Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6


RAYNE POV

Papunta na kami ngayon nina kuya sa R&Z Megamall. May tatlumpung minuto rin ang layo nito mula sa bahay. Katunayan ay pagmamay-ari namin ang mall na ito pero kaunti lang ang nakakaalam. Ang mga tagapamahala lang ang may alam tungkol sa amin.

Pagkababa ng kotse ay automatiko akong napahawak sa kamay ni Agatha. Napangiti na lang ako nang maramdaman kung gaano iyon kalambot. Ang sarap hawakan ng kamay niya.

Bumalik lang ako sa katinuan ng sikuhin ako ni kuya kaya medyo naiinis akong napatingin sa kanya. Kahit kailan talaga, panira ng moment itong si kuya.

Hindi ko na lang siya pinansin at mas hinigpitan pa ang paghawak sa kamay ni Agatha. Baka kasi mawala ito kapag nasa loob na kami. Napakalaki pa naman nito at saka isa pa, pakiramdam ko'y may hindi mangandang mangyayari.

Nang bumukas ang sliding door ay pumasok na kaming tatlo. Nakakailang hakbang pa lang kami ng mapansin kong nagsisipaglingunan ang lahat ng mga tao dito. Biglang tumahimik ang paligid. Lahat sila, tutok na tutok sa amin. Yung totoo? Ngayon lang ba sila nakakita ng mga tao?

"Oh my God friend! Tignan mo oh! Di ba sila yung mga top model ng dalawa sa pinakasikat na Modelling Companies?" biglang sambit ng isang babae na nagpasabog sa katahimikan.

Natapik ko ang noo ko ng wala sa oras. Shit! Why did I forgot about that? Sikat nga pala kami. Tatlong beses lang naman kaming sumipot sa mga pictorials pero lintik! Wala pa atang isang linggo ay pumatok na sa buong bansa ang larawan namin. Isa na rin iyon sa mga dahilan kung bakit binili ni kuya iyong bahay na tinitirhan namin ngayon. Hindi kasi kami pwedeng sa mansyon umuwi dahil bantay sarado iyon ng nga fans, photographers at kung ano-ano pa.

"Oh my gosh! Sila nga! Mas guwapo pa pala sila sa personal!"

Natural! Galing sa magaganda at guwapo ang lahi namin kaya saan pa ba kami magmamana?

"Akin na lang kayo! Gosh! Kinikilig ako!" Hinding-hindi ako mapapasa iyo dahil nakita ko na ang para sa 'kin.

"Anong ginagawa nila rito? Buti na lang pala at tumuloy ako ngayon dito. Gosh!"

Mamamasyal malamang? Alangan namang magswiswimming? Common sense rin naman minsan.

Hindi na sana namin sila papansinin ni kuya nang bigla akong makarinig ng mga negatibong kommento tungkol kay Agatha.

"Pero sis, sino iyong babaeng kasama nina pogi? Ang chaka niya huh."

Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa utak. Hindi pa man ako nakakarecover ng nasundan pa ito ng nasundan.

"Bakit hawak-hawak ni fafa Rayne ung kamay nung chakang 'yan? May alcohol ka ba d'yan? I-a-abot ko lang kay fafa Rayne bago pa siya mahawa ng germs."

Napakuyom ako ng kamao. Calm down Rayne! Calm down. They're just a bunch of idiots. They're not even worth your attention.

"Ang chaka naman ng girlalu na 'yan! Oh, baka naman ay yaya lang nila yang babaeng 'yan?"

"Hindi dapat pinapayagan ni fafa Rayne na may humawak sa kaniyang chaka!"

That's it! That's the last draw! Sisigaw na sana ako ng maunahan ako ni kuya.

"Will you bitches shut the hell up before I throw you out of this  mall!" Agad namang natahimik ang mga tao sa paligid. Nabigla siguro sila sa pagsigaw ni kuya pero wala akong pakialam!

How dare these mortals say such things to Agatha! They don't even know her!

Pinilit ko na munang kalmahin ang sarili bago nilagayan ng headphone si Agatha para wala siyang marinig bago mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

Napatingin ako kay kuya at nakitang napatango lang siya. Tumango na rin ako bago hinila si Agatha papunta sa isang botique.

Naiwan si kuya na galit na galit pa rin.

Kung hindi lang ako naunahan ni kuya, baka kanina pa sila naging estatwa ng yelo. Ramdam kong kaunti na lang ay sasabog na rin sa galit si kuya pero pinipigilan lang niya. Kapag kasi nalaman ng Council na ginamit namin ang mga kapangyarihan namin sa mga normal na tao ay may kapalit na matinding parusa kaya hindi namin basta-basta magagamit ito. Iyon ang numero unong kautusan para sa mga katulad namin. Walang mortal ang dapat na makaalam tungkol sa amin kaya't napaka-delikado kapag nabuking ang existence namin. Isang maling galaw lang ay maaaring manganib hindi lang kami kundi lahat ng mga katulad namin na nakatira rito sa mundo nila.

Pagkabukas ng sliding door ay pumasok na agad kami.

Pagkapasok namin ay binati naman kami ng isang babaeng naka-ngiti pero halatang peke. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagnanasa.

Akala siguro niya ay hindi ko napansin iyong masamang tingin na ipinupukol niya kay Agatha. Sa unipormeng suot-suot nito ay paniguradong dito siya nagtratrabaho.

Puwede ko siyang ipatanggal sa ginawa niya. Isang salita ko lang sa boss niya ay pwede na siyang mag bye-bye rito.

Pero bibigyan pa kita ng isang chance. Depende na sa ipapakita mo sa amin, lalong-lalo na kay Agatha. Napangisi ako sa naisip. Akala ni kuya siya lang ang mag-eenjoy? Pwes! Hindi ako magpapahuli!

Hindi ko siya pinansin at inalalayan na lang si Agatha patungo sa may women's section na mga damit.

Sa totoo lang, wala akong alam sa mga usong fashion style ng mga kababaihan ngayon kaya hinahablot ko na lang iyong mga damit na sa tingin ko'y bagay at kasya sa kanya. Napapatingin na sa amin ang lahat ng mga customers dito pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ay may mga damit na rin sa wakas si Agatha.

Pagkatapos ng sandamakmak na pinili ko ay dumiretso na kami sa counter. Magbabayad na sana ako nang biglang ilapag ni kuya ang credit card niya. Nakita kong nanlaki ang mata nung babaeng cashier sa nakita, pero bago pa man siya magsalita ay pinatahimik na agad siya ni kuya. Mukhang kilala niya kami? Pero paano? Isa lang naman siyang kahera rito? Siya na rin ang nag-utos kay manong guard na dalhin lahat ng mga pinamili namin sa kotse.

Matapos magbayad ay pinauna ko na muna sila sa labas dahil may sasabihin pa ako sa manager dito. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni kuya pero hindi na siya nagtanong. Pagkalabas na pagkalabas nila ay agad kong binalingan ang babae.

"Call your manager. I want to see her now." Napamulagat ito sa gulat pero agad din naman itong sumunod nang makitang seryoso ako.

Wala pang ilang minuto ay lumabas na rin si Manager Sy.

"Mr. Smith! How nice of you to be..."

"Cut the useless formalities, Lyn Sy," pagpuputol ko sa anumang sasabihin niya. Mukhang nabigla ito pero agad din namang ngumiti.

"How can I help you then?" Lumapit muna ako sa kanya bago magsalita.

"Fire that woman. I don't need some trash working in my property." Utos ko rito habang nakatingin sa babaeng bastos na gulat na gulat sa narinig. Buti na lang at wala nang masyadong tao sa paligid.

I already gave her a chance, but she wasted it.

Oo nga at hindi niya sa amin ginawa iyon pero napakabastos ng bunganga niya. Akala siguro niya ay walang nakarinig sa kanya nung sinigawan at marahas na itinulak iyong kawawang matanda na nagtanong lang naman sa kanya kung nasaan ang banyo. Bago pa siya lapitan ng matanda ay nakita kong may kausap ito sa telepono sa oras ng trabaho. Nakakapanindig balahibo iyong mga pinag-uusapan nila kaya hindi ko na sana siya papansinin dahil kahit papaano ay may galang pa naman ako sa mga personal space kung tatawagin nila. Aalis na sana ako nang makita iyong matanda na nilapitan siya. Nagtanong ito at dahil siguro sa nakaistorbo ang matanda sa pakikipaglandian niya ay bigla niya itong sinigawan saka tinulak ng marahas.

"B-but sir..."

"Do as I say or I'll have this shop close!" Nanlalaki ang mga mata nito saka sunod-sunod na napatango.

Agad itong lumapit sa babae at sinabi ang pinapasabi ko.

Magproprotesta pa sana ito pero mabilis na akong lumapit sa kanya at sumandig bago bumulong.

"Sa susunod, siguraduhin mong walang makakakita o makakarinig sa mga pinaggagagawa mo. You're an eyesore! A dirt like you is made for the trash! Now, get the hell out of my sight!" mapanganib kong utos dito. Nakita ko ang panginginig niya sa takot kasabay ng pagpatak ng mga luha niya na ikinangisi ko.

Mabilis itong tumakbo palabas ng shop. Umayos na muna ako ng tayo bago binalingan si Lyn.

"You know what to do. If I ever see that piece of trash in one of my properties again, I'll have you all fired! Tell that to all of them."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at agad na lumabas. Alam na niya ang gagawin niya kaya hindi ko na kailangan pang i-explain. Ikakalat niya ang litrato ng babae sa lahat ng mga tagapamahala ng mga malls na pagmamay-ari namin. Sa pamamagitan nito ay wala nang kukuha sa kanya bilang trabahador.

Naisipan kong hanapin si lola para sana humingi ng tawad pero naisip ko na baka wala na ito rito.

"Ang tagal mo naman! Namumuti na ang mga mata namin dito sa kahihintay sa 'yo, wala ka pa rin! Ano ba ang ginawa mo sa loob?" Reklamo agad ni kuya ang sumalubong sa 'kin pagkalabas na pagkalabas ko sa botique.

Napanguso na lang ako sa narinig saka napatingin sa relo.

"Kuya naman! Wala pang 10 minutes kayong naghintay eh."

"Tsk! Tara na at marami pa tayong bibilhin para kay Agatha," ani kuya. Tumalikod na rin ito saka naglakad.

Bumuntong-hininga na muna ako bago tumingin kay Agatha.

"Tara na?" Nang tumango ito ay agad ko nang hinawakan ang kamay niya bago sumunod kay kuya.

"Ano pa ang kulang sa mga gamit ni Agatha?" Biglang tanong ni kuya habang naglalakad kami. Napaisip naman ako.

"May mga damit na siya pero wala pa siyang mga sapatos, sandals, bags at underwears." Pagkasabi ko nito ay biglang napahinto si kuya sa paglalakad na ikinagulat ko.

"Bakit?" Medyo naguguluhan kong tanong habang titig na titig sa kaniya.

"Pakiulit mo nga ang mga sinabi mo?"

"Huh? Why? Uhm, shoes?" Nagtataka man ay sinabi ko pa rin.

"No, the last one."

"Underwears? Why? Is there a..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mapagtanto kung ano iyon. Automatikong nanlalaki ang mga mata ko habang ramdam ko na naman ang pag-iinit ng mukha ko.

"Exactly, u-underwears. Hindi naman pwedeng wala s'yang undies," nauutal na sabi ni kuya. nagmimistula na ring hinog na papaya ang kaniyang mukha.

"You do it. Ikaw na lang ang bumili no'n para sa kaniya."

I was about to protest, but he said something that made me shut my mouth close.

"Only can do it. You have the power of a doppelganger, remember?"

Bakit palagi na lang ako?

"Let's go, the lingerie shop is just around the corner."

Wala na akong nagawa kundi ng sumunod na lang. Tinahak namin ang daan patungo sa isang sikat na shop ng mga undies na pangbabae.

"Good luck."

Kuya! Ano ba ang nagawa ko sa iyo at pakiramdam ko'y gustong-gusto mo akong pagtripan? May pangisi-ngisi ka pang nalalaman! Makakabawi rin ako sa iyo!

Sa kisig at guwapo kong ito, magpapanggap akong babae?

Help me! This is so unfair! Maluha-luha akong napatingin kay Agatha na titig na titig pala sa 'kin. Kagaya kahapon ay wala pa rin akong mababakas na emosyon sa napakaganda niyang mukha. Napangiti na lang ako habang kinukuntento ang sarili na para naman kay Agatha ang gagawin ko.

Lumingon na muna ako sa paligid. Maraming tao. Kailangan ko itong gawin ng mabilis kundi ay mabubuko ako.

Lumipat na muna ako ng pwesto. Mabuti na lang at may parte rito na kakaunti pa lang ang mga tao.

Nang makahanap ako ng magandang puwesto ay agad  na akong napapikit ng mariin. Nagconcentrate.

Ilang saglit pa'y naramdaman ko na ang pagpapalit ng aking katawan. Nagpigil pa ako ng tawa nang makaramdam ng kiliti. Para akong nag-aalaga ako ng ilang libong kiti-kiti sa bawat sulok ng aking katawan.

Isa ito sa tatlong mga dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong gamitin ang abilidad kong ito.

Napaitag pa ako nang maramdaman ang biglaang pagbaliktad ng aking sikmura. Para akong nasusuka na natatae na ewan. Urgh! I hated this feeling!

Ilang saglit din akong nagtiis hanggang sa naramdaman kong unti-unting humupa ang aking nararamdaman. Bumuntong-hininga na muna ako bago unti-unting dumilat. Alam kong naging babae na ako.

Medyo naweirduhan pa ako ng maramdamang may kung anong bagay ang bigla na lang dumagan sa may bandang dibdib ko. Mabibigat ang mga ito at malalaki pa. Pagbaba ko ng tingin ay ganoon na lamang ang ikinalaki ng mata ko nung makita ang dalawang bagay na sa babae lang makikita.

Hindi ko na rin maramdaman ang hinaharap ko dahil ramdam kong flat na ito. This is absolutely nightmare!

"C-come on. Let's get you those undies." Maluha-luha kong sabi sa kaniya bago siya hinawakan sa kamay at naglakad na paloob.



Inabot din kami ng halos tatlumpung minuto para makapili at makabili ng mga kakailanganin niya. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatagal sa loob ng shop na ito. Ramdam kong anomang oras ay tutulo na naman ang mga dugo sa ilong ko, mabuti na lang at napigilan ko pa. Mayroon din naman akong dalang panyo pero mas maganda pa rin na hindi ako binalinguyngoy. Madedehado ang pagpapanggap ko kung nagkataon.

Pagkalapag na pagkalapag ko ng pera sa babaeng kahera ay umalis na agad kami. Hindi ko kasi alam kung matatagalan ko pa rito.

Rinig kong tinatawag pa kami noong babae pero hindi ko na siya pinansin at tuluyan nang lumabas. Agad na hinanap ng mga mata ko si kuya. Nakita ko itong prenteng nakaupo sa isang coffee shop sa may di kalayuan.

Loko iyon ah! Ang sarap ng upo samantalang ako'y naghihirap sa loob! Ang sarap batukan!

Hoo! Calm down Rayne! Calm down! Nang maramdaman kong kumakalma na ako ay agad na kaming lumapit sa kanya.

"Oh, nandito na pala kayo. Rayne, kamusta ang este nabili mo na ba lahat ng gamit?" Salubong niya agad sa amin. Alam kong pinipigilan nitong tumawa dahil medyo namumula ang kanyang ilong.

Argh! Mom, dad, pwede ko na po ba itong katusan? Give me a sign at gagawin ko talaga 'yon! sa isip-isip ko pero iba ang lumabas sa aking bibig. "Ah, yes. Marami-rami nga kaming nabili."

"Mukhang nag-e-enjoy ka ah."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Magtatanong na sana ako ng mahuli ko si kuya na hinahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nagtaka naman ako kaya napatingin na rin ako sa sarili. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang hitsura ko. Tangina! Babae pa rin pala ako hanggang ngayon! Why did I forgot to release this form before we approached him? Why!

"Kaya nga! Nag-enjoy talaga ako. Sobra!" I said with so much sarcasm. Natawa naman ito kaya mas lalong nandilat ang mga mata ko. Ma! Pa! Nasaan na po iyong sign? Ang tagal naman po!

Pumikit ulit ako. Sa pagkakataong ito, imbes na makaramdam ng mga kiliti at pagsusuka, nakaramdam ako ng matinding  pagkaliyo. Idagdag pa na pakiramdam ko'y tila hinihigop ang aking enerhiya ng kung ano. Nanghihina ang aking katawan at anumang oras ay bubulagta na ako rito. Naramdaman ko na lang na pinaupo ako ni kuya sabay abot ng isang botilyang tubig.

Walang pag-aalinlangan ko itong kinuha at tila uhaw na uhaw habang nilulunok lahat.  Ilang saglit din ang itinagal hanggang unti-unting bumabalik ang lakas ko.

Lintik! Ito ang numero unong dahilan kung bakit ayaw kong gamitin ito. Kung bakit pa kasi sa 'kin napunta ang punyetang abilidad na ito! Kung pwede lang sana itong itapon ay matagal ko nang ginawa!

"Tara na Agatha." Bumuntong-hininga na muna ako bago akayin si Agatha palayo. Alam kong nakasunod lang siya sa amin pero hindi ko na ito pinansin. Dumiretso lang kami ng lakad patungo sa tindahan ng mga sapatos at sandals.


Sa loob ng sampung oras ay marami na kaming ginawa. Nanood ng horror, naglaro sa arcade, nagpicture taking, kumain sa Chowking, nag-grocery at namili ng iba pang mga gamit para kay Agatha.

Mag-a-alas dyes na rin ng gabi ng makauwi kami.

Kahit pagod ang katawan ay sulit na sulit naman dahil nag-enjoy kami ng husto.

This is definitely the best day of our lives!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro