Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Nahihiya akong lumapit sa nanay ni Lash para sana itanong kung nasaan ito ngunit bago pa ako tumalikod at umalis sa kusina ay napansin na niya ako.

"Oh hija, gising ka na pala. Umalis pala si Lander dahil may pupuntahan lamang daw saglit sa bayan." paliwanag ni Nay Luring sa akin.

"Magandang umaga po, nay," bati ko. "Hindi naman po siya nagsabi sa akin kagabi kung aalis siya ngayon." sambit ko.

"Ayaw ka na daw kasi niyang gisingin dahil mahimbing ang tulog mo, hija."

I nod my head as an answer. Nagluluto siya ng agahan kaya naisipan ko na rin na tumulong kahit papaano. Hindi ko ito ginagawa para magpa-impress sa nanay ni Lash, ginagawa ko ito kahit hindi ako marunong dahil nakakahiya kung wala akong gagawin.

"P-Puwede po ba akong tumulong?" kapagkuwan ay tanong ko.

Sinulyapan ako ni Nay Luring, may ngiti sa kaniyang labi. "Marunong ka ba, hija?"

Napakagat ako sa aking labi. "Hindi po pero puwede naman po akong magpaturo sa inyo, hindi po ba?"

Sumilay ang isang malaking ngiti sa labi niya. "Oo naman, hija. Alam mo kasi, mas gusto ni Lander ang babaeng marunong sa kusina." paliwanag nito.

Biglang pumasok sa aking isipan ang tungkol na naman kay Charmaine. Lumapit ako sa lamesa at kumuha ng gulay na nakahanda roon para balatan at hiwain.

I'm not good at cooking, I'm a trouble maker. Kabaliktaran sa babaeng natitipuhan ni Lash. Umangat ang aking tingin ng mapansin ko ang titig ni Nay Luring.

"May gusto ka bang itanong, hija?"

"W-Wala naman po..." utal kong sagot.

Mapanuri ang kaniyang tingin kaya kinagat ko ang aking ibabang labi. Muli sana akong magsasalita ngunit naunahan na niya ako.

"May bumabagabag ba sa isipan mo, hija? Tungkol ba ito sa sinabi ko tungkol kay Charmaine?"

Nag-iwas na lamang ako ng tingin at sinubukan kong hiwain ang gulay. "M-Marunong po bang magluto ang EX ni Lash?" nahihiyang tanong ko.

"Oo naman, magaling 'yon sa kusina pero no offense, hija, matagal na 'yon." sagot niya.

Napatango na lamang ako at muling yumuko para ipagpatuloy ang paghihiwa ng mga gulay. Hindi naman na ako muling kinausap ng nanay ni Lash kaya tahimik lamang kami sa pagluluto hanggang sa matapos ito.

Lumabas ako ng kusina para pumunta sa labas ng kanilang bahay para masilayan ang magandang panahon at lumanghap ng malamig na hangin. Katamtaman pa lang naman ang init kaya hindi masyadong masakit sa balat.

Nag-iinat ako at sinusubukan kong mag-stretching nang mapansin ko ang isang traysikel na papalapit sa bahay nila Lash. Nang mapagtanto kong siya 'yon, tumigil ako sa aking ginagawa at tumingin lamang sa kaniya. Bumaba siya sa traysikel, sumilip ako ng kaonti sa loob, may kasama pala siya.

Sino 'yon? Nobya niya? Pinakilala niya akong nobya sa nanay niya tapos may nobya pala siyang idadala sa bahay nila? Sikmat ko sa aking isipan.

Bumaba ang babae at inalalayan pa siya ni Lash. Kumunot ang aking noo, napansin ko ang morenang balat nito at maganda rin ang pagmumukha. Parang hindi siya laking probinsya dahil sa maganda nitong pananamit at kurba.

Nagtagpo ang mata namin ni Lash. Seryoso lamang ang mukha niyang sumulyap sa akin. Umalis na rin ang traysikel at napansin ako ng babaeng kasama nito.

"Oh, sino siya Lander? Bagong katiwala ng nanay mo?" mapaklang tanong nito.

Nagpanting ang aking tainga sa narinig. Ako? Magiging katiwala lang o katulong? Sa ganda kong ito bilang modelo? Katiwala lang? Kunot-noo kong sinulyapan ang babae. Hindi naman ako naghahamon ng away.

Kaya pala umalis siya at hindi ako ginising kasi may kasama pala siyang i-uuwi dito sa bahay nila.

Damn, Zehra! Don't be so fucking bitter, bitch! Hindi ka naman niya totoong girlfriend dahil kunwari lang iyon para may rason siyang makipagkita sa babae niya.

"Hindi naman ako katiwala ng nanay niya," mapait kong sabi. Sinulyapan ko si Lash. "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kasama mo?" tanong ko, may bahid ng sarkasmo sa aking tinig.

He looked at me, seriously. "She's a friend, Charmaine." sagot niya.

Napataas ang aking kilay sa pangalan na binanggit niya. Charmaine? Ex niya pala ang kasama niya. Tangina, nakakatawa. Nakaramdam ako ng kaonting kirot sa dibdib ko ngunit binalewala ko na lamang 'yon.

"Oh, bakit siya nandito? Nagbabakasyon rin ba?" muling tanong nito.

Ako na ang sumingit sa usapan nila dahil ayaw ko ng marinig pa kung ano ang sasabihin ni Lash. Humugot ako ng isang malalim na paghinga. Walang emosyon na mababakas sa aking mukha. Nanatili lamang ang aking tingin kay Lash ngunit napakuyom ang aking kamao nang kumapit ang linta sa braso niya at idinikit pa ang malaki nitong dibdib na lalong nagpakulo sa aking dugo.

"Mauuna na ako sa loob, nakakasulasok kasi kayong tingnan," ngumiti ako ng peke kay Lash at muling sinulyapan si Charmaine. "Huwag mo masyadong idikit 'yang dibdib mo, at saka, huwag kang kumapit na parang linta, hindi ganoon ang tipo ng nobyo mo." sabi ko at tumalikod na at mabilis na tumakbo papasok sa bahay nila.

Nakasalubong ko pa ang nanay ni Lash sa may sala ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at nagtuloy-tuloy na lamang sa silid na tinutulugan ko at ini-lock ang pintuan.

Nagmukmok ako sa kama, yakap ko ang aking dalawang binti. Pinilit ko ang sarili ko na huwag isipin ang tungkol sa dalawa ngunit mas lalo lamang akong nakaramdam ng kirot sa sa aking dibdib.

Yes, I like him so much and it's fucking hurt seeing him with someone else. May pasabi-sabi pa siyang gusto niya akong markahan at angkinin pero may iba naman pala siyang gusto.

Funny right?

Kahit anong gawin ko, hindi niya ako magugustuhan. At isa pa, kaya lang siguro siya umuwi dito at dinala sa lugar nila para ipakita sa akin na mas lamang sa akin ang babaeng minahal niya.

"How funny is that, Zehra..." bulong ko sa aking sarili.

Mahigpit ang pagkakayakap ko sa aking binti at naramdaman ko na lamang na basa na ito dahil umiiyak na pala ako. Pinahid ko ang aking luha. Wala naman akong karapatan kung sakaling sabihin ni Lash ang totoo sa nanay niya.

I won't demand something. I don't want to force someone to like me back. I don't want to force him to love me. Mahirap kasing pumilit ng isang tao lalo kung ayaw naman nito sa iyo. Mahirap ipilit ang ating sarili sa taong hindi naman tayo gusto.

Hindi ko naman siya pipilitin kung talagang wala siyang nararamdaman para sa akin. Dahil hindi ganoon ang pagmamahal, hindi mo puwedeng ipagsiksikan ang sarili mo kung talagang ayaw ka no'ng tao. Hindi natin kailangan pilitin ang puso nila para ibaling sa atin ang kanilang nararamdaman.

"Hindi ka naman mahirap mahalin, Lash... pero masakit pala talaga. Masakit pa lang makita na harap-harapan mong ipinapakita sa akin na mas matimbang pa rin ang iyong nakaraan..."

Ang bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko ang gutom pero wala na rin naman akong gana at ayaw ko rin bumaba dahil baka kung ano pa ang masilayan ko.

I locked myself inside the room for about an hour but no one approached me. Lash didn't even knock and talked to me. Nahiga na lamang ako sa kama at tumingala sa kisame habang ang luha ko'y patuloy sa pag-agos.

"Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko para lamang magustuhan o mahalin mo ako, Lash... kaya sana huwag ka na rin magbigkas pa ng mabulaklak na salita." mahinang usal ko.

Kasabay ng aking pagluha, isang katok ang aking narinig mula sa pinto. Hindi ko 'yon pinansin at wala akong pakialam. Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig ko ang doorknob hudyat na pilit binubuksan.

Nagpanggap akong tulog, tumagilid ako at tinakpan ang aking mukha. Rinig kong nagsara ang pinto at ang yabag na papalapit sa aking direksyon.

Lumubog ang kama, naamoy ko kaagad ang manly scent ni Lash. Hindi ko tinanggal ang unan sa aking mukha ngunit ramdam ko ang mararahas niyang paghinga at pagmumura.

"Alam kong gising ka kaya bumaba ka na para kumain," malamig ang tono ng kaniyang boses. "Zehra, huwag kang magpanggap na tulog kung ayaw mong buhatin kita pababa para lang kumain."

Huwag mo siyang pansinin, Zehra. Hayaan mo lang siyang magsalita.

"Tangina, Zehra!" malutong na mura niya. "Babangon ka o hihilain kita pababa?" banta niya.

Ganiyan nga, Lash. Kung gusto mo pa akong kaladkarin, gawin mo.

Tinanggal niya ang unan sa mukha ko at pilit nakikipag-agawan. Alam kong naiinis at galit na galit na siya ngayon pero wala naman akong pakialam. Tinanggal niya ang kumot na nakapatong sa aking hita at hinaplos iyon dahilan para mapapitlag ako't bumangon.

Isang malamig na titig ang iginawad ko sa kaniya. "May problema ka? Hindi ako nagugutom, Lash. Wala rin naman akong ganang kumain." malamig na usal ko.

Malamig rin niya akong tinitigan. "Anong problema, Zehra? Tell me, woman." utos niya.

I smiled, bitterly. "Wala, may problema ba? Wala naman akong problema." sagot ko. "Doon ka na sa baba, huwag mo na akong alalahanin, hindi lang ako gutom at wala namang problema." angil ko at ipinagtabuyan pa siya.

"Fuck, what's wrong with you?" he asked again.

"Baka sa iyo ang may mali, Lash. Doon ka na sa ibaba, huwag mong iwan 'yong girlfriend mo roon," sikmat ko.

Kumunot ang noo niya. "Girlfriend? You're my girlfriend, Zehra!" galit na angal niya.

I laughed, sarcastically. "Hindi ako namamalik-mata, Lash. Hindi mo ako girlfriend dahil nasa baba ang girlfriend na sinasabi mo..."

"Are you jealous?" he asked, sarcastically. "Charmaine is not my girlfriend, she's just a friend-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"You mean EX-girlfriend, Lash!"

"You're jealous of her," pilit niya.

"No, I'm not!" I answered. "Bakit ko pagseselosan 'yon? May panama ba siya sa akin? Magaling lang siya sa kusina, magaling rin humarot. Mukha pa lang."

"Huwag mo siyang pagsalitaan ng ganiyan, Zehra. She's far from that kind of woman." malamig na turan niya.

Strike one, ipinagtanggol niya.

"Ganoon siguro ang tingin mo sa kaniya," sagot ko. "Hindi mo lang nakikita 'yon sa kaniyang mata. Unang tingin ko pa lang, maharot na."

Kumunot ang noo niya, umigting ang kaniyang panga. "Hindi siya ganoong babae, Zehra! Hindi siya katulad mo!" galit na pagkokompara niya.

Strike two, mahal pa niya siguro.

"Doon ka na, Lash. Aayusin ko lang ang mga gamit ko para hindi ko na kayo maistorbo," lumiit ang boses ko at kamuntik pang pumiyok. "Aalis na lang ako para walang sagabal kung siya man ang ipinunta mo dito."

Hinila niya ang aking braso, mahigpit ang pagkakahila niyon dahilan para pumantay ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

"Hindi... walang aalis sa tabi ko, Zehra." bulong niya. "Hindi ka kailanman naging sagabal."

"L-Lash, huwag ka ng mabulaklak kung magsalita," my voice broke. "Oo, nagseselos ako, pero wala naman akong karapatan, e. Bakit ako magseselos, wala naman talagang ikaw at ako. Malaya kang gawin ang gusto mo, Lash." mahinang usal ko.

Kinabig niya ang beywang ko, rumagasa ang matinding pagtibok ng aking puso. Naghaharumentado ito at tila parang kabayo dahil sa bilis ng pintig.

"You're my woman, Zehra. Don't be fucking jealous with her, she's nothing."

Pilit akong kumawala sa kaniya, mabigat ang aking dibdib na tumingin sa kaniya. Bakas ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

"Oo, nagseselos ako kasi gusto kita, Lash! Hindi na nga lang yata gusto, e. Kasi sa bawat araw na lumipas, 'yong puso ko, ikaw na lang ang palaging binibigkas."

"Zehra, listen woman..."

Iniharang ko ang aking kamay sa kaniyang harapan para patigilin siya sa pagsasalita.

"Lash, hindi ko ipipilit 'yong sarili ko para magustuhan mo..." turan ko na siyang dahilan para makita ko ang isang emosyon sa kaniyang mukha. "Hindi naman ako humihingi ng kapalit, huwag mo lang akong paasahin dahil madali lang ako mapalapit sa isang tao."

"Tangina, Zehra! Hindi ba malinaw na gusto kita? Ipinakilala na kita sa nanay ko, hindi mo pa rin ba makuha na gusto kita?" puno ng prustrasyon sa kaniyang tinig. "Gusto mo bang ipalathala ko pa para malaman ng buong mundo na gusto kita? Na akin ka?"

"L-Lash..."

Walang pumapasok sa utak ko. Masyado akong naguguluhan, ang hirap niya rin kasing basahin. Wala akong maintindihan.

"Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na akin ka, Zehra... kasi putangina, gustong-gusto kita! Pinipigilan ko lang ang sarili ko, mahirap kasing ipilit ko ang nararamdaman ko kung hindi naman naaayon sa totoong nararamdaman mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro