Chapter 13
"Sasama ako sa pamamalengke, Lash," pamimilit sa akin ni Zehra.
Ayaw ko nga siyang lumalabas sa harap ng bahay namin, sumama pa kaya sa pamamalengke. Baka pagkaguluhan lang siya roon pero nagpupumilit pa rin ang babaeng ito.
Iritado ko siyang tinapunan ng tingin. "Maiwan ka na, mawala ka pa..." huminto ako sa pagsasalita at humugot ng isang malalim na paghinga. "
mahirap ng mawala ka sa paningin ko." dugtong ko.
Kumunot ang kaniyang noo at sinulyapan ng tingin si Charmaine mula sa aking likuran.
"Siya nga kasama mo tapos ako iiwan mo rito?" bakas ang sarkasmo sa kaniyang tinig habang tinatanong sa akin iyon.
May punto naman siya. Iiwan ko siyang mag-isa dito sa bahay pero kasama ko naman ang ex-girlfriend ko na mamamalengke. Napakamot ako sa aking noo at nilingon si Charmaine.
"Zehra look," usal ko. "Kabisado ni Charmaine ang pasikot-sikot sa wet market. Hindi naman kasi ordinaryong palengke ang pupuntahan namin." paliwanag ko.
"Saang palengke ba kayo pupunta?" humalikipkip siya, nakataas pa ang kaniyang isang kilay. "Malayo ba sa palengke niyo rito? At kung kabisado niya ang pasikot-sikot sa palengke, bakit hindi na lang siya ang utusan mo?" iritadong saad niya.
Bakas sa kaniyang mukha ang matalim at mataray na tingin niya kay Charmaine. Alam ko na kung saan papunta ang pag-uusap na ito. Bumuntong hininga na lamang ako dahil sumingit si Charmaine sa usapan naming dalawa ni Zehra.
"Bakit niya ako uutusan? Sasamahan ko nga siya, sana maintindihan mo 'yon, Zehra. Stop being a stubborn woman!" pinagtaasan ni Charmaine ng boses si Zehra dahilan para lingunin siya at samaan ng tingin.
"Shut up, Charmaine! Huwag mo siyang pagtaasan ng boses kapag kaharap mo ako!" pagalit na wika ko sa kaniya.
"Napaka-bratinela kasi ng alaga mo, Lash!" giit niya sa akin.
Alam kong narinig ni Zehra iyon at nang sulyapan ko siya ay sobrang sama na ng kaniyang tingin kay Charmaine. Wala rin ibang ekpresyon na mababakas sa kaniyang mukha kung hindi galit at iritasyon.
Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao, ramdam kong nanggigigil siya at tila naghahamon ng away.
"O tapos? Share mo lang?" sarkastikong pambabara nito sa sinabi ni Charmaine. "Ikaw nga, Ex-girlfriend ka na, narito ka pa. Dikit ka nang dikit kay Lash." angil niya. "Expired ka na, nakaraan ka na nga niya, lalapitan mo pa. Masyado kang desperada."
"Mukhang ikaw ang desperada, Zehra! Napapansin ko ang malalagkit mong tingin kay Lash. Bakit may gusto ka sa kaniya?" Panghahamon ni Charmaine.
Dinamay nga niya talaga ako. Sabagay, tama naman siya. Kahit pa pinapayagan ko si Charmaine na magpunta rito sa bahay ay hinahayaan ko lang na lapitan niya ako without knowing that she was already my past.
Umiinit ang aking ulo. Naririndi ako sa kanilang dalawa. Hindi sila magkamayaw at ayaw magpaawat sa isa't-isa. Pero nagitla ako sa katanungan ni Charmaine. Oo, inamin sa akin ni Zehra na gusto niya ako, gusto ko rin naman siya pero hindi pa abot sa puntong sobrang gusto ko siya.
"Ano naman sa iyo kung gusto ko siya? Mukhang hindi na nga lang yata gusto, e. Mahal ko na rin yata." madiin na pag-amin ni Zehra.
I was shocked, my eyes widened at her sudden confession. She likes-no! She loves me. It came from her mouth. I am not deaf, I heard her say that.
"Hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo, Zehra. Kaya huwag kang magpakampante na gugustuhin ka ni Lash. Kasi hindi siya interesado sa isang brat-" Zehra cut her off.
She flashes a devilish smirk on her lips. "Who told you that he wasn't interested in me?" She asks, raising a brow at her. "He claimed me countless times, we even fucked. He marked me and I am willing to be his possession!" Zehra blurted without breaking her eye contact with me.
Nakatingin siya sa akin ng buong tapang habang sinasabi niya iyon. Nakatitig lang rin ako sa kaniya pero tangina! Naghaharumentado ang puso ko sa binibitawan niyang salita.
"Zehra..." tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako ngunit ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang dumapo ang kaniyang kamay sa aking pisngi.
"Don't call my name, Lash..." she faked a smile. "isama mo na lang siya sapagkat para naman siyang linta na dikit nang dikit sa iyo. Magsama pa kayong dalawa." malamig na usal niya.
Magsasalita pa sana ako pero muling sinagot ni Charmaine ang sinabi ni Zehra.
"You know what, Zehra, your childish act won't make you a perfect lady. Mayaman ka nga, bratinela at napaka-isip bata mo naman. Plus, your attitude, sucks."
Zehra knitted her forehead. "If my attitude sucks, what about yours? Being delusional and you look like a leech." Zehra uttered, sarcasm filling her voice.
"Aba't! You have the guts, huh! Tandaan mo, Zehra, hindi ka kailanman magugustuhan ni Lash lalo na ang ugaling mayroon ka!" sigaw ni Charmaine.
Sumingit na ako dahil naririndi na rin ang aking tainga. Alam kong ako ang puno't-dulo ng pagtatalo nila and I can't just stand in here, watching Zehra na sinisigaw-sigawan.
Nagtalo kaming dalawa ni Charmaine at napatigil na lamang kami nang makarinig kaming pareho ng lagabog. Sabay kaming napalingon roon at nakita ko si Zehra na may hawak na pinggan at baso at inisa-isa itong itinapon sa sahig.
"Oh, bakit kayo tumigil? Itinuloy niyo na sana ang pag-aaway niyo." Saad niya at inirolyo ang kaniyang mata. "Bagay kayo, para kayong mag-asawa na nag-aaway sa isang bagay," sarkastikong usal niya at pekeng ngumiti.
Kumunot ang aking noo. "What the fuck are you talking about, Zehra? Damn it! Tangina, hindi ko siya gugustuhin na maging asawa! Stop babbling, woman!"
She laughed, intentionally. "Huwag mo na akong gamitan ng mga salita mong walang katotohanan, Lash..." wika niya. "Kahit pa magpakasal kayo, wala naman akong karapatan na humindi at tumutol. Sino ba naman ako? Tama naman siya, isa lang akong bratinela na binabantayan mo na nagkagusto sa iyo." saad niya, naging malumanay na ang kaniyang boses.
What the fuck is she saying? Tangina, naguguluhan ako. I'm puzzled. Kanina umamin siya tapos ngayon... fuck! Ang gulo niya.
"Zehra, ano ba ang pinagsasabi mo? I told you, ikaw ang gusto kong angkinin, ikaw ang gusto kong maging parte ng ala-ala ko. Ano ba ang hindi mo maintindihan roon?" nagsusumamo kong tanong.
She swallowed a lump in her throat. "Naiintindihan ko, Lash. Trabaho mo lang akong bantayan pero hindi ibig sabihin niyon ay mahuhulog ka rin sa akin kapag sinabi kong nahulog na ang loob ko sa iyo."
"Seems like you didn't get any of my words, Zehra. Hindi ko maipakita kung ano ang totoo pero isa lang ang sasabihin ko..." tumigil ako at inisang hakbang ang pagitan namin. Wala akong pakialam kung nakikita kami ni Charmaine. Tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Zehra at ako lang.
"Sigurado ako sa iyo. Sigurado na ako sa nararamdaman ko..." sinserong sambit ko.
Natulala siya. Hindi ko na lang siya hinayaan na magsalita bagkus ay tinalikuran ko siya at bago ko hilain si Charmaine palabas ng bahay ay nagsalita pa akong muli.
"Kung hindi pa rin malinaw sa iyo, ipapaintindi ko pa rin kahit sobrang magulo para sa iyo. Ang akin lang, sigurado na ako sa iyo."
Iniwan ko siyang mag-isa. May parte sa akin na gusto ko siyang isama pero sa lagay namin na iyon kanina, mukhang mas gugustuhin ko na lamang na manatili siya sa bahay dahil baka mag-away lang kami at ano pa ang masabi ko sa kaniya.
Pabalibag kong isinara ang pintuan ng driver seat. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Lumingon ako sa passenger seat, nakatulala lang si Charmaine sa akin pero sinulyapan rin niya ako.
Bakas ang lungkot sa kaniyang mata. Pero wala naman na akong pakialam dahil matagal na akong walang nararamdaman sa kaniya. I moved on after our break up.
"I-Is it true, Lander..." she asks, stuttering. "W-What about me? What about my feelings for you? I want you back, Lash."
Kumunot ang aking noo. Iritado ang aking ekspresyon. Hindi ko siya nilingon, nakatutok lamang ako sa daan.
"What about your feelings?" malamig kong tanong sa kaniya.
"Mahal pa kita, Lash..." pag-amin niya.
I cursed inside my head.
"It's not love, Charmaine. Huwag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa akin." madiin na usal ko. "You left me... with another man and you're expecting me to bend down my knees on you after what happened? I won't please you, Charmaine. I won't ever do that again." malamig at seryoso ang aking tinig sa pagsasabi ng masasakit na salitang iyon.
I don't care. Who cares if I hurt her with my words. Quits lang kami, nauna siyang nang-iwan tapos pagbalik ko sa bayan namin, babalik na ako sa kaniya? No freaking way!
I'm not a fool. I'm not the Lander Shawn before. That person was dead a long time ago. I've already changed. Hindi na ako ang lampa at tatanga-tanga noon.
I heard her sob but then again, I don't give a fucking care if she's crying.
"P-Pwede naman tayong... magsimula," she said, sobbing. "Nagkamali ako pero pinagsisihan ko 'yon, Lander. P-Pinagsisihan ko sa bawat araw na lumipas na maiisip ko ang ginawa ko sa iyo noon..."
I smirked. "No, we can't start over again, Charmaine. Hindi na tayo babalik sa dati. I've change, woman." I paused and sighed deeply. "Pinagsisihan ko rin na minahal kita..." dugtong ko.
I tightened my grip on the steering wheel. I stopped the car along the street. I looked at her with pity. She's crying, wholeheartedly.
"M-Mahal kita, Lander... mahal na mahal kita!" she retorted. "K-Kahit kaonti, wala na ba... wala ka na bang nararamdaman para sa akin?" She asked, looking at me intently.
"You know what I feel for you right now, Charmaine..."
Kumibot ang gilid ng kaniyang labi. Kita ko ang kaonting pag-asa sa kaniyang mga mata na nakatingin sa akin.
I'm cold and heartless. I've changed for what had happened between me and her.
"Y-You have feelings for me?" she then questioned me.
I chuckled, bitterly.
"Pity..." I mumbled. "Pity is what I feel for you, woman."
Her eyes widened. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Tila hindi inaasahan ang aking sasabihin.
"W-What... L-Lander?" putol na usal niya. "I... I thought you have feelings for me," lalo siyang umiyak.
"Wala na akong nararamdaman para sa iyo..." bulalas ko. "Kahit ilang beses mong sabihin sa akin na mahal mo pa ako, wala na rin mangyayari dahil kahit baliktarin mo pa ang mundo... ang nararamdaman ko para kay Zehra ang mas priority ko."
"L-Lander..."
"Get out of the car, Charm." malamig kong utos sa kaniya.
"P-Pero-"
Nanlilisik ang mata kong lumingon sa kaniya. "I said get out of the god damn car, woman!" I shouted, angrily. "Or else, I'll be the one to drag you out!" I threatened her.
Mabilis siyang lumabas ng sasakyan. I started the engine and drove back at home to fetch Zehra. Mabilis ang pagpapatakbo ko, nakasandal ang isa kong kamay sa pinto ng kotse at pinaglalaruan ang aking labi habang ang isa ay nakahawak sa steering wheel.
Nang makarating ako sa harap ng bahay, ipinarada ko na lamang ang kotse ng hindi maayos. Patakbo akong pumasok sa loob at umakyat sa silid ko pero naka-lock ang pinto.
Ilang beses ko 'yon kinatok pero hindi ko na lang ginawa dahil nanlilisik na mata ni Zehra ang sumalubong sa aking pagbukas ng pinto.
"Oh, bakit bumalik ka pa?" malamig na tanong niya.
I smiled at her. "Binalikan kita... ikaw ang gusto kong kasama sa pamamalengke." sagot ko.
Tinalikuran niya ako, hinayaan niyang nakabukas ang pinto kaya pumasok na lamang ako at ini-lock iyon. Hindi niya ako pinansini bagkus naupo siya sa dulo ng couch, nakasimangot ang kaniyang mukha.
"Hindi ka na sana bumalik. Nag-enjoy ka na sana kasama ng ex mong expired na." mapait na sambit niya.
Tangina, ganito ba siya magselos? Napakagat ako sa ibabang labi, lumapit ako sa kaniya pero sumandal ako sa likod ng couch at humalukipkip.
"Nagseselos ba ang babae ko?" tanong ko habang may ngiti sa aking labi.
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "Kaselos-selos ba ang expired mong ex?"
I chuckled.
"You're jealous, love. Tangina!"
She glared at me. "Minumura mo ako?" masungit na tanong niya.
"Minamahal kita, babae ko."
She rolled her eyes on me. Yumuko ako at inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, nagulat siya nanlaki pa ang kaniyang mata. Cute, though.
I chuckled again. "Namumula ka, babae ko," I whispered.
She move her face away from me. Seryoso lang ang mukha niya pero namumula talaga na parang kamatis. She bit her lower lips, I gulped. Tumingin siya sa ibang direksyon.
"Maputi lang ako at naiinitan kaya namumula ako," giit pa niya. "Hiindi ako kinikilig kung iyon ang nais mong ipahiwatig. Walang nakakakilig sa sinabi mo."
Instead of talking, I kissed her cheek. "Alam ko ang pinagkaiba ng maputi sa literal na pamumula ng pisngi mo, babae..." muli kong sambit sa kaniya. "Kabisado ko na ang lahat sa iyo, maging sa ugali at sa bawat parte ng katawan mo." dugtong ko at dinilaan ang ibaba kong labi.
"Share mo lang?" pambabara niya sa akin.
"Share a kiss with me..." saad ko.
Walang alinlangan kong kinabig ang kaniyang batok at hinalikan siya sa kaniyang labi na ganoon ang posisyon. Ako na nakasandal sa likod ng couch at siya na nakaupo.
Pinalalim ko ang halik. "Open up, woman..." bulong ko sa pagitan ng aming labi. She oblige.
Nag-eespadahan ang aming mga dila hanggang sa kapusin kami ng paghinga. Hindi ako bumitaw sa pagkakahawak sa kaniyang batok bagkus nang makahinga ulit kaming dalawa ay muli ko siyang hinalikan na tinugon naman niya.
"I would love to share my body with you, woman..." I whispered between our kisses. "Might share with me the couch where you are sitting and let me romance and pleasure you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro