Chapter 23
This is the last chapter for Agent Lander Shawn Romanov and pompous Zehra Madrigal. Thank you for having a trip in their love story journey.
**
Sa totoo lang, nakakaalala naman ako, e. Pero ang mga gago kong kaibigan, itanong daw ba kay Zehra na kung wala akong maalala ipipilit pa rin daw ba niya ang sarili niya.
"Mga gago! Hindi ko sinabing hindi ako makaalala!" singhal ko sa kanila habang kausap sila through video call.
Tawang-tawa si Duke maging si Arden at itong si Hunter pa-chill-chill lang. Mga tarantado, sinakyan pa ng kaniyang asawa ang sinabi niya. Hayop na 'yan.
"Igaya mo pa kasi ako sa iyo, Hunter na nagka-amnesia!"
Humalakhak si Hunter. "Say thank you, Lash. Ikaw na lang ang bahala kung ano ang gagawin mo, bobo mo kasi, kasama mo pa EX mo riyan sa inyo..."
Napasapo sa noo si Lash dahil sa kabulastugan ng kaniyang mga kaibigan. "Mga hangal, paano ako magpapanggap, ayoko na siyang masaktan." giit ko sa kanila.
"Sinaktan mo na nga siya, tanga." bulalas ni Arden. "Kung ako sa iyo, gumawa ka na ng paraan kasi sa ngayon pa lang, papunta na si Zehra sa inyo, pero hindi siya tutuloy riyan." imporma ni Arden.
Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Anong pinagsasabi mo na hindi siya tutuloy dito? Hoy! Umamin nga kayong tatlo, mga gago kayo. Ni-rentahan niyo ba isang bahay dito?!"
"Oh, easy ka lang, Lash." pagpapakalma ni Duke. "Wala naman nakatira riyan kaya hayaan mo na, sasalakayin mo lang rin naman siya tuwing gabi, e. Pustahan pa." sabi niya at humalakhak.
Nagliyab sa inis ang aking mga mata. "Mga tarantado! Ang sabihin niyo, inilipat niyo sa ibang bahay 'yong mga nakatira roon. Yaman niyo naman." asik ko sa kanila.
"Si Hunter ang nagbayad," pagyayabang ni Arden. "Tutal marami raw siyang pera, dinatungan pa ng kaniyang asawa."
Napairap na lamang si Lash dahil sa sinabi ni Arden. "Baliw talaga ang gago..." napailing ako at humugot ng isang buntong hininga.
"Malapit na siya, Lash sa inyo. Nakasakay siya ng traysikel habang ang kaniyang suot ay simpleng shorts at t-shirt lang pero ang porma pa rin niyang tignan." siwalat ni Arden.
Mas lalong nagsalubong ang aking kilay. "What the fuck is she wearing?! How did you know that?!"
"Easy, man... I just happen to see her on a CCTV camera when she left her penthouse." paliwanag ni Arden.
Natawa naman si Duke at Hunter sa naging reaksyon ko. Mga tarantadong hayop.
"Naulol sa babae niya ang gago!"
"Mas lalong mauulol 'yan kapag nakita niya ang blooming na si Zehra..."
Humagalpak ng tawa si Hunter at kumastigo naman si Arden.
"Hindi lang 'yan mauulol, maglalaway pa na parang baliw na aso sa kaniyang amo..." gatol niya.
Ako? Aso?! Ang kapal ng mga mukha ng mga gagong ito.
"Hindi ako aso, tarantado." inis kong asik sa kanila. "Mauulol at maglalaway lang sa babae ko kapag naangkin ko ulit siya hanggang sa mabuntis."
"Ulol, baka nga ayaw pang magbuntis sa iyo!" samut-saring tawa ang narinig ko sa tatlo dahil sa sinabi ni Arden.
I smirked at them. "Mga gago, bubuntisin ko siya kahit simulan ko pa mamayang gabi," sagot ko sa kanila.
Matapos ang walang humpay na tawanan nila ay ibinaba ko na ang tawag nang matanaw ko ang isang traysikel na tumigil sa kabilang bahay. Nanatili ang aking tingin sa aking bintana, nakita ko si Zehra na bumaba sa traysikel.
Dala niya ang isang traveling bag at isang bag pack. Tinanaw niya ang bahay namin at dumungaw siya sa aking silid kaya mabilis akong nagtago sa gilid ng kurtina.
Pagkalipas ng ilang minuto, sumilip ako sa aking bintana ngunit wala na siya sa kaniyang kinatatayuan kaya sinuyod ko ng tingin ang bawat paligid pero papasok na siya sa loob.
I sighed. Napasabunot ako sa aking ulo. Mabuti na lang at wala si Nanay dahil nagbakasyon ito sa kaniyang mga kapatid sa Palawan. Mabuti nang wala siya rito dahil sigurado akong makukutusan ako niyon kapag nagkunwari ako sa harap niya na hindi ko maalala ang nobya ko.
Sumalampak ako ng higa sa kama. Nang magtanghalian, bumaba ako sa kusina para magluto ng pagkain. Napangiti ako at dinagdagan ang aking niluto para ibigay kay Zehra ang iba.
Hindi ko pa naman siya napansin na lumabas sa bahay na tinutuluyan niya kaya nagmadali akong maglagay ng kanin at adobong manok sa container ng pagkain.
Sa likod na ako dumaan para walang makapansin. May pangalawang palapag ang bahay at may isang kwarto ang nakatapat sa aking silid kaya alam kong doon siya matutulog mamayang gabi.
Nang makita ko na walang tao sa paligid, mabilis kong inilapag ang pagkain sa harap ng pinto at bumalik agad sa bahay. Para akong tanga na nagtatatakbo kahit wala naman akong tinatakbuhan.
Minabuti ko na lamang kumain at nang matapos ay nagligipit ako at naghugas. Sakto naman na dumating si Charmaine kaya sinalubong ko siya sa harap ng bahay.
Muli akong sumulyap sa kabilang bahay at nakita ko si Zehra na lumabas sa pinto at sumulyap sa gawi namin ni Charmaine. Nakayakap ako kay Charmaine at pilit na siniglahan ang timpla ng aking mukha. Kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata at agad rin siyang yumuko, nakita niya ang box ng pagkain na inilagay ko sa kaniyang paanan at madali niyang pinulot iyon kasabay ng pagpasok niya muli sa loob.
Humiwalay na ako ng yakap kay Charmaine at kinunutan siya ng noo. "Bakit ka ba nangyayakap? Hoy, baka nakakalimutan mo, 'yong boypren mo nariyan lang sa inyo." inis kong singhal sa kaniya.
She just smiled. "Balita ko rin, may babaeng lumipat riyan sa kabilang bahay," lumapad ang ngiti niya at itinaas-baba pa ang kaniyang kilay. "Magseselos na ba ako?" tumawa siya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang naman, e!" bawi niya at nag-peace sign pa.
"Ano na naman ang ipinunta mo rito, Charm?" nakapameywang na tanong ko.
"Imbitahan sana kita sa bahay dahil may inuman at birthday ni Nanay," humalakhak siya, tuwang-tuwa pa. "Imbitahan ko rin 'yong bagong lipat riyan sa kabilang bahay," dugtong pa niya.
"Hindi!" agap ko sa kaniya. Nagtataka ang mukha niya. "I mean, huwag mo ng imbitahan dahil mukhang hindi naman marunong makipag-kapuwa tao ang bagong lipat," alanganing sagot ko at inilipat ang aking tingin sa ibang direksyon.
"Okay, basta punta ka, huh!" pangungulit niya.
"Oo na! Sige na, sige na! Umalis ka na at may gagawin pa ako!" untag ko sa kaniya.
Umalis naman ito kaagad kaya pumasok ako sa loob ng bahay. Napahilamos ako sa aking mukha nang maalala ang naging reaksyon ni Zehra kanina pagkakita pa lang sa amin ni Charmaine.
"Bobo mo, Lash. Ano na lang kaya ang iisipin niyon?" singhal ko sa aking sarili.
Naligo muna ako at nagbihis ng pambahay. Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago nagtungo sa tinutuluyan ni Zehra.
Nanatili akong nakatayo sa may harap ng pintuan at nag-aalangan pa kung kakatok ako o hindi ngunit napagpasyahan kong kumatok na lamang.
Sa pangalawang katok, nagbukas ang pintuan, bumungad sa akin si Zehra na tila kakaligo lang rin. She's fresh from the bath. Ang halimuyak na bango niya ay nanuot sa aking ilong. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang lakihan niya ang pagkakabukas ng pinto. Tumambad sa akin ang kaniyang mahahaba at makikinis na biyas kaya napalunok ako at inangat ang tingin sa kaniya.
Her face flashes longing and sadness. She smiled, not as genuine as before. "H-Hi, L-Lash! M-May kailangan ka?" She asked, casually yet her lips trembled.
"You know me?"
Nag-alangan pa siyang tumango. "O-Oo naman... sino ba naman ako para hindi ka maalala at makilala," nakangiwing sagot niya.
I raised a brow at her. "Must be my stalker, aren't you?"
Napalunok siya. "H-Hindi naman, napag-alaman ko lang na ikaw ang magiging kapit-bahay ko." she lied. "Anong kailangan mo?"
Pinanatili ko ang aking seryosong ekspresyon. "I don't need anything," pormal kong sagot sa kaniya. Ikaw ang kailangan ko, babae ko. Nais kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.
Namayani sa kaniyang mukha ang sakit at pag-awang ng kaniyang bibig.
"K-Kung gayon... bakit ka pa kumatok sa pinto kung wala ka naman pa lang kailangan?" seryoso ngunit bakas sa kaniyang tinig ang sakit. "K-Kung naiisip mo 'yong tungkol sa nakita ko kanina, huwag kang mag-alala, hindi naman ako magagalit..." she said, bitterly. "At isa pa, hindi ko naman sinasadyang makita kayo... ng nobya mo." alanganin na sagot pa niya.
"Inaaya kasi ako sa inuman, baka lang naman gusto mong sumama?" parang tanga na tanong ko pero seryoso pa rin ang ekspresyon at tinig ko.
"Bakit ako ang gusto mong isama sa inuman?" May bahid ng pagtataka sa boses niya.
I just shrugged my shoulder. Bakit ko nga ba siya inaaya?
"Trip ko lang, malay ko ba kung gusto mong sumama," masungit na sagot ko. "At isa pa, baka tawagin ka rin naman mamaya."
Nagtataka ang kaniyang mukha. "B-Bakit ako ang niyayaya mo? Hindi na lang 'yong girlfriend mo?" kumunot ang kaniyang noo. "Hindi naman ako pwedeng sumama kasi may pupuntahan ako," sabi niya.
Saan ka na naman pupunta, babae ko? Nais kong itanong pero wala naman akong lakas ng loob. Kaya nga kita inaaya kasi ikaw ang girlfriend ko, babae ko.
"Wala lang, naisip ko lang. Para naman ipakilala kita sa mga tao rito." nakangiwing sagot ko na lang.
Ipapakilala ko lang 'yong babaeng maninirahan dito sa amin, sa bahay namin. Para alam ng mga tao na pagmamay-ari ka ng isang Romanov.
Umiling siya. "H-Hindi na kailangan..." pilit siyang ngumiti. "Sino ba ako para ipakilala sa mga tao rito... at isa pa, hindi naman ako magtatagal dito, e. Aalis rin ako sa susunod na linggo."
Bakit ka aalis? Hindi ba nagpunta ka dito para sa akin? At sinabi ko sa iyo na magkita tayo sa paraisong ating natagpuan? Gusto kong itanong ang lahat sa kaniya 'yan pero gusto ko rin malaman kung bakit.
"Bakit ka naman aalis pa?" Usisa ko pa.
May kung anong kirot sa aking dibdib nang sabihin niyang aalis siya sa susunod na linggo. Parang may kung anong tumusok sa aking puso, nakaramdam ako ng inis sa aking sarili.
Nagbabadya ang kaniyang luha, nais ko siyang hagkan, nais ko siyang yakapin pero hindi ko magawa kasi kailangan kong pigilan 'yong sarili kong yakapin at halikan siya.
"Bakit hindi ka na lang manatili rito? Maganda naman ang lugar namin, maraming pasyalan lalo na ang talon... na dati nating pinuntahan..." sambit ko ngunit hindi ko na ipinarinig ang salita sa dulo.
She sighed, deeply. "Nasilayan ko na kasi 'yong taong mahal ko na masaya sa piling ng iba..." basag ang boses na usal niya at nagbaba siya ng tingin.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya, bawat reaksyon ng kaniyang mukha ay tinitigan ko. Mas lalo siyang gumanda at hindi halata na galing siya sa isang trauma. Ayon naman kasi sa mga kaibigan ko, she was hospitalized and get therapy session every day to overcome her trauma because of me.
Pinagsisihan ko 'yon na nasaksihan niya ang lahat. Hindi dapat ako nagpadalos-dalos, hindi ako nag-isip. Natakot ako para kay Zehra. Putangina, natakot ako dahil tinutukan siya ng baril ng mga gagong sindikato na 'yon.
Tangina, hindi ko nga tinututukan ng baril kahit na naging pasaway siya sa akin... noong mga panahong hindi pa ako nahuhulog sa kaniya tapos itututok sa kaniya 'yong baril?
Nandilim na ang paningin ko dahil sa ginawa nilang pagtulak sa babae ko. Nagkaroon ng sugat sa kaniyang binti nang itulak siya sa sahig. Kung alam lang nila kung gaano ko kagustong bunutin 'yong baril ko para ibaon sa ulo nila ang mga bala.
Alam kong sinisisi niya ang sarili niya hanggang ngayon. Iniisip niya na kasalanan niya kung bakit ako nabaril pero hindi niya kasalanan. Sinalo ko ang bala na para dapat ay sa kaniya. Sinalo ko kasi handa kong itaya 'yong buhay ko para sa kaniya... para sa babaeng mahal ko.
"Sabi ko naman sa sarili ko, mananatili ako kahit hindi ako maalala ng taong mahal ko..." basag na ang kaniyang boses at hindi nakaligtas sa akin ang paglandas ng mga luha sa kaniyang pisngi.
Napakuyom ang aking kamao. Tangina, babae ko, huwag kang umiyak sa harap ko kasi hindi ko gustong umiiyak ka dahil sa akin.
"Mahal mo, bakit kailangan mo pang umalis, hindi ba gusto mong manatili?" seryosong tanong ko.
"Handa naman akong manatili at panoorin siya na masaya sa piling ng iba... kasi mahal ko siya, sobra..." she paused, suppressing her emotions. "...hindi kasi ako mabilis sumuko, kapag siya ang napili ko, siya pa rin at ipaglalaban ko siya hanggang kaya ko pa, hanggang sa maubos ako..."
I swear, gusto ko na siyang yakapin, gusto ko na lang parusahan 'yong sarili ko kasi 'yong mga sagot niya sa mga tanong ko, tunog nasasaktan at pangungulila sa akin.
"Mahal ko 'yon, e... mahal na mahal ko siya." sabi niya habang nakatitig ang kaniyang mga mata sa akin. "Na kahit nasasaktan ako na hindi niya ako maalala at wala lang ako para sa kaniya, mahal ko pa rin 'yon."
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. I swallowed hard, clears my throat, and didn't glance at her again.
"K-Kasi ganoon naman ang nagmamahal at pagmamahal hindi ba? Magtitiis kahit masasaktan, kasi pinili natin 'yong taong mahal natin. Pinili natin na manatili kahit na masasaktan tayo para lang makita na masaya siya at siguraduhin na sasaya at sisilay talaga ang ngiti sa labi ng taong mahal natin."
"Kung mahal mo siya, manatili ka at hayaan mo siyang tanawin ka..." I said and paused, "Hindi ka rin matitiis niyon, kasi kung mahal ka niya, babalikan ka... babalikan ka niya at sasalubungin ng isang mahigpit na yakap at hahalikan ka ng paulit-ulit."
"Hindi ko naman siya kailangan pilitin, hindi ganoon ang klase ng pagmamahal na gusto ko... ayaw ko siyang ikulong sa puso ko na may pamimilit..."
Mahal kita, babae ko. Ikaw lang naman 'yong girlfriend at mahal ko... ikaw lang 'yong babaeng nagpapasaya sa akin at ikaw lang naman 'yong babaeng pinangakuan ko ng kasal.
"K-Kung wala ka ng kailangan, mag-aayos na kasi ako papunta sa bayan..." nakayukong usal niya habang pinapahid ang kaniyang luha. Pilit siyang ngumiti sa akin. "Pumunta ka na roon, baka hanapin ka pa ng nobyo mo, makita ka pa na narito ka baka sabihin niyang kinakalantari kita..." nahihiyang sambit niya.
"No... I mean, you're not flirting with me," agap ko sa kaniya. "W-We're just talking and there's nothing wrong about that," giit ko pa.
Bumuntong hininga siya. "Mali na may kausapin kang ibang babae bukod sa girlfriend mo, L-Lash..."
Putangina.
Ikaw nga ang babae ko, Zehra! Ikaw lang 'yong mahal ko. No other woman, it's only you, it's you whom I deeply fucking love with!
"Sorry, Miss but... there's nothing wrong about it. Selosa at mabangis lang 'yong girlfriend ko pero hindi 'yon mananakit kasi alam niyang babalik at babalik ako sa kaniya. At alam niyang sa kaniya lang ako kasi minarkahan ko na siya at minarkahan niya na rin ako." nangangahulugang usal ko.
May pagdududa sa kaniyang mga mata ngunit umiling na lamang siya. "Umalis ka na, Lash. Hinahanap ka na siguro ng nobya mo, baka mag-away pa kayo."
Mag-aaway talaga tayo, babae ko! Ang tigas ng ulo mo!
"Ayaw ko nga, bumalik na nga ako sa kaniya." kastigo ko pa rin. "Bumalik na nga ako sa kaniya, nakatayo at humihinga pa!" inis kong angil sa kaniya.
Napakurap-kurap ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko. Tila hindi makapaniwala sa mga salitang binibitawan ko.
"B-Bakit mo sinasabi sa akin 'yan, L-Lash? Naroon sa kabilang bahay 'yong girlfriend mo, a." pormal na usal niya. "Hindi mo naman ako girlfriend, e." she lied, sadness filled her voice.
Napakuyom ang aking kamao. Can't she get what I am implying? This woman, she's so fucking slow! Nakakainis, bahala na nga! Putangina naman, e.
"Putangina naman, babae ko! Ikaw nga ang girlfriend ko!" inis kong sagot sa kaniya. "Ikaw lang! Ikaw lang 'yong mahal ko, ikaw lang 'yong babaeng pakakasalan ko! Ikaw lang 'yong babaeng handa kong pakasalan at iharap sa altar! Ikaw 'yon lahat, Zehra!" sigaw ko sa kaniya.
"Ang hirap pa lang magpanggap na wala akong maalala kasi masakit at mahirap pala habang pinapanood kitang umiyak... habang sinasabi mo na hindi ikaw ang nobya ko..." huminto ako at kinabig ang kaniyang beywang. "Putangina, sana pala pinatay mo na lang ako para hindi mo sabihin na may iba akong nobya maliban sa iyo!"
Her eyes blinked, again and again, and her mouth was half-open. Shocked was her only expression, her eyes widened when she realized something. And again, blink her eyes once more.
Naglandas ang kaniyang mga luha na siyang dahilan para hawakan ng isa kong kamay ang pisngi niya at punasan ang kaniyang mga luha.
"L-Lash... k-kasalanan ko," nanginginig na usal niya. "Kasalanan ko kung bakit ka nabaril... alam kong ako dapat 'yon pero sinalo mo. Sinalo mo 'yong bala na dapat ay hindi mo ginawa..." nanginginig ang kaniyang boses habang sinasabi ang mga salitang iyon.
I caressed her cheeks, wiping her tears away. I even kissed her forehead for her to believe that I wasn't joking and she was not hallucinating.
"Kung hindi ko 'yon ginawa babae ko..." huminga ako ng malalim at tinignan niya, "...ikaw 'yong mawawala sa akin at iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari. Hindi ko kaya na mawala ka kaya mas pinili kong sinalo 'yong bala, babae ko." dugtong ko.
She swallowed a lump in her throat.
"Paulit-ulit kong sasaluhin ang mga bala na dadapo sa iyo... makipag-agawan pa ako ng buhay kay Satanas, ikaw pa rin ang mas priority ko." mahina at sinserong usal ko. "Ikaw 'yong kadugtong ng buhay ko... na ayaw kong mawala."
She's trembling, I can feel it. "L-Lash... hindi, natutuliro lang ako, hallucination lang ito... panaginip lang lahat ito," pumikit siya at nagpumiglas pero hindi ko siya binitawan sapagkat hinagkan ko ng halik ang kaniyang noo pababa sa kaniyang labi.
"You're not hallucinating, babae ko. I'm real... kicking and alive, ready to marry you." mahina kong saad at muling kinintalan ng halik ang kaniyang labi.
Inangat ko ang kaniyang baba para matitigan siya sa mata. Namumugto ang kaniyang mga mata, naglalandas pa rin ang mga luha.
"You're my lifeline, babae ko..." bulong ko. "Ikaw lang ang mundo ko at sa iyo lang mababaliw ang isang katulad ko." sinsero at seryosong usal ko. "
"T-Totoo ka... m-may naaalala ka? Naaalala mo ako?" nahihirapang tanong niya.
I just nod my head. "Ikaw ang alaala na hindi ko kayang kalimutan, babae ko... mahirap kang kalimutan sapagkat kilalang-kilala ka ng puso't isipan ko."
Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon. Alam ko kung ano ang mga pinagsasabi ng mga tatlong ugok kong kaibigan. Pinaniwala nila na may amnesia ako para makita kung hanggang saan ang pasensya ng babaeng nasa harap ko.
Putangina, siya na ang babaeng pinakamagandang nangyari at dumating sa buhay ko. Siya ang ibinigay ng Bathala para makasama ko sa habang buhay.
Isang Zehra 'a walking temptation, wild, pompous, and attracted to me' Madrigal-Romanov lang ang tanging pangalan ng magiging asawa ko sa habang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro