Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7


ZHYRIX POV

Mag-aalas nuebe na ng gabi nang bumalik ako sa kuwarto.

Naabutan ko sila na kumakain. Halatang kakaumpisa pa lang nila dahil hindi pa masyadong nababawasan ang mga pagkain.

"Oh, kuya. Nandito ka na pala. Kain na tayo," aya ni Rayne. Tumango na lang ako sabay upo sa bakanteng upuan. Kanina pa kasi nag-aalburoto ang tiyan ko.

Mabuti na lang at wala pa si Reese kaya may oras pa ako para makapag-isip kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol kay Agatha.

"Shan ka galing? Alash nuebe na ah?" Biglang tanong ni Rayne kaya napatingin ako rito. Naningkit agad ang mga mata ko nang makitang punong-puno ng pagkain ang kaniyang bunganga.

"I told you. Don't talk when your mouth's full!" malamig kong turan. Nakalimutan na naman ata niya ang kaniyang table manners.

Napamulagat naman ito saka mabilis na nilunok ang mga pagkaing nasa bunganga niya.

"Oops! Sorry! Nakalimutan ko!" Natatawa niyang turan habang naka-peace sign pa.

Hindi ko na lang ito pinansin at itinuloy ang pagsubo. Ilang minuto ring binaha ng nakakabinging katahimikan ang paligid hanggang sa basagin iyon ni Rayne.

"Sa'n ka pala galing kuya?"

"May inasikaso lang ako," ani ko sabay subo ng pagkain.

Napahinto lang ako sa ginagawa nang makita mula sa dulo ng mga mata ko ang kaniyang mukha. Kumikibot-kibot ang kaniyang labi. Parang may binubulong.

"May sinasabi ka?"

"Huh? Wala ah! Wala akong sinabi! May narinig ka ba kuya?"

Medyo tumaas ang aking kilay sa narinig. Napakabilis kasi niyang sumagot. Hinayaan ko na lang siya. Hindi na talaga ito nagbago.

"Naayos mo na ba ang mga gamit sa loob ng cabinet?" Automatikong nangunot ang noo ko nang makita itong napangisi.

"Ah! 'Yon ba? Oo naman! Inayos ko na!"

Sa hindi ko malamang dahilan, biglang bumilis ang tahip ng aking dibdib. Parang may mali.

"Kuya, nood ulit tayo ng pelikula mamaya ah."

Napatango na lang ako habang  pinipilit na ipagsawalang bahala ang mabilis na pintig ng aking dibdib. Saka isa pa, wala na rin naman akong magagawa kundi sumang-ayon.

Alam ko na kung paano manood ang dalawang ito. Paniguradong pati mga kapitbahay ay magigising ng wala sa oras sa lakas ng tunog.

Binilisan na lang namin ang pagkain para makapanood. Hindi kasi kami pwedeng magpuyat ngayon dahil may pasok na bukas.

Matapos ng ilang minuto ay natapos na rin kami. Agad na iniligpit ni Rayne ang mga pinagkainan namin habang isinasalang ko naman ang mga bagong bili niyang cd. Gaya ng dati, horror na naman.


Makalipas ng ilang sandali ay hindi sinasadyang napatingin ako kay Agatha. Yakap-yakap na niya ng mahigpit si Rayne habang itinatago ang mukha sa loob ng damit nito. Sumisilip pa rin naman siya sa Tv pero madalas ay nakatago ang mukha niya sa loob ng damit ni Rayne.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang hitsura niya noong unang beses naming nanood ng pelikula.

Pagbukas ko ng tv ay bigla na lang siyang yumakap kay Rayne at hindi na niya ito binitawan.

Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit wala man lang akong makitang anumang emosyon sa mukha niya. Nagtatago nga siya pero kung titignan ng mabuti ang mukha niya ay wala kang mababakas na anumang expresyon. Ni minsan ay hindi ko pa nga siya nakitang ngumiti, natakot, nalungkot o kung anumang emosyon ang mayroon ang isa tao. Blanko pa rin ang mukha niya. Pati ang mga mata niya ay wala akong anumang nababasa dahil blanko rin ang mga ito. Aaminin ko na minsan ay tumitindig ang mga balahibo ko sa kaniya. Lalo na kapag tinititigan ko siya sa mata. Napapaisip nga ako minsan kung tao pa ba siya o ano. Sa totoo lang ay magkahawig naman sila ng ugali ni Reese pero at least, alam kong tao si Reese dahil kahit papaano ay may emosyon pa rin naman ito, hindi katulad ni Agatha, wala talaga.

Naalala ko rin nung unang araw niya sa bahay. Hindi niya alam gamitin ang mga kagamitan na para bang noon lang siya nakakita ng mga ganoon sa tanang buhay niya. Lalong-lalo na iyong mga bagay na de-baterya at de-kuryente.

Para hindi siya malito ay ipinaliwanag namin sa kaniya ng isa-isa ang lahat ng mga iyon.

Kung paano gamitin ang mga ito at kung bakit namin kailangan ang mga ito hanggang sa kung saan ito gawa.

Ultimo ang pagbukas ng pagbukas ng pinto ay itinuro rin namin sa kadahilanang wala siyang kaide-ideya kung paano ito buksan.

Unti-unti naman ay natututo na siya, pero napakarami pa niyang dapat matutunan.

Bumalik lang ako sa realidad nang makarinig ng isang kahindik-hindik na sigaw. Mula iyon sa bidang babae. Nakuha agad nito ang interes ko nang makitang nagsisimula na ang katatakutan. Mukhang maganda ito.


Lagpas alas-onse na nang matapos ang pinapanood namin. Kahit papaano ay nag-enjoy naman ako sa pinapanood.

Napatingin ulit ako kay Agatha at nakitang buhat-buhat na siya ni Rayne. Tulog na pala ito.

"It's time to sleep," medyo inaantok kong sabi. Hindi ko na rin inalis ang nakasalang sa DVD dahil diretso ko na itong pinatay. Nag unat-unat na muna ako bago tumayo. Sumasakit kasi ang ang aking likod. Kailangan ko na itong ipahinga.


Napabalikwas ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa malalakas at sunod-sunod na tilaok ng manok. Pupungas-pungas man ay dumiretso pa rin ako ng upo. Kanino bang manok ang gumagawa ng ingay at dito pa talaga sa kwarto i-pi-nuwesto? Lintik!

Nilibot ko ang paningin sa paligid pero imbes na manok ay telepono ko ang nakita ko. Nakataob ito pero halatang nagvi-vibrate. Agad ko na itong kinuha. Bahagya pang nanlalaki ang mga mata ko nang makitang alas singko pa lang ng umaga.

Napahilamos na lang ako ng mukha. Sino bang gago ang naglagay ng alarm ng ganito kaaga! Shit! At tilaok pa talaga ng manok ang napiling ringtone.

Bumalik na lang ulit ako sa pagkahiga nang hindi sinasadyang mapatingin sa dalawa. Hindi na ako nagulat ng makitang wala na room si Agatha. Alam ko namang kanina pa siya gising.

Iyong kapatid ko naman, hayun ang sarap pa rin ng tulog. May pangiti-ngiti pang nalalaman ang gago. Sa hirap nitong gisingin, kahit siguro bagyuhin o lindolin ng malakas ay hindi pa rin ito magigising.

Ngayon ko lang din napagtanto na siya ang naglagay ng alarm ng ganoon kaaga. Ito rin ang nagpalit ng alarm tone ko dahil siya lang naman ang nakakahawak ng selpon ko maliban sa 'kin.

Napabuntong-hininga na lang ako bago nilibot ang paningin. Madilim pa ang sa labas pero kitang-kita ko pa rin ang pigura ni Agatha sa may teraso. Dahil nawala na ang antok ko ay tumayo na lang ako at dumiretso sa may coffee maker na katabi ng mini fridge. Balak kong gumawa ng kape para sa aming dalawa. Ang tanong, umiinom kaya siya nito? Hindi ko naman kasi alam dahil si Rayne ang palagi niyang kasama.

Ah! Bahala na!

Bago lumabas ay hinablot ko na muna ang isang jacket sa nakapatong sa sofa bago naglakad patungo sa terrace. Naabutan ko siya roon na nakatayo sa gilid habang tinatanaw ang madilim na gubat. Agad kong hinagod ang kabuuan niya. Kahit madilim ay kitang-kita ko kung gaano kanipis ang kaniyang suot. Napailing na lang ako. Hindi ba talaga siya nilalamig?

"Good morning," panimula ko. Tumabi na rin ako sa kaniya sabay patong ng jacket sa balikat niya.

"Gusto mo?" Alok ko sa kape. Tinignan niya muna ito bago ito abutin.

Napangiti naman ako bago dumiretso ng tingin.



Makalipas ng ilang minuto ay wala pa ring nagsasalita sa 'min.

This is so awkward! I have to lighten up the mood! Pero paano? Bumuntong-hininga na lang ako sa naisip ko. Hindi naman kasi ako madaldal katulad ng kapatid ko.

Think Zhyrix! Think! Think of something that will perk up her interests!

Pinilit kong paganahin ang utak ko pero pagkalipas ng ilan pang segundo ay blanko pa rin ito. Bakit ganito? Naturingan akong matalino pero anong nangyari ngayon? Bakit pati ata katalinuhan ko ay lumipad na rin paalis sa utak ko?

"This is useless! And I'm getting a headache already!" I muttered under my breath as I released a heavy sigh.

Sumulyap ako sa gawi niya pero ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang makitang wala na pala akong katabi.

Paano niya nagawa iyon? Ni hindi ko man lang naramdaman ang pag-alis niya sa tabi ko.

Ginala ko ang paningin ko at nakita siyang nakaupo na sa may lamesa sa loob. Kaharap na rin niya si Rayne kaya napakamot na lang ako ng ulo.

Wala na ata talagang pag-asang mag-improve ang communication skills ko.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas sais na pala ng umaga. Alas syete y' media pa naman ang una kong klase kaya may time pa ako para maligo.

Bumalik na lang ako sa loob. Muntik pa akong mapahagalpak ng tawa ng makita ang hitsura ni Rayne. Halatang bagong gising lang ito dahil magulo ang mga buhok. Idagdag pa na pipikit-pikit pa ang mga mata. Nagmumukha tuloy siyang pi-nag-tri-pan ng mga tambay sa kanto.

"Anong oras nga pala ang unang subject niyo?" tanong ko sa kan'ya.

Imbes na sumagot ay bigla na lang sumubsob ang noo niya sa lamesa. Hindi na ata kinaya ang antok.

I just rolled my eyes at him. Tulog mantika talaga. Maglalakad na sana ako papuntang banyo nang makitang may kung anong sinusulat si Agatha sa notebook niya kaya hinintay ko ito. Baka kasi may sasabihin siya.

10:30.

10:30? Just as I thought. Mayamaya pa. Napatingin na lang ulit ako sa relo ko na dahilan ng halos ikatanggal ng mga mata ko sa kinalalagyan nila.

Shit! 6:30 na? Ang bilis naman ng oras! Alas sais pa lang kanina tapos ngayon, 6:30 na! Ganoon na ba ako katagal na nakatayo rito?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pinuntahan agad ang cabinet ko pero pagkabukas na pagkabukas ko pa lang no'n ay biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa utak.

"Rayne! What the hell did you do to my clothes?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro