Chapter 10
Pagdating nila sa bayan ng San Lorenzo, sumalubong na agad ang malamig na simoy ng hangin. Niyakap ng lamig ang katawan ni Zehra dahil kahit normal man ang damit nito at hindi katulad ng kaniyang isinusuot ay mas tumitingkad at kapansin-pansin siya lalo ang mga binata sa paligid.
Nang makarating sila sa terminal ng traysikel ay halos pinagtitinginan siya maging ang kasama niyang si Lash. Nagulat pa ito nang makilala siya ng mga traysikel driver.
"Oy, Lander! Ngayon ka lang ulit nakabisita dito sa atin, ah! Kumusta na?" tanong ng isang lalaki na nakasuot ng puting long sleeve. Sinulyapan niya ang dalagang nasa likuran ni Lash. "Oh, kayganda naman ng dilag na 'yan, hijo. Nobya mo?" kastigo nito.
Nanlaki ang mata ni Zehra at mabilis na nilingon si Lash na may ngising nakapaskil sa kaniyang labi.
"Hindi natin alam, Kuya Leo." sagot nito.
Sumulpot naman sa gilid nito ang isang lalaki na nasa mid-40's na. "Sinong chic magnet 'yan, Lander? Ganda naman ng nabingwit mo."
Natawa lang si Lash na ikinairap naman ni Zehra.
"Syempre! Pogi ako, e. Kaya maganda ang dilag na katabi ko," sagot nito sabay baling kay Zehra at iginalaw-galaw pa ang kilay nito.
Inirapan lamang siya ng dalaga at humalukipkip. "Tutuloy pa ba tayo sa inyo o makikipagdaldalan ka lang sa mga kakilala mo?" Masungit na tanong niya.
Nagtawanan ang mga kakilala ni Lash dahilan para lumingon ito sa kanila at tinaasan ng kilay. "Huwag kayong tumawa riyan!" inis na angil niya.
Kinabig na lamang ni Lash ang kaniyang beywang at kamuntikan na siyang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan. Inis niyang nilingon si Lash ngunit seryoso na lamang ang mukha nito.
"Sumakay ka na," ma-otoridad na utos niya. "Huwag ka ng masungit riyan, baka pag-initan ka pa. Bagong salta ka pa naman dito sa lugar namin." saad niya.
Sumakay na sila sa traysikel. Tahimik lamang sila at walang nais magsalita. Pansin ni Zehra na maganda ang tanawin sa kinalakihan ni Lash at nagtataka siya kung bakit Lander ang pangalan na itinawag sa kaniya kanina.
Pagkalipas ng kinse minuto, nakarating sila sa tapat ng isang mumunting bahay. Hindi masyadong kalakihan ngunit may pangalawang palapag. Maganda rin ang disenyo sa labas ng bahay at bakas sa kaniyang mukha ang pagningning ng kaniyang mga mata dahil malapit lamang ito sa bukid na sagana sa palay at kung ano-ano pa.
Bumaba sila sa traysikel. Maglalabas sana ng pera si Zehra ngunit naunahan na siya ni Lash. Binigyan niya ang drayber ng limang daan at hindi na ipinabalik pa ang sukli.
Sumalubong sa kanila ang isang matandang babae na nasa mid-50's na rin kung kakalkulahin. Hindi pa naman masyadong kulubot ang balat nito at pansin rin niya ang kakaibang ganda ng matanda.
"Jusko! Ang anak ko!" sigaw ng matanda habang hindi magkanda-ugaga sa paglakad. "Lander!" tawag nito sa pangalan.
"Nay!"
Nagyakapan ang dalawa sa mismong harap ni Zehra. May kung anong kumirot sa kaniyang dibdib at may tanong sa kaniyang isipan na hindi rin naman masasagot.
Sinulyapan siya ng Ina ni Lash at pabalik-balik ang tingin nito sa dalawa. Hindi naman alam ni Zehra kung ano ang gagawin kaya pilit na lamang siyang ngumiti at nagmano na lamang.
"Magandang araw po," magalang na bati niya.
"Lander, nobya mo anak?"
Nanlaki ang mata niya, sasagot na sana siya ngunit naunahan na naman siya ni Lash sa pagsasalita.
"Opo, nay. Siya po si Zehra." pakilala nito sa dalaga. "Zehra, siya ang nanay ko, si Nanay Luring."
"Ikinagagalak kitang makilala, hija. Aba'y kay ganda naman ng nobya mo, hijo." puri ng matanda.
Ngumiti lang si Lash. "Nay, dito muna kami pansamantala, gagawin na lamang namin ito bilang bakasyon."
Tumango-tango ang nanay ni Lash at sumulyap muli sa dalaga. "O siya, pumasok muna tayo sa loob at nang makakain na kayo." sabi nito at tumalikod na.
Sumunod ang dalawa habang mahina silang nagtatalo papasok sa loob ng bahay.
"What was that, Lash? Anong nobya ang sinasabi mo?" namumula ang kaniyang pisngi ngunit tinanong pa rin niya gamit ang naiiritang tono nito.
"Pabor na rin naman 'yon sa iyo, Zehra. Hindi ba ay gusto mo ako? O pagkakataon na 'yan para sa iyo." pabalang na sagot ni Lash.
"Oo, gusto kita, Lash pero hindi ko 'yon gagamitin-" naputol ang sasabihin niya.
"Tsk," Lash muttered.
Kumunot ang noo ni Zehra nang marinig na naman 'yon mula sa binata. "What T-S-K?" she spelled it.
Lash rolled his eyes at her. "Tangina, sa'kin ka."
Natigalgal si Zehra. Hindi niya maintindihan ang binata. Una, sinabi niyang nobyo siya nito sa kaniyang Ina. Pangalawa, ang salitang binibitawan niya. Pangatlo, ang gulo niya, sobra!
"Ang labo mo, Lash!" inis na bulalas niya.
Naunang maglakad ang binata. Nang makapasok na sila sa loob ng bahay nina Lash ay pinapunta siya agad sa dining area. Maganda ang loob ng bahay nina Lash, katulad rin ito ng disenyo sa labas. It is a comfortable house indeed.
"Kumain muna tayo bago kayo magpahingang dalawa. Mabuti na lang, hijo at lagi kong nililinis ang silid mo para kung sakaling umuwi ka, may tutulugan ka." sambit ng Ginang.
"Hindi ko rin inaasahan na uuwi ako, nay at kasama pa ang girlfriend ko." ngumiti si Lash, hindi rin naman 'yon pilit.
Kamuntik ng mabilaukan si Zehra ngunit dali-dali siyang uminom ng tubig. Sumulyap siya kay Lash na masama ang tingin sa kaniya.
"Ayos ka lang, hija?" tanong ng nanay ni Lash.
Nataranta sa pagsagot si Zehra. "O-Opo, ayos lang ako." nauutal na sagot niya. "Masarap po kasi ang pagkain, kaya sunod-sunod akong sumubo." giit pa niya.
Natawa na lamang si Ginang Luring sa isinagot ng dalaga. Samantala, ngumiwi at napailing na lamang si Lash habang pinagmamasdan ang namumulang mukha ni Zehra.
Pagkatapos nilang kumain ay inaya ni Ginang Luring si Zehra patungo sa silid ni Lash. Hindi naman umangal si Lash dahil kailangan niyang gawan ng paraan ang TV sa living room ng bahay para hindi makapanood ang nanay nito. Mahilig pa man rin siyang manood ng mga modelo.
NAGKWEKWENTUHAN ang nanay ni Lash at Zehra sa silid nito patungkol sa kung paano sila nagkakilala at kung paano sila nahulog sa isa't-isa.
"Ang ganda mo talaga, hija. Ang swerte talaga ng anak ko sa iyo..." natutuwang usal ng Ginang.
Hindi po ako swerte sa kaniya, hindi naman ako gusto ng anak niyo. Ako lang naman po ang may gusto sa kaniya. Sambit ni Zehra sa kaniyang isipan.
Pilit na lamang siyang ngumiti sa Ginang. "Swerte rin po ako sa kaniya..." panimula niya. "Kasi marunong siyang mag-alaga at magaling siyang bumihag ng puso ng mga kababaihan."
Nginitian siya ng Ginang. "Alam mo kasi, hija, natatandaan ko noong narito pa siya sa lugar namin ay masiyahin at palatawa siya. Ngunit kita ko naman ngayon, ibang-iba na siya. Nagbago na ang anak ko."
Curiosity filled with Zehra's eyes. "Paano niyo po nasabi? May naging nobya po ba siya noon dito?" may bahid ng kuryusidad sa tinig nito.
Humugot ng isang malalim na paghinga si Ginang Luring. "Oo, may naging nobya siya dati rito sa amin ngunit matagal na panahon na 'yon. High School pa lang yata sila noon ni Charmaine."
Charmaine? Zehra thought in mind. Kaya pala ganoon siya, mailap sa babae kasi iniwan siya o ipinagpalit?
"Ano po ang nangyari sa relasyon nilang dalawa? Nag-cheat po ba 'yong Charmaine?"
Ngumiti ulit ang Ginang. "Matalik kasi silang magkaibigan hanggang sa nahulog ang loob nila sa isa't-isa. Isang araw, nabalitaan na lang ng anak ko na may iba na palang kinakalantari ang nobya niya." pagbibigay impormasyon ng Ginang.
Tumango-tango na lamang si Zehra, pinipigilan niya ang sarili na huwag mainis at mag-isip ng kung ano-ano.
"Bakit po pala Lander ang tawag niyo sa kaniya? Eh, Lash naman po ang pakilala niya noong una." tanong niya sa Ginang para ibahin ang usapan.
Ayaw niyang marinig ang iba pang sasabihin ng Ginang patungkol sa lalaking gusto niya. Baka masaktan lang siya at ngayon pa lang, mabilis na ang paghaharumentado ng puso niya.
"Lander Sh-" naputol ang sasabihin ng Ginang nang bigla na lamang sumulpot si Lash sa kung saan.
"Tama na 'yan, nay. Kailangan ng magpahinga ng nobya ko." pagpigil nito sa Ginang. "Mag-usap na lang tayo po tayo mamaya, nay."
Tumango na lamang ang Ginang at nagpaalam kay Zehra. Lumabas na ito sa silid at dadalawa na lamang silang natira sa loob. Biglang nakaramdam ng kaba si Zehra ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya ang mga iniisip.
"Magpahinga ka na, Zehr. Kung ano man ang sinabi ni Nanay, huwag mo nang intindihin pa 'yon." malamig na saad nito.
Umangat ang isang kilay nito. "Sino muna si Charmaine?" she asks, challenging him. "At ano nga 'yong tunay mong pangalan?"
Umirap si Lash. "Wala siya sa buhay ko, Zehra. Itikom mo na ang bibig mo at magbihis ka na kung gusto mong magpahinga." pag-iwas niya sa tanong.
Mas lalong naging kuryuso si Zehra. "Eh, sino nga muna si Charmaine? Ex-girlfriend mo ba? O baka naman dinala mo lang ako dito para makipagkita sa kaniya?"
Kinagat ni Zehra ang ibabang labi nang mapagtantong mali ang kaniyang itinanong. Sinalubong niya ang matatalim na tingin ni Lash, nakaramdam siya ng pagsisisi.
Tumayo na lamang si Zehra mula sa pagkakaupo sa kama at naglakad patungo sa kaniyang mga gamit.
"Never mind, wala lang 'yon. Huwag mo ng sagutin kung hindi mo naman masagot," may bahid na kakaibang tono sa boses nito. "Hindi 'yon importante at wala pala akong pakialam kung ano mo siya." pilit niyang pinapakalma ang kaniyang boses.
"Wala siya sa buhay ko, Zehra!" matigas na angil nito. "She's just a part of my past. I've already move on and I don't want to remember her anymore..." matigas ngunit mahinon na ang tinig nito.
"Okay lang, Lash, wala naman akong pakialam. Kahit maglampungan pa kayo sa harap ko kapag nagkita kayo..."
Rinig niya ang malulutong na pagmumura ni Lash maging ang paglock ng pinto nito. Ramdam niya ang yabag ni Lash sa kaniyang likod ngunit hindi siya humarap dito bagkus isang pares ng braso ang yumapos sa kaniyang beywang at hinagkan siya mula sa likuran.
"I don't want to remember her, Zehra... Ikaw lang ang gusto kong alalahanin..." he said, nuzzling his head on her shoulder. "Tangina, sa'kin ka lang. Pag-aari kita, teritoryo kita." he claimed.
"I-I'm not yours, Lash. Huwag mo akong paasahin, mahirap kasing umasa." nauutal na sambit ni Zehra.
Lash sucked her skin. "Fuck, I want to claim you... marked you, exclusively," he whispered. "Payag akong maging akin ka kung gugustuhin mo lang."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro