Chapter 4: Question time
ZYRIX POV
Pagkalabas ay sinalubong kaagad ako ng malamig na simoy ng hangin. Madilim din ang mga ulap tanda ng papalapit na pag-ulan. Mabuti na lang at naisipan kong dalhin ang kotse at hindi ang motor.
Dumiretso na ako sa garage at napangiti ng makita ang aking kotse. Ang kauna-unahang bagay na regalo ko sa sarili ko noong ika-labing walong kaarawan ko. Apat na taon na rin ito sa 'kin, pero nagmumukha pa rin itong bago.
Lumapit na ako rito at akmang bubuksan na sana ito nang maalalang naiwan ko nga pala sa may lamesa iyong susi.
Damn! Kung kailan naman nandito na 'ko saka ko pa naalala! Automatiko kong naikuyom ang kamao ko para pigilan ang inis na namumuo sa aking dibdib.
Kalma ka lang Zhyrix. Kalma lang. Walang mangyayari kung papairalin mo ang inis mo. Ilang beses muna akong napabuntong-hininga bago kinapa ang bulsa.
Naisip kong tawagan na lang si Rayne para ipadala sa kanya ang susi.
Teka, nasaan na ang cell ko? Huwag mong sabihing...
Shit! Naalala ko, magkasama ko nga pa lang pinatong ang cellphone at susi sa lamesa dahil maliligo ako kanina. Nakalimutan ko silang dalhin dahil natakpan ang mga ito ng damit.
Lintik na iyan! Ang aga-aga minamalas na ako!
Agad na akong tumalikod at naglakad pabalik sa bahay.
Wala sa sarili kong binalibag ang pinto saka pumasok.
Mula sa dulo ng mga mata ko ay nakita ko si Rayne na kumakain. Napatingin din siya sa 'kin habang nanlalaki ang mga mata. Hayayaan ko na sana siya ng mahagip ng mata ko ang pigura ng isang babae?
Ah. Baka namamalikmata lang ako.
Hindi ko na lang sila pinansin. Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang matigilan. Biglang bumalik ang enerhiya ko na kani-kanina lamang ay tumakas. Pakiramdam ko'y tumaas bigla ang mga dugo ko sa katawan.
Teka, tama ba ang nakita ko? May kasamang babae si Rayne? Para makasigurado ay dahan-dahan akong lumingon sa kanila.
Napamulagat na lang ako nang makumpirmang hindi lang ito illusyon. Kahit pa natatakpan ng mahabang upuan ang babae ay kitang-kita ko pa rin ito.
"Who is this?" Pigil galit kong tanong. Nakita ko pang lumunok muna si Rayne bago bumulong.
Damn!
Medyo nabastusan pa ako ng makitang nakatalikod pa rin sa 'kin ang babae at hindi man lang lumingon para tignan kung sino ang nagsalita. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na nilapitan ang kapatid ko.
"Rayne, who is this? I warned you, didn't I?" asik ko sa kanya. Ayaw na ayaw ko kasi na may ibang tao rito sa bahay maliban lang sa mga kaibigan namin. Nawalan na ako ng tiwala simula noong paulit-ulit kaming pagnakawan ng mga naging maids namin dito kaya simula noon ay hindi na ako kumuha ng mga katulong. Sinanay ko ang sarili ko at si Rayne na gumawa ng mga gawaing-bahay nang hindi umaasa sa ibang tao.
"Ah! K-kuya! Pasensya na! Long story! But I can explain!" pautal-utal niyang sabi habang kinakabahang napapatingin sa babae.
Agad kong sinundan ang mga tingin niya na nagpatulala sa 'kin.
What the heck!
Bakit ganito?
Pakiramdam ko'y naga-slow motion ang paligid. Napamulagat din ako at kulang na lang siguro ay dumapo na sa sahig ang aking panga. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan. Ni mga daliri ko sa paa ay hindi ko magawang i-galaw.
"Ya!"
Totoo ba siya o isa lang siyang illusyon?
"Kuya!"
Kung panaginip man ito ay huwag niyo na po akong gisingin.
"Kuya!"
Napaitag ako sa malakas na sigaw ni Rayne sa mismong tainga ko. Automatiko akong napahawak dito. Pakiramdam ko'y nabasag na ata ang eardrums ko.
"Hinay-hinay lang! Mabibingi ako sa 'yo!" sigaw ko pabalik habang takip-takip ang tainga.
"Kanina pa kasi kita tinatawag! Para ka kasing naestatwa d'yan sa kinatatayuan mo!" he yelled with so much sarcasm. Shit! What just happened?
"Alright alright! Tama na! Huwag ka na sumigaw at mas lalong masisira eardrums ko sa 'yo!" Kunyari ay walang gana kong sagot habang pasimpleng sumilip sa babae.
Hindi na ito sumagot, bagkus ay tinawanan pa ako.
"But who'se she? Your new girl?" tanong ko ulit pero may isang parte sa isipan ko na nagsasabing hindi sana.
"Actually, nakita ko lang siya sa gubat kagabi kaya isinama ko na muna siya rito. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan dahil alam mo namang delikado lalo na kapag gabi."
Biglang umaliwalas ang mukha ko sa narinig. Ibig sabihin ay hindi niya ito nobya.
Teka teka. Ano ba itong naiisip ko? Nababaliw na ba ako?
"Doon na lang tayo sa salas kuya. Doon ko na lang ipapaliwanag ang lahat." rinig kong sabi ni Rayne. Tumango na lang ako bilang tugon kaya agad na ring niyang nilapitan yung babae na katatapos lang kumain.
"Tapos ka na ba kumain?"
Isn't it obvious, Rayne? May nakikita ka pa ba sa plato niya? Gusto ko sanang sabihin ang mga oyon, pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko'y nalunok ko ang aking dila kaya't nanatili lang akong nakatingin sa kanila. Saka isa pa, baka bigyan na naman ng kahulugan ni Rayne kapag nagsalita pa ako.
Nang tumango ang babae ay agad na siyang inalalayang tumayo ni Rayne. Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa nakita. Lalo na noong makita kong hawak-hawak na niya ang kamay nung babae ay may naramdaman akong kakaiba.
Hindi ko alam kung ano dahil ngayon ko lang naman iyon narandaman kaya binalewala ko lang ito. Dala lang siguro ito ng gutom.
Pagkatayo ng babae ay agad ko itong hinagod ng tingin at napansin agad ang kanyang damit.
Kakaiba kasi ito.
Para itong damit ng mga tao noong sinaunang panahon? Oh, baka naman ay isa itong cosplayer? Pero hindi eh, hindi uso dito sa Pinas ang mga gano'n. Paniguradong iisipin ng mga tao na takas ka sa mental.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hihintayin ko na lang ang explanasyon ni Rayne.
Nang makarating kami sa sala ay bigla na naman akong nainis nang makita ko silang magkatabi sa pahabang sofa habang ako ay nakaupo naman kaharap nila.
Hindi lang pala malas kundi ang weird din ng araw na ito. Bakit ako naiinis sa kapatid ko ng hindi ko alam?
Sisiguraduhin kong dadaan na muna ako sa kilala kong albularyo mamaya. Hindi na maganda ito, baka nae-engkanto na ako.
Pinokus ko na lang ang attensiyon kay Rayne na nagsisimula nang magsalita.
Nandito na ako ngayon sa daan habang minamaneho ang Aston Martin ko pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Rayne kanina.
"kuya ano ba gusto mo malaman?"
Di ba obvious? Iyan sana ang gusto ko sabihin pero hindi na kasi baka manghinala pa siya.
"All," walang ka intere-interesado kong sabi, pero sa totoo ay atat na atat na akong malaman ang tungkol sa kaniya.
"Well," paninimula niya, "her name's Agatha. Agatha Vessalius D' Valliere."
Agatha ha? Biglang napunit ang isang maluwang na ngiti sa aking mga labi. Napatingin ako kay miss Agatha. Napakagandang pangalan, Maharlika ang dating. Bagay na bagay sa diyosa niyang kagandahan, sa isip ko habang titig na titig pa rin sa kaniya.
"I met her last night... you see... Uhmmm... Uhhh..."
"Spill it out! What is it?"
"Uhm, you see, she just appeared out of nowhere last night in the middle of my fight with Tiger. And he attempted to use her as his shield so I had no choice, but to run off with her."
Tiger?
That name sounds familiar. Teka, huwag mong sabihing...
Napakuyom ako ng kamay. How dare those monkeys!
"And because it's already near midnight kaya ko siya dinala rito. Do'n din siya natulog sa kwarto ko."
Napantig ang tainga ko sa narinig. Ano raw? Tama ba ang narinig ko? Sa kwarto niya siya natulog?
"Kuya! Don't get the wrong idea! Of course I slept on the Couch!" Depensa niya agad sa sarili niya at halatang kinakabahang nakatingin sa 'kin.
Nang hindi ako makuntento sa sagot ni Rayne ay tinanong ko na si Agatha.
"Is this brother of mine saying the truth?"
Imbes na sumagot ay tiningnan lang niya ko. Nang magtama ang mga mata namin sa isa't-isa ay naramdaman kong muli ang weird na bagay na iyon. Ilang saglit pa'y bigla akong nakarinig ng tunog ng mga tambol. Palakas ito ng palakas.
Napatingin ako sa dalawa, nagbabakasakaling naririnig din nila pero nagkamali ako.
Mula sa pangungunot ng noong nakikita ko kay Rayne ay napatunayan kong ako lang pala ang nakakarinig. Pero bakit?
Sumeryoso na lang ang ako ng makitang tumango lang si Agatha bilang sagot. Tango lang talaga?
"Hey, Rayne? Why isn't she saying anything? She's been so quiet," bulong ko kay Rayne. Mabuti na lang at narinig niya.
"Ah! Yes kuya. 'Yan ang pinakamalaking dahilan kung bakit ko siya dinala rito,"
"What?"
"She can't speak," mahina lang ang pagkakasabi niya, pero para itong bombang sumabog sa pandinig ko.
"Ano!" Bigla akong napatayo sa gulat. Pati ako ay nagulat sa inasal ko.
Mabilis kong inayos ang sarili bago kalmadong tumingin kay Rayne.
"You're kidding, right?" tanong ko ulit. Baka kasi ay gi-nu-good time lang ako nitong kapatid ko.
"I wish I was. But sadly, I was telling the truth. If she wants something, she would write it on a paper."
Kilala ko ang kapatid ko. Malakas ang trip nito. Palagi niya akong pinagtritripan. Tumigil lang ito ng pinagsabihan ko, pero sa pagkakataong ito, ako na mismo ang nangangarap na sana ay hindi totoo ang mga sinasabi niya. Na sana'y isa lang ito sa mga pranks niya at mayamaya lang ay hahagalpak na ito ng tawa dahil naisahan na naman niya ako.
Umasa akong mangyayari iyon, pero lumipas ang ilang saglit ay wala talaga.
"Besides that, I don't know how old she is, where she came from or her parents. I'm sorry kuya, but the only thing that I know about her is her name and the fact that she can't speak."
Hindi na ako nakapagsalita. Para akong nauupos na kandila kinatatayuan ko. Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito. Ang araw na ako naman ang maghahanap sa mga kalokohan ng kapatid ko.
"Sige na kuya maliligo lang kami bago pumuntang mall para bumili ng damit niya," rinig ko pang sabi ni Rayne bago ako iniwang tulala pa rin.
Bigla akong napapreno sa gitna ng kalsada ng maalala iyon. Anong sabi niya?
Maliligo raw sila!
This is crazy!
Walang pag-aalinlangan kong inikot ang kotse ko at pinaharurot ito ng sobrang bilis pabalik sa bahay. Sa sobrang pag-iisip ay nakalimutan ko na ang tungkol sa teleportation power ko. Mabuti na lang at hindi pa ako masyadong nakakalayo kaya't wala pang limang minuto ay nakarating na ako.
Pagkababa ng kotse ay halos liparin ko na ang hagdan paakyat sa kwarto ni Rayne. Nang makarating ay pumasok na ako nang katok-katok.
"Kuya? What are you doing here?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro