Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8


RAYNE POV

Bigla akong naalimpugutan sa pagkakatulog sa malakas na sigaw ni kuya. Pupungas-pungas akong napatingin sa kaniya na ngayo'y halos umusok na ang tainga sa inis. Kulang na lang pati ilong ay umusok din.

Hawak-hawak nito ngayon ang mga damit niya na kusot-kusot at hindi natupi.

"You called for me?" inosente kong tanong na mas lalong nagpatindi ng inis niya.

"What the hell did you do to my clothes? Bakit ganito na sila!"

"Bakit kuya? Inilagay ko naman sa cabinet mo ang mga gamit mo," kalmado kong sagot.

Napalunok lang ako nang makitang nanginginig na si kuya sa inis. Galit na talaga siguro ito.

Uh-oh! Better escape! Napalunok ako sa naisip. Bago pa man siya magsalita ay mabilis na akong tumalima para buhatin si Agatha sabay takbo palabas ng kwarto.

"Rayne! Hindi pa tayo tapos!" malakas na sigaw ni kuya. Ramdam ko pa ang bahagyang pagyanig ng sahig pati na rin ang biglaang pagkakaroon ng malakas na hangin sa korridor. Imbes na matakot ay napabungisngis lang ako.

"You're welcome! It's your damn fault for always making me fix your things everytime!" Sigaw ko naman pabalik bago tumawa.

I got him this time!

Dumiretso na muna kami sa rooftop para tumambay. Hihintayin na lang namin na makaalis si kuya bago bumalik sa kwarto. Mabuti na lang ay may mga duyan dito na pwedeng higaan.

Pagkababa ko kay Agatha ay tinuro ko na agad ang duyan sa kabila. Saka lang ako nahiga nang maglakad na ito palayo. Napatingin ako sa kabuuan ng Campus. Napangiti pa ako nang makita ang iba't-ibang mga bulaklak. Nakakaakit sa mata ang mga kulay nila.

Napapikit ako ng mariin. Ninanamnam ang malamig at preskong simoy ng hangin. Malaya itong humahampas sa aking balat. Hindi ko masyadong nararamdaman ang init ng panahon sa tuwing tatambay ako rito.

Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga talukap. Pilit ko itong nilalabanan pero sa huli ay bumigay na rin ako.


Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakaidlip pero napamulat ako ng mata ng maramdaman ang paisa-isang patak ng ulan.

Kamalas naman oh! Kung kailan ang sarap na ng higa ko saka pa lang uulan! Buwisit! Padabog akong tumayo saka pinuntahan si Agatha. Tuwid na tuwid itong nakaupo habang nakatingin sa malayo. Hindi ba nasakit ang likod niya?

"Agatha, tara na, baba na tayo. Mukhang uulan eh," malambing kong sabi. Napatango naman ito kaya inalalayan ko na siyang tumayo. Nakakailang hakbang pa lang kami nang magsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Binuhat ko na lang siya bago tumakbo patungo sa may pintuan.

Ang ending, basang-basa kami.

"Pambihira naman oh! Wrong timing naman ang pag-bless mo sa 'min kaibigang ulan! Yung totoo? May galit ka ba sa 'min?" Malakas kong sigaw habang pinagmamasdan ang patuloy na pagluha ng langit.

Hindi ko na rin binaba si Agatha habang binabagtas namin ang daan pababa sa floor namin. Mas gusto ko iyong ganito kami palagi pero hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako. Paanong ang gaan-gaan niya samantalang doble pa sa 'kin ang kaniyang kinakain?

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa kwarto. Dineretso ko na agad siya sa banyo. Papaliguan ko na kasi ito at baka magkasakit pa. Mananagot ako kay kuya kapag nangyari iyon.

Gaya ng una, nilagyan ko na muna ng maligamgam na tubig ang bath tub. Mula sa dulo ng mga mata ko ay nakita kong nagtanggal na ito ng damit. Napangiti ako, mabuti na lang at medyo alam na niya ang gagawin. Hindi ko na kailangang sabihin pa.

Nang wala na itong saplot ay sumenyas na ako. Lumusong naman agad siya sa tubig kaya napangiti ulit ako. Ayos na rin siguro ito. Sooner or later, makakaya na rin niyang maligo ng mag-isa. Hindi naman ako nagrereklamo. Ang akin lang, syempre babae pa rin siya. Nirerespeto ko pa rin ang katotohanang iyon. Kailangan pa rin niya ng private space.

Isa pa, ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Pakiramdam ko kasi, ang bastos-bastos ko kapag nakikita at nahahawakan ko ang buo niyang katawan sa tuwing pinapaliguan ko siya. Hindi ko naman sinasadya iyon. Ang hirap magpaligo lalo na kapag todo iwas kang mapatingin sa pinapaliguan mo.

Saka isa pa, alangan namang hindi ko na siya sabunan? Eh di hindi na ligo ang tawag doon. Nagbasa lang siya ng tubig? Ano iyon? Kahit naman papaano ay iniiwasan ko pa ring mahawakan ang mga pribadong parte ng katawan niya. Pinapadaanan ko na lang ito ng sabon para kahit papaano ay malinisan. Syempre, may hiya pa naman akong natitira sa katawan.

Gaya ng sinabi ko, may respeto pa rin naman ako sa kanya bilang isa siyang babae.

Naputol lang ng pagmumuni-muni ko nang biglang gumalaw ang kamay niya. Para siyang may sinusulat sa hangin. Ah, naglalaro lang siguro ito. Itutuloy ko pa sana ang pagsasabon sa kanya nang biglang may lumabas na mga letra sa hangin. Napamulagat ako sa nakita ko pero hinintay ko lang itong matapos.

Food.

"Eh? Food?" wala sa sarili kong sabi.

Hindi ko na sana ito papansinin pero ilang saglit pa'y biglang lumuwa ang mga mata ko ng mapagtanto kung ano ang nangyari.

"Agatha, i-ikaw ba ang may gawa nito?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang titig na titig sa nakasulat. Mula sa dulo ng mga mata ko ay nakita ko itong tumango na mas lalo kong iki-na-nganga. Pero paano? Paano niya nagawa iyon?

H-hindi kaya...

Mabilis pa sa kidlat akong napatingin sa kaniya at nakitang titig na titig din pala siya sa 'kin. Wala pa ring pinagbago ang mukha niya. Blanko pa rin ito at walang anumang emosyon ang mababakas sa mga mata niya. Para akong nakatitig sa dingding.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa nalaman ko ngayon. Sasabihin ko ba ito kay kuya? Alam kong hindi pala-salita si kuya pero sa ngayon ay mas maigi na muna sigurong ako lang ang nakakaalam.

Sa totoo lang, may isang parte sa 'kin na masaya dahil katulad din pala namin siya habang ang kalahating parte naman ay malungkot dahil alam kong sa oras na malaman ito ni HM, paniguradong malalagay na palagi sa panganib ang buhay niya at iyon ang pinaka-ayaw kong mangyari. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kaniya nang dahil sa kapabayaan ko.

Hindi ako papayag na mapasok siya sa mundo namin, sa mundo ko na magulo at mapanganib.

I'm sorry kuya, I hope you'll forgive me for doing this. Humugot na muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago magsalita. Sana lang ay tama ang desisyon ko.

"Agatha," tawag ko sa kan'ya. Napalingon naman agad siya.

"Makinig ka sa 'kin. Please promise me, huwag na huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kani-kanila lang," saad ko. Inaasahan ko na tatango ulit siya pero hindi nangyari. Nanatili lang itong nakatitig sa 'kin.

Wala pa ring bakas na kahit anong emosyon ang kaniyang mukha. Just then, I felt a chill ran down my spine. Napalunok pa ako titigan niya ako sa mata. Dinaig ko pa yata ang nakuryente nang maramdaman ang pagtindig ng lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Hindi rin ako makagalaw. Para akong na-i-pako sa aking puwesto.

Nakakakilabot ang kaniyang mga titig! Pakiramdam ko'y hindi siya sa 'kin nakatingin kundi sa aking kaluluwa!

Nakahinga lang ako ng maluwang nang itinaas niya ulit ang kanyang kamay saka nagsulat.

Why?

Napahawak ako sa aking batok. Ang nakakatindig balahibong karanasan kani-kanina lamang ay biglang nawala. Paano ko ba 'to ipapaliwanag? Lumikot ang aking isipan. Pilit na bumubuo ng pangungusap.

"Uhm, because it's dangerous."

Seriously Rayne? 'Yon lang? Wala ka bang mas magandang idadahilan? Sana lang ay kagatin niya.

Sa pagkakataong ito ay hindi na siya nag-abalang magsulat sa hangin dahil kusa na lang itong lumitaw mula sa kung saan.

Why?

Paano niya nagagawa iyon? Ano kayang kapangyarihan ang mayroon si Agatha?

Napabuntong-hininga na lang ako ng makitang titig na titig pa rin ito sa 'kin. Gaya kanina ay wala pa rin akong makitang expresyon sa napakaganda niyang mukha pero alam kong naghihintay ito ng sagot. Sasabihin ko ba ang dahilan? O hindi? Ah! Bahala na!

"Dahil maaari tayong mapahamak kapag nalaman ng mga tao ang tungkol sa 'tin. Sa kanila kasi ang mundong ito kaya't kinakailangan nating mag-ingat sa bawat galaw natin," paliwanag ko. Para sa amin ay sagrado ang kautusang ito. Ito kasi ang paniniwala na itinatak ni HM sa mga utak namin.

Sana lang ay maintindihan niya. Hindi lang kasi siya ang mapapahamak kung sakaling may makaalam tungkol dito. Lahat kami, damay.

Nang dumiretso ito ng tingin ay napangiti ako. Naintindihan niya. Hindi ko na kasi alam kung anong explanasyon ang ibibigay sa kanya. Pakiramdam ko'y tinakasan na ako ng mga isasagot kung sakali.

Akmang itutuloy ko na sana ang pagpa-paligo sa kanya nang bigla na lang lumabas ang isang pangungusap na hindi ko inaasahan.

Humans are nothing, but an insect. They will never command this world, and they will most certainly never claim lordship over Gaia.

Napanganga ako sa nabasa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y may malalim itong kahulugan. Tumatak ito sa aking isipan. Ako lang ba o ano? Pakiramdam ko'y may itinatago siya sa amin. Now that I think about it, aside from her name, I didn't know anything about her. Damn! How can I be so stupid?

Napasulyap ako sa kanya at nakitang wala pa ring pinagbago ang mukha niya kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Sino ka ba talaga, Agatha Vessalius D' Valliere?

Pinalipas ko na muna ang ilang saglit bago binalik ang attensyon sa pagpapaligo sa kan'ya.

"Let's get you clean up, shall we? I would like you to meet my friends later before class starts."

Gaya ng dati, naghintay na muna ako ng ilang segundo bago siya tumango. Hindi ko na lang ito pinansin at itinuloy ang gunagawa pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga nabasa ko kanina.

Malaman ang mga ito. Parang may gusto siyang ipahiwatig. Hindi ko alam kung isa ba itong babala, pangaral o ano.

Binuntong-hininga ko na lamang ang mga namumuong tanong sa aking isipan at tinuon ang aking pansin sa ginagawa.

Lumipas pa ang ilang minuto ay natapos na rin ako sa pagpapaligo kay Agatha. Napatingin ako sa relo ko saka ngumisi. Inabot lang kasi ako ng bente minuto sa pagpapaligo ko sa kaniya hindi katulad noong una na halos isang oras.

Agad ko na siyang pinaahon sa tubig bago balutan ng bathrobe ang katawan. Una kong tinuyo ang buhok niya bago katawan saka siya sinuotan ng damit.

Ilang beses ko ng nakita ang kabuuan niya pero aaminin ko, hanggang ngayon ay abot-langit pa rin ang dagundong ng dibdib ko sa tuwing nakikita ko ito. Hindi ko alam kung bakit. May sakit na ba ako sa puso? Kailangan ko na bang magpa-doktor?

Bumalik lang ako sa pagkatulala ng marinig ang tunog ng telepono ko.

Hoo! Save by the cellphone! Agad ko itong hinablot. Mula sa screen ay nakita ko ang isang text message galing kay Gian.

From Gian:

Fra. Nd2 na rw kau x skul? Anu fra? Mzta bksyn? May nklala kb n bgong chikas? Pklla m nmn c aku!

Muntik na akong mabalinguyngoy sa nabasa. Potek talaga itong lalaking ito. Hindi na nagbago. May balak ata siyang ubusan ako ng dugo sa pagbabasa ng mga text niyang kulang-kulang ng letra. Masabihan nga ito.

[To Gian:

Sira ka talaga fra! Saka, pwede ba, bawas-bawasan mo naman ang pagkakuripot mo, pati tuloy pag-ti-text, jejemon. Nag-titipid ka ba ng letters? Huwag kang mag-alala at libre naman yung mga 'yon!]

Napangisi pa ako habang sinesend ito. Panigurado kasi na hahaba na naman ang mukha nito sa mababasa. Ayaw na ayaw pa naman niya na sinisita kung paano siya mag-text. Kesyo iyon daw ang gusto niyang i-style kaya walang basagan ng trip. Siguradong, i-de-defend na naman niya ang ka-echosan niya. Babalik na sana ako kay Agatha ng bigla ulit mag-vibrate ang cp ko kaya napatingin ako rito.

[From Gian:

Inggt k lng fra! Wahahaha! Plbhx kc nd kau mrnng gmwa ng isng mstr piece kya niingt kau! Muwahahahahaha!]

Sabi ko na nga ba eh. Ayaw na ayaw talaga magpatalo ng lalaking ito, lalo na sa paraan nito sa pag-te-text.

[To Gian:

Eh di wow! Hahaha! Ikaw na magaling.]

Hindi ko na hinintay ang reply niya at nag-text na ulit ng bago. Baka kasi hindi na ako makaligo sa sandamakmak niyang reply. Ang bilis pa naman nitong mag-type.

[To Gian:

Ano fra? Kita-kits na lang mamaya sa HQ? Pasabi na rin sa iba. Maliligo na kasi ako kaya hindi ko na sila ma-te-texan.]

[From Gian:

Oo fra, ako n bhla ro'n. Oh, cya, kta kts nlng.]

Hindi ko na siya ni-replayan. Sayang ang load. Baka hahaba lang ang usapan tungkol sa nakaka-balinguyngoy nitong pamamaraan ng pag-te-text.

Paglingon ko kay Agatha ay nakita ko itong nakatayo na naman sa gilid ng bintana kaya napabuntong-hininga na lang ako bago hinablot ang twalya saka pumasok sa banyo.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila siya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro