Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


ZHYRIX POV

"What the hell are you two doing?" hindi ko mapigilang sumigaw sa nakita. Ang awkward kasi ng posisyon nila.

Agatha is on top of Rayne. On top of him! What the heck!

Agad kong inalalayang makatayo si Agatha pero sa pagdikit pa lang ng kamay ko sa kamay niya ay may naramdaman na naman akong kakaiba.

Hindi ko matukoy kung ano kaya binaliwala ko na lang iyon.

Matapos ko siyang itayo ay tumayo na rin ang kapatid ko.

"Now, care to explain!" mapanganib kong tanong kay Rayne habang titig na titig sa kanya.

"Ganito kasi 'yon kuya Sjsjsjsjjsjsjsjsjsjsjsj, 'yan, gano'n ang nangyari."

Biglang nalukot ang noo ko. Ano raw?

"Puwede bang umayos ka ng sagot? Wala akong naintindihan sa sinabi mo!" bulyaw ko rito.

"Oo na!" Padabog niyang sabi bago tinuro ang basa sa sahig.

"'Yan! Nadulas ako d'yan tapos humawak ako sa kung anuman ang mahawakan ng kamay ko at 'di ko naman alam na si Agatha pala 'yon kaya ayon! Dumiretso na kami sa sahig, eh sakto namang bumukas ang pinto at pumasok ka."

Naningkit ang mga mata ko. Papaniwalaan ko kaya itong kapatid ko?

"Paano ba kasi nagkaroon ng tubig diyan?"

"Hindi ko nga rin alam. Nga pala kuya, ba't nandito ka pa? Akala ko ba may meeting ka pa?"

"Bakit? May problema ba? Teka nga, bakit parang atat na atat kang paalisin ako? Nakakahalata ka na ha."

"Kuya naman! Gumagana na naman ang imahinasyon mo! Alam mo namang hindi ako gano'n!" Hindi ko na lang pinansin ang pagnguso niya dahil saglit akong napasulyap. Nakatayo na pala ito sa may bintana habang nakatanaw sa labas.

"May nakalimutan ka na naman ba kuya?" Bumalik ang tingin ko kay Rayne. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"A-ah, wala na. Cancelled na ang meeting ko," pasinungaling ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na bumalik ako dahil naiinis ako na siya ang kasama ni Agatha.

Teka? Bakit nga ba ako naiinis? Shit! Kailangan ko na talagang magpatingin sa doctor ko! Puwede pala iyon? Ang mainis ng walang dahilan?

"'Di ba sabi mo pupunta kayo ng mall? Sasama na lang ako. Tutal, wala rin naman akong gagawin ngayon."

Ano ba naman itong pinagsasabi ko?

"Talaga kuya? Sige! Pero maliligo muna kami." Napatango naman ako sa sinabi niya kaya tumalikod na rin ako at akmang lalabas na sana nang magsalita ulit siya.

"Agatha, halika na, maliligo na tayo." Napantig ang tainga ko sa narinig.

Tama ba ang narinig ko? Napatingin ako kay Agatha at nakitang pumasok na siya sa banyo. Akmang susunod na rin sana si Rayne nang hinawakan ko ng mahigpit ang isa niyang balikat.

"Where do you think you're going?"

"Maliligo?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah eh! Wala kuya! Pinupunasan ko lang itong pinto kasi maalikabok!" sabi niya. Halatang kinakabahan dahil hindi ito makatingin ng diretso sa 'kin. Pinopokus lang niya ang attensiyon sa pagpupunas ng pinto.

I just narrowed my eyes on him as he continued what he was doing.

"Ayan! Malinis na!" Napatingin din siya sa 'kin pagkatapos niya iyong punasan kaya napangisi ako.

"Umamin ka nga. May balak kang silipan siya kanina ano?" dire-diretso kong tanong ko habang titig na titig dito.

Mabuti na lang pala at bumalik ako kundi baka kung ano nang kalokohan ang gawin ng isang ito.

"Kuya naman! Siyempre wala! Wala ka na atang bilib sa pagiging perve– Este uhm... Ahh... Sa pagiging uhmm gentleman ko? Tama! Sa pagiging gentleman ko!" Natatawa niyang sabi sabay hawak sa batok. Huli ka!

"Don't lie to me Rayne. Kilalang-kilala kita," seryoso kong sabi habang titig na titig pa rin dito. Nakita ko siyang ngumuso ulit bago magsalita.

"Oo na po! Pasensiya na! Hindi na mauulit!" Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik ulit ang tingin sa pintuan ng banyo.

"Siguraduhin mo lang."



"Ako lang ba kuya o sadyang kanina pa ako walang naririnig na lagaslas ng tubig?" biglang tanong ni Rayne makalipas ng halos sampung minutong paghihintay.

Tumango na lang ako bilang tugon.

Nagsisimula na ring kumabog ang aking dibdib dahil na rin siguro sa kaba at pag-aalala. Idagdag pa na kung ano-anong masasamang imahe ang pumapasok sa utak ko.

Paano kung may nangyari na sa kaniya sa loob? Kung nadulas siya at nabagok ang ulo kaya nawalan ng malay? Pero impossible naman ata iyon, wala naman kaming narinig na kumalabog. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Rayne.

"Pupuntahan ko na muna siya at baka kung napaano na 'yon." Mabilis na itong napatayo at akmang maglalakad na sana nang pinigilan ko.

"Ako na." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya saka mabilis na tinungo ang pintuan.

"Miss? Miss Agatha? Ayos ka lang ba d'yan?" Kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumagot kaya mas lalong kumabog ang aking dibdib.

"Miss Agatha sumagot ka naman oh! Ayos ka lang ba d'yan o baka napaano ka na?" sigaw ko ulit. Hindi pa ako nakuntento'y dinikit ko pa ang aking tainga sa pinto para kahit papaano ay may marinig naman ako sa loob.

"Tanga! Kuya! Nakalimutan mo na bang hindi siya nakakapagsalita?" Napaitag ako sa sinabi ni Rayne. Hindi ko na rin pinansin ang pagtawag niya sa 'kin ng tanga dahil nakapokus ako sa huli niyang sinabi.

"Shit! Oo nga pala! Nakalimutan ko!" Saang lupalop ba ng mundo nag-gala ang utak ko at nakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na iyon? Paano naman siya ririsponde kung hindi nga siya nakakapagsalita?

"Agatha! Bubuksan ko itong pinto at papasok ako ha!" biglang sigaw ni Rayne na nagpabalik sa 'kin sa realidad. Hindi ko alam kung paano siya nakarating dito pero pagtingin ko sa tabi ko ay nandito na pala siya.

Bago pa ako makapagprotesta ay binuksan na niya agad ang pinto at mabilis na pumasok.

Sumunod na rin ako. Pagkapasok ay nakita namin siyang nakaupo sa may gilid ng bath tub at parang iniinspeksyon iyong sabon?

"Diva! Anong ginagawa mo? At bakit 'di ka pa nakaligo?"

Napailing na lang ako sa inasta ng kapatid ko. Ang lakas ng boses. Daig pa ang malayo ang kausap.

"Diva?" Nangungunot ang noo kong tanong sa kanya.

"Oo kuya! Ang magiging palayaw niya,"

"Paano naging Diva?" Naguguluhan kong tanong. Gawa-gawa lang na naman niya siguro ito.

"Kinuha ko sa apelido niya. Kinuha ko iyong D tapos ung VA sa Valliere. Pinagsama ko at ayon naging DIVA! Galing ko noh?"

Saan nga ba jto nagmana ng ugali? Pero, Diva huh? Maganda naman iyong suggestion niya. Bagay na bagay sa kanya.

"Bakit kuya? May naiisip ka bang iba?" Umiling na lang ako bilang sagot habang natatawang napatingin sa kapatid ko na ngayo'y nasa harapan na pala ni Agatha o ni Diva.

"Bakit hindi ka pa naliligo?" malambing na tanong ni Rayne. Kung alam ko lang, nagpapa-good shot lang ito.

Hinintay namin ang sagot niya, pero lumipas ang ilang saglit ay wala pa rin. Ni hindi nga ito gumalaw sa kinauupuan niya. Ang hirap din pala ng ganito.

Lumapit na ako sa kanila pero bago pa ako makapagsalita ay gumalaw na ito. Nakita kong inilabas nito ang isang notebook at may kung anong sinulat doom bago ipakita sa amin.

I don't know how.

Natigilan ako sa nabasa. Mula sa dulo ng mga mata ko ay nakita kong nanlalaki ang mga mata ni Rayne. Halatang hindi rin nito inasahan ang nabasa.

Ilang saglit pa'y naramdaman ko na lang na nag-init ang magkabilaang pisngi ko. Mabuti na lang at malapit lang sa 'kin ang salamin. Mula room ay kitang-kita ko ang mala rosas na kulay ng aking mukha. Ito na ba ang tinatawag nilang nagblu-blush?

"Y-you d-dont k-know h-how to t-take a b-bath?"

Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon ay paniguradong tatawanan ko si Rayne. Daig pa niya ang nakalunok ng ilang palaka. Hindi makapagsalita ng diretso.

Nang makita naming tumango ito ay mas lalo kaming namula. Kasing tingkad na siguro ng dugo ang mga mukha namin.

"Anong g-gagawin natin kuya? Hindi naman pwedeng hindi siya maligo ngayon dahil kahapon pa niya suot iyan," baling sa 'kin ni Rayne. Napailing na lang ako.

"Hi-hindi ko rin alam!" Sa totoo lang ay wala talaga akong kaide-ideya kung anong gagawin dahil pati utak ko ay hindi na rin gumagana sa pagkakataong ito.

"P-paliguan mo na lang muna siya at saka na tayo mag-isip mamaya kung anong magandang gawin." Hindi ko na hinintay ang isasagot niya dahil mabilis na akong tumalima palayas doon.



RAYNE POV

Walang hiya ka kuya! Iniwan mo talaga ako rito? Nasaan ang hustisya!

Paking tape! Ano gagawin ko? Papaliguan ko ba talaga siya?

Pero hindi ko pa nararanasang magpaligo ng ibang tao kaya hindi ko alam! Lalo na at babae pa ito.

Maski nga bata ay hindi ko alam kung paano, siya pa kaya na kaedad ko lang?

"Come on Rayne! Use you brain! Ano gagawin ko?" hysterical kong sabi sa sarili. Napatingin ako sa kanya. Titig na titig pa rin ito sa 'kin. Halata ring hindi pa ito gumagalaw sa kinauupuan.

"S-sigurado ka ba na hindi mo talaga alam kung paano?" tanong ko ulit habang nakatingin ng deretso sa mata niya. Baka nang gu-good time lang ito.

Katulad kanina ay naghintay muna ako ng walang hanggang bago siya tumango.

"Eh kasi hindi kasi ako pwedeng magpaligo sa 'yo. B-babae ka at lalaki naman ako. Kailangang maligo ka ng mag-isa," kalmado kong sabi pero sa totoo lang ay kanina pa kumakabog ng pagkalakas-lakas ang aking dibdib. Dinaig ko pa ang sumali sa marathon dahil dito.

Medyo napahinga lang ako ng maluwang nang makita siyang nagsulat ulit sa kaniyang notebook.

They are bathing and dressing me back home. Why can't you?

Again, I felt my eyes widened like saucer plates. Ang hirap naman nito! Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon?

"That's not the point. You see..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana nang biglang marealize ang nabasa ko.

"Bathing? Dressing? Ibig sabihin hindi mo talaga alam kung paano? I can't believe it! Saan ka ba nakatira at hindi ka nila tinuruan maligo mag-isa?" Nanlalaki ang mga mata ko. I can't believe this!

Ramdam na ramdam ko ang nag-iinit kong pisngi pero pinilit ko na lang itong hindi pansinin. Hindi naman sa ayaw ko siyang paliguan, kaso, hindi talaga pwede eh. Hindi ko pa naman siya girlfriend kaya paano?

No. They are the ones doing that. Ever since I was born until now.

Kung isa lang sana akong bomba, paniguradong kanina pa ako sumabog. Ang iintense naman ng mga rebelasyon! Hindi ko alam kung makakaya ko pa o hindi.

Agad kong pinag-isipang mabuti ang mga nabasa. Paulit-ulit itong nag-e-echo sa utak ko. Maputi na ata ang mga uwak bago ko mapagtanto ang gusto niyang sabihin.

If that's how her life used to be, then it could only mean one thing.

Ibig sabihin ay sumobra pa sa sobra ang yaman ng pamilya niya. Oh, kaya naman ay isa talaga siyang prinsesa?

Sa pangalan pa nga lang niya, maharlika na ang dating.

Pero, ano naman kayang klaseng prinsessa ito? Run away princess? The long lost princess or the hidden princess? Ah! Ewan! Kung sinuman siya sa mga prinsesang nabanggit ko, wala na ako roon. Basta ang akin lang, I'm doomed!

Anong gagawin ko? Ah! Bahala na nga!

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na akong magagawa pa. Nandito na eh.

"Ok. I will do it just this just once. Pero Kailangan mong matutunang maligo mag-isa dahil 'yon ang pinakaimportante sa lahat, ok?" mahinahon kong sabi. Syempre, kahit ganito ako ay gentleman pa rin ako. Nang tumango ito ay napangiti na rin ako.

Pheww! Kaya mo 'to Rayne! Kaya mo 'to! Ikaw pa! Isipin mo na lang na nagpapaligo ka lang ng bata.

Agad na akong tumalima para punuin ng maligamgam na tubig ang bath tub. Nang matapos ko ito ay tinulungan ko naman siyang magtanggal ng damit niya pero hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil naramdaman ko na lang na hinahalikan ko na ang sahig.

"Aray ko po! Ang kamay ko! Potek! Ang bigat naman nito!" Daing ko sa sakit. Naipit kasi ang kamay ko dala ng pagkabigla.

Anong klase at saan gawa ba ang damit na ito? Para akong pumapasan ng ilang kilong ginto sa sobrang bigat!

Ilang beses ko itong sinubukang angatin, pero ayaw talaga. Sumasakit lang ang mga braso ko sa tuwing pinipilit ko.

Sa huli ay sumuko na rin ako habang habol-habol ang hininga. God! I need a break!

Pinalipas ko na muna ang ilang saglit bago ulit napatingin kay Agatha na mas lalong ikinamula ng hindi lang ng pisngi ko kundi ang buong mukha ko. Kahit kailan ay hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng balinguyngoy nang dahil sa isang babae pero mukhang mararanasan ko na ata ito ngayon. Pero impossible naman! Sakto lang naman ang temperatura rito sa banyo. Isa pa, wala akong allergy kaya imposibleng mangyari.

Gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin ay hindi ko magawa. Parang may kung anong malakas na pwersa ang humahatak sa 'kin para titigan ang kabuuan niya habang nakanganga. Mas tumingkad pa kasi ang kagandahang taglay niya. Totoo kaya ang hinala ko? Baka naman ay siya ang nawawalang prinsesa ng mga diyosa?

Mula sa manipis niyang sando na kulay puti ay naaaninag ko na ang hubog ng katawan niya. Hourglass mga pre!

Malasutla at napakakinis ng kanyang kutis. Mala-kulay dugo rin ang kanyang labi. Napakatingkad nito. Ang tangos ng kanyang ilong. At ang buhok niyang kulay pilak ay malayang nakikipaglaro sa hangin na nagmumula sa bukas na bintana.

Kung noon ay hindi ako naniniwala sa perpectong hitsura, ngayon naman ay kabaligtaran na. Nasa harapan ko na kasi ang ebidensiya.

Ano ba Rayne! Umayos ka nga! Hindi ngayon ang tamang oras para humanga! Kailangan mo s'yang paliguan kaya umayos ka!' Napapikit ako ng mariin. Pinilit kong makabalik sa realidad saka matapang na humarap sa kaniya.

"S-sige na t-tanggalin mo na ang damit mo at maupo ka na rito," kalmado kong sabi, pero sa totoo lang ay parang magwawala na ang puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tumalikod na rin ako para i-check ang tubig pero muntikan na akong mapatalon sa gulat nang mapatingin ulit sa kanya.

Wala na itong saplot. Kitang-kita ko ang kabuuan niya. Shit! Shit! Shit! T-totoo ba itong mga nakikita ko? Fuck! Alam kong nakanganga ako ngayon. Kulang na lang siguro ang mga langaw para magpyesta sa bibig ko. Ngayon ko lang din natuklasan na totoo pala ang mga napapanood ko sa cartoons. Kung gaano kalaki ang mga mata nila, ganoon din ako ngayon. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Para akong pinako sa kinatatayuan ko ngayon. Ni daliri ng mga paa ko ay hindi ko maigalaw.

Bumalik lang ako sa realidad ng marinig ang huni ng mga ibon sa labas. Kung pwede ko nga lang halikan ang ito ay ginawa ko na. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad na tumalikod. Napahawak na rin ako sa dibdib ko.

Ramdam na ramdam ko ngayon ang malalakas at mabibilis na pagkabog ng aking dibdib. Ano ba ito! Para akong nakagawa ng krimen!

Mayamaya pa'y may naramdaman akong malapot na bagay na tumutulo sa aking ilong kaya't mabilis ko itong pinunasan.

Ganoon na lamang ang pagkabigla ko ng makitang dugo pala iyon. I-ibig bang sabihin nito...

Fuck! Bakit ako binabalinguyngoy?

Hindi na ako nagsayang ng oras at agad na tinungo ang gripo.

Sa loob ng ilang minuto ay wala akong ginawa kundi ang pakalmahin ang sarili ko, pero kahit anong pilit kong itakwil sa aking utak ang mga nakita ko ay hindi ko magawa-gawa. Kusa itong bumabalik sa aking balintataw.

Mabuti na lang at nagawa kong pahintuin ang pag-agos ng dugo.

Inabot pa ng ilang saglit bago ako tuluyang kumalma. Matapos ang pakikipaglaban ko rito ay huminga na muna ako ng maluwang bago ulit siya nilingon. Para akong nabunutan ng tinik ng makitang nakaupo na pala siya sa loob ng bath tub kaya agad na kong kumilos para matapos na ito.

Mabilis ko na siyang pinaliguan kahit na nararamdaman kong malapit na naman akong mag-dugo sa ilong. Sobrang lambot ng katawan niya! At ang kinis! Ang sarap haplusin!

Ngayon ko lang din nalaman, ang hirap pa lang magpaligo ng may iniiwasan. Pinipilit ko kasing umiwas sa mga maseselang bahagi ng katawan niya hangga't kaya ko.


After what seemed an eternity, I'm finally finished. Napatingin ako sa orasan at nakitang halos kwarenta minutos na pala kami rito sa loob. Sana lang ay hindi mag-isip ng kakaiba si kuya.

Agad na akong lumabas para kuhanan siya ng damit. Ipapagamit ko na muna sa kanya ang mga damit ko dahil wala namang damit pambabae rito.

Pagbalik ko sa banyo ay muntik na akong madulas sa nakita. Nakatayo na siya sa tabi ng bath tub ng hubo't-hubad kaya naman ay mabilis akong tumalikod.

"Shit! I'm definitely not doing this again!" bulong ko sa hangin. Bumuga na muna ako ng hangin bago dahan-dahang lumapit sa kanya. Pagkalapit ay agad ko siyang palibutan siya ng twalya.

Matapos noon ay lumabas na rin kami. Agad ko na siyang tinuyo gamit nito saka siya binihisan.

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang malalakas na tahip ng aking dibdib. Akala ko'y ayos na, hindi pa pala. Saludo na talaga ako sa mga artista. Ang hirap pala umakting. Kulang na lang kasi ay bumulagta na ako rito sa sobrang lambot ng mga tuhod ko. Kaya ko ito!

Pagkatapos ko siyang bihisan ay nilagyan ko na rin siya ng kaunting disguise. Panigurado kasing agaw ng pansin mamaya ang taglay niyang kagandahan.



Napahinga lang ako ng maluwang nang matapos ko na siyang asikasuhin.

Sana lang ay maging maayos mamaya ang pagpunta namin sa mall.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro