaniyang paligid habang binabaybay ang daan patungo sa bayan. Mga kinse minutos lang ang biyahe at alam niyang nasa iisang jeep lang sila ng sumusunod sa kaniya.
Bumaba na siya at sinimulang maglakad papasok sa loob ng palengke. Isinuot niya rin ang kaniyang maliit na earpiece na palagi niyang dala kahit saan siya magpunta. Automatically, it connects to their agency and he's free to ask updates with his comrades.
"How's the person behind me?" he asked, not suspiciously.
"Still behind you," tipid na sagot ni Agent Donovan. "Pointing a gun at you, secretly."
Lash heaved a deep sigh, "Alright, roger that." he answered.
Umikot si Lash, naglakad siya papasok sa isang maliit na daanan sa palengke para iligaw ang taong nakasunod sa kaniya. Naririnig niya ang sinasabi ng kaniyang kasamahan dahil may tracker rin ang suot nitong earpiece.
"Turn left, may mapagtataguan ka roon," imporma ni Agent Donovan sa kaniya.
Ginawa niya ang sinabi ng kasamahan, nagtago nga siya sa likod ng basurahan na malaki. Nakarinig siya ng kaluskos sa paligid niya, nag-focus ito kung paano niya lalabanan ang sumusunod sa kaniya dahil wala siyang armas na dala.
"Fuck! Where's that asshole?" rinig niyang sambit ng taong naghahanap sa kaniya.
Lash gets serious, smiled wickedly but didn't do anything. He needs to lure the enemy who wants Zehra dead. Sumilip siya sa maliit na siwang ng basurahan, pansin niya na hindi mapakali ang lalaki at may tinatawagan.
Lalabas na sana siya nang marinig niya si Agent Donovan na nagsalita. "¡A la mierda! ¡Mierda, mata a ese Agente Lash! Tienes que volver a Madrigal ahora mismo. La vida de esa mujer corre peligro." Fuck it! Shit, kill that Agent Lash! You have to go back to Madrigal right now. That woman's life is in danger.
"Mierda!" mahinang pagmumura ni Lash. Shit!
Mula sa kaniyang pinagtataguan, lumabas siya at mabilis na nagsalita. "I'm here, asshole!" bakas ang galit sa kaniyang mata maging sa boses nito. "Let's have a quickie," he smirked and attact the man in front of him.
He wasn't trained for nothing, he punch the man and strike it out. Kwinelyuhan niya ang lalaki nang matumba ito at pinagsusuntok ang mukha. Hindi niya hinayaan na dumapo ang kamao ng lalaking sinusuntok niya.
"I don't have enough time but I will let you suffer in purgatory, motherfucker!" Bawat suntok ay madiin ang kaniyang pagbigkas ng salita. "Before you hold my woman's hands, I won't let you slip on my hands! Who ordered you to follow me, huh?!" A hint of anger plastered on his eyes and voice. "Answer me, fuck you! Who the fuck ordered you to touch my woman?"
Naghihingalo na ang lalaking kanina pa niya sinusuntok at halos basag na ang mukha nito. "I-I d-don't... I-I won't tell you..." nahihirapang usal ng lalaki.
Lash smirked. "You're brave, huh." he bluntly uttered, he grab the gun inside his holster and pointed at the man's forehead. "You won't talk? Let me fucking kill you," gigil na gigil na sambit niya.
Kakalabitin na sana niya ang gatilyo when someone stopped him and it's his comrades, Agent Donovan and Agent X.
"You're running out of time, Romanov."
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kwelyo ng lalaki na halos kapusin ito ng paghinga. Binitawan niya iyon at inihampas ang ulo ng lalaki sa semento dahilan para mawalan ito ng malay. Wala rin siyang sinasanto, binaril niya rin ang dalawang binti ng lalaki bago umalis sa naturang iskinita.
Nagmadali siyang pumasok sa isang sasakyan na nag-aabang sa kaniya sa palengke. Mabilis iyon pinatakbo ng kasama at hindi man lang niya ito sinulyapan.
Ibinaba siya sa hindi malayong daanan patungo sa kubo, luminga-linga siya sa paligid para makiramdam sa paligid. Muli na naman niyang narinig si Agent Donovan na kasalukuyang inaalam ang posisyon ng mga kalaban.
Akala ni Lash ay walang mga CCTV sa naturang lugar ngunit mayroon pala dahil utos rin ni Hunter Escalante na bawat kubo o paligid sa isla ay may nakakalat na CCTV para na rin sa safety ng isla.
Mabilis na tumakbo si Lash patungo sa kubo, inaalala niya si Zehra dahil alam niyang takot pa rin ang babae. May napansin siyang kakaiba sa kubo, dahan-dahan siyang pumasok sa loob at nakita niya na nagkalat ang mga gamit.
Napamura na lamang siya sa kaniyang isip at mabilis na hinalughog ang lugar. Kumunot ang kaniyang noo at napahilamos sa mukha. Rinig niya sa kabilang linya ang mga kasamahan.
"Fuck, Donovan! Where is she?!" galit na tanong niya. "Putangina naman," pagmumura niya.
Narinig niya ang tawa nito. "Relax, man! She's with the Escalante's couple, they're on the rest house." imporma nito. "Ang tindi mo namang mag-alala niyan..."
Lash sighed in relief, napahilot siya sa kaniyang sentido. "Gago, hindi ako nag-aalala!" inis na singhal niya. "Ayaw ko pang mawalan ng trabaho kapag umuwing may galos ang babaeng 'yon!"
"Talaga ba? Ayaw mo nga siyang ipamigay kay Rafael Icarus, e!" pang-asar pa ng kasamahan. "Hindi ka sure, pare?" malakas na tumawa si Donovan sa kabilang linya.
Inis na tinanggal ni Lash ang kaniyang earpiece at ibinulsa iyon. Naglakad siya palabas sa kubo nang may maramdaman niyang humapdi ang kaniyang balikat, nanlaki lamang ang kaniyang mata, dahan-dahan niyang ini-angat ang kaniyang kamay para kapain ang balikat.
Kumunot ang kaniyang noo nang makita na may bahid ng dugo roon at nagmantsa sa kaniyang damit. Nakaramdam siya ng pagkahilo at nakarinig siya ng putok ng baril sa buong paligid.
"Zehra..." iyon na lamang ang huli niyang nasabi bago siya tuluyang mawalan ng malay at matumba.
NAGKAGULO sa paligid ng kubo at naalarma sila Hunter. "Tangina, bakit may putok ng baril?" nagtatakang tanong ni Hunter kay Agent Donovan mula sa suot nitong earpiece.
"Pucha! Hindi ko rin alam, shit!"
"Si Lash, gago bakit nawala sa linya?!" Hindi mapakali si Hunter. Sinulyapan niya si Arden na malamig ang titig at busy sa kaharap na laptop nito. "Arden, what's that? Bakit may putok ng baril sa paligid?"
Sinulyapan siya ni Arden, "Shot..." he answered, "Lash was shot," ulit niya.
Napahilamos sa mukha si Hunter at nagmadaling lumabas sa kabilang kubo.
"Are you out of your mind, Escalante?"
"No, I need to save that motherfucker, he's shot, Donovan!" sabi niya habang tumatakbo.
Huminto siya, pinaputukan niya ang mga armadong lalaki sa paligid ng kubo na tinutuluyan nila Lash.
"Die assholes! No one can touch my friends! No one can shoot them too or I will fucking burn you all to hell!" Galit na sigaw niya.
Lumapit siya sa kubo, nakita niya ang duguan na si Lash at walang malay. Nagmadali siyang lapitan ito at luminga sa paligid. Agent Arden informed him that the area is clear already and any minute dadating na ang mga tagalinis ng mga patay.
"Gago, huwag kang mamatay dahil naghihintay ang babae mo!" banggit ni Hunter habang buhat-buhat sa likod si Lash. "Masama kang damo, tangina ka."
Nang makarating sa kanilang rest house, sinalubong siya ng kaniyang asawa at nanlaki ang mata nang makita si Lash na duguan at walang malay.
"What happen to him, mahal?" kaagad na tanong ng asawa.
"Shot, isn't obvious?" pabalang na sagot ni Hunter at inilapag sa couch ang kaibigan at muling sinulyapan ang asawa. "Where's Zehra? Papuntahin mo dito sa ibaba mahal." utos niya.
Agad na tumalima si Indira sa utos ng kaniyang asawa. Umakyat siya sa pangalawang palapag para tawagin ito.
"Nariyan na ba si Lash?" malungkot na tanong nito kay Indira nang buksan niya ang pinto. "Please, Indira... is he fine?" basag ang kaniyang boses.
Tumango naman si Indira. "Oo, nasa ibaba na siya kaya pinapababa ka ng asawa ko."
Mabilis na bumaba sa kama si Zehra at nilampasan ang asawa ni Hunter. Para siyang nakakita ng multo nang makarating ito sa salas ng rest house, nanlaki ang kaniyang mata at napatakip pa sa kaniyang bibig nang makita ang sitwasyon ni Lash.
"Is he... is he okay?" putol-putol na tanong niya.
Sinulyapan siya ni Hunter at tinaasan ng kilay. "Isn't obvious that he's not okay?" nakangiwi at sarkastikong sagot niya. "He has wounds, mabuti na lang at hindi siya napuruhan, baka iyakan mo pa kapag namatay ang kaibigan ko..." naiiling na dugtong niya.
Kumunot naman ang noo ni Zehra sa pagiging sarkastiko ni Hunter. "Hindi ko siya iiyakan... nag-aalala lang," giit niya. "Ano pwede mo ba kaming iwan kung tapos ka ng maglinis sa sugat niya?"
"Okay, panira kasi kayo ng moment namin ng asawa ko kaya ikaw na ang bahala sa kaibigan ko," saad ni Hunter at nilampasan ang dalaga.
Lumapit si Zehra sa kinaroroonan ni Lash, namumutla ang labi nito at kita niya ang panghihina ng binata base na rin sa ekspresyon ng mukha nito.
Naaupo siya sa sahig, wala siyang kaart-arte. Hinawakan niya ang kamay ni Lash at hinaplos iyon habang nakatitig sa mukha niya.
"I'm sorry... it's my fault again," she whispered, enough for him to hear it. "Patawad kung makulit at hindi ako nakikinig sa iyo..." paghingi niya ng tawad. "I'm sorry, Lash..." sinserong paghingi niya ng paumanhin.
NAGISING si Lash nang maramdaman niyang may mahigpit na braso ang nakayakap sa kaniyang beywang.
Inaantok at nahihilo man ay napatingin siya sa brasong nakapalibot roon sa kaniyang beywang. Pansin niya ang natutulog na si Zehra sa kaniyang gilid, napangiti siya at tila nawala ang hapdi sa kaniyang balikat.
Gumalaw siya ngunit impit siyang napa-ungol nang sumakit ang kaniyang nabaril na braso. Inilibot niya ang kaniyang tingin at napansin na nasa rest house sila ng mag-asawang Escalante.
Hinaplos na lamang niya ang ulo ni Zehra dahilan para magising ito. Mabilis naman niyang inalis ang kaniyang kamay at nagkunwaring nagmumuni-muni sa paligid.
Sinulyapan niya ang dalaga nang umangat ang ulo nito at tinitigan siya. "What? Why are you staring?" masungit na bungad ni Lash sa dalaga. "Look away, woman..." sikmat niya.
Kinusot naman ni Zehra ang kaniyang mata. "Hindi ako namamalikmata hindi ba?" tanong niya. "Lash, gising ka na ba talaga?" paninigurado pa niya.
Napairap si Lash. "Tulog pa ako, babae..." sarkastikong sagot niya at hinawakan ang pisngi ni Zehra dahilan para yakapin siya nito ng mahigpit.
"Fuck, gising ka nga! Totoo nga, akala ko nananaginip lang ako!"
"Aray, babae.... umalis ka nga, hindi ako makahinga at parang bubuka na naman ang sugat ko!" inis na sambit niya. "Tuwang-tuwa ka, ah."
Lumayo si Zehra at nag-peace sign pa. "Sorry, akala ko kasi nananaginip lang akong gising ka," palusot niya. "Sorry nga pala, Lash..." nakayukong saad niya.
Dahan-dahan naupo si Lash sa mahabang couch at tinapunan ng malamig na tingin si Zehra. "What's with your sorry? Ikaw ba ang bumaril sa akin?" malamig na tanong nito.
"K-Kasi... ako ang rason kung bakit ka nila binaril," naiiyak na sagot niya. "Natakot ako kanina, akala ko mamamatay na ako sa kubo... mabuti na lang dumating ang mga kasamahan mo. Nagtataka ako kung ano ba ang trabaho mo, ano nga ba, Lash?"
Lash look away, "you don't need to know my work, woman," he answered. "Don't interfere with it, huwag mo na lang subukan na alamin pa. Hindi ko naman kailangan ng sorry mo."
Napakagat sa labi si Zehra, nakayuko habang nakaupo sa sahig, "Ibigay mo na lang kaya ako sa mga nagtatangkang kumuha sa akin para sa kayamanan ng pamilya ko?" suhestiyon niya gamit ang mababang boses. "Para walang napapahamak dahil sa akin-"
Kumunot ang noo ni Lash at masamang tinitigan ang dalaga. "Putangina naman, babae! Kung 'yan ang dahilan mo, punyeta sana matagal na kitang ibinigay sa Rafael Icarus na 'yon!" pagalit na sagot ni Lash.
Inangat siya ng tingin ng dalaga, "kaysa naman mapahamak ka pa, Lash! Ayoko no'n, e! Ayokong napapahamak ka dahil sa trouble maker na katulad ko!" angil niya.
Nanlilisik sa galit si Lash, napatayo siya ng wala sa oras mula sa kaniyang kinauupuan.
"Tangina, ayos lang sa akin na mabaril o kahit ilang beses akong mapahamak... pero putangina," huminto siya, "hindi ko naman maaatim na ibigay ka na lang sa kanila, babae!"
"Mas lalong ayaw kitang mapahamak!" asik niya, "Lash, ayaw kong mapahamak ka dahil sa akin kasi... kasi putangina, ang hirap pigilan ng nararamdaman, e! Ang hirap pigilan lalo at unti-unti akong napapalapit sa iyo... paano ba pigilan 'yong puso na huwag tumibok sa iyo, Lash?"
Nangunot ang noo ni Lash, nagtataka at walang salita na lumalabas sa kaniyang bibig. He was stilled in his position, his mind can't absorb what Zehra is talking about.
"W-What..."
"Lash... I felt something for you," bulalas ni Zehra. "Gusto kita, Lash! I am tempted to you..."
Lash was speechless, his forehead knitted, stood up, and glanced at her. "I don't know why but you keep on bewitching me, woman..." Lash uttered, "Para kang isang gayuma, hindi basta-bastang ibinibigay..." he continued before leaving her speechless like it's an answer to what she was implying.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro