Chapter 22
REESE POV
"What are you doing? I thought I told you to change your clothes!" asik ko sa babaeng nasa harapan ko. Halos tumalsik na rin ang laway ko pero wala na akong pakialam. Urgh! Shit! She's really driving me mad!
"Hindi ka ba nakakaintindi ng English? Gusto mo tagalugin ko para sa 'yo? Ang sabi ko, magpalit ka na muna ng damit! Or better yet, go and take a bath. Ang baho mo na!" Pagtataboy ko rito. Itinuro ko pa ang banyo pero hindi pa rin ito gumaglaw.
What the hell is her problem? May kausap pa ba ako? Kalma ka lang Reese. Kalma ka lang! Napabuga ako ng hangin habang sinusubukang kalmahin ang sarili. Pasalamat na lang ako at epektibo pa.
"Maligo ka na muna kung gusto mong kumain," mahinahon kong sabi. Baka ito na ang magpapagalaw sa kaniya?
Akala ko lang pala. Imbes na gumalaw ay nanatili lang itong nakatitig sa 'kin. It's actually kinda creepy the way she stares at me. Ni kumurap ay hindi niya nagagawa. Basta't dire-diretso lang itong nakatitig. Tao pa kaya ito? O nagbabalat-kayo lang?
Fuck it! This girl, she's freaking impossible!
"I give up! Bahala ka na nga! Basta't sinabihan na kita," sabi ko sa kaniya bago dumiretso ng upo. Naisip ko lang, bakit ko pa papakialaman ang buhay niya? My job is to look-out for her safety, not her well-being.
Yeah, that's it. Magmula ngayon, kanya-kanya na kami. Hindi na kargo-de-konsensiya ko kapag nagkasakit man ito o kung ano pa.
"Let me clear some things first," panimula ko. Tinitigan ko na rin siya ng diretso. Nakaupo na rin ito sa kabilang upuan.
"Magmula ngayon, kanya-kanya na tayo. Kung ayaw mong maligo, kumain, magpalit o kung ano pa man, hindi ko na problema. Hindi ka na bata para pagsabihan kaya umayos ka."
Kagaya ng dati, tango lang ang natanggap kong sagot. Napahilamos ako ng mukha. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa isang ito. Mas mabuti na rin siguro kung ganito lang kami.
Binilisan ko na lang ang pagkain para makalayo sa babaeng ito. Nawala nang tuluyan sa aking isipan ang paggamit ng mind control sa kaniya. Hindi ko na kasi maatim ang ugali niya.
Kumakain pa lang ito ay umalis na ako sa lamesa. Dumiretso ako sa terasa para magmuni-muni. Hanggang ngayon ay tumatatak pa rin sa isipan ko ang nakita kanina. Kung illusyon lang ba iyon o hindi. Pero hindi eh. Ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng aking mga mata nang tumama ang liwanag nito sa 'kin. Hindi iyon magagawa ng isang illusyon lang.
Totoo kaya ang naisip ko? Na may kapangyarihan si Agatha?
Tss. I need to confirm it. Kailangan ko ng matibay na ebidensiya. Bumuntong-hininga na muna ako bago bumalik sa loob.
Mabilis lumipas ang mga araw. Sa ngayon ay anim na araw na kami rito sa Hotel. Sa loob ng anim araw ay naging abala ako sa pagtuklas tungkol sa totoong pagkatao ni Agatha. Wala namang naging problema maliban lang sa isang bagay.
"What the heck? Are you crazy or something? Hanggang ngayon pa rin ba, 'yan pa rin ang suot mo? Halos isang linggo mo nang suot-suot 'yan ah! Maligo ka nga!" Pagtataboy ko rito habang turo-turo ang banyo.
Hindi naman sa may pakialam ako. Nakakairita lang kasi sa mata na iyon at iyon pa rin ang suot niya. Halos mag-iisang linggo na kami rito pero hindi pa rin ito naglilinis ng katawan. Hindi ba siya nanglalagkit o kaya naman ay nandidiri? Yung totoo, hindi ba niya naiintindihan ang salitang proper hygiene? O kaya naman ay takot ito sa tubig? Ano siya? Pusa?
Hindi ako maarteng tao pero sa pagkakataong ito, pati ako'y medyo nandidiri na rin. Saka isa pa, sa tingin ko'y wala ata talaga itong balak maligo. Araw-araw na lang ay nakatayo ito sa may gilid ng terasa.
"What are you waiting for? Go!" asik ko sa kan'ya. Nang hindi ito sumunod ay ako na lang ang gumalaw. Marahas kong hinablot ang kaniyang braso saka tinulak papasok sa banyo.
Harsh mang tignan, pero ito lang ang alam kong paraan para mapapasok siya sa banyo. May allergy ata kasi ito pagdating sa mga banyo.
"Huwag na huwag kang lalabas dito hangga't hindi ka nakakapaglinis ng katawan!" singhal ko sa kaniya. Agad na rin akong lumabas pagkasabi ko ng gusto kong sabihin. Balak kong maglakad-lakad na muna sa tabing dagat. Alas-tres pa lang naman ng tanghali kaya may ilang oras pa bago dumilim.
Pagliko ko sa isang madilim na eskinita ay bigla akong nakaramdam ng isang malakas na aura.
Automatiko akong napatigil sa paglalakad at pinakiramdaman ito ng mabuti. Nanggagaling ito sa may bandang dulo.
It then hit me like tons of rocks. H-hindi kaya...
Hindi na ako nagdalawang-isip at mabilis na tinakbo ang makipot na daan. Hindi ako pwedeng magkamali sa naramdaman. The one giving off this kind of aura is none other than an Ability User.
Inabot lang ako ng ilang saglit bago makarating sa dulo. Agad kong ikinubli ang aking presensiya sa madilim na parte ng eskinita habang matamang na nakatingin sa harapan.
May isang lalaking naka-hood ang nakikipaglaban sa mga lalaking naka-itim. Nasa labing-isa ang mga lalaking naka-itim pero halatang mananalo at mananalo pa rin ang lalaking naka-hood.
Mas lalong lumakas ang hinala ko ng magpalabas ito ng isang espada.
Tama nga ako. Isa rin itong Ability User. Kagaya namin ay mukhang bihasa na rin ito sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan. Mukhang dumaan din ito sa matinding training. Kapansin-pansin ito sa kanyang galaw, bilis, at teknika.
Para lang itong nakikipagsayaw sa hangin habang tinatapos ang kaniyang mga kalaban.
Hindi niya tinuluyan ang mga ito pero halatang malalalim ang mga pinsalang binibigay niya.
Just who the heck is this guy?
Bawat galaw ng lalaki ay i-no-obserbahan ko. Bago at kakaiba sa aking paningin ang technique na ginagamit niya.
I must admit, he's good.
"Come out. I know you're there." Napangisi ako sa narinig. Ngayon ko lang din napansin na nakahiga na pala lahat ng mga kalaban niya.
"Don't make me repeat myself." Mas lalo pa akong napangisi bago tuluyang lumabas.
Diretso akong naglakad hanggang sa ilang dipa na lang ang agwat namin.
Pilit kong inaaninag ang kan'yang mukha ngunit sadyang maluwang at malaki ang kaniyang hood kaya wala talaga. Idagdag pa na madilim ang parteng ito.
"Congratulations. You found me. Shall I give you a round house of applause?" Nakangisi ko pa ring tanong. Alam kong naitago ko ang aking presensiya pero nagawa pa rin niya akong ma-detect. Mga piling tao lang ang nakakagawa noon. Pero ang isang ito, nagawa niya.
"Who are you?"
Imbes na sumagot ay naglakad lang ako paikot sa kaniya hanggang sa mapunta ulit ako sa harapan niya.
"You're good," panimula ko, "but not good enough."
Kahit na hindi ko makita ang mukha niya ay alam kong natamaan siya sa sinabi ko.
"What the fuck did you say?"
Hindi na ako sumagot, bagkus ay tumalikod na ako at akmang aalis na sana nang bigla akong nakaramdam ng isang bagay na papunta sa 'kin. Mabilis ito, pero mas mabilis ako.
In a blink of an eye, I quickly turned around and caught the blade in between my fingers. With just a twist of my finger, the blade was snapped into two. Sa lakas ng impact ay sumama na rin ang lalaki. Bumalibag siya sa matigas na semento. Kitang-kita ko itong napaubo ng dugo pero hindi ko siya pinansin.
"Don't try me, kid." Tumalikod na ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Imbes na magtungo sa dagat ay napagpasyahan kong bumalik na lang sa Hotel. Kailangan kong makausap si HM tungkol dito. Nakalimutan ko kasing dalhin ang cellphone ko dahil deadbat ito kanina.
Pagkabalik ko ay una kong hinagilap ang telepono saka di-nial ang numero ni HM.
Inabot ako ng ilang minuto pero wala pa ring nag-aangat. Sa inis ay muntik ko nang maibato ang telepono ko nang sa pangatlong tawag ay hindi pa rin ito sumasagot.
"This is bullshit! Kung kailan natawag ako saka pa niya hindi inaangat!" Knowing him, alam kong palagi niyang dala-dala ang telepono niya kahit saan man ito magpunta kaya hindi ko alam kung sinasadya ba niya o talagang hindi niya napapansin.
Agad kong pinakalma muna sarili ko bago ulit pindutin ang kaniyang pangalan.
Kapag hindi pa niya sinagot, malilintikan na ito sa 'kin.
Nakaka ilang ring pa lang nang angatin niya ito.
"What the heck are you doing, HM? Kanina pa ako tawag ng tawag hindi mo pa sinasagot!" Bulyaw ko agad sa kaniya pagkaangat na pagka-angat niya.
["Pasensiya naman. Nakaidlip kasi ako kanina kaya hindi ko napansin ang tawag mo."]
Inikot ko na lang ang mga mata ko sa narinig. Halata naman kasi sa boses na bagong gising lang ito.
"Urgh! Nevermind!"
["Ano nga pala ang kailangan ng aking cute na estudiyante?"]
Napasapo ako sa noo sa narinig. Wala na bang alam ang isang ito kundi puros kabaliwan? Agad din naman akong nag-seryoso.
"I just saw an ability user," malamig kong turan. Automatiko namang napatahimik ang kausap ko sa kabilang linya. Alam kong busy pa ito sa pagproprosseso sa narinig.
["What kind of an ability user?"]
Napaisip agad ako sa tanong.
"Hindi pa ako sigurado pero nakita kong naglabas ito ng kung ano-anong armas mula sa kamay niya." Kung iisipin ay wala naman akong ibang nakita maliban dito pero alam kong may itinatago pa ito.
["Ah. Is he a weapon master?"]
"I'm not sure. Besides that, I haven't seen him use other powers. Pero sa lakas ng aurang pumapalibot dito, sigurado ako na hindi lang 'yon ang kaya niyang gawin."
["Where is he now"]
"I don't know. I left after I confronted him."
["Find him, Reese. I want to meet this guy in person. Do whatever it takes to bring him. He seems to be interesting."]
"Masusunod," tanging sagot ko na lamang bago ibaba ang tawag.
Napahawak ako sa sentido ko. I can already see the headaches. Bukas ng gabi na magsisimula ang misyon ko pero nadagdagan pa.
Where the heck am I gonna find that guy?
Napabuntong-hininga na lang ako bago pumasok sa loob.
Akmang aalis na sana ulit ako ng biglang matigilan.
Bakit parang may nakalimutan yata ako?
Ah. Imagination ko lang siguro iyon.
Tuluyan ko nang napihit ang doorknob at lumabas pero nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong napamulagat.
Fuck! Si Agatha!
Dali-dali akong pumasok ulit at inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid ngunit ni anino niya'y hindi ko makita-kita.
Where the heck is that girl?
Teka, huwag mong sabihing...
Automatiko akong napalingon sa gawi ng banyo.
Huwag mong sabihing nandoon pa rin siya.
"Hoy miss. Tapos ka na ba?"
Nang walang sumagot ay lumapit na ako sa may pinto at agad iyong kinatok.
"Agatha! Ano? Tapos ka na ba d'yan?"
Ilang beses ko nang kinatok ang pinto pero wala pa rin akong sagot na natatanggap. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na ring tumahip ng mabilis ang aking dibdib. Wari ba'y nakipagkarera ako ng ilang kilometro. Idagdag pa na napakatahimik sa loob. Ni lagaslas ng tubig ay wala akong marinig. Baka kung ano nang nangyari sa isang iyon.
Hindi ko naman nakakalimutan na hindi ito nakapagsalita pero sana man lang ay magbigay ito ng senyales na ayos lang siya.
"Isa! Kung hindi ka pa sasagot ay papasukin na kita!" sigaw ko ulit pero gaya ng kanina, wala pa rin.
Hindi na ako nag dalawang-isip na pwersahang buksan ang pinto. Sinipa ko ito ng pagkalakas-lakas kaya naman ay halos tumalsik na ito palayo.
Mabilis akong kumilos. Muntikan pa akong mapasubsob pagkapasok ko. Nakita ko kasi siyang prente lang na nakaupo sa gilid ng bath tub. Mukhang hindi pa ito gumagalaw dahil suot-suot pa rin nito ang kaniyang damit.
Biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa nakita. Alam kong nagmumukha na akong hinog na papaya rito pero wala na akong pakialam.
Agad ko siyang nilapitan.
"What the heck are you doing? Kanina ko pa sinasabi na maligo ka na!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong singhalan siya. Nagmumukha akong nagger na asawa rito pero hindi na iyon importante.
Imbes na gumalaw ay nilingon lang niya ako saka kinuha ang kaniyang notebook at lapis.
What the heck is it this time? Huwag mong sabihing isusulat niya diyan na hindi siya marunong. Ha! Don't make me laugh.
Ganoon na lamang ang pandidilat ng mga mata ko nang iharap niya sa 'kin ang kanyang notebook.
Kung pwede nga lang siguro ay umabot na hanggang sahig ang aking panga.
Pakiramdam ko'y para akong tuod dito sa kinatatayuan ko.
What the hell! Am I hallucinating or something?
How?
What kind of answer is that?
SOMEONE POV
Nandito ako ngayon sa rooftop. Nakangisi habang hinihintay ang tawag ng aking panginoon.
Mayamaya pa'y tumunog nga ang aking telepono. Mabilis ko itong inangat pero agad ko rin itong inilayo sa tainga nang mabungaran ang malakas na boses ng aking amo. Gaya ng dati, nagtatanong ito tungkol sa aking misyon.
Hinintay ko na muna itong kumalma bago sagutin.
"Yes master. Everything is going according to plan. Sooner or later, we will have the girl, plus, the data."
["Good. As expected from you. Don't you dare fail me."]
Bahagya akong napalunok sa narinig. Hindi pa man ako nakakasagot ay naputol na agad ang linya. Nanginginig ang mga kamay kong ibinaba ang telepono bago ito kinuyom.
Sa tono ng boses niya, alam kong mata ko lang ang walang latay kapag pumalpak ako sa misyong ito. Kung bakit pa kasi ako ang napiling humawak sa misyong ito!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro