Chapter 22
Zehra was admitted to the hospital after that day. Hindi na niya alam ang nangyari dahil hindi siya masyadong nagsasalita, nakatulala lamang kaya kinailangan niyang mag-undergo ng therapy dahil sa trauma na dinanas niya.
It's been a week since that happen and she doesn't have lead if Lash was alive. Bawat oras at segundong lumipas, iniisip niya pa rin si Lash kung buhay pa ba ito o patay na.
Binibisita rin siya ng mga kaibigan nito lalo na si Indira na kahit nagbabantay sa kaniyang bunsong anak ay naroon pa rin siya sa tabi ni Zehra.
"She's not eating," malungkot na sabi ni Indira mula sa kaniyang kausap.
"Zehra needs to eat," Hunter sighed from the other line. "Lash was in a coma right now, he was taken care of the Agency," he added.
Indira heaved a deep sigh. "She was traumatize. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kapag nagtanong siya patungkol kay Lash. Minsan bumibisita rin ang kaniyang Ina." imporma nito sa kaniyang asawa.
"He's in between life and death situation. Just take care of her, love. I'm sorry..." Hunter mumbled, sincerely. "Ikaw pa ang nariyan para magbantay sa nobya ni Lash. He's alive yet half of his life is almost taken away..."
"Ayos lang, Hunter. Zehra is my friend too. Hindi na siya iba sa akin." giit naman ni Indira. "Alam kong mabubuhay si Lash kasi kung hindi, talagang i-rereto ko itong si Zehra kay Harry."
Mula sa kabilang linya, napahugot ng isang malalim na buntong hininga si Hunter. "Don't do it, love. Masyadong mahal ni Lash ang babae niya para lang mapunta ito sa iba. Baka kapag nalaman niya, babangon siya mula sa hukay at ililibing ng buhay si Harry. You know him well, love." usal ni Hunter sa kaniyang asawa.
"She needs to overcome her trauma, for him..." Indira paused, "...to lived happily. Kasi ramdam ko sa simula pa lang, si Lash ang para kay Zehra."
"He planned for their future, she's his sanctuary..." Hunter informed her wife.
Nagpaalam na sa isa't-isa ang mag-asawa. Nanatili sa ospital si Indira dahil na rin sa bilin ng kaniyang asawa. Mahigit isang buwan na ang nakalipas mula noong mangyari ang madugong operasyon na 'yon.
"Zehra," pagtawag ni Indira sa kaibigan.
Nilingon siya nito ngunit hindi nagsalita.
"Kailangan mong magpagaling para kay Lash," saad niya. "Hindi ba't gusto mo siyang makasama?"
Nanubig ang mga mata ni Zehra nang marinig ang pangalan ni Lash. Niyakap niya ang kaniyang binti na tila parang tahanan niya iyon.
"L-Lash..." nahihirapang usal niya.
At least, his name would trigger her to talk. It's progress. Indira thought in mind.
Agad na nilapitan ni Indira si Zehra at hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Oo, si Lash ang lalaking mahal mo..."
"M-Mahal ko... si Lash," lumuluhang sambit niya. "H-He was shot... Indira, in his chest... he was shot." paulit-ulit na saad niya na tila inaalala ang pangyayari noong araw na 'yon.
"He's in a coma, he will gonna make it."
"I don't want to lose him... hindi ko kakayanin na mawala siya at ako ang dahilan."
Umiyak si Zehra ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nagwawala pa sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Lash. Sa pananatili niya sa ospital, nagiging magaan ang kaniyang pakiramdam at unti-unting naliliwanagan sa bawat therapy session niya.
It's been two months, she's finally overcome her trauma pero naroon pa rin ang takot niya lalo na kapag nakakakita ng baril. Sa dalawang buwan na 'yon, palagi niyang inaalala si Lash kung kumusta na ba ito o kung buhay pa ba siya.
Dalawang buwan, isinubsob niya sa trabaho ang kaniyang sarili para maglibang. Paminsan-minsan naman ay bumibisita si Indira kasama ni Hunter sa kaniyang penthouse at kung hindi naman ay sa mismong bahay nila.
"Anong gagawin mo, Zehra kapag nakita mong may ibang babae si Lash?" biglang tanong ni Hunter sa kaniya.
Nasa living room sila ng kaniyang penthouse at kasalukuyang nagluluto si Indira sa kaniyang kusina dahil nagpasya itong magluto ng kanilang tanghalian.
Nabigla si Zehra sa tanong ni Hunter pero nanatili siyang tahimik at walang kibo. Nag-iisip kung ano ang isasagot ngunit bigla na lang may kung anong kirot ang naramdaman niya sa kaniyang puso.
Pumikit si Zehra at humugot ng isang malalim na buntong hininga. Magkasiklop ang kaniyang mga kamay habang nakasandal ang kaniyang likod sa backrest ng couch.
"Kung makita ko siyang may kasamang ibang babae... siguro magagalit ako at masasaktan..." mahinang sagot niya. "Pero kung makita ko siyang nakangiti kasama ng babaeng 'yon, hahayaan ko na lang at magiging masaya ako para sa kaniya. Hindi ako susugod, tatanawin ko lang sila tapos itatanong sa sarili ko, ni minsan ba naging masaya siya sa tabi ko." malungkot na sagot nito.
"At ano ang gagawin mo kung hindi ka niya maalala?" muling tanong nito. "Mananatili ka pa rin ba sa tabi niya at ipagpipilitan ang sarili mo na ikaw ang mahal niya?"
Ngumiwi si Zehra. "Kung hindi niya ako maalala, ipipilit kong alalahanin niya ako. Pero kung hindi na talaga at nakikita ko siyang masaya kasama ng iba... hindi ko na ipipilit, hindi ko na ipagsisiksikan pa ang sarili ko kasi alam kong hindi ganoon ang pagmamahal, e."
Namamangha si Hunter sa bawat sagot ni Zehra sa kaniyang mga katanungan kahit na bakas ang sakit sa kaniyang mga mata ay pinipigilan nito ang sariling mga luha.
"Hindi ko siya pipilitin sa bagay na hindi naman nakakapagpasaya sa kaniya, hindi ganoon ang pagmamahal," she paused a bit, swallowed a lump in her throat. "Bakit ko pa ipipilit kung alam kong may iba ng nagpapasaya sa kaniya at natabunan na ang aming alaala sa isip niya?"
Tumango-tango si Hunter sa naging sagot ng dalaga sa kaniya. Putangina mo, Lash. Sana makaalala ka ng hayop ka. Untag ni Hunter sa kaniyang isipan.
Hindi pa nila sinasabi na hindi makaalala si Lash dahil ayaw nilang mas lalong masaktan at umasa si Zehra na hindi siya babalikan ng nobyo niya. She was hurt already, araw-araw siyang nasasaktan kasi alam nilang siya ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Lash.
Bagsak ang balikat ni Zehra na nakasandal sa backrest ng couch. Nagbaba siya ng tingin, pinipigilan ang mga luhang nais kumawala sa kaniyang mga mata.
"Mananatili ako... mananatili ako sa tabi niya kahit alam kong masasaktan ako ng sobra-sobra kapag nakita ko siya... kung paano niya itrato 'yong taong kasama niya... kung paano niya ito pahalagahan at mahalin." her voice cracked in the last words she had said.
"Ayaw mo bang magbakasyon?" tanong ni Hunter at iniba ang usapan.
"I badly need to rest, Hunter. Gusto kong magbakasyon para libangin 'yong sarili ko. Dalawang buwan na ang nakakalipas at gusto kong magbakasyon sa isang paraiso..." sa paraiso kung saan namin pinagsaluhan ang mainit na inhibisyon ng aming katawan. Nais idugtong ni Zehra ngunit nanatili na lamang siya sa kaniyang sinabing salita.
"Probably, you can go to the places you want, Zehra," Hunter said, cheerfully. "You can rest in that paradise..."
Zehra faked a smile and nod her head as an answer. "Maybe, I'll rest next week," she said.
Kalaunan, nakapagluto na si Indira at inihain na niya ang pagkain. Tinawag niya ang mga ito maging ang kanilang mga anak para sabay-sabay na silang magtanghalian. Tahimik silang kumain hanggang sa matapos ang mga ito at nang gumabi na ay napagpasyahan ng mag-asawa na umuwi na rin.
"Uuwi na kami, Zehra. Salamat sa pagpapatuloy sa amin dito." paalam ni Indira. "At saka, kung ano man ang mabigat na nararamdaman ng puso mo, sana ay mawala na at tuluyan ka ng maghilom."
"Zehra, seriously, remember what Lash told you before," Hunter paused and smiled a bit. "Go and find your man, Zehra. Make yourself happy kahit na masaktan ka sa masasaksihan mo."
"Find your man, girl," Indira uttered. "If you found him, make it yours. Let him remember you, with the days you've been together."
Nagtataka si Zehra. Hindi niya mahinuha ang bawat sinabi ng mag-asawa sa kaniya. Nanatili siya sa living room ng penthouse niya at hinayaan ang sariling mag-isip kung ano ang tinutukoy ng dalawa.
Bumuntong hininga si Zehra at ipinikit ang kaniyang mga mata. Hindi pa rin siya tinatawagan ng kaniyang Ina dahil busy ito sa kanilang negosyo. Sinabi rin nito na siya muna ang maghandle ng iba nilang kompanya dahil na rin sa gustong magpahinga ng utak niya.
"Kung hindi mo man ako maalala, Lash kung sakaling magkita tayo... mananatili pa rin ako," she paused, wiped her tears away. "...ipaglalaban pa rin kita hanggang sa kusa na akong sumuko." she added, painfully.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro