Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

"I'll bring her back later to their mansion. I can't risk her now, I need to go back at the base of that fucking syndicate." Lash said, annoyingly. "Take good care of my brat, I don't want to see her scratch every part of her body," he added, seriously.

"Makakaasa ka, pero hindi ako makakaasa sa babae mo na matigas ang ulo." reklamo ni Arden. "Binabantayan ko rin ang isa sa babae ng mga Navarro. Ang ilap niya pero madali lang pa lang palambutin sa kama." sumilay ang mapaglarong ngisi sa kaniyang labi habang binabanggit 'yon.

"Mabuntis mo sana," sumpa ni Duke sa kaniya. "Tapos mahulog ka sa kaniya pero hindi ka niya mamahalin..." tawa nang tawa na dugtong pa nito.

"Kung mabubuntis, mabuti na 'yon." sagot niya. "Para hindi na siya makawala sa akin dahil ikukulong ko siya sa buhay ko," dugtong pa niya at kinagat ang ibabang labi.

"Pag-uusapan ba natin ang tungkol kay Zehra o pag-uusapan lang natin ang tungkol sa pagiging midnight fucker mo?" masungit na patutsada ni Arden.

Parehong nagtaas ng dalawang kamay ang dalawa niyang kaibigan. Wala si Hunter dahil may importanteng gagawin sa kompanya nila at pinapauwi na rin siya ng kaniyang asawa sa isla.

Mahimbing ang tulog ni Zehra mula sa couch malapit sa kanilang kinaroroonan kaya abot-tanaw lamang niya ang dalaga. Nakamasid lamang siya rito habang pinag-uusapan ang mangyayaring operasyon kinabukasan, kung paano sasalubong ang kaniyang mga kaibigan dala ang back-up na kakailanganin nila.

Ito ang pinaka-malaking misyon na kailangan nilang tapusin dahil para sa kaligtasan ng babae niya.

"Walang taona magbabantay sa west wing ng mansyon kaya kailangan niyong maging alerto sa paglusob." paliwanag ni Arden, seryoso ang mukha habang iginuguhit ang parteng puwedeng pag-pwestuhan ng mga kasama niya.

"Hunter will be assigned and position in here," he said, looking at the two. "Send him the details because he needs to be in this position dahil tatapat sa bintana ang boss ng sindikatong 'yon." paliwanag pa niya.

"Roger that," Duke answered. "I'll be their guide for tomorrow, nasa akin naman naang buong lokasyon ng lugar."

Tumango ang dalawa, napatingin siya sa orasan. Pasado alas singko na ng umaga ngunit kailangan niyang makabalik sa mansyon ng sindikatong 'yon sa oras ng alas syete.

"Ang mga tauhan niya ay nagbabantay lamang sa harap ng mansyon maging sa gate. Kung kailangan niyong pumasok, safe sa likuran ng mansyon. Pwede kayong magpadala ng assassin. Sigurado, dadanak ang maraming dugo bukas kaya kailangan niyo rin mag-ingat-" pinutol ni Arden ang sasabihin ni Lash.

"Ikaw ang dapat mag-ingat, Lash. Delikado ka sa loob ng mansyon at isa pa, baka hindi ka makalabas ng buhay roon kung nagkataon na magpapadala kami ng assassin." may pag-aalala sa tono ni Arden.

"I can handle myself," he answered, sighing. "Just make sure, kapag lalabas ang babae ko, siguraduhin niyong may nakabuntot sa kaniya. Pero babalaan ko kayo kung aalis ang mga gago bukas ng mansyon para takutin ang babae ko." mahabang litanya niya.

"She's my least priority now, guys. I should always keep her safe no matter what even if it cost my life." pinalidad na sagot ko.

Tumango lamang ang dalawa at iniligpit na ang kaninang larawan na iginuhit ni Lash. Muling isinuot ni Lash ang kaniyang hoodie ngunit ibang disenyo na iyon at maging ang mask na suot niya upang hindi siya mapansin ni Zehra.

He even made sure that she won't smell him, he changes his perfume and used the lavender perfume that Arden buys for him.

"Papasikat na ang araw, ibalik mo na si Madrigal sa kanila." paalala ni Arden.

Tinitigan niya muna ang dalaga na tila kinakabisado ang kaniyang mukha, mariin niya itong pinatakan ng halik sa labi at mabilis rin lumayo at ginising ang dalaga.

"Hey, wake up, brat." he sounded, mad.

Niyuyugyog nito ang balikat ng dalaga pero tanging halinghing lang ang iginawad niya rito. Mabilis siyang kumuha ng malamig na tubig at isinaboy ito sa mukha ni Zehra na biglang bumalikwas mula sa pagkakahiga habang sapo-sapo ang kaniyang mukha.

"Putangina! What was that?!" galit na tanong niya. "Sino ka?! Pinagsamantalahan mo ako-" Lash cut her off.

"Stop nagging, you're annoying, woman!" he uttered, casually. "I don't have time to fucking fuck you," malamig na patutsada pa niya.

Kumunot ang noo ni Zehra. "Bakit mo nga ako binuhusan ng malamig na tubig?! Natutulog pa ako, e!" angil niya.

"Because you sleep like a fucking cooking oil! Ang hirap mong gisingin!" iritadong sumbat niya. "Pasalamat ka hindi mainit na tubig ang isinaboy ko sa mukha mo, sayang naman ang kagandahan mo." dugtong pa niya, bakas ang sarkasmo sa kaniyang tinig.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Zehra, nakatitig lamang siya kay Lash na waring napakagat sa kaniyang labi sa likod ng suot niyang mask.

"What? Are you going to stare at me? Ihahatid pa kita sa bahay niyo." malamig na turan niya. "Kumilos ka na kung ayaw mong kaladkarin kita pauwi sa magulang mo."

He felt sting on his chest upon saying that. Ayaw niyang pagsabihan ng masasamang salita ang dalaga pero kailangan niya dahil nakatitig lang ito sa kaniya at wari ay minumukhaan siya.

Damn it! Move fast, baby. He said at the back of his mind. Baka yakapin lang kita ng mahigpit kapag hindi ka pa tumayo riyan. Gusto niyang isigaw ngunit pinigilan niya ang sarili.

"Kasamahan ka ba nila, Arden?" she asked, curiosity plastered in her voice. "Did you see Lash? Is he here?"

Kumunot ang noo ni Lash. "He's someone I don't know. Kasamahan ako nila Arden pero hindi ko kilala ang sinasabi mo." madiin na usal nito. I'm him, baby. I'm Lash... Wari ay gustong sabihin ni Lash.

"Get up, lady. Ayaw ko ng pinaghihintay ako lalo at may lakad akong iba. Idadaan lang kita sa bahay niyo dahil utos ni Arden."

Napayuko si Zehra sa pagbabakasakaling makikita niya si Lash sa pinagdalhan sa kaniya. Akala niya si Lash ang kaharap niya dahil pamilyar ang pilantik nitong lashes pero tila bigo na naman siya.

"Pamilyar kasi ang lashes mo..." simula niya. "I just missed him but really... I need to move forward. Mukhang hindi ko naman na siya makikita, e." ma-dramang usal niya.

I missed you... so much, babae ko!

Napakuyom si Lash ng kaniyang kamao dahil sa sobrang prustrasyon na nararamdaman niya. Nais niyang yakapin ng mahigpit ang babaeng nasa harap niya, kintalan ng halik ang labi nito pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili at sinusubukang kumalma.

"Whoever that man is..." he trailed off, "I'm pretty sure, he's missing you right now to the point that he wanted to embrace you tightly and kiss you all day, all night," Lash uttered, his voice cracked.

Hindi pansin ni Zehra ang boses ni Lash dahil maging 'yon ay binabago niya. Mahirap man pero sinanay niya ang kaniyang sarili na baguhin iyon ng kaonti para sa muling pagkikita nila ay hindi siya mabosesan ng dalaga.

Zehra looked at him with sadness and pain flashes in her eyes. Her tears are slightly falling from her eyes. "If he misses me... if he really could, he'll be here..." her voice, cracked. "S-Sabi niya... pupuntahan niya ako kung may mangyaring masama sa akin, isuot ko lang ang kwintas na ibinigay niya..." nahihirapang usal niya at napahawak sa kwintas na nakasabit sa kaniyang leeg.

"Araw-araw kong suot, kaya ba walang masamang nangyayari sa akin dahil nariyan siya sa paligid ko? Nasa anino ko lang siya nagtatago?" umiiyak na tanong niya.

Lash sighed, he felt his heart become heavy. Nasa paligid mo lang ako, babae ko, hindi naman kita iniwan.

"Always have the necklace, surely, he's with you damn time," he mumbled, comforting her.

Napapikit siya nang humagulgol ito kaya kinabig niya ang dalaga gamit ang isa niyang braso at niyakap. Hinaplos nito ang kaniyang mahabang buhok, inamoy niya ang bangong halimuyak ng kaniyang buhok at mariing hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo.

"Let it go, brat..." he whispered, "...cry and tell me what you want to say in him," pang-aalo pa niya.

Mahigpit na ipinalibot ni Zehra ang kaniyang kamay sa beywang ni Lash, pumikit siya at pinakiramdaman na si Lash ang kaniyang kayakap.

"I missed you... so much," she whispered, enough for him to hear it.

It hit him big time. He misses her too. Sobra pa sa sobra.

"I miss you touch and kisses... I badly want to hug you, Lash." umiiyak na usal niya. "P-Please... come back now p-please, Lash..." nahihirapang usal niya.

"Balang araw ay babalik ang taong nawala, babalikan ka ng mundo mo... huwag ka ng umiyak, brat." muling bulong ni Lash at saglit na kinagat ang ibabang labi. "Mahal na mahal ka rin niya, sobra pa sa sobra."

Kinintalan niya ng halik si Zehra, mula sa tuktok ng kaniyang ulo pababa sa kaniyang noo at pisngi hanggang sa dumako sa gilid ng labi niya. He pressed his lips which made her confused.

Zehra pouted, brushing her tears away. "Y-You kissed me..." she said, seriously but her voice cracked again. "The kiss... felt familiar to me," wika niya.

"Are you in love with him?" he asked, nonchalantly.

Tumango si Zehra. "Oo... siya lang ang lalaking mamahalin ko. Siya lang pipiliin ko..." sagot niya. "Bakit mo natanong?" nagtatakang tanong niya at sumisinghot pa.

He laughed, sardonically and it hit her when she heard him laugh like the man she loves.

"Para alam ko kung wala kang ibang lalaki... para itama ko ang paghalik sa iyo kahit saan ko gusto..." wika niya, "Para kababaliwan mo ang bawat halik na ibibigay ko."

It's painful for both of them but Lash says something heavy on his heart.

"Kapag nagkita kayo at sinabi niyang iiwan ka niya... p-patayin mo na lang para tuluyan siyang mawala sa iyo." Nahihirapan sambit ni Lash.

Pugto ang mata, hinarap niya ang binata na nakatitig sa mga mata niya. "H-Hindi... mahal ko siya, hindi ko 'yon magagawa kasi kapag nangyari 'yon... habang buhay kong pagsisisihan na hindi siya makakasama," basag basag ang boses na sagot niya. "Baka kung mangyari 'yon, susunod ako... susunod ako sa kabilang buhay para magkasama na kaming dalawa..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro