Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6.1


RAYNE POV

Ang bilis naman ng oras. Tatlong araw na kasi simula nang tumira sa amin si Agatha.

Tatlong araw pa lang pero ang tatlong araw na iyon ang pinakamasayang mga araw sa buhay namin. Ang pinakamasayang mga araw sa buhay ko.

Simula noong dumating siya ay biglang nagkaroon ng kakaibang sigla ang nanlalabo kong mundo.

Sa loob din pala ng tatlong araw na iyon ay na-i-enrol na siya ni kuya sa school namin kaya simula sa Lunes ay doon na rin siya mag-aaral kasama namin.

Mas mabuti na rin siguro iyon para matutunan niya ang mga bagay-bagay. Para kasi siyang bagong silang na sanggol na walang kamuwang-muwang sa modernong mundo na ginagalawan namin.

Linggo ngayon kaya kailangan na naming bumalik sa Academy. Isa itong boarding school. Kung tutuusin ay noong isang linggo pa nagsimula ang klase pero ngayon lang kami makakapasok. Maraming inaskaso si kuya habang ako naman ay dinalaw ng pagkatamad.

Saktong-sakto naman dahil nakilala namin si Agatha. Kung pumasok siguro ako noong lunes ay paniguradong hinding-hindi ko makikilala si Agatha.

Biglang naputol ang pagmumuni-muni ko nang maalala ang sinabi ni kuya.

Sinipat ko ang relos ko at nakitang isang oras na lang ay lalarga na kami kaya mas binilisan ko pa ang pag-aayos ng mga gamit namin. Buti na lang at nakaligo na ako kanina kung hindi ay paniguradong abot-langit na reklamo na naman ang maririnig ko mula sa kaniya. Papaliguan ko lang si Agatha at pwede na kaming umalis.

Isa iyon sa mga napag-usapan namin. Balak sana naming kumuha ng katulong para may mag-asikaso sa kaniya habang nasa klase kami kaso hindi pwede ang mga iyon. Hindi pwedeng makapasok ang mga hindi estudiyante ng Eventide Academy kaya wala kaming ibang choice kundi i-enrol na lang siya. Sinigurado namin na magiging kaklase ko siya para mas mabantayan ko ito. Nasa higher year na kasi si kuya kaya sa 'kin niya siya binilin dahil mukha naman daw kaming magkaedad.

Matapos kong ilagay ang pinakahuling gamit sa bag ay mabilis na akong tumalima para paliguan siya.

Sa totoo lang, kahit tatlong araw na mula nung ako ang nag-aasikaso sa kanya ay hindi ko pa rin mapigilan ang pagkabog ng aking dibdib at idagdag pa ang pamulahan sa tuwing pinapaliguan ko na siya. Hindi naman masyado katulad nung una pero nandoon pa rin. Medyo nasasanay na rin siguro ako?

Syempre, kahit pagbali-baligtarin man ang mundo, hindi pa rin magbabago ang katotohanang lalaki pa rin ako at babae pa rin siya.

Buti sana kung bakla ako pwede pa, pero hindi eh.

"Masanay ka na nga Rayne! Dahil hindi na magbabago ang katotohanan na ikaw na ang nakatokang mag-asikaso sa kan'ya!" Bulong ko sa hangin bago humugot ng malalim na buntong-hininga.

Itinuon ko na lang ang pansin sa pagpapaligo rito.


Makalipas lang ng ilang minuto ay natapos na rin kami. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis ko na siyang binihisan. Bi-no-blower ko pa lang ang buhok niya nang biglang dumating si kuya.

"Are you guys ready?" Bungad agad niya agad pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Sabi ko na nga ba eh.

"Oo ready na, tatapusin ko lang ito." Nang tumango si kuya ay tinuloy ko na ang ginagawa ko.

Mula sa dulo ng mga mata ko ay nakita kong binuhat na niya ang mga bagahe namin bago magsalita.

"Be outside in 10 minutes."

Napatango na lang ako bilang tugon. Napabuntong-hininga lang ako ng tuluyan itong makalabas. Kahit kailan talaga, ang damot niya sa oras. Sa tingin kaya niya ay kasya iyong sampung minuto sa pagblo-blower ng buhok ni Agatha? Sobrang lambot naman ng buhok ni Agatha kaya ang sarap hawakan, iyon nga lang ay ang haba rin nito kaya medyo nahihirapan ako. Palibhasa kasi ay hindi siya ang nasa kalagayan ko. Kung palit kaya kami? Tignan ko lang kung makakaya niya. Hindi naman mahirap alagaan si Agatha, iyon nga lang ay pakiramdam ko'y anumang oras ay magiging tahanan ko na ang ospital sa tuwing papaliguan ko siya.

Ang dahilan?

Loss of of blood due to nosebleed.

Bumalik na lang ako sa realidad nang bilang may pinabasa sa 'kin si Agatha.

Are you okay?

Biglang napunit ang maluwang na ngiti sa aking labi nang mabasa ang nakasulat sa notebook niya. Mas lalo na nang makita sa salamin na titig na titig pala siya sa 'kin.

"Don't worry, my queen, I'm fine. Thank you."

Nakita kong napatango lang siya kaya tinuloy ko na ang ginagawa ko.

Matapos ko rito ay inaya ko na siyang bumaba. Baka kasi ipakain ako ni kuya sa mga alaga niyang Tigre kapag nagtagal pa kami sa itaas.

Pagkalabas ng bahay ay nakita ko si kuya na nakasandal na sa may kotse. Halatang naiinis na dahil tingin ng tingin sa relo niya. Agad na kaming lumapit dito pero buti na lang at wala siyang sinabi. Dumeretso na kasi siya sa driver's seat kaya inalalayan ko na munang makapasok si Agatha sa kotse bago ako maupo sa harapan.

Pagkalagay na pagkalagay ko pa lang sa seatbelt ko ay pinaharurot na niya iyon ng napakabilis. Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras.




Pagkalipas ng mahabang biyahe ay nkarating na rin kami sa wakas sa school. Muntik ko nang halikan ang lupa pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng kotse. Buti na lang at nacontrol ko pa. Masyado akong guwapo para gawin iyon! Isa pa, ano na lang ang iisipin ng mga ibang estudiyante kapag nakita nila akong hinahalikan ang lupa? Na ang isa sa pinakasikat dito sa Academy ay nakitang hinahalikan ang lupa? Like that's going to happen! Buti na lang ay halos walang tao sa paligid.

Tinignan ko ng masama ang kuya. Abala ito sa pagkuha ng mga gamit namin. Bumuntong-hininga na muna ako bago mapatingin sa relos ko. Alas tres na pala ng tanghali. Dapat nga ay aabutin pa kami ng mga alas singko o alas sais bago kami makarating pero dahil sa kupal kong kapatid ay limang oras lang ang inabot ng biyahe namin.

"I'll take care of the bags. Buhatin mo na lang si Agatha."

Nangunot ang noo ko sa narinig saka napatingin sa gawi ni Agatha. Halatang tulog dahil nakasandal ito sa may bintana.

Paano kaya niya nagawang matulog sa bilis na iyon? Pakiramdam ko nga'y naiwan pa ang kaluluwa ko sa bahay sa sobrang bilis ng patakbo ni kuya.

"Let's go."

Tumalima na agad ako para buhatin siya. Hindi ko maiwasang pamulahan dahil sa posisyon namin. Pakiramdam ko'y bagong kasal lang kami ngayon. Kulang na lang ang mga damit at bulaklak para kumpleto.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang magnakaw ng mga mumunting sulyap sa kanya. Payapang-payapa ngayon ang napakaganda niyang mukha. Ngayon ko lang din napansin na mas mahahaba pala ang kaniyang mga pilikmata kaysa sa 'kin.

Sobrang ganda talaga niya. Wala akong makitang hindi kanais-nais mula sa kaniya. Ngayon pa lang nakakahumaling na ang taglay niyang kagandahan. Paano na kaya kapag naayusan na siya ng maayos?

Bumalik lang ako sa katinuan nang marinig ang sigaw ni kuya. Hindi ko masyadong mawawaan dahil medyo malayo na pala siya sa 'min.

Mas binilisan ko na lang ang paglalakd. Mabuti na lang talaga at Linggo ngayon kaya walang masyadong estudyante rito sa campus. Wala ang nagkalat na mga fangirls kuno namin.

Urgh! Oh how I hate them!

Oo nga at may pagka-babaero ako pero syempre pinipili ko pa rin naman ang mga nagiging gf ko.

Hindi ako yung tipo ng babaero na patol lang ng patol. Ako yung tipo na namimili pa.




Pagkarating namin sa silid namin ay maingat ko siyang inihiga sa kama saka kinumutan.

Nahiga na rin ako sa mahabang sofa at sinubukang maidlip pero kahit anong gawin ko ay hindi dinadalaw ng antok.

Kanina lang antok na antok ako tapos ngayon? Nganga! Sa inis ay hindi ko namalayang bumababa na pala ang temperature sa loob ng kwarto. Nagulat na lang ako ng biglang may bumagsak. Kasabay ng pagkawala ng konsentrasyon ko ay siya namang pagbalik ng temperatura sa normal.

Shit! Agatha! mura ko nang wala sa oras. Nawala saglit sa isip ko na nandito rin pala siya. Mabilis akong tumayo at pinuntahan siya pero gaya kanina ay ang himbing pa rin ng tulog niya.

I let out a breath of relief as I kissed her forehead. Lalabas na sana ako para tulungan si kuya sa paghahakot ng mahagip ng mata ko ang nakataob na picture frame. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nagtulak sa 'kin na puntahan iyon. Pagkakuha ko nito ay nakita ko ang litrato naming magkakaibigan. Nakangiti kaming lima habang nakabusangot naman sina kuya at si kuya Reese. Kailan ba ngumiti yung dalawang iyon? Lalo na si kuya Reese? Hindi ko pa iyon nakikitang ngumiti kahit minsan.

Kamusta na kaya sila? Nakakamiss din pala ang mga mokong na ito.

Kaming pito ang naturingang pinakamatalino, pinakatalented, hearthrobs at ang kings and queens ng Eventide Academy. Hindi nila alam na sa likod ng pagiging perfect role models namin ay may mga halimaw na nagtatago. Kami rin ang pinapadala ng Head Master para sa mga mapanganib na misyon. Bawat misyon ay buhay na namin nakasalalay. Walang ibang nakakaalam tungkol sa mga kapangyarihan naming pito maliban lang sa head master at ang teacher namin sa P.E. Sila kasi ang dahilan kung bakit kami nagkakakilalang pito. Sila ang nag-imbita sa amin na pumasok sa paaralang ito. Walang nakakaalam sa amin kung bakit at paano kami nagkaroon ng mga kapangyarihan. Ang alam lang namin ay mayroon na kami ng mga ito mula pagkabata. Alam naming marami pang iba diyan na katulad namin pero hanggang doon lang. Ang sabi ni head master Jeong ay sasabihin din niya sa amin sa tamang panahon. Kailan kaya iyon?

Napatigil lang ako sa pagmumuni-muni nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nun si kuya. Hawak-hawak nito sa magkabilaang kamay ang iba pa naming mga gamit. Bukod dun ay may maleta pa siyang dala.

"Tutunganga ka lang ba d'yan?" malamig niyang turan sa 'kin.

Inikot ko lang ang mga mata ko. Kahit kailan talaga ito. Tumalima na lang ako para tulungan siya.

Matapos naming ilapag ang lahat ng mga bagahe sa sahig tumalikod na agad ito at akmang lalabas na sana pero naunahan ko. "Sa'n ka pupunta kuya? May naiwan pa ba sa baba?"

"Wala na. May pupuntahan lang." Hindi ko makita ang hitsura niya ngayon dahil nakatalikod pa rin siya sa 'kin pero sigurado akong umiiwas talaga ito.

Bakit hindi na lang kasi niya diretsuhin na ayusin ko ang mga gamit niya sa cabinet niya? Ang dami pang dahilan eh.

"Oo, ako na bahala rito. Nakakahiya naman kasi sa 'yo," sarcastiko kong sabi. Napapailing na lang ako. Palagi namang ganito eh.

"You behave eh."

Napamulagat ako sa narinig. Ramdam ko na naman kasi ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Umandar na naman ang imahinasyon niya.

"Kuya naman!" pahabol kong sigaw. Hindi nga lang niya siguro narinig dahil nakalabas na ito ng pinto.

"Tsk! Nakakainis! Mag-aayos na nga lang ako ng mga gamit tutal ay hindi rin naman ako makatulog."

Mabilis kong hinablot ang bag ni kuya. Aayusin ko na sana ito nang biglang may pumasok na kalokohan sa utak ko.

"It's payback time!" Malademonyo kong ngisi habang nilalagay sa loob ng cabinet ang kan'yang mga damit.

Hehe, akala mo mauutakan mo na naman ako? No way!

Matapos kay kuya ay sa amin naman ni Agatha ang inayos ko. Tatlo lang kasi ang cabinet dito kaya magkasama na ang mga damit namin. Buti na lang at malaki ito. Kasyang-kasya lahat ng mga gamit namin. Habang nag-aayos ay hindi sinasadyang mapatingin ako sa wardobe ni kuya Reese.

Nasa ayos na ang mga gamit niya. Ibig sabihin ay nandito na rin siya. Kaming tatlo kasi nina kuya ang magkakakwarto rito pero ngayon ay apat na kami. Sa kabilang kwarto naman ay iyong apat pa naming kaibigan.

Sa totoo lang ay magkahiwalay naman talaga ang dorm ng mga babae at lalaki pero dahil nga raw special students kami ay exempted na kami sa rule na iyon. Alam kong unfair iyon para sa ibang estudiyante pero wala kaming magagawa dahil hindi naman kami pwedeng makihalubilo sa kanila. Naiintindihan naman namin si HM. Mas maigi pa nga ang ganito dahil malaya naming nagagamit ang mga kapangyarihan namin.

Saka isa pa, hindi kasi pwedeng sa ibang kuwarto mapunta si Agatha kaya sinigurado ni kuya na sa kwarto namin siya mapupunta. Ang problema nga lang, si kuya Reese.

Napakaiksi ng pasensiya ng lalaking iyon. Mas maiksi pa kay kuya.

Godbless kuya na lang at nawa'y biyayaan siya ng walang katapusang paliwanag sa oras na sasabihin na niya ang tungkol kay Agatha.

Pagkalipas ng ilan pang minuto ay natapos na rin ako sa wakas. Nag-inat-inat na muna ako bago tumingin sa wall clock. Alas kwatro na pala ng hapon. Napagpasyahan kong lumabas na muna sa may terrace para magpahangin.

Nahiga ako sa may duyan. Dahil na rin siguro sa malamig ang simoy ng hangin at idagdag pa ang pagod sa biyahe ay hindi ko na namalayang nakaidlip na pala ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro