Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Humugot ng isang malalim na paghinga si Lash nang mapansin ang masamang tingin sa kaniya ni Zehra. Kasalukuyan nilang binabaybay ang daan patungo sa probinsya ng Nueva Ecija at mahigit tatlong oras na rin siyang nag-da-drive.

Nakaposas ang isa niyang kamay sa kamay ng dalaga at alam rin niya na iyon ang ipinuputok ng butsi ng dalaga ngunit wala siyang pakialam. Mabuti na lang ang nag-iingat kaysa matakasan, ayon na rin sa kaniya.

"Damn, where are we exactly going, Lash? Alam ba ito ng Mommy ko?" tanong ng dalaga, bakas ang iritasyon sa boses nito.

"Malayo sa kinagisnan mo," tipid na sagot nito.

"Hindi naman siguro kidnapping ito, ano?" inis na tanong nito muli. "At saka, paano ang trabaho ko? Modelo at CEO ako, Lash baka nakakalimutan mo."

Bumaling si Lash sa kaniya. "Kusa kang sumama sa akin, Ms. Madrigal." he said, smirking. "Maayos naman ang trabaho mo, 'yon nga lang, hindi ka na kailanman makakapagsuot ng damit na isinusuot mo." patutyang sagot nito.

"You threaten me!" angil ni Zehra. "Hindi naman talaga ako sasama kung hindi mo ako tinakot, e!" sigaw niya. "At ano? Kailangan nakaposas pa talaga ang isa nating kamay?" nangunguyam na tanong nito.

Lash was annoyed because Zehra was being loud and she keeps on questioning him. Paulit-ulit lang rin naman ang mga tanong niya at paulit-ulit rin ang mga isinasagot sa kaniya ng binata.

"Mabuti na ang nag-iingat..." bulalas ni Lash. "Kaysa ang takasan ako ng babaeng matigas ang ulo kagaya mo."

"Hindi ako nagbibiro, Romanov." malamig na turan ng dalaga. "Saan mo ba ako dadalhin, tangina ka?" inis na sikmat niya. "What do you want? Katawan ko ba? Gusto mo na ba akong itanan dahil hinalikan kita?"

Matalim ang tingin ni Lash sa dalaga. Inihinto niya ang sasakyan sa tabi at marahas na bumuga ng hangin. Kaya ayaw niya itong bantayan dahil masyadong bulgar ang dalaga para sa kaniya.

He prefer simple yet innocent woman rather than this wild and pompous brat and trouble maker. Pero dahil na rin sa utos ng ina nito, kailangan niyang magtimpi at siguraduhin ang seguridad nito.

"Hindi rin ako nagbibiro kung sasabihin kong may nakabuntot sa atin at handa ka nang barilin sa ulo." sabi niya. "At kung sasabihin mo na gusto ko ang katawan mo, mangarap ka lang kahit ilipad mo pa wala akong pakialam dahil wala akong gusto sa katawan mo." malamig at puno ng iritasyon ang boses nito. "Hindi kita itatanan. Bakit gusto ba kita? Kaakit-akit ka ba para itanan o buntisin ko. At kung 'yong ibang lalaki, napapasunod mo sa alindog mo, ibahin mo ako dahil wala akong interes sa katulad mo."

Tila mayroong tumarak na patalim sa dibdib ni Zehra sa mga salitang binitawan ng kaniyang guwardiya. Itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig at sininghalan ang sarili sa kaniyang utak.

Assuming ka kasi masyado, Zehra! Iyan tuloy, pahiya at supalpal ka. Zehra thought in mind.

Ipinagpatuloy ni Lash ang pagmamaneho at hindi na pinansin ang babae sa kaniyang tabi. Wala na rin naman silang imikan pagkatapos ng kaniyang sinabi kaya nagpasalamat na lang siya at hindi na naririndi ang kaniyang tainga.

Magdadapit-hapon na nang makarating sila sa Nueva Ecija. Binuksan ni Lash ang bintana. Agad na sumalubong ang malamig na simoy ng hangin at ang paglubog ng araw ay kanilang nasisilayan na rin.

Tinatangay ng hangin ang buhok ng dalaga at tumatama sa mukha niya ang papalubog na araw. That scenery was eye-catching and relaxing. Nais niyang kuhanan ng litrato ang senaryo na iyon ngunit wala siyang cellphone na dala dahil pinagbawalan siya ng binata.

Hindi masyadong liblib ang lugar dahil may ilaw at kuryente naman doon. Huminto sila sa tapat ng malawak na lupain at may munting kubo ang nasa gitna niyon. Medyo magkakalayo ang mga kabahayan kaya mas komportable at kampante si Lash na dalhin ang dalaga roon.

"Nasa Nueva Ecija tayo, Zehra... mismong probinsya kaya hindi ka puwedeng magwalwal dito. Hindi ka rin puwedeng magsuot ng marangya dahil baka iba ang isipin ng mga tao." pahayag ni Lash sa dalaga. "Huwag mong dalhin ang pagiging agresibo mo dito at lalong huwag kang magtitiwala sa mga taong makakasalamuha mo."

Sinulyapan ng dalaga si Lash. "Anong tingin mo sa akin? Pokpok at kaladkarin? Agresibo lang ako, malandi o kahit ano pero birhen pa rin naman ako." patutyang sagot niya.

Tinanggal ni Lash ang pagkakaposas ng isa niyang kamay ngunit hindi niya tinanggal ang posas sa kamay ni Zehra bagkus ay marahas niyang kinuha ang isa nitong kamay at ipinosas ito.

"Nahiya ka pang tanggalin, e!" Napairap si Zehra.

Bumaba si Lash sa kotse, umikot siya sa gawi ng dalaga. Madilim ang bawat ekspresyon nito at halos matawa na siya sa matalim na tingin nito sa kaniya. Yumuko siya para kunin ang kamay nito at tinanggal ang pagkakaposas. Hindi napansin ni Lash ang paglalapit ng kanilang mukha kaya napaatras ang ulo ng dalaga.

Nagtataka man ay tumikhim na lamang si Lash at lumayo na lamang sa dalaga dahil nanuot sa kaniyang ilong ang matamsi nitong amoy.

Nakahinga nang maayos ang dalaga nang matanggal ang posas sa kamay niya. Iginalaw-galaw niya ito dahil nangawit ang kaniyang isang kamay, hinimas-himas pa niya iyon. Namumula rin ang pulsuhan niya dahil sa bakal na posas.

Zehra gets off the car, closing her eyes when the cold breeze of wind greeted her hair and face. She felt calm and relaxed yet she can't stop worrying.

Buhat ang sling bag niya, kinuha niya ang sigarilyo at lighter. Abala si Lash sa pagbaba ng kanilang gamit kaya hindi siya makita nito na nagsindi ng sigarilyo.

Ibinuga niya ang usok niyon at napalingon kay Lash na masama na ang titig sa kaniya. Nakaramdam siya ng takot ngunit binalewala na lamang niya at ipinagpatuloy ang paninigarilyo pero nang isusubo na muli niya iyon ay may kamay ng humila sa kamay niya hudyat na pinapatigil siya.

"Ano bang problema mo!" inis na angil niya. "Tahimik akong naninigarilyo dito, gago ka ba!"

Naningkit ang mata ni Lash sa dalaga. Nauubos ang pasensya niya dahil dito. Naiinis rin siya sa katigasan ng ulo ni Zehra.

"Kababae mong tao, naninigarilyo ka," malamig na turan nito. "Don't smoke when I am around, Zehra. Kung ayaw mong maitali ang mga kamay mo sa kama."

"Pakialam mo ba? Masyado ka ng nakikialam sa akin, Lash. I have my own life too. Hindi sa lahat ng bagay mapapasunod mo ako. Wala ka naman sigurong gusto sa akin, ano? Kaya bakit mo ako pagbabawalan sa lahat ng gusto kong gawin?"

"Woman, I am not interested in you," he uttered, flatly. He massages his forehead and looks at her. "I don't even like you because you're not a woman that best suits on my standards." malamig na sabi niya. "You're just my job, no more, no less."

Tinalikuran ni Lash ang dalaga at naglakad patungo sa kubo. Inilapag niya ang mga gamit nila at binuksan ang isang silid para suriin ito. Naiwan sa labas si Zehra, may pumatak na luha sa kaniyang mga mata ngunit mabilis niya itong pinunasan at sumunod sa loob ng kubo.

Pasado alas syete na at hindi pa rin sila kumakain. Nagkulong siya sa silid na inilaan sa kaniya ni Lash habang nakadungaw sa bintana at tanaw ang binatang nagluluto sa labas.

Wala itong suot na damit at nakatalikod ito sa kubo kaya malaya niyang pinagmamasdan ang likod nito. She smiled bitterly and shook her head.

"If you like simple and innocent women... then I'll change your preferences. I will surely make you like a wildflower, my temptress bodyguard," she whispered. "If I can't have you innocently, then I'll claim you possessively." 

Nagpalit si Zehra ng kaniyang damit. Suot ang isang sando na manipis at hapit sa kaniyang balingkinitan na katawan, lumabas siya ng kubo at nagtungo sa tabi ni Lash.

Nagulat ang binata ngunit napakunot ang kaniyang noo nang bumaba ang tingin nito sa dibdib ni Zehra. Napalunok siya dahil nakaramdam ito ng biglang pag-iinit sa kaniyang katawan kaya umiwas siya ng tingi at malamig na sinalubong ang nakangiting dalaga.

"Pinagpapawisan ka, Lash. Naiinitan ka ba?" malambing ang boses na tanong nito. Lumapit pa ng husto si Zehra at tila napaso ang kaniyang balat nang hawakan ni Lash ang kaniyang beywang, tila pinipigilan ito.

"Go inside, Zehra." matigas na utos ng binata.

"I don't want to. Pinagpapawisan ka talaga, Lash." muling sabi niya.

Humugot nang marahas na paghinga si Lash. "Fuck! Just go back inside, woman!" Lash pinched her waist before he moves away.

Zehra chuckled and look down in between his thighs. "Does it want a warm hand job?" she said, still looking down at his crotch.

Lash cursed underneath his breath. "Damn it, woman! If you continue looking at my crotch, I will fucking ravish and punish you, right here, right now!"

Zehra stand up, turn her back on him, and mumbled something. "I like punishment, would you give me a hard and rough punishment, Lash?" nang-aakit ang tono ng boses nito.

Malamig ang gabi ngunit tila may mainit na apoy ang sumisiklab sa buong pagkatao ni Lash. He can't control himself and he felt his wetness down his crotch.

Tangina, tinitignan pa lang kita, sumasaludo at basang-basa na. Mura niya sa kaniyang isipan.

"Don't play fire with me, Zehra..." nahihirapan na saad nito. "If you don't want me to play your wetness with burning desire, woman."

Zehra chuckled, "I want to play fire with you, baby..."

"The pleasure is mine, woman!" marahas na sambit ni Lash at hinila ang dalaga palapit sa kaniya.

Hinapit nito ang kaniyang beywang at mas idinikit pa ang nag-iinit nitong katawan sa kaniya. Zehra bit her lower lip and looked at him, seductively.

"Fuck it, Zehra, you started playing this fire, huh..." he mumbled beside her ear. "And I'll finish what you had started, woman. Let me give you a good fuck and let me know how wild you are in bed."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro