Chapter 19
Nakakailang tungga pa lamang ako ng Jack Daniels ay ramdam ko na ang aking pagkahilo dahil umiikot na ang aking paningin. Mukhang may tama na ako at tila nanibago ang katawan ko kaya madali akong malasing ngayon.
Pinaypayan ko ang aking sarili, iniwan ako ng mga kaibigan ko at nasa dance floor sila. Nagsasayaw at nagkakasiyahan. Samantalang ako, naiwan sa aming inuukupang couch dahil parang wala ako sa mood makipagsayawan. At maaalala ko lang ulit si Lash ng paulit-ulit.
Fuck! I'm a fucking mess!
Napansin kong may nakatitig sa akin mula sa malayo. Sinubukan libutin ang club gamit ng aking mga mata pero may isang tao lang akong nakita mula sa malayo na nakasuot ng itim na leather jacket at may suot na face mask at sumbrero.
Kinilabutan ako bigla, bumaling ang aking mga mata sa ibang direksyon. Muli kong tinignan ang puwesto na iyon kanina ngunit wala na roon ang lalaki.
Namamalik-mata lang ba ako? That body-built was familiar but I am not fucking sure if he's someone I knew. Napakurap-kurap ako nang lumingon ako sa may pintuan at nakita ko ang isang pamilyar na mukha.
Lash friends was here. Magkakasunod na pumasok si Arden, Hunter... and Duke? Hindi ako sigurado sa pangalan ng pang-huling kaibigan ni Lash. Namataan nila ang puwesto at bahagya silang napailing ng ilang beses.
Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila at muling lumagok ng alak ngunit may naramdaman akong tumabi sa akin, kumuha ng baso at nagsalin ng alak. Sinundan ko lang siya ng tingin pero kumunot ang aking noo nang makita ang pamilyar na mukha ni Arden.
"Hey..." he greeted, coldly.
Alanganin akong bumati sa kaniya. "H-Hey?"
He looked at me, no expression at all. "You're wasted, Zehra. Lasing ka na." pansin niya ngunit naroon pa rin ang malamig nitong tinig.
I smiled at him, not the genuine one. "I'm not drunk, Arden. Why are you here? I mean, I saw the three of you, what are you doing here?" nagtatakang tanong ko.
Ramdam kong namumula na ang ako, nahihilo na rin.
"We are informed that there's a woman in here, dragged by her friends and drinking alone at their table. So... yeah! We are told to fucking take care of that brat and trouble maker woman." mahabang litanya niya pero wala akong naintindihan kahit ano roon.
"What did you say?" nakakunot-noo na tanong ko sa kaniya. "I didn't understand," dugtong ko pa.
He clears his throat before drinking and looks at me sharply. "Where's your friends?" madiin na tanong niya.
Iginala ko ang tingin sa aking paligid, probably on the dance floor. I couldn't see my friends even my assistant. I held my temple, massaging it, and look at him.
"I-I don't know where they are."
I tried to stand but I couldn't manage at all. Mabuti na lang nahawakan ni Arden ang aking beywang at naririnig ko naman siyang nagmumura.
"Fuck...! Bawal ka nga pa lang hawakan!" naririnig kong angil niya.
Pilit akong lumalayo sa kaniya at binitawan naman niya ako. Napansin kong napahawak siya sa kaniyang tainga na tila may isang communication device roon at panay mura siya.
"Gago, hindi ko naman sinasadya...! Ikaw na lang kaya ang pumunta rito kaysa ako pa sisisihin mo, tarantado!" rinig kong sambit niya.
My eyes belittled. "Hey! Who are you talking with?!" kuryusidad na tanong ko.
Lumingon siya sa akin. "Wala, isang surot na akala mo mawawala 'yong babae niya." walang kwentang sagot niya.
I raised a brow. "What... what do you mean by 'surot'?" I asked, him innocently.
"Hindi ka dapat narito, Zehra. Dapat alalahanin mo ang pangako mo kay... Lash," may bahid ng panenermon sa kaniyang tinig ngunit mas nangibabaw sa akin ang pagbanggit niya sa pangalan ni Lash.
I pouted. "I didn't... I remember my promise on him," my voice cracked. "Did he... kasama niyo ba siya?" putol salitang tanong ko. "Nariyan ba siya sa labas... inaabangan niya ba ako?" nangilid ang aking luha.
Hinawakan ko ang kaniyang braso ngunit nagpupumiglas siya sa akalang may gagawin akong masama sa kaniya.
"Bitawan mo ako, Ms. Madrigal dahil gusto ko pang mabuhay," malamig na turan niya.
"Arden, kasama niyo ba siya? I badly want to see him... I missed him so much..." tumulo ang luha na kanina pa nangingilid sa aking mga mata.
Yumuko ako, ramdam ko ang kaniyang tingin. Tila nawala ang aking kalasingan dulot ng aking pag-iyak. Shit! This is freaking bad, Zehra! I reminded myself. Stop crying, he won't come here to take care of you.
"Hindi ka dapat umiinom ng mag-isa, Zehra," sermon niya. "Paano kung may mga gago na masama ang budhi at pagsamantalahan ka?"
Nagsusumamo ang mga matang sinulyapan siya. "I-I'm enjoying the night, no one's gonna stop me..." I said, nonchalantly. "I'm so sick and tired... wala naman ng nagtatangka sa buhay ko. I'm perfectly fine, still kicking and alive. Bakit bawal ba akong mag-unwind?" sarkastikong kastigo ko sa kaniya. "You know what... I should be dancing at the middle, enjoying the bouncing spotlights and crowd!" Akma na akong tatayo ngunit napigilan niya ako.
"No," matigas at malamig na pigil niya sa akin at tumayo pa ang gago.
My forehead creased. I felt exhausted but I'm still trying my luck not to close my eyes.
"I need to go, Arden. I need to relax and I need to fucking unwind!" I hissed, convincing him.
"You can't go, Zehra! Stop being immature!" matigas pa rin na sambit niya at nagulat na lamang ako nang hilain niya ang aking kamay at iginaya paalis sa table namin.
"Fuck! Bitawan mo nga ako! Saan mo ba ako dadalhin?!" I shouted out of ferociousness.
"I'm taking you out of this club! You're not supposed to be here but you have a thick brain!" masungit na sagot niya sa akin at saglit akong sinulyapan. Halos kaladkarin niya na ako palabas ng club. Hindi ko alam kung sadyang malakas lang siya o dahil sa aking pagkakalasing.
"Putangina! Don't tell me you're going to take me home?!" I shouted, absentmindedly.
"Your mouth, Ms. Madrigal!" seryosong turan niya sa akin.
"I... I don't want to go home, Arden..." pakiusap ko sa kaniya. "Gusto kong patahimikin ang utak ko sa pag-iisip sa kaniya. I want to have a peace of mind..." basag ang boses na usal ko.
Binitawan niya ako. Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga.
"Okay, fine. Kung may mangyaring masama sa iyo, huwag akong sisihin ng gago." sabi niya at muling iginaya patungo sa likuran ng club at matatanaw roon ang kabuuan ng city lights ng syudad.
Pinagmasdan ko ito, malamig rin ang simoy ng hangin na naging dahilan para mawala kaonti ang kalasingan ko.
"I'll be back, stay here and don't make a fucking move." banta niya sa akin. "Kukuha lang ako ng maiinom na tubig."
Tumango lang ako at sumandal sa railings. Nililipad ng hangin ang nakalugay na mahaba kong buhok kaya hinahawi ko 'yon para ipitin sa likod ng aking tainga.
I don't know how long I am waiting for Arden. I just leaned my back on the railings, figuring things out when I heard a fucking gunshot.
I gasped, roamed my eyes everywhere of the view. Sumalubong sa aking paningin si Arden na hingal na hingal habang may hawak na tubig ngunit seryoso ang ekspresyon na nakapaskil sa kaniyang mukha.
"W-What was that?" I asked, trembling. "I... I heard gunshots, did you hear that?"
He nods his head. "Let's go," saad niya. "It's no longer safe in here. You're not safe and you are not supposed to be here Ms. Madrigal," he said, bluntly.
Hinila na niya ako patungo sa exit ng club nang hindi ko sinasadyang makita na naman ang lalaking naka-hoodie kanina ngunit wala na ang mask na nakatakip sa kaniyang mukha.
Pinilit kong ihinto ang aking mga paa ngunit patuloy ang paghila sa akin ni Arden palabas ng club. Habol ko pa siya ng aking paningin. It's him. He's my Lash Romanov.
Matangos ang ilong, singkit 'yong mata, makapal ang kilay at nakakunot ang noo na nakatitig sa akin. It's him. It was Lash whom I saw earlier. He was looking at me, sharply.
Sunod-sunod ang pagputok ng baril, nanginginig ako, nabitawan ko si Arden. Napaupo ako sa sahig habang takip ang aking tainga. Ang aking pagkahilo na dulot ng kalasingan ay nawala at napalitan ng takot.
"Fuck! Romanov!" naririnig kong pagmumura ni Arden. "Hoy, Ms. Madrigal, tumayo ka na riyan!" he hissed, annoyed.
"L-Lash... si Lash! I saw him!" hinatatakutan na sigaw ko sa kaniya. "He's here, Arden!"
"You're just hallucinating, Zehra! Let's get out of here, mapapatay ako ng lalaki mo!" muli niyang sigaw. "Fuck! I'm not cursing at her, she's damn fucking hard headed, Romanov!" tila naiinis na angil niya at may kausap.
Romanov. All this time, he's communicating with him! I'm such a fucking fool!
Pwersahan niya akong hinila na siyang dahilan para matapilok ang aking paa. Mabilis naman niya akong binuhat na parang sako ng bigas at hindi ko man lang namamalayan na dinala na niya ako sa isang itim na sasakyan habang nakikipagpalitan ng putok ng baril.
"Putangina!" He cussed, harshly. He closed the door and left me alone in there with a throbbing head.
Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit hindi ko 'yon mabuksan. Wala akong takas kahit gustuhin ko man. Fuck! Ang tigas ng ulo mo, Zehra! Inis na angil ko sa aking isipan.
NAABUTAN nila Lash na humahagulgol si Zehra sa loob ng sasakyan nila nang makapasok silang tatlo. It was chaos outside. Maraming nadamay na sibilyan dahil sa pagliligtas nila kay Zehra sa pagtatangka sa kaniyang buhay.
Pumuwesto siya sa harap ng sasakyan, hindi pa rin niya tinatanggal ang kaniyang suot na hoodie. Mariin siyang napapamura hanggang sa paandarin ni Hunter ang van.
"Ang tigas ng ulo niya, Romanov!" reklamo ni Arden.
"Matigas man ang ulo niya pero..." he paused, lumingon siya sa gawi ng dalagang nakatulog na mula sa backseat. "Siya ang tanging dahilan ko para lumaban sa nakakatakot na mundo," patuloy niya.
"Pero hanggang kailan ba matatapos ang pagtatangka sa kaniya, paano ka uuwi sa kaniya kung ganoon? Baka wala ka ng uwian kapag nagkataon." sabi ni Hunter sa kaibigan.
He sighed again and this time, it's a deep sigh. "Ang babae ko lang ang uuwian, babalikan at hahagkan ko..." sagot niya. "Misyon kong iligtas siya sa kapahamakan... at mahalin ang babaeng bratinela."
Napailing na lamang si Arden. "Kung bakit kasi maraming gustong mawala ang heiress ng Madrigal Clan..." nagtatakang tanong niya.
"She's rich, she can buy your life, stupid." pabalang na sagot ni Hunter. "Kaya niyang bilhin ang mga maliliit na korporasyon kaya maraming tumutugis sa kaniya ngayon lalo pa at siya na ang nagpapatakbo sa malaking kompanya na iniwan sa kaniya. It's billion dollar." paliwanag ni Hunter.
"Kung mamatay ka sa ginagawa mo, Lash? Bakit ayaw mo na lang ipaubaya sa ibang agents ang misyon. Malaking sindikato ang kinakalaban mo, marami sila... at mag-isa ka lang gumagawa ng paraan."
Sinulyapan ni Lash si Arden bago bumalik ang tingin sa daan. "She's my universe that is worth dying for. She's worth fighting for... I will surrender my life with her..." tanging sagot na lamang nito.
"You should ask for help from the higher ups, Romanov. You're risking your life with this mission alone." Hunter reminded. "Sigurado ka ba na may babalikan ka pagkatapos ng misyon mo?"
Nilingon niya si Zehra, nakipagpalit pa siya ng puwesto kay Arden. Isinandal niya ito ng dahan-dahan sa kaniyang balikat at ipinulupot ang extra na hoodie sa dalaga.
"Siya ang mundo ko na hindi ako sigurado kung ako pa ba sa muling pagbabalik ko..." malungkot na sagot niya. "Pero mamahalin ko pa rin kahit mayroon na siyang bago. Ganoon naman ang pagmamahal, nasasaktan, lumalaban para sa taong mahal nila."
He bit his lower lip while intently looking at the woman in his arms. He's sure that he's in love with her. It's not a questionable question. How Lash set his eyes on her, surely he's sincere.
"Kasi kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit mahal mo ang isang tao, iyon ay matatawag na isang tunay na pagmamahal. Kasi hindi ka humihingi ng kapalit, kusang dumarating... kusa ka niyang mamahalin." sabi niya, malungkot ang kaniyang tinig sabay baling kay Arden at Hunter sa harap. "Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kaniya... kapalit man niyon ay buhay ko para lang sa kaligtasan niya."
Kung papalarin mang mabuhay, handa akong makasama siya at ilaan ang buong buhay ko sa babaeng bratinela. Mahal ko 'yon kahit gaano pa kasutil at kahaba ang sungay na namumutawi sa kaniya, walang magbabago sa pagmamahal na pagtingin ko sa kaniya.
He missed her so much. Her voice, her laughs and smile, and even their small argument lead them to a burning desire in their body.
"In love ang gago," patutyang sambit ni Arden. "Nakakabobo pala ang magmahal." komento pa niya.
"Tanga, ma-inlove ka sana at makabuntis." sumpa ni Hunter kay Arden.
Lash sighed, deeply.
"Bakit ayaw mo na lang siyang iwan, Lash? Maiintindihan naman siguro niya ang dahilan mo kung sakaling sabihin mo sa kaniya na hindi mo na siya mahal, pero kunwari lang. Huwag mong dibdibin ang sinabi ko." birong patutsada ni Arden.
Lash looked at him, coldly. "Aanhin ko ang mundong ginagalawan ko, kung hindi ko rin lang naman kasama ang babaeng sentro ng buong pagkatao ko..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro