Chapter 17
"Ikaw lang ang aking panghabang-buhay, babae ko..." muling sambit ni Lash sa akin at dinaluhan ako ng isang mahigpit na yakap. "Itataya ko ang buhay ko hanggang sa makasama kita ng tuluyan."
Umiiyak lang ako sa kaniyang balikat ngunit pinipilit ko ang sarili kong magpakatatag. Ramdam ko ang paghaplos niya sa aking mahabang buhok na tila pinapatahan ako mula sa aking pag-iyak.
"K-Kahit isang mahigpit na yakap... h-huling yakap na lang, babae ko," nanginginig ang boses na sambit niya, "Ito ang huling yakap na mayayakap kita, babae ko," huminto siya sa kaniyang pagsasalita, pigil ang kaniyang paghinga at ramdam kong marami pa siyang sasabihin.
I remained silent. I want to speak but I can not even utter a single word. Gusto kong sabihin lahat ng gusto ko, isiwalat ang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko man lang magawa.
"Dahil hindi ako sigurado kung may babalikan pa ako..." humagulgol siya, ramdam kong ayaw niya akong bitawan dahil wala siyang kasiguraduhan, "Kung may babalikan pa akong mundo..." pagtutuloy niya.
I tightened my embrace, seems like I didn't want him to leave. We are in front of the mansion, it's already dawn yet still, yet we are still embracing each other, bidding goodbye.
Masakit. Mahirap. Hindi ako sigurado kung sa paglipas ng panahon ay makikita ko pa siya. Putangina, ang hirap pa lang magmahal.
"L-Lash..." sa wakas, nabanggit ko ang kaniyang pangalan.
"H-Hanggang sa muli, babae ko..." basag ang kaniyang boses. "Iibigin kita kahit gaano pa katagal..." he assured. "Huling yakap, huling halik..." sambit niya at kinintalan ng halik ang aking noo at labi. "Huling pagkikita..." bigkas niya sa huling sasabihin.
Humiwalay siya sa aming yakap, pinahid ang kaniyang mga luha at naglandas ang kaniyang mga palad sa aking mukha upang punasan ang mga luha.
Kung puwede lang sanang hindi na ako nahulog ng sobra sa kaniya. Kung puwede lang sanang bumalik sa kung saan hindi ko pa siya kilala. Kung maaari lang.
"Hindi ba puwedeng dito ka lang? Pangako, hindi na ako magiging pasaway... huwag ka lang umalis," pangungumbinse ko. "gagawin ko lahat, susunod na ako sa lahat ng bilin mo..."
"Zehra, I'm sorry," he said.
Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata. Bakas ang lungkot roon. "Ang unfair mo, Lash..." pahayag ko. "Hindi na ba kita mapipigilan?"
"Pumasok ka na, Zehra." tipid na sambit niya.
Umiling ako. "Hindi... hindi ako papasok, Lash."
Biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon. Ang kaninang malungkot na mga mata ay naging malamig iyon.
"Pumasok ka na, Ms. Madrigal." madiin na utos niya.
Humugot ako ng isang malalim na paghinga. Pinahid ang aking mga luha. Tinitigan siyang mabuti. Tipid akong ngumiti sa kaniya.
Malamig at malalim na ang gabi pero nasa harap pa rin kami ng mansyon. Ayaw niya kasing pumasok kanina kaya pumayag akong hanggang dito na lang kami para mag-usap.
Mapait siyang ngumiti sa akin kahit walang mababakas na ekspresyon ang kaniyang mukha. Tinanguan ko na lamang siya. I won't question him anymore because I know, it's for my own safety.
"I'm sorry for not warning you," mapaklang sabi niya.
I bit my lower lip and tilted my head to glance sideways. "Salamat sa lahat, Lash. I appreciate all the efforts you've done for me," sabi ko at mabuti na lang hindi nabasag ang boses ko.
"T-Thank you, I realized things because of you." Sambit niya pero basag naman ang kaniyang tinig.
"Me too," sagot ko dahil may na-realize naman akong mga bagay-bagay habang kasama ko siya. "Malaya ka na mula sa akin, Lash."
"Yeah," mapait siyang ngumiti at tumango-tango. "babalik ka na sa career mo... and old habits of yours, I guess."
I shook my head. "Maybe, I'm not sure."
"Really, huh?"
I sighed. "I'll try."
Sa dami ng tanong sa utak ko na pilit nagsusumiksik ay halos hindi ko na namalayan na naghihintay na pala ang mga kasamahan ni Lash. Wala roon ang asawa ni Indira dahil tiyak kong nasa tabi ito ng kaniyang asawa.
"You're home, Zehra..." he said, biting his lower lip.
"I'm finally... home." Pilit akong ngumiti. Akala ko magiging madali ang pagpapaalam ngunit mahirap pala talaga. Lalo na kung ang taong sinasabihan mo ng paalam ay ang taong natutunan mong mahalin ngunit kailangan umalis para sa kaligtasan mo.
Alam kong kaligtasan ko ang iniisip ni Lash, pumayag akong umuwi dahil baka maging sagabal lang ako sa kaniyang gagawin. Mapait akong napangiti sa aking imahinasyon dahil naiisip kong sagabal lang ako sa kaniya.
"Take care of yourself, Zehra." He pinched my cheeks and I just nod my head like a puppy.
May kinapa siya mula sa kaniyang bulsa, sinundan iyon ng aking tingin hanggang sa maitaas niya iyon at maipantay sa aking mukha. He's holding his dog tag necklace but there's a lock on it.
"Habang nakasabit ito sa iyong leeg... kasama mo pa rin ako." Alanganin niyang isinuot iyon sa akin. "Palagi mo lang itong susuotin dahil kahit mapahamak ka, pupunta ako sa iyo para lang iligtas ka."
I just nod my head.
"I owe you my life... I owe everything you've done for me, Lash."
He shook his head. "Ingatan mo lang sarili mo, masaya na ako." he smiled, weakly. "Kung sakali man na may iba ka ng magugustuhan..." he bit his lower lip and look down, "maging masaya ka at tuluyan mo na akong kakalimutan." dugtong niya.
A tear fell from my eyes, I didn't answer him.
"Stop crying, Zehra. You want to go home, right?" he asked, worriedly while looking at me intently.
He pulled me closer to him, he kissed my temple, forehead and my lips. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganoon rin ang ginawa ko.
Hindi ko siya makakalimutan.
Mahirap siyang kalimutan.
He was my first.
He marked me.
He claimed me.
I'm his brat and trouble maker woman.
I'm his property.
Paano ko siya kakalimutan kung naisuko ko na ang sarili ko sa kaniya. Kung naibigay ko na ang lahat-lahat sa kaniya?
"I will miss you, babae ko..." bulong niya sa likod ng aking tainga.
"Ako rin, Lash... m-mamimiss kita ng sobra." my voice broke upon saying that to him.
Hulog na hulog talaga ako sa kaniya.
Kinalas ko aking pagkakayakap sa kaniya at walang pasabi na kinabig ko ang kaniyang batok at hinalikan ng mariin ang kaniyang labi na siguradong hindi ko makakalimutan.
Mahal kita, Lash.
Gusto kong sabihin, gusto kong isigaw na mahal ko siya. Pero paano ko pa iyon gagawin kung nauunahan na ako ng hiya. Kapag sinabi ko iyon, baka hindi totoong tugma sa nararamdaman niya. Oo, inamin niyang mahal niya ako pero paano ako maniniwala kung ayaw niyang bigyan ng assurance ang relasyon na mayroon kami.
Hanggang dito na lang kami, kung ano ang mayroon sa amin. Akma na akong hihiwalay sa halik ko sa kaniya ay bigla naman niya iyong mas pailalimin pa.
"Kailangan mo ng pumasok, Zehra..." bulong niya habang magkasiping ang aming labi at mariing pumikit.
"Isasara muna natin ang isang kabanata at sa pagbabalik ay muling magpatuloy para sa panibagong simula..." mahinang sambit ko. "Ikaw ang mundo ko na unti-unting kumakalas sa taling konektado sa isa't-isa..." dugtong ko pa bago siya harapin.
Buong lakas akong humiwalay sa kaniya. He's looking at me seriously with his jaw clenched as if memorizing every bit of me.
I forced a smile and slowly turned my back on him. At that moment, I feel lost. I felt the pain again in my chest.
Nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay ay may pagtataka sa aking mata dahil bukas pa rin ang ilaw sa living room.
"Zehra, anak!" umiiyak na hiyaw ng aking Ina mula sa aking likuran. She's hugging me and there, I cried again.
"M-Mommy..."
I missed her. I missed my mom... so much.
"I missed you, baby..." bulong ng aking Ina habang kalong ako sa kaniyang mahigpit na yakap.
"I-I missed you too, Mom," sagot ko.
Humiwalay si Mommy ng yakap sa akin at panay ang kaniyang paghaplos sa aking mahabang buhok. Hindi ako kumibo, nananatili lang akong tahimik hanggang sa mapagpasyahan kong umakyat sa aking silid.
It's good to be back. I mumbled at the back of my head. Welcome home, Zehra.
I felt exhausted. Napagod akong umiyak hanggang sa dumako ang liwanag na hindi ko man lang namamalayan.
Lash Romanov, my temptress bodyguard claimed and captured my heart. He will always have me as his property. I belong to him in deity's purpose.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro