Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23


REESE POV

Umaga na pala pero ni ilang minutong pahinga ay hindi ko nanakaw. Sa tuwing pipikit ako ay ang paulit-ulit na salitang iyon ang rumerehistro sa aking balintataw. Para itong nakaukit sa aking isipan na ang hirap palayasin.

Aist! Ba't ko na naman ba naaalala ang mga nangyari kagabi?

"H-how? What do you mean how? Have you lose your mind or something?" singhal ko rito pero gaya ng dati, isang blankong tingin lang ang natanggap kong sagot.

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa batong ito?

Muli siyang nagsulat sa kaniyang papel. Ilang saglit pa'y ipinakita na niya ito sa akin na siyang ikinalaki ng mga mata ko matapos mabasa ang nakasulat dito.

How?

How na naman? Pinaglololoko ba ako ng babaeng ito?

"I'm not going to ask you again. What the fuck do you mean by that?" kalmado kong tanong. Kailangan dahil baka kung ano na ang magawa ko rito.

Muli ay nagsulat na naman ito sa kanyang notebook. What is it this time?

Are you not going to bath me?

Mula sa paniningkit ng mga mata ko ay napamulagat ako sa nabasa. Literal na napanganga pa ako.

What the fuck? Am I really seeing this correctly? Was this an illusion or something?

Yeah! Right! Isa siyang illusionist kaya possibleng isa na naman ito sa mga tricks niya.

"You can drop this illusion now. Hindi mo ako maloloko nang dahil lang dito," seryoso kong sabi pero ang inaasahan kong mawala ay nanatili pa rin.

Hindi pa rin ito gumagalaw mula sa pagkakaupo. Nanatili lang itong titig na titig sa akin.

Biglang binalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang kaunting ingay na nagmumula sa labas.

It then hit me like tons of rocks. This was not an illusion! Totoo ang mga nabasa ko!

What the!

"You're not serious, are you?" tanong ko pa ulit. Kailangan kong makimpirma bago ako mag-assume.

Inabot pa ng ilang segundo bago siya tumango. Sa pagkakataong ito, pakiramdam ko'y para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking mukha. Mula sa dulo ng mga mata ko ay kitang-kita ko ang hitsura ko mula sa mga salamin. Kasing-tingkad ng mga rosas ang kulay ng aking pisngi.

Mayamaya pa'y bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Mula sa kalmadong pintig ng aking dibdib ay unti-unting napalitan ng mabilis na pagtahip nito. Wari'y ba'y sumali ako sa marathon. Huh? Anong nangyayari?

Pinilit ko itong kontrolin pero nabigo ako. Imbes na mawala ay mas lalong nagwala ang aking puso. Idagdag pa na para akong nag-aalaga ng mga paruparo sa tiyan. Nakakakiliti.

What the fuck is happening with stupid body of mine?

Napatingin ako kay Agatha pero wrong move yata. Mas lalo lang kasi itong gumanda sa paningin ko.

Wait! Did I just say that?

The hell! What's wrong with me?

"For what reason do you think I'll do that? Am I your fucking servant or something? Kung ayaw mong maligo, so be it!" malakas kong singhal sa kanya bago dali-daling lumabas. Baka bumulagta kasi ako ng wala sa oras.

Baka matunaw ako sa mga titig niya.

Bumalik lang ako sa realidad nang tumunog ang telepono. Napabuntong-hininga na muna ako bago ito angatin.

"What?"

["Uhm, sir. There's someone who wants to see you."]

Nangunot ang noo ko sa narinig. May bisita ako? Sino?

"Who was it?"

["Sir, he presented himself as Andrew Vox. A colleague of yours."]

"Where is he?"

["He's currently outside the building, sir. He said he wanted to meet you."]

Hindi na ako nagsalita pa.

["Sir, should I tell him to—"]

"Tell him to wait," sabi ko at walang sabi-sabing binaba ang telepono. Hindi ko na rin pinatapos ang sasabihin niya.

Ano naman kaya ang kailangan niya?

Napahilamos ako ng mukha at hindi sinasadyang mapatingin sa gawi ng balkonahe.

Nakita ko siyang nakatayo pa rin na parang estatwa gaya ng araw-araw niyang ginagawa. Bumaba ang tingin ko sa mga damit niya. Ilang araw na kami rito pero iyon pa rin ang kaniyang suot.

Hoo! Bahala na siya! Tignan ko lang kung hanggang kailan niya matitiis ang ginagawa niya.

Bago lumabas ay naglagay na muna ako ng jacket. Hindi na rin ako nagpaalam na aalis na muna ako. Para saan pa.

Pagkarating ko sa baba ay bumungad agad sa akin ang mukha ng nakangising si Andrew.

Dumako ang tingin ko sa kabuuan nito. Bagong gupit na ang kanyang buhok. Pati na rin ang kanyang mahahabang balbas ay wala na. Naka-porma rin siya kaya kahit papaano ay nagmukha na siyang tao.

"What are you doing here?" Bungad ko agad dito. Hindi na ako nag-abalang batiin ito.

"Whoah! So cold! Is that how you greet a friend?" sabi niya sabay akbay sa akin.

Naningkit naman ang mga mata ko sa inasta niya. Tinignan ko siya ng masama at mukhang nakuha naman niya dahil tinanggal agad niya ang pagkakaakbay sabay taas ang kamay sa ere na tila hinuhuli ng mga pulis.

Mabuti naman dahil kung hindi ay uuwi itong walang kamay.

"Since when are you my friend?" tanong ko ulit dito. Imbes na sumagot, bumungisngis lang ito.

"I'm just kidding! That is called a joke. You're so uptight. Come on! You need to loosten up sometimes or you'll age faster!" Natatawa niyang sabi pero imbes na matawa ay mas lalo ko lang itong sinamaan ng tingin.

"I'm not in the mood for your jokes. Now, what do you want?" Nang makita nitong seryoso ako ay agad naman nitong inayos ang sarili bago sumagot.

"Not here," makahulugang sabi nito sumenyas sa mga trabahador ng Hotel.

Nakuha ko naman agad ang gusto niyang iparating. Kung tungkol doon ang balitang dala niya, mas maganda pa nga kung sa isang pribadong lugar kami mag-usap.

"Follow me," ani ko bago nagpatiunang umalis.

Mas maganda na nga kung sa kwarto na lang namin pag-uusapan ang tungkol sa kung ano man ang balitang hatid niya.

Walang nagsalita sa amin habang binabagtas ang mahabang korridoryo patungo sa silid namin. Wala namang problema sa akin ang ganito, hindi ko lang alam sa kasama ko.

Pagkarating namin ay agad kaming pumasok. Mabuti na lang pala at nasa balkonahe pa si Agatha.

Pinaupo ko na muna ito sa sofa bago magtanong.

"So? What about the mission?" direkta kong tanong. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Gusto kong malaman ang tungkol sa impormasyong hawak niya.

"Is this how you entertain your guest?"

Nangunot na naman ang noo ko sa sinabi niya. Nakangisi pa ito ngayon.

"What do you mean?"

"Won't you at least offer me a drink? A coffee? Tea? Or even a glass of water maybe?"

Imbes na gumalaw ay tinuro ko na lang ang mini ref. "Suit yourself."

Agad naman itong tumayo at tinungo ang fridge.

"Wow! And I thought mine was bad enough, yours is even worse!" Naiiling na sabi nito pagkabukas na pagkabukas pa lang nito ng ref.

Hindi na ako nagsalita pa. Alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.

"You should really fill your fridge with some sweets and snack and not just water." Pagkasabi niya nito ay naglabas na ito ng isang bottled water at agad na nilunok hanggang sa mangalahati ang laman.

"Hoo! That was refreshing! Akala ko'y mamamatay na ako sa uhaw!" Palatak niya habang parang tangang tumatawa-tawa pa.

Seriously? Ngayon lang ba siya nakatikim ng tubig?

"By the way, where's your gorgeous wife?"

Hindi pa man ako sumasagot ay nagsimula na nitong libutin ang kabuuan ng silid. Feel at home kung umasta.

Kung tuluyan ko na kaya ito? Pero hindi pwede. Hindi ko malalaman ang tungkol sa impormasyong ibabalita niya kung nagkataon.

"There you are! How are you miss? It's nice to see you again! Wow! You're really stunning!"

Muntik na akong mapahagalpak ng tawa sa narinig. Mabuti na lang at nagpigil pa ako.

Anong silbi ng kagandahan niyang iyan kung hindi naman naglilinis ng katawan? Ano kayang magiging reaksiyon nito kapag sinabi ko sa kaniya ang totoo?

Sinundan ko na sila sa terrace pero biglang kumulo ang dugo ko nang makita itong titig na titig sa kabuuan ni Agatha. Titig na may kasamang pagnanasa.

Naiintindihan ko naman siya. Lalaki rin ito kaya natural lang na humanga siya pero hanggang doon lang! Subukan lang niyang hawakan ni dulo ng buhok ng babaeng iyan. Sisiguraduhin kong mata lang nito ang walang latay!

"Eherm!" Kunyari ay ubo ko para tawagin ang pansin niya.

Mukhang wala kasi ata itong balak umiwas ng tingin.

Nagtagumpay naman ako dahil napatingin agad siya sa 'kin.

"I apologize. But I just can't keep away from her beauty. If I'm not this old, then I would surely court her to be mine."

Nagtagis ang bagang ako sa tinuran niya. Ramdam kong umakyat ang lahat ng mga dugo ko sa utak. Naikuyom ko na rin ang aking mga kamao.

Gusto ko siyang suntukin ng pagkalakas-lakas pero nagpigil ako. That is when something fun popped out of my mind.

Napangisi ako sa naisip bago lumapit sa kanila.

"I apologize, Captain Andrew Vox, but you seem to forget that she's already my wife, meaning, she mine!" Nakangisi kong sabi bago hinapit ang baywang ni Agatha. Nakita ko pa ang panandaliang pagdilim ng mukha ni Andrew na agad niyang itinago sa pamamagitan ng pagtawa.

"Of course! I knew from the start that I had no chance over her!"

Napangisi ako. Alam kong peke lang ang pinapakita niya. Ang pangit pa niyang tumawa.

"Now, tell me, what is so important that you came to find me yourself?" Pagbabago ko ng topic.

"Ah! Yes! I'm just here to inform you that the Island would become visible in the next 12 hours."

"What happened? There's still a day before the next full moon,"

"I also don't know. But prepare yourselves. We sail towards the Island tonight."

Tumango naman ako bilang sagot. Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi niya pero nakakasigurado akong may itinatago ito na hindi ko alam.

Kung kinakailangang paikutin ko siya sa mga palad ko, gagawin ko.

Malalaman ko rin kung sino ka talaga, Captain Andrew Vox!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro