Chapter 16
Napairap na lamang si Zehra sa kaniyang kinauupuan nang biglang sumulpot si Charmaine sa hapag-kainan at hinalikan pa ang pisngi ni Lash.
Sa harapan ko pa, mismo? Ang kapal ng mukha ng higad na ito! Hindi na siya natuto! Usal ni Zehra sa kaniyang utak. Ang kapal ng mukha ng witch na ito!
Sinulyapan siya ni Lash, sinaman niya lamang ito ng tingin at tila may kung ano sa mata ng binata na nagsasabing 'wala akong kasalanan, magpapaliwanag ako.'
"Lander, may pasalubong ako sa iyo! Paborito mo ito, e! Natatandaan ko pa." masiglang sambit ni Charmaine bago sulyapan ang nanay ni Lash. "Magandang umaga, Nay Luring! Dinalhan rin kita ng masarap na saging!"
Sumulyap si Zehra sa nanay ni Lash, pansin niya ang pagdadalawang isip ng matanda.
"Maupo ka muna, hija at saluhan mo kami sa agahan." sambit na lamang ng Ina nito.
Naupo naman si Charmaine at sinulyapan si Zehra na nakataas lamang ang kilay sa kaniya.
"Magandang umaga, Zehra." she greeted with plasticity. "Sana nasarapan ka sa pagkain mo at hindi mabulunan," dugtong nito na may pagpapakahulugan.
Zehra smirked. "Sana ikaw ang hindi mabulunan, mangati ka pa." saad nito at itinuloy ang pagkain.
Tahimik lang si Lash hanggang sa tumayo na si Zehra kahit hindi pa ubos ang pagkain niya. It was her birthday today and her mood was been ruined by a witch leech.
"Where do you think you're going?" Lash questioned her, frowning. "You're not yet done with your food, Zehra," he said, coldly.
Zehra look around. Nakatingin sa kaniya ang nanay ni Lash pero nagkunwari siyang nanghihina sa harap nito.
"Busog na ako, e. Nawalan rin ako ng ganang kumain," pilit siyang ngumiti. "Excuse me, I just need to go upstairs. Bigla kasing sumama pakiramdam ko, e. Paumanhin, Nanay Luring." hinging paumanhin niya sa matanda.
"O siya sige, hija. Magpahinga ka ng maayos at ipapadala ko mamaya kay Lander ang gamot na iinumin-" pinutol niya ang sasabihin ng matanda.
Umiling siya. "H-Hindi na po!" agap niya. "It's okay, Nay Luring. It's bearable, huwag niyo ng abalahin pa ang anak niyo." pahayag niya at pumiyok pa, "hayaan niyo po si Lash, mukhang kailangan nila ng catch up ng kaniyang ex-girlfriend." she said, bitterly, emphasizing her words with annoyance and irritation.
Nagtataka naman ang nanay ni Lash sa ikinikilos nito magmula sa kaniyang mga salita. She's jealous, it was the best word that describe what she feels right now.
Fuck it! Why do I have to be jealous?! Zehra thought in her mind.
She's nothing to him, come on, Zehra! Huwag kang bitter, Zehra. Nakaraan na siya, ang importante 'yong present at future niya. She reminded herself.
"O-Okay, hija," sang-ayon ng nanay ni Lash.
Pabagsak na inilapag ni Lash ang kaniyang kutsara at tinidor, napalingon ang lahat sa kaniya. Masama ang kaniyang tingin nito kay Zehra.
"Sit, woman," malamig na utos niya.
Kumunot ang noo ni Zehra. "Ano ba ang problema mo, Lash?" tanong niya. "Masama nga pakiramdam ko at nawalan ako ng ganang kumain, wala kang magagawa roon." may bahid ng inis sa tinig niya.
Lash fists crumpled, his jaw clenched and the veins on his neck were showing. He looks ferocious, his eyes were cold, and his face has no expression at all.
"You're my problem, what's with you?" He fired back. "What the fuck is your fucking problem?!" Lash growled, he can't stop himself from shouting because of frustration.
"Lander!" suway ng kaniyang nanay. "Huwag mong sigawan si Zehra at respetuhin mo ang hapag-kainan!" pagalit na pangaral ng nanay nito.
Sinulyapan ni Lash ang kaniyang Ina ngunit bumalik ang kaniyang tingin kay Zehra. "Let's talk, woman..." he uttered, bluntly.
"Kausapin mo na lang ako, Lash kapag malamig na ang ulo mo," malamig na usal nito bago talikuran ang mga kasama at naglakad paakyat sa silid ni Lash.
She felt her heart become heavy. She felt hurt with Lash's words and reaction. Nasaktan siya kasi hindi man lang iniwasan ni Lash ang paghalik ng kaniyang ex-girlfriend. Harap-harapan, pero wala man lang aksyon na ginawa si Lash. He didn't even give a damn if someone kiss him.
Ini-lock niya ang pinto, nagmukmok lamang siya buong umaga hanggang sa dumako ang tanghalian. Hindi niya ramdam ang gutom, wala siyang pakialam kahit na kumakalam ang kaniyang sikmura.
Wala rin Lash na kumatok sa pinto ng silid na kinalalagyan niya. Nakasimangot na lamang ang kaniyang mukha buong tanghali nang maisipan niyang humiga at ipikit ang kaniyang mga mata hanggang sa hindi na niya namalayan ang mahimbing na pagtulog.
KUMAKATOK si Lash sa pinto ng silid niya ngunit walang sumasagot. Sinubukan niyang buksan pero naka-lock naman ang pinto kaya humugot siya ng isang malalim na buntong hininga.
Kinapa niya ang susi sa kaniyang bulsa para buksan ang pinto. Nakakunot pa ang kaniyang noo habang ipinapasok ang susi. At nang mabuksan ni Lash ang pinto, natagpuan niya si Zehra na mahimbing ang tulog sa kama.
Lumapit siya roon at pinakatitigan ang babaeng gusto niya. She was peacefully sleeping while hugging her pillows. Lash blinked twice, he sat down beside her.
Hinaplos nito ang mahabang buhok ng dalaga, habang pinagmamasdan ito. Napangiti siya pero naglaho iyon nang maalala ang isang bagay na kinakatakutan niya. Ang tuluyan itong mawala sa piling ng dalaga.
Hindi pa man sila ngunit mahirap na para sa kaniya ang lumayo lalo pa at ilang beses ng may mangyari sa kanila. Nasa panganib pa rin ang buhay ng dalaga ngunit kailangan niya itong ibalik sa syudad para harapin ang misyon na konektado sa dalaga. Ang pagtatangkang pagpatay sa kaniya ng isang sindikato.
Naalala rin nito ang pangyayari kanina, malamang ay nagseselos ang dalaga sa kaniyang ex-girlfriend na humalik sa pisngi nito.
"She's not the woman I want to spend the rest of my life with, babae ko..." mariing bulong niya. "Ikaw lang naman ang gusto kong makasama sa habang buhay," kumpisal niya sa kaniyang nararamdaman.
Kampante siya na hindi siya naririnig ng dalaga dahil sa mahimbing ang tulog nito at ang kaniyang paghinga ay marahan at talagang hindi siya maaalimpungatan kaya sinamantala iyon ni Lash para magkumpisal sa dalagang natitipuhan.
"Hindi ko man maiparamdam ang totoong nararamdaman ko... huwag mo sana akong pagdudahan, babae ko," mabibigat ang kaniyang paghinga habang binabanggit ang mga salitang nais niyang sabihin. "Huwag mo akong pagdudahan sapagkat ang aking nararamdaman ay sigurado at totoo, walang halong biro. Sigurado ako sa iyo, akin ka, babae ko." sabi niya at kinintalan ng halik ang labi ng dalaga.
Pagkaraan ng ilang oras na pagtitig nito, gumalaw ang dalaga at napabalikwas ng bangon nang makita siya nito sa kaniyang tabi.
"L-Lash... what are you doing here?" she asked, frantically. "You're supposed to have a chitchat with your EX," she said, her voice trembled but it sounds irritated.
Lash pulled her closer to him but she struggled. "Umalis ka na, huwag mo akong hawakan!" puno ng galit sa na tulak nito.
"Huwag mo akong ipagtulakan..." mabibigat ang bawat paghinga ni Lash habang nagsusumamo. "Nahawakan na kita, babae ko, naangkin na kita... huwag mo naman sana akong ipagtulakan." may bahid ng lungkot sa tinig nito.
Kumunot ang noo ni Zehra. Kahit ramdam niya ang pananakit at pagkahilo ng kaniyang ulo, pinilit niya ang sarili niya.
"Putangina, nakakalito ang mga salitang binibitawan mo, Lash!" sigaw nito. "Hindi ko maintindihan, nililito mo ba ako at pinaglalaruan? Lash attracted ako sa iyo, umamin akong gusto kita, linawin mo naman ang sa iyo kasi nakakabobo pa lang maramdaman ang sakit. Tangina, harap-harapan... sa harap ko pa mismo, hindi mo man lang iniwasan ang halik ng babae sa nakaraan mo!" she burst out her anger, what she truly feels.
She couldn't stand her jealousy right now. All she wanted to do is burst out and cry out loud.
"Tangina naman, Lash... ang hirap pala ng ganito. Mahirap pa lang balewalain 'yong sakit at selos na nararamdaman ko..." umiiyak na sambit niya, "kasi baka mamaya, makuha ka ulit niya. Bumalik ka ulit sa kaniya... putangina, hindi panatag 'yong loob ko hanggang nandiyan ang nakaraan mo."
"What the... Zehra! Maniwala ka sa akin, hindi ko siya babalikan at wala akong plano para balikan siya!" He growled. "Bakit ko pa ba siya babalikan, kung wala naman ng dahilan? Hindi pa ba sapat 'yong umamin ako sa iyo at inangkin kita? Putangina naman, babae! Mahal kita!" he confessed.
Zehra wiped her tears and then looked at him with a sad expression. "We like and love each other... but we don't have the label." she frankly mumbled.
Kumuyom ang mga kamao ni Lash, napasabunot siya sa kaniyang buhok sa sobrang prustrasyon.
"Label... fuck the label, woman! Mahal kita, hahanap ka pa ng label, hindi pa ba sapat 'yong katagang mahal kita?" singhal nito sa dalaga.
"Fuck you!" Galit na galit na mura nito kay Lash. Marahas siyang nagmura kahit ayaw iyon ng binata. "Fuck you to the core, Lash! Isa kang lalaki na walang bayag!"
I want him away! I want to breathe! I want to go back to my old life... wherein I do not yet know him. Where I didn't fall for him, hard.
"I have balls, woman..." malamig na sagot ni Lash. "If I don't have balls, I won't make love to you, I won't confess my feelings to you!" angil niya.
Umiiyak si Zehra, "m-mahal ka niya... anong laban ko? Mahal mo lang naman ako, pero hindi mo kayang sabihin iyon sa kaniya... kasi iisipin mong masasaktan siya."
Napahilamos sa mukha si Lash. He was frustrated. He was worried, he felt pain in his chest while looking at the woman he loves, crying because of him.
"Fuck... mahal kita, Zehra. Huwag mong pagdududahan 'yon, babae ko." malambing na usal niya. "Pero paano ko lalagyan ng label ang nararamdaman natin kung ibabalik na rin kita sa buhay na kinagisnan mo?"
Umangat ang tingin ni Zehra kay Lash, nagtataka ang mukha nito. "W-What do you mean? B-Bakit mo ako ibabalik?" nauutal na tanong niya.
Hindi sumagot si Lash.
"Ngayon na nasanay ako sa iyo, nasanay akong ikaw ang kasama ko..." putol niya at pinahid ang luha, "Kung kailan nahulog ako sa iyo at mahal kita... saka mo lang ako ibabalik. Ang sakit pala, Lash. Ang sakit mo pa lang mahalin..." nasasaktan na pahayag niya.
Lash shook his head. "I can't answer you, my woman... it's important and I don't want to risk your life when you're with me. Something is off and I can't lose you..."
Lumuluha, puno ng sakit ang puso ni Zehra. "You don't want to lose me..." she mumbled, "but it's the opposite, you're losing me now, Lash."
"Magalit ka sa akin, babae ko... kahit suntukin o bugbugin mo pa ako, hindi ka pwedeng manatili sa tabi ko..." madiin na sambit ni Lash. "Mahal kita... mahal na mahal kita babae ko. Balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit ko ginagawa ito."
Zehra titled her head, ang bigat ng pakiramdam niya. "Kung aalis ka, huwag ka ng magpapakita pa, Lash. You can't lose me, but you're losing me already. Kinakalas mo na ang nakakonektang tali sa atin."
Lash sighed, deeply. Nahihirapan siyang magsalita dahil bumuhos na rin ang mga luha sa kaniyang mga mata. It was a dramatic scene, what he hates the most but for his beloved woman, he would definitely cry.
"Mas mawawala ka sa akin kapag nasa tabi kita..." Lash said, crying. "Para sa iyo ang gagawin ko, Zehra... kahit itaya ko 'yong buhay ko, maresolba lang ang sitwasyon na ito, kasi babae ko, ayaw kitang mawala."
"Katulad ka din ng buwan..." saad ni Zehra ngunit tila pabulong iyon, "...aalis rin pagdating ng araw." dugtong niya.
Lash pulled her, and hug her tightly. He nuzzled his face on her shoulder and didn't plan to set free the woman he loves from his arms.
"Kung balang araw ay muling magtagpo, balikan ang nakaraan..." umiiyak na bulong nito. "...kung paano sinimulan ang nabuong alaala, ipagpatuloy ang naudlot na halik ng tukso at ligaya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro